Chapter 11

Dale's Pov
“Ah babae ka pala, SORRY HA DI KASI HALATA!” asar ko na lang aa kanya nakita ko ang pagka-asar sa mukha niya. Nauna na akong maglakad aa kanya.
“AH TAO KA PALA, AKALA KO REFRIGERATOR.” ganti niya . Tumingin lang ako at nag smirk. Umiling na lang ako at naglakad papasok sa bahay.
Well, mag-uusap lang naman kami about sa booth and gusyo ko lang pagbigyan kapatid ko, since gusto daw niyang makasama ulit ang ate Thea niya.
It's been a month simula nung magkakilala sila by unexpected event.
“Ate Thea!” sigaw nito sabay takbo para yakapin si Thea.
“Hey, baby. Kamusta naman ang baby girl na ito ha?” tanong nito.
“Yaya, pakikuha naman ng mga gamit ni Thea. Then paki ayos na po ang dinner.” utos ko dito na kaagad din namang umalis at kinuha ang mga gamit ni Thea.
“Ate, girlfriend kaba ni kuya?” tanong ni Dynie na ikinatikhim ni Thea dahil sa gulat.
“Sweety! I think ate Thea also want to try your cookies.” pang iiwas ko sa tanong niya.
“Wow! Baker pala ang baby girl na ito ah.” She exclaimed.
Pagkatapos ng dalawang oras na kulitan at kuwentuhan nilang dalawa ay nakatulog na si Dynie sa bisig nito.
“Hey, akin na siya. Iaakyat ko na muna siya then magdinner muna tayo bago mag-usap , if is it okay?”
Tumango lamang ito at ngumiti.
Kinarga ko na ito at dinala sa kuwarto niya. Hindi ko alam na sumunod din pala ito.
“Napaka cute niya, kayong dalawa lang ba?” tanong nito matapos niyang mabuksan ang pinto ng kuwarto.
Ng mailapag ko na ito at makumutan,“No! May ate pa ako, but she's not here.” at lumabas na kami ng room.
“Ihahatid na lang kita after. Diba may work ka?” dagdag ko pa dito.
“Ah oo pero bukas na lang siguro ako papasok. Tinext ko na kanina si Klent.” sagot nito.
Bumaba na kaming dalawa para kumain muna dahil masyado ng late dahil sa kulitan nilang dalawa. Pagkalipas ng ilang oras ay nagdesisyon na kaming pag-usapan na ang Booth since may individual pa kaming ihahandle.
“Photo Booth lang naman pala, madali lang yun.”umpisa nito.
“Well, I'm thinking a twist. Para hindi lang siya isang simpleng PHOTO BOOTH. What if—”diko na naituloy pa ng biglang mag ring ang phone nito.
“Bakit?”takang tanong ko ng bigla na lang itong umiyak at dali daling kinuha ang mga gamit.
“Hatid na kita.” pinahaharurot ko na kaagad ang sasakyan at nakita ko siyang parang hindi mapakali at may tinawagan.
“Sa Vem Hospital tayo, please!” Tumango na lamang ako at mas binilisan pa ang pagpapatakbo. Hanggang sa ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Hospital, sinalubong kami ni Klent at Joy.
“Asan sila? Anong nangyari?” tarantang tanong nito na niyuyugyog na si Klent na ngayon ay nakayuko lang at walang imik gayundin si Joy na tanging pag hikbi lang ang nagawa.“Ano ba tinatanong ko kayo? Asan sila? Gusto ko silang makita.” halos pasigaw na nitong sambit sa harap nila.
“Hit and Run! Nirerevive pa si Marico, ang mama mo naman, okay na!” bigkas ni Klent sabay hawak sa mga kamay ni Thea na hanggang ngayon patuloy pa din sa paghikbi dahil sa sinapit ng kanyang ina at kapatid.
Ilang segundo lang ay dumating na ang iba pa niyang mga kaibigan na sina Ricky, Thalieo, Rayn, Yna, at Ryna.
“Sorry, tinawagan lang ako ni Joy kaya't nagmadalu kaming puntahan ka.” paliwang ni Yna.
“Dale!” sambit ni Ricky na nagulat sa presinsiya ko.
“Sinong nakasagasa sa kanila? Naireport na ba ito? Nahuli na ba?” sunod- sunod na namang tanong nito.
Niyakap na lamang siya ni Joy para mahimasmasan ito. Tinawagan ko si Ej para dito.
Lumayo na muna ako sa kanila para makausap si Ej para sa nangyari,“ Imbestigahan mo ang nangyari, I don't want to say your face, when i don't still have any updates coming from you. Ulo niyo papagulungin ko pag wala kayong naibigay na report sakin. I want it tomorrow.” Binaba ko na ito at bumalik na loob at sakto namang kausap nila ang Doctor.
“I'm sorry, di niya nakayanan pa dahil sa grabe ng sugat na natamo niya. Masyadong grabe ang pagkabundol sa kanila pero mas malaki ang sugat na natamo ni Marico kaysa sa nanay mo.” Umalis na ang Doctor.
Pagkatapos ng sinabi ng Doctor ay nawalan na ng malay si Thea na ikinataranta nilang lahat. Kinarga siya ni Klent para dalhin sa isang kuwarto dito.
“Kami na mag-aayos ng burol ni Marico.” sambit ni Yna na ngayon ay umiiyak na din.
Tumayo si Thalieo,“ I can't believe this happen. Kakakilala lang natin, kakastart lang ng friendship natin and here's come PROBLEM na umieksina.” galit na sambit nito.
“Joy, Klent! Naireport na ba ito?” tarantang tanong ni Rayn.
“Wala kasing nakakita ng totoong nangyari eh. And naireport na din namin sa pulis, iniimbestigahan na nga nila eh. Magbibigay na lang daw sila ng report if ever. Sa ngayon kailangan tayo ni Thea, for sure di niya to matatanggap.” Tumayo si Joy at umupo sa may tabi ni Thea na kasalukuyan pa ring walang malay.
“Dale, di ka pa uuwi? Alam naming pagod ka din dahil sa maghapong ginawa mo sa University.” tanong ni Rayn na kasalukuyang nasa may pintuan.
“ I'm Fine!” tanging naisagot na lamang niya sa binata ng biglang magka malay si Thea,“Gusto ko sila makita, lalo na si Marico. Alam kung buhay pa si—”
“Wala na siya,” Niyakap lamang siya nina Joy
“Joy naman HAHAHAHA ano bang sinasabi mo, masamang biro yan.” tawa nito.
Nagtinginan na lamang kami, This is what we're expecting. Ganyan siya magreact, what's more ang mama niya.
“Dale, sabihin mo? Hindi yun totoo diba?” kumbinsi nito. “Pwede ko ba siyang makita,please!” dagdag pa nito. Ako na ang lumapit at nang-alalay sa kanya tumayo. Hinawakan ko gamit ang kaliwa kung kamay ang kanyang beywang para di ito matumba at hinawakan ko ang kamay niya at nagsimula na siyang bumaba.“Dahan- dahan lang.” alalay ko, tanging tango na lamang ang naisagot nito.
Tumulong na din ang mga kaibigan niya.
Ilang saglit pa nakarating na kami sa kuwarto kung nasaan ang bangkay ni Marico.
Inalalayan ko ito hanggang sa labi ni Marico. Ramdam ko ang mas mahigpit niyang hawak sa kamay ko ngayon.
“Nangako nga diba, sabay nating tutuparin mga pangarap natin. Tutulungan pa natin si Mama, Hindi na kita aawayin pa, please! Gising na. Masaya lang tayo kaninang umaga eh Marico, Please! Hindi ka na aawayin pa ni Ate.” hagulgol nito habang hawak hawak ang malamig na bangkay ng kanyang kapatid. I don't why, but i think sa konting panahon lamang naming nagkasama at nagkakilala, kahit gaano ka ka attitude, pag pamilya pala usapan humihina ka.
“Dale, mauna na kami. Ikaw na muna bahala sa kanya.” paalam ni Yna.
Lumapit sa akin si Joy,“ Umuwi kana muna kaya Dale, alam kung pagod ka din. Ako na bahala sa kanya ” wika nito na pugto ang mata dahil sa pag-iyak.
“Dale, alis na kami. Joy, Klent. Thea mauna na kami,”paalam din ni Ricky. Lumabas na sina Rayn, Yna, at Ricky. Tanging si Klent, Joy, Thalieo, Thea at ako na lamang ang natira dito. Hanggang sa paglipas ng ilang minuto ay nagpa- alam na din si Thalieo para umuwi.
“Thea, uuwi na kami. Dale, sabihan mo lang kami. Salamat!” bigkas ni Joy na ngayon ay umiiyak na naman. Tumango na lamang ako at tumingin sa gawi ni Klent na ngayon ay nakatayo sa may pinto. “Una na kami, ikaw ng bahala sa kanya. Thea, nandito lang kami ha.” Lumabas na sila sa kuwartong ito.
Ilang oras pa ay tumayo na ito, at nagulat pa ako ng bigla ako nitong yakapin. I hugged her tight, i know how hard it is for her.
“Thank you!” Kumalas ito at naglakad palabas kaya't sinundan ko na lang ito.“ Pwede mo ba akong ihatid sa bahay?” dagdag pa nito ng di man lang lumilingon.
“Sige!”
Ng makarating na kami sa bahay nila, “Umuwi kana, alam kung pagod ka din Freezer HAHAHA!” asar pa nito. Nagawa pa talaga niyang mang- asar ngayon ah. But i was so impressed. Nagagawa pa niyang ngumiti.
“Grabe sa Freezer.” sagot ko dito.
Nagtaas lang ito ng kilay,“ Tignan mo, Cold mo. Pinaglihi ka ba sa ice, pinanganak sa North pole, Lumaki sa refrigerator ha.” mahabang sambit nito.
“Are you okay?” tanong ko dito kahit na alam ko na ang magiging reaksiyon nito, but i was wrong.
“Oo, gusto ko munang tumigil sa pag-iyak kahit ngayong gabi lang diba? Diko nga din alam kung makakatulog pa ako eh. Well, may pasok pa tayo bukas. Sige na MR. FREEZER uwi kana din, alam kung pagod ka.” wika nito.
“Okay lang, wala ka ding kasama dito. Dito na lang ako matutulog para may kasama ka.” ngiti ko sa kanya.
“ Halos apat na buwan pa lamang tayong magkakilala, halos aso't pusa tayong dalawa pag nagkakasalubong oh ano sa school, Pikunan at asaran tayong dalawa, bakit nagagawa mo pa din akong tulungan at icomfort sa ganitong sitwasyon? eh ni lagi nga kitang binubulyawan.”natawa na lamang ako sa mga sinabi niya.
“Magkaibigan na ba tayo ngayon?”tanong ko dito.
“Hoy, ako naunang magtanong ah.” iritang tanong nito.
“Kasi, hinuhusgahan lang natin yung isang tao base sa nakikita natin sa panlabas but deep inside your not that kind of girl. Kahinaan mo ang Kalakasan mo, you what i mean? Kaya naman mas lalo akong humanga sayo. Pa'no dito ba ako matutulog, o tabi tayo?” pilyong sambit ko.
“Ikaw ahh magtino ka,” wika nito.
“Napaka rumi ng iniisip mo. Clean your mind.” sagot ko dito at umakyat na nga ito papuntang kuwarto niya at naiwan ako dito sa baba.
“Good night, bangungutin ka sana.” sigaw pa nito.
“Night, Ms. A” bulong ko na lamaang at nag log- in sa aking account.
Busy ako sa pagcecellphone ng biglang pumasok ang maiingay na kaibigan niya, nagulat pa ang mga ito ng makita ako.
“Dale, dika pa ba umuuwi?” takang tanong ni Joy, at lumapit sa akin.
“Teka, huw—”dina niya nagawang ituloy pa ang sasabihin nito ng magsalita ako, iba na naman inisiip nito kaya't inunahan ko na lang ito sa kanyang sasabibin pa.
“Hindi, sinamahan ko lang siya. I didn't know na may balak pala kayo mag stay din dito.” paliwanag ko.
“Aalis na din ako since alam ko namang may kasama na siya.” paalam ko sa kanila. Tumayo na ako at kinuha ang ilang mga gamit ko.
“Ingat!” sambit ni Yna.
Kumaway na lang ako sa kanila, pagkatapos non ay pumasok nandin ako sa kotse ko at pina andar ito.
Pagod and stress, but Thea needs us right now. Pinaandar ko na ito para makauwi na din kaagad ako, dahil sobrang pagod ako sa buong araw.
Take a rest Thea.

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Sariiah Andecio

    this is a most cool read ever thank you

    30/12/2024

      0
  • avatar
    Angeline Rose Estolero

    Ang ganda ng story na ito

    25/10/2024

      0
  • avatar
    AdriasKharen

    very Nice And I love it❤️❤️

    01/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata