Chapter 15

Hindi man nito naintindihan ng lubos ay sumang- ayon na lang ito. Tumayo na sila at nagsimula ng maglakad para maka- uwi na din.
“Si Dale nga pala? Kamusta kayo?” tanong nito habang papauwi na ang mga ito. Nagulat ang dalaga sa tanong ng binata sa kanya na para bang may ibang ibig sabihin ito sa kanya.
“Okay naman ka— bakit mo natanong yan? Ang awkward.” sagot nito at napakamot pa ito sa ulo dahil don.
“Wal naman, syempre diba isang mayamang lalaki, campus hearthrob, sporty. In short ideal type. Gusto mo ba siya?” tanong nito ulit na mas lalong nagulat ang dalaga.
“Grabe na hot seat ata ako ah, tsiyaka fast talk ba ito.” tawa nito.
“Sagutin mo na lang HAHA”
Tumigil ito sa pagtawa at sandaling nag- isip bago sumagot,“ Si Dale, ideal type siya, Yes! Pero kung binabase niyo sa pagsasama namin ngayon, basically your wrong. Para kaming aso't pusa dati,but HAHHAHA binibigyan na pala ng meaning ng iba yun.” sgaot nito.
“May gusto ka ba sa kanya?”
“ I'm inlove, yes! but i won't tell, who is he.” ngiti nito at mas binilisan na ang paglalakad.
Napailing na lang ang binata at makikita mong curious ito kung sino nga ba yun. Pero dali dali na lang itong naglakad para maabutan ang dalaga.
Dale's Pov
Nasa bahay kami ngayon ng tropa, umuwi na kami kanina. Sana ako na lang yun? Sana ako yung katabi niya. HAHAHA. Kahit nasaan ka man hahanapin parin kitang nakabangga kay Marico.
-------
Flashback.
“Hoi, ikaw, may gusto ka ba sa ate ko?” tanong nito sa akin. Tumingin lamang ako sa kanya na para bang nagtataka. Kaninong tsismis na naman ba galing ito. Siguro kasi magkasama kami, eh hindi ba pwedeng magkagroup lang kami sa booth for Intrams. Mga tao talaga, ang iissue nila.
Nakapamewang ito na para bang kahit anong oras lang ay susugurin na ako nito.
“Hindi kapa ba uuwi ha? And one more thing. Saan naman galing yan?” Tanong ko dito. Nanatili itong nakataas ang kilay at nakapamewang.
“Eh? Sagutin mo na lang kasi andaming dada. Yes or No? and Why? I need explanation. Bakit mo nagustuhan ate ko at seryoso kaba sa kanya? ” mahabang sambit nito. Natawa na lamang ako sa kakulitan nito. Iba din pareho lang pala silang magkapatid na masungit. Pero ito aba ang daldal and Protective. Dapat nga ate niya mas maging protective sa kanya eh.
“Okay, sakay!” Sumakay na ako but still nanagili pa rin itong nakatayo at para bang nagtataka. Binuksan ko ang bintana, “What? Ako na maghahatid sayo. And gusto mo ng sagot sa mga tanong mo diba, then let's go.” At tuluyan na nga itong pumasok sa loob. Binaba ko na rin ang bintana at nagsimula na akong magdrive. “First, hindi ko siya nililigawan. Second, magkagroup lang kami kaya kami magkasama ng madalas. And saan mo ba nasagap yan, ikaw nagiging marites ka na din ah. Kumain kana ba? Let's eat first then hatid na kita sa bahah niyo after.”
Tahimik lang ito sa buong biyahe.
Makalipas ang isang oras ay naihatid ko na din siya sa bahay nila.
“Kung may balak ka mang ligawan yung ate ko, dapat alam mo sa sarili mong kaya mo ng magmahal ng iba at yung past mo wala na siya diyan sa puso mo.” Seryosong wika nito bago tuluyang lumayo.
Napangiwi na lang ako sa sinabi niya, at tuluyan na nga akong umalis sa lugar na yun.
End of Flashback.
---------
Hanggang ngayon naaalala ko pa din ang mga sinabi niya sakin noon. Sa kunting panahon na nagkasama tayo, nakita ko kung gaano mo kamahal ang ate mo. And now, i promise na bibigyan ko ng justice ang pagkamatay mo. Gusto kung, kahit yun lang ang maibigay ko sayo.
“Bro, are you okag? affected ba?" biro nito habang nasa tabi ni Timothy.
Tumawa pa ito ng bahagya.“ Bro, Don't tell may gusto ka nga sa kanya.” dagdag pa nito.
Umupo naman si Ceejhay na galing sa kusina, kakatapos mag bake. Sa De Facto, mahilig kaming magluto lahat, ganoon din pag kumain. We always have our individual goals in life and we also have a goal in De Facto. Plano naming gumawa ng coffee bookstore in the near future. BooFee in De Facto will be the name of it. Maganda diba. Si Ceejhay, future Chief sa amin kasi siya ang mas mahilig sa pagluluto/ pagbabake ganon. Si Ferds, Architect naman yan. Si Timothy, Future Doctor naman and me malalaman niyo din.
“Usapang babae na naman, tss kain na muna tayo.” sabay lapag ng pagkain sa mesa.
“Ako na muna,” at kaagad na kinuha ang isang plato at nilagyan ito ng graham na para bang mauubusan na. Binatukan naman siya ni Ferds pagkababa ng kanyang phone. At kumuha na din agad ng plato.
“Alam mo ikaw ang duga mo kinuha mo na ata lahat eh!” sambit nito. Nagtaas naman ng kilay si Timothy sa kanya dahil sa sinabi nito at pambabatok. Umupo ito at pinatong sa mesa ang plato at nagcellphone na lang.
“Ito namang baby ko, tampo agad alam mo namang i was joking eh. Wag na tampo bati na tayo, ito na yung graham mo baby ko.” paglalambing nito. Tawang tawa naman ito pagkatapos sabihin ang mga iyon kay Timothy.
“Graham lang yan mga adik na ito. Nakakadiri mga ito, arghhh.” gigil na wika nito sabay irap sa dalawa. Nagtinginan lang ang mga ito sabay nagtawanan. Ayan adik nga.
“Seryoso bro, inlove kaba sa kanya?” tanong ni Ceejhay na ngayon ay naglalagay ng graham sa kanyang plato. Samantalang tawa ng tawa naman ang dalawa na para bang di maka get over sa kajejehan.
“Ito na baby ko, say ahhhh” — Timothy
“Yiehhhh, baby ko inom ka muna.”— Ferds
“Ang jeje niyo, dito pa talaga kayo nagflirt. Bromance na ba ito?” Ceejhay said.
“ I'm not. TOTALLY NOT.” Nagulat sila dahil sa biglaang pagsambit ko na may pagdiin sa mga huling salita. “ I didn't want to be in a relationship again, kinalimutan ko na kung paano pumasok sa isang bagay na mahihirapan kang lumabas.”
“Oh— okay kain na lang tayo.”
“May isa pa pala si Xander, Anong plano mo?” tanong ni Ferds na ngayon ay umayos ng umupo at uminom ng juice habang nakatingin at animo'y naghihintay ng kasagutan ngayon.
“I don't care kung ano man gusto niyang gawin and at first place, kapatid lang naman niya lumalapit. Wala naman siguro siyang rason para labanan ako.” sagot ko sa kanya.
Matagal ng may hidwaan sa amin ni Xander, lalo na nung maging kami ng kapatid niya.
“Hayst, by the way. Libing na ni Marico tomorrow, bro pupunta kaba?” tanong nito.
“Of course!” maikling sagot nito.
Kinaumagahan…
“Ohh, Ms. Attitude it's look like na parang hindi mo ihahatid ang kapatid mo sa kanyang magiging bagong tahanan.” Umupo ako aa tabi nito, habang nagsusulat. Tumingin ako dito at inaantay ang magiging sagot niya, Wala ba siyang balak?
“Oum, of course naman pupunta ako. Gusto ko lang ibulong muna sandali yung sakit sa hangin para naman wala na mamaya diba?” ngiti nito. Tanging ngiti na lang din ang nagawa kung iganti sa kanya.
Pagkatapos ng ilang oras ay nandito na kami ngayon sa harap ng sementeryo, Mga kamag- anak, kaibigan nila ang nandirito, may mga iba ding teachers ang nagpunta.
“Sa lahat, Salamat! Ngayon may naisulat ako kanina kanina lang na isang maikling tula. Sana magustuhan mo.” Sambit nito.
---------
Ngayon kasi, masakit pala noh?
Yung tipong ihahatid mo na yung taong mahal mo,
sa bagong bahay nito,
Makakadalaw ka pero hindi mo na siya makakausap ng harapan yung tipong,
Makakausap mo siya pero wala ka ng sagot na makukuha.
Mayayakap mo siya pero may harang.
I want to say, I love you!
Hindi ko madalas sabihin sayo pero pangako,
Totoo ito.
Hindi ako perpektong ate sayo,
pero yung pagmamahal ko sayo bunso,
Totoong totoo walang biro.
Sorry ha kung ganito lang ako.
Sa tamang oras, magkakasama din tayo,
Hindi ngayon,
pero pangako ako ang tutupad ng pangarap mo.
--------
Pagkatapos nito ay lumapit ito at niyakap ang kabaong ng kapatid niya. Bumuhos ang luhang kanina pa niya pinipigilan. How strong you are.
Akala ko ba ibubulong na lang para kahit papaano mawala yung sakit?
Lumapit ang ina nito at ang kanyang ama.
“Mahal na mahal na mahal ka namin.”
Ilang minuto lang ay natapos na din ang libing, umuwi na ang lahat, tanging mga kaibigan, at ilan nilang kamag- anak ang natitira. Unti- unti ay nagsi- uwian na din ang lahat.
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ng nanay niya.
Umiling lang ito bilang sagot.
“ Oh siya, mauna na kami.” mas lumapit pa ang ina nito at hinalikan ito sa pisngi at niyakap, pagkatapos ay umalis na din ang mga ito. Tanging siya na lamang ang naiwan sa kanila. Ang mga kaibigan din kasi nito ay nagpa-alam na din kanina. Ang tropa naman nauna na din umalis.
“Oh, ikaw dika pa ba uuwi?” tanong nito ng di man lang tumingin sa gawi ko. Umupo ako sa may tabi niya habang nanatili pa din itong nakatingin sa kawalan. “Nakakatawa noh? Natapos yung mga event's sa school pero diko man lang naenjoy kahit konti. Yung dadating pa din pala ako sa point na babagsak yunh happiness ko HAHAHA.” Pinunaaan niya ang mga luha nito bago tumingin sa akin. Ang ganda ng ngiti niya, pero sa magandang ngiti na ito sakit ang nakaukit.
“Sa pageant, I will be handle it and Marico wants you to join it, right? So i guess, you should try and besides malay mo madiscover yang ganda and talent ko diba.” Gusto kung lumabas siya sa sakit na nakaukit sa likod ng magandang ngiti niya. “ Gusto kung ngumiti ka, pero wala ng sakit.”
“Try ko, ikaw Freezer ha may paganyan ganyan kana. Hmm bumabait ka na ata.” sambit nito.
“Tskk ngayon lang to.” sagot ko sa kanya.
Napatawa lang ito, “Araw- arawin muna para masaya. Ito naman dapat ngumiti ka din, mas lalo ka kayang pumupogi pag nakangiti. Lagi kang cold, walang expresyon ng mukha tskk para kang ipinanganak sa northpole at pinaglihi sa ice.” tawa nito.
Sira talaga, napailing na lang ako sa mga sinabi niya.
“Sana naman kasing ganda mo yung pagkakadescribe mo sakin noh! Hindi yung singpangit ng ugali mo, description mo sakin.” biro ko dito. Natawa na lamang ito dahil sa sinabi ko.
I'll miss this. I want you to be happy everyday.

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Sariiah Andecio

    this is a most cool read ever thank you

    30/12/2024

      0
  • avatar
    Angeline Rose Estolero

    Ang ganda ng story na ito

    25/10/2024

      0
  • avatar
    AdriasKharen

    very Nice And I love it❤️❤️

    01/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata