logo text

Chapter 16- Bakasyon sa L.U

3 months later...
Thea's Pov
Pagkatapos ng graduation namin nagdecide ang grupo na magbakasyon na muna kami sa rest house nina Rayn sa La Union.
" Akala ko ba mga 8 nandito na dapat tayong lahat?” asar na tanong ni Ricky habang kumakain at nasa may tabi ang isang malaking bag.
Lumapit sa kanya si Klent sabay tapik ng balikat nito. Napatawa naman ang iba pa naming kasamahan, paano ba naman kasi eh sabi sa gc 9 na lang para mas makapag ready pa eh atat itong pumunta kaya nag-off ng maaga, yan tuloy di naupdate sa time.
"Kausapin niyo nga ako. 1 oras din akong nag- antay dito ahh." dagdag nito at kinuha na ang bag niya para makasakay na kami.
Puro reklamo lang ang maririnig dito habang tawa lang ng tawa mga iba dahil sa kakareklamo niya kesyo daw ang tagal na niyang nag- aantay kanina pa.
Napatigil si Ryna dahil at napatingin sa likod nito," Hoi, lalaking kain ng kain hindi naman tumataba, pwede ba tumigil kana sa kakareklamo mo diyan. Kung nagcheck ka sana ng mga chat sa gc nakita mo sana yung update." sambit nito sabay talikod at naglakad ng matulin.
"Hayan, masydong excited kasi. Update update din pag may time." pang- aasar pa ni Yna kay Ricky na ngayon ay ina- ayos ang mga gamit.
Mga ilang oras pa bago kami makakarating sa rest house nina Rayn. Busy ang lahat, may nagcecellphone, nagkukuwentuhan, natutulog, kumakain at kung ano- anu pa. Si Klent ang nagdridrive since may license naman na siya. "Kanina kapa tahimik diyan ah!" basag ni Joy sa katahimikan.
" May iniisip lang ako." Ngiti ko sa kanya at tumingin sa labas ng bintana.
" Andito tayo for vacation para makapag relax kaya iwan mo na muna yang iniisip mo and just enjoy." at nagpatuloy ito sa pagbabasa ng libro.
" Mga 1 oras pa bago tayo makarating, mag lunch na muna doon sa isang karinderya. Alam ko namang gutom na kayo." Bumaba ang lahat sa sasakyan.
" Tara na." Naglakad na sila papunta sa isang karinderya, habang ako ay tahimik pa din. Hindi ko alam kung bakit di ko kayang iwan yung sakit ng nakaraan. Ilang buwan na but still, I can't move on.
"Nandiyan pa din siya sa puso mo, hindi ka niya iiwan hanggang nandiyan pa din siya. But if you will just going to be like forever, hindi siya matutuwa." sambit ni Klent na ikinagulat ko dahil sa paghawak niya sa balikat ko.
Siguro nga tama silang lahat, hanggang ngayon sarili ko pa din sinisisi ko. " Siguro, kasi hinayaan ko na makalaya yung maysala ng pagkamatay niya. Namatay siya pero yung hustisya buhay pa din." sagot ko. Napatigil ito at muling lumingon sa akin.
"Huwag mo lang hayaan yang sarili mong lamunin ng galit at pagkabigo."wika nito. Ngunit sandali itong napatahimik bago lumapit si Rayn sa aming dalawa.
" Halina na kayo mamaya na yan. Tara na! Thea, Klent sumunod na kayo."
Naglakad na din kami papunta sa kinaroroonan nila.
Sinubukan kung huwag na munang isipin ang mga bagay na nagbibigay lang ng stress kaya pinilit kung ngumiti na lang.
"Masarap ang pagkain dito, sulit na sulit." pagpupuri ni Ricky habang takam na takam sa mga pagkain na inorder ni Rayn.
" Masasarap talaga ang mga pagkain dito. Dito kami kumakain pag namamasyal kami and at the same time marami ang nagpupunta dito para kumain." Paglalahad ni Rayn.
"May bago pa ba kay Ricky, eh halos lahat ng pagkain paborito niya." pang- aasar naman ni Joy habang kumuhua ng picture. Napaiwing na lang sila at tumawa dahil sa tinuran ni Joy, samantalang napa- irap naman si Ricky dahil sa biro sa kanya ni Joy. Patuloy pa din ito sa pagkain.
Masarap nga naman ang pagkain dito, siguradong busog kaming lahat dito ngayon.
" Tara picture naman tayo!"
"Kung ako taga dito baka araw- araw ako dito." biro ni Yna habang umiinom.
" Sinabi mo pa. And mukhang wala ng makakakain mamayang gabi ah HAHAHAHA." sambit ni Yna.
" Pwede kayang mag- order tayo ng ulam para mamaya. Alam niyo na, just in case." ngiti ni Ricky habang punong puno pa ang bibig nito.
Batok naman ang naging sagot sa kanya ni Rayn.
"Bakit ba tayo nagkaroon ng kaibigan na sobrang takaw di naman tumataba. Dipa ubos humihirit na naman ng ulam para mamaya." tugon naman ni Joy habang kinuhanan ito ng picture at ang luko nagpose pa talaga ng ganon.
" Hayst, grabe ka na Ricky HAHAHA" sambit ko at nagpatuloy na lamang sa pagkain dahil gutom na din ako kanina pa.
" Sayang di nakarating si Lj, may emergency daw sa kanila kaya bawi na lang siya next time." sabay baba ni Rayn sa kanyang cp.
"Ricky, baka makalimutan mo na may mga kasama ka pa dito. Baka naman pwedeng hinay hinay ka muna," pagbibiro ni Rayn sa kanina pang kain ng kain na si Ricky.
Tanging tingin na lang ang naisagot ni Ricky sa kaibigan.
Nagtawanan na lang ang lahat dahil sa naging senaryo nilang magkakaibigan sa karenderya kanina. Samantalang ilang oras ang nakalipas ay tuluyan na nga silang nakarating sa La Union kung saan doon muna sila magbabakasyong magkakaibigan.
"Hayst after 1 light year nakarating din." Umunat unat muna ang kagigising na si Ryna. Pagkatapos ay kinuha na namin ang kanya- kanyang bagahe na dala namin for at least 1 week na pananatili namin dito sa Rest House nina Rayn.
"Rayn, baka naman. Meryenda muna tayo." Inakbayan ito sabay tapik sa balikat. Iba din talaga itong taong to laging gutom, kung diko lang kaibigan to malamang siguro bully aabutin nito samin.
"Aba! Mahiya ka naman oii kakarating lang natin, and papaalala ko lang sayo na madami ka ng nakain kanina baka naman masobrahan." Habang binababa ang kanyang mga gamit mula sa sasakyan at napailing na lang ito habang nagpipigil ng tawa.
"Kaya nga, saan mo ba nilalagay lahat ng kinakain mo?" tawa ni Yna at naglakad na papasok kasunod ng mga Yaya na inutusan ni Rayn para maassist kami.
"Hayaan niyo na, ehh gutom eh." wika ni Rayn na naglakad na din ito papasok na sinundan na din namin nina Joy at Klent.
Huminto pa si Ricky at lumingon sa amin," Buti pa si Rayn kaibigan ng tiyan ko, eh kayo mga basher kayo ni tummy. Cheee!" at aba ang baklita nagflip ng hair wala naman ifliflip.
Tumawa na lang kami dahil sa kalokohan ni Ricky, siya talaga ang isa sa nagpapabuhay ng Bomb Squad.
"Ayt ang landi mo girl HAHAHA pahaba muna ng hair bago flip." pag - aasar ni Joy na ikinahalakhak naming lahat na kahit si Ricky natawa din siya sa ginawa niya.

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Sariiah Andecio

    this is a most cool read ever thank you

    30/12/2024

      0
  • avatar
    Angeline Rose Estolero

    Ang ganda ng story na ito

    25/10/2024

      0
  • avatar
    AdriasKharen

    very Nice And I love it❤️❤️

    01/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata