Chapter 20 - Hospital

After 1 month
Thea's Pov
Nandito kami ngayon sa KC House, and yes may sarili kaming rest house.
Actually pinatayo namin to mismo, tho maliit lang pero dito kami tumatambay kapag may project, dito lang kami pumupuntang magkakaibigan.
Si Ryna, Yna, Rayn, Joy, Ricky, Klent, Lj, at ako.
Nabuo itong grupo namin nung July 6, 2018 and now June 16, 2019, so basically mag 1 year anniversary na ang grupo this coming July 6.
So ayun na nga it's 8 pm at kagagaling lang namin sa work.
Yes nagtratrabaho pa din ako to support my studies of course.
Kasama ko din si Klent as usual, pero nasa may gate pa lang kami ay naririnig na namin ang sigawan nila.
Nung una, akala namin nag kakatuwaan lang sila, pero ilang saglit lang ay may kung anong mga nagbabasag na mga gamit sa loob.
" Parang may nangyayari sa loob," dali- dali na kaming pumasok and yes,
"Anong nangyari?" Lumapit ako kay Rayn at kumuha ng panyo para ilagay sa kanyang kamay na ngayon ay may mga sugat,
"WALA BANG SASAGOT SA INYO?" halos sumigaw na ako dahil parang may dumaan na bagyo sa loob.
" Ryna, what happened?" dagdag ko pa at pinagpupulot ang mga papel sa lapag.
"Why don't you ask Rayn what happened." Kinuha niya ang bag niya at aalis na sana pero sinenyasan ko si Klent to lock the door.
"Aalis na ako, maaga pa ako bukas." garalgal ang boses nito.
"WALANG AALIS DITO HANGGA'T walang nagsasabi kung anong nangyari." galit na ako, tahimik ang lahat.
Ang iba makikita mo sa mga mukha nila ang galit,
"Kung sana hindi ka uminom— hindi mo masasagasahan yung matanda." sigaw ni Ricky
Naguguluhan ako sa narinig ko. Nasagasahan?
"What? Tama ba yung narinig ko?" pagtatakang tanong ni Klent na kanina ay nakasandal sa may pintuan.
"Well you stop, that was just an accident," sulpot ni Dale at umupo sa may table.
Andito din siya and wait alam niya? Pero paano kasama ba nila si Dale?
"Sinasabi mo yan kasi pinsan mo si Rayn , pero Dale nakasaga—" agad pinutol ni Dale ang sasabihin sana ni Ricky.
"How can you say those, if nung time na yun natutulog ka." walang emosyong sambit ni Dale.
"Tama na nga yan, i saw what happened earlier. And nung time na yun nakahiga na yung matanda. So basically it's not our fault." pagpapakalma ni Yna.
"So ibig sabihin may ibang nakabangga sa kanya?" takang tanong ni Ricky mula sa likod.
Sino naman ang gagawa non tapos aalis na lang ng ganon-ganon diba?
"It's not fine. Kung iniisip mo na okay lang yun, kesyo tayo o hindi, tayo yung sumunod doon." Umupo si Ricky sa couch.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Makikita ang lahat na problemado sa nangyari. Pagod na ako at ramdam ko ang panghihina na ng katawan ko, pero mas lalo akong humina ng may panibagong problema na naman.
"Okay. I'm sorry for saying those words. It's not my intention to hurt you, but guy's hindi lang—" umupo na lang ito sa couch at nag cellphone.
"Where's Joy?" tanong ni Klent ng siguro ay hindi niya mahagilap ito sa loob ng KC House.
Tumayo si Ryna at kinuha ang bag. " Wala. As usual."
Hanggang sa…
"Thea, gising na binabangungot ka." Nakita ko si Klent habang nakaupo sa harap ko. Nakatulog pala ako dito sa isang table. Grabe. Ano yun?
Hinilot ko na lang muna ang ulo ko. Kukunin ko na sana ang mga gamit ko ng pagtingin ko dito ay ayos na. Siguro inayos na niya ito para ready to go na lang kami mamaya.
Tumingin muna ako sa aking relo at 10:05 p.m na nga.
Luminga linga muna ako, nagbabakasakaling makita ko si Klent sa paligid. Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko bago nag- umpisang maglakad palabas ng grocery store.
Tanging si tatay Leo na lang ang nandito, siya ang bagong guard namin dito.
Lumapit ako para sana magtanong, ng makita ko sa labas ang kotse ni Dale. Ano na naman kaya ginagawa niya dito.
"Kuya, nakita niyo ba si Klent?" palinga linga ako pero di maalis ang tingin ko sa kotse ni Dale na nandito sa labas.
Tumingin muna ito sa paligid bago sumagot sa tanong ko, " Ah, Oo nagmamadaling umalis kanina. Pero dumating na ang boyfriend mo kanina pa." sabay turo sa kotse. At lumabas na nga si Dale.
Lumapit ako sa kanya habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Tskk!
"Anong ginagawa mo dito? " striktang tanong ko sa kanya.
Nagtaka ako ng bahagya itong tumingin sa'kin na animo'y may masamang nangyari. "Klent is in the hospital right n—." Diko na siya pinatapos pa dahil da kabang nararamdaman ko ngayon.
"Wha—t, ba-bakit anong nangyari sa kanya?" takang tanong ko. Pautal-utal na din ako.
Hinawakan niya ang balikat ko," Walang nangyari sa kanya," at inalis nito ang kanyang kamay.
"Eh ano nga kasi? pa suspense pa eh." iritang tanong ko.
"Ricky is in the hospital." Walang emosyong sambit niya at huminga ng malalim.
"Huh? What happened? Anong nangyari sa kanya? Okay lang ba siya? Oh ano?" sunod- sunod na tanong ko sa kanya. Pero yumuko lang siya at," Hindi, walang nangyari sa kanya." Tumingin sa akin at ngumiti.
Argg nakakainis talaga itong taong to.
" Ano nga? Sasabihin mo ba o hindi," taas kilay kung tanong sa kanya.
"Sakay." Utos nito at dali- daling sumakay sa kotse niya.
Aba di man lang ako pinagbuksan. Freezer hmpp.
While we are in the way papuntang hospital binasag nito ang katahimikan, "Si Ryna, na accident kanina habang pauwi siya. Sabi nila nawalan daw siya ng preno. All of them are there maliban kay Joy. Si Klent naman andon na din at dika na niya nahintay kaya sinabihan nila akong sundiin ka."
" Saan ba galing si Ryna? " takang tanong ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello—" pero bigla din itong binaba.
"Who's that?" tanong ni Dale ng mapansin niyang bigla akong napatahimik.
Tumingin ako sa kanya at nagkibit balikat lang.
"Prank call?" ulit na tanong nito na tila hindi kuntento sa sagot ko.
" Hindi ko alam eh, bigla na naman niyang binaba. Pwede bang dalian na lang natin para makapunta na kaagad tayo sa hospital." sambit ko at kaagad tinago ang cellphone ko sa loob ng bag.

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Sariiah Andecio

    this is a most cool read ever thank you

    30/12/2024

      0
  • avatar
    Angeline Rose Estolero

    Ang ganda ng story na ito

    25/10/2024

      0
  • avatar
    AdriasKharen

    very Nice And I love it❤️❤️

    01/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata