Chapter 21- Comatose

Continue…
Na sa harap na kami ngayon ng hospital ng bigla na namang mag ring ang cellphone ko. Papatayin ko na sana ito dahil baka prank call na naman. Pero ng makita ko, si mama pala tumatawag kaya kaagad ko itong sinagot.
"Nak! anong oras na. Hindi ka pa ba uuwi?" tinig ko ang pag- aalala sa boses ni mama sa kabilang linya.
Sinenyasan ko si Dale na mauna na sa loob at susunod ako.
Kaagad naman itong naglakad, " Ma, nasa hospital kami ngayon nandito kasi si Ryna. Na accident siya kanina." sagot ko at nagsimula ng maglakad. " Ma, sige na uuwi din ako kaagad. Labyu." kaagad ko ding binaba ito at hinabol si Dale.
Ng makarating na kami doon nakita ko sina Tito at tita na nakaupo sa may gilid.
"Tita, tito kamusta po siya?" tanong ko at kita ko ang lungkot sa kanilang mukha.
"Comatose ang sabi ng doctor kanina. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nanganganib ang buhay ng anak ko." hagulgol ng mommy ni Ryna.
"Ryna is a brave person tita." Umupo ako at niyakap si tita para kahit papaano ay maging okay siya.
Ngumiti sila, " Maraming salamat iha. Alam kung pagod kana din sa school and sa work mo but still pumunta ka pa din dito to visit my daughter." Hinawakan nito ang mga kamay ko. Tanging ngiti na lang ang naigawad ko.
Ramdam ko ang pagod pero kailangan ako ng kaibigan ko ngayon.
"Salamat iha. Salamat sa inyong mga kaibigan niya."
" Nandito po kami para sa kanya. And at the same time, sino ba naman po ang mag dadamayan kung tayo- tayo lang din diba." Ngumiti lang ako at sakto naman ang pagdating nila." Umuwi na po muna kayo tita kami na po muna ang bahala dito total sabado naman bukas."
"Mabuti pa nga. Aalis na kami." sambit ni tito at nagpaalam na din ang iba sa kanila.
Sinundan namin ito ng tingin hanggang sa tuluyan na nga silang makalabas.
"lj? nandito ka din?" Tumakbo ako papalapit sa kanya. Parang ilang linggo din kaming hindi nagkita since lumipat na siya ng school niya. And ngayon andito siya.
Klent's POV
Umalis na muna ang mga magulang ni Ryna and nag volunteer na lang muna kaming mag bantay sa kanya.
"lj? nandito ka din?" Tumakbo si Thea papalapit sa kanya. Matagal tagal din nung huli namin itong makasama. Marami ang nagbago sa kanya.
"Oo naman. Mag kakaibigan tayo, dapat lang na magdamayan tayong lahat." Ngumiti ito at nakipag apiran pa ito kina Ricky, habang napatapik naman si Rayn sa balikat niya.
"Hoy, ngayon ko lang ata nakita yang ngiti na yan ah. Hmm may gusto ka kay Thea noh?" asar na tanong ni Joy habang nakangiti pa.
Napangiwi na lang ako at bumuntong hininga.
"Aminin mo na kasi, eh maganda naman kasi, matalino, mabait. Ohh diba and it's impossible na hindi ka mafall sa kanya."
Napahagikgik pa ito ng mapansing tila namumula na ako. " HAHAHA namumula ka teh" dagdag pa nito.
"Hindi. Kaibigan lang kami and at the same time may gustong iba yan. " Lumapit ako sa kanila at nakipagkakatuwaan.
"The best thing we can do right now is to pray for Ryna." tugon ni Thea habang naka akbay pa kay Lj.
"Oh teka bago ang drama, kumain na muna tayong lahat para may lakas tayo mag bantay. Tara na guy's." habangay dala- dalang mga pagkain si Yna.
Tinulungan ko na siya sa mga dala- dala niya. Timulong na din sina Thea dahil medyo marami ang mga pagkaing nabili. Pagod ang lahat.
"Thea, akin na yan." alok ko sa kanya.
"Hindi na kaya ko na." at nagpatuloy lang ito sa paglalakad ng makita ko naman si Yna na sinenyasan pa ako na tulungan si Thea. Isa ka din eh no.
" Kunin mo na yung dala. Wala weak ka pre." tawa nito. HAHA support na may konting lait.
Ng makarating na kami sa loob ng room.ni Ryna kaagad ding inayos nina Thea, Joy, at Yna ang mga pagkain.
"I still can't believe this happened to Ryna." Umupo ito sa upuan malapit sa nakaratay na si Ryna.
"Guy's, tara na kumain na muna tayo." yaya ni Yna habang kumukuha ng kanyang inumin.
"Kain na tayo. Kanina pa ako gutom eh." Tumayo ito at nagsalin na nga ng pagkain sa kanyang plato gayundin ang mga iba.
Thea's POV
Nagsikain na nga lahat, at ilang minuto lang ay may pumasok na nurse para icheck si Ryna.
"Kain po tayo." alok ni Ricky sa nurse.
"Sige lang, pero salamat." Patuloy ito sa pag check kay Ryna. At di rin nagtagal ay umalis din ito pagkatapos. Naging tampulan din si Ricky ng tukso pagka- alis ng nurse.
"Hoy, ano yun? Ikaw ha. Type mo ba yung nurse?" pabirong tanong ni Rayn kay Ricky na patuloy pa din sa pagkain, halatang gutom na gutom nga.
Kumuha ng pagkain sa iba namang potahe,"Hindi, masama ba mag- alok ng pagkain. Palibhasa kasi ako pinakamabait sa grupo eh."mahabang pagmamayabang nito habang sumusubo ng pagkain.
Nagsi- ubuan naman ang lahat HAHAHA yan ang yabang kala mo din talaga eh no.
"Yabang mo naman, pinaka matakaw siguro sasang ayon pako sayo." taas kilay na sambit ni Yna.
Napahalagakhak ang lahat ng hindi na maka sagot si Ricky kaya dinaan na lang niya ito sa pagkain.
"Hayst, tama na nga yan. Kumain na lang kayo at ng maayos na ang mga ito." sambit ko at umupo sa may upuan.
Walang assignment kaya ayos lang na dito muna kami. Kumuha muna ako ng inumin ko ng biglang magsalita si Lj.
Inilapag nito ang kanyang plato sa may mesa,"Hanggang 1 a.m lang ako dito kasi may gagawin pa ako bukas."
Napatango na lang ako since naiintindihan naman namin.
"May darating naman daw mamayang 3 a.m na magbabantay kay Ryna sabi ni tito kanina." wika ni Yna habang umiinom.
"Then, okay yun para at least makapagpahinga din tayo in a short time. And hoping for Ryna's healing as soon as possible." dagdag ni Rayn,
"Ako, I can't join you until 3. Siguro hanggang 1 lang din ako because i have something to do tomorrow." sambit naman ni Klent mula sa likod.
"It's okay no problem." sagot ko.
Paglipas ng ilang minuto ay inayos na namin nina Dale ay Joy ang mga pinagkainan namin.
"You know what Thea you can go home, kami ng bahala dito.I know that your tired." Joy said.
Ngumiti na lang ako bilang sagot.

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Sariiah Andecio

    this is a most cool read ever thank you

    30/12/2024

      0
  • avatar
    Angeline Rose Estolero

    Ang ganda ng story na ito

    25/10/2024

      0
  • avatar
    AdriasKharen

    very Nice And I love it❤️❤️

    01/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata