Homepage/Pag-ibig sa magkaibang panahon/
Chapter 17- Pikunan
"Ayt ang landi mo girl HAHAHA pahaba muna ng hair bago flip." pag - aasar ni Joy na ikinahalakhak naming lahat na kahit si Ricky natawa din siya sa ginawa niya.
Pumasok na kaming lahat sa loob ng bahay nina Rayn.
Habang nagpapahinga kami ay biglang nag ring and phone ni Klent. Ilang minuto pa ay namatay na din ito, dahil nga sa wala din dito si Klent. Ilang beses ding nag ring ito, sa muling pag ring nito at dala na din ng curiosity ay sinagot ko ito.
"Klent, May problema tayo. May nakakaalam na sa nangyari." Bakit parang pamilyar yung boses niya? Sino siya at ano ang tinutukoy niya. NAKAKAALAM?
Napuno ang isipan ko ng pagtataka at mga katanungang naghihintay ng kasagutan. Nabalik ako sa realidad ng muli itong magsalita mula sa kabilang linya," Hello! Klent andiyan kapa ba? Bro."hanggang sa pinatay na niya ito dahil walang sumasagot sa kanya.
Nagulat na lamang ako at nabalik sa realidad ng tapikin ni Klent ni ang ulo ko," Are you okay?" tanong nito. Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya. Sino yun at ano ang tinutukoy niya. SImula non ay hindi na ako mapakali.
"Ohh, Thea okay ka lang? Parang kanina pa kita napapansin na di mapakali diyan," Umupo ito at tinignan lang ako habang kumakain." Hayst, pero baka pagod lang yan kaya ganyan. Alam mo magpahinga ka na muna kaya. Iwan na kita ha then baba ka na lang mamaya." Tuloy- tuloy na wika nito, ngumiti na lang ako sa kanya bago ito tuluyang lumabas ng kuwarto.
"Theaaa?? anjan kaba?" tanong ng kung sino mula sa labas.
Nagbabasa ako ngayon ng story ni Highpaincil na Expect the Unexpected, nakakapagtaka dahil wala pang bagong update simula nung last, " Bukas yan,"
"Still into him." tanong ng familiar na boses mula sa likod.
Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kanya," What are you doing here? Gusto mo ban—" biglang naputol ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita.
"Chill, I'm just here to visit you. That's it." sambit nito at humiga sa kama. Pumikit ito bago muling nagsalita ,"I want to hug you tight ate, but it seems that i can't. Kasi yung kaya ko lang gawin ay ang titigan ka. Miss na miss na kita alam mo ba yun." Umupo ito at yumuko habang umiiyak.
" Sorry ha, kung duwag si ate, hindi kasi siya kasing tapang ng iba. Iiyak, tatahan tas ganon na naman. Miss na miss na din kita ilang buwan na ang lumipas pero ansakit pa rin. Nakakatuwa nga eh kasi this past few days, Okay na ako, Siguro." pinahid ko ang aking luha gamit ang aking kamay.
Bigla akong nagising sa pagyugyog sa akin, ng magmulat ako ng mata nakita ko ang nag- aalalang si Yna kasama si Klent at Ricky na nakaupo sa couch. Ng malaman nilang sa wakas nagising na ako ay agad silang lumapit sa kinahihigaan ko ngayon.
"Okay kana ba? Kanina kapa kasi umiiyak, we're just wondering kung ano na naman napanaginipan mo." alalang tanong ni Yna. Nababasa ko sa mga mata niya ang bakas ng pag-aalala.
Yumuko ako dahil hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon napapanaginipan ko pa din siya.
"Kailangan mo lang sigurong magpahinga. Alis na muna kami, andiyan lang naman kami pag may kailangan ka." wika ni Ricky.
"Hey, What happen? The—anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" aligagang tanong ni Ryna at lumapit sa kinaroroonan ko.
"Bad Dream again?" saad ng papasok na si Dale.
Andito siya? Ano naman kailangan ng freezer na ito dito. At bakit niya alam ito.
"Okay lang ako. Tsiyaka ano namang ginagawa mo dito. Sinusundan mo ako noh? Ikaw ah." pagbibiro ko dito.
At aba ang freezer di man lang natinag.
"Ehem. Pinsan ko siya."biglang sambit ni Rayn na ikinagulat namin.
"Aba! Sa tagal ko ng nag-aaral sa VU ngayon ko lang yan nalaman ah. Panahon na siguro para magresearch pa ako lalo tungkol sa inyo." Lumapit si Ricky kay Dale sabay akbay. Hoy akin lang yan eh.
"Sa wakas, sisipagin na din ang Ricky namin mag-aral ahh." Pumalakpak si Joy sabay tapik sa balikat ni Ricky habang naka- akbay kay Dale na nakasandal sa may pinto.
Inalis nito ang pagkakaakbay at umupo sa may gilid ng mesa," Nagsabi niyan?"
"Ah so wala ka ngang balak magsipag? Angas mo pre pahingi katamaran." simangot ni Joy.
HAHAHA mga sira talaga.
"I have to go Rayn, guy's mauna na ako." paalam nito. Tumango lang ang lahat ng magpaalam na ito,
Masaya na sana eh ng muling magsalita itong si Ricky, kung bakit ba naman kasi ako nagkaroon ng kaibigan na matabil ang bunganga.
"Ah eh Dale eh si Thea? Dika magpapaalam sa kanya, ayiehhh Thea sumabay ka naman—" Napahagikgik ang lahat dahil don.
Napayuko na lang ako sa hiya, hayst kung hindi lang talaga masama sumakal hanggang sa malagutan ng hininga ginawa ko na.
Bago tuluyang lumbas si Dale ay tumingin muna sa gawi namin at nagsalita, " Bye Ms. Attitude, I hope maging okay ka na."
At ayon na nga nagtilian na sila.
"Alam mo Rick hindi ko alam bat naging kasapi ka ng tropa, alam mo unti na lang masasakal na kita."gigil kung sambit habang nakatingin ng masama sa kanya.
Bahala ka diyan, di talaga kita kakausapin kahit ano pang gawin mo.
"Ito namang si Thea, syempre ako may pinakamalaking ambag sa tropang ito eh." at aba nagmayabang pa.
"At ano naman yun aber, sige nga." tanong sa kanya ni Ryna na nakaupo ngayon sa may tabi ko.
Tumayo ito ng tuwid at aba nag bow pa talaga ah,"Pinakagwapo, pinakasupportive, Pinakamagaling. Maging proud na lang kasi kayo na may kaibigan kayong tulad ko. Diba agree naman kayo 101 perce—?"
"May nakalimutan ako, may gagawin pa pala ako." Lumabas na si Klent.
"Ako din may kukunin lang ako. Sabay na ako sayo Klent." pahabol pa ni Yna kaya't tumayo na ito at dali-daling bumaba para masundan kaagad niya si Klent.
"Ah ako na din maghahanda ng lunch natin,bye na muna." paalam ni Ryna.
Oh yan mahangin kasi di agree ang mga people sa weather ngayon HAHAHA.
"Oh! ikaw may gagawin ka din ba? di niyo pa sinasagot tanonggggg ko tas magsisialisan kayo. Not well mannered. Che." */ flip hair.
Kami na lang nina Rayn at Joy ang nandito kaya napatawa na lang kami dahil sa ginawa niya.
Wow! Nasisiraan na talaga kaibigan namin.
Pero baka tahimik na ang grupo pag yan nawala. Ikaw ba naman magkaroon ng may saltik na kaibigan edi everyday happy.
"Paano kaya ang grupo pag yan, umalis na sa atin?" may paghihinayang na tanong ni Joy bago tumngin sa amin ni Rayn.
"Sus, takot lang niyan na mawala tayo." ngiti ko naman.
"What about Dale? Do you like him?" tanong ni Joy na ikinagulat ko. Wow! sa freezer na yun. Takot ko lang eh.
Napaubo naman si Rayn matapos sabihin ni Joy iyon, "Ano? hi-hindi ah-h. Baliw ka anong pinagsasabi mo diyan." alam kung from that time naging defensive ako.
"Sigurado kaba? eh kung magkasama kayo noon parang may kayo eh. HAHAHA kidding." - Rayn
Teka so ibig sabihin iniissue na pala kami. Aba tindi ah.
"Syempre hindi. Tsiyaka bakit naman ako magkakagusto sa kanya, eh freezer yun noh di bagay sa hot na tulad ko." sagot ko.
Nagkibit balikat na lamang mga ito, ayaw maniwala mga sira.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (22)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
this is a most cool read ever thank you
30/12/2024
0Ang ganda ng story na ito
25/10/2024
0very Nice And I love it❤️❤️
01/09/2024
0Tingnan Lahat