Chapter 10- The Meeting

"Well, Ms. Suarez i didn't allow that kind of attitude regarding from that. Huwag kang paimportante." ouch masakit yun ah, tagos. Naglakad na lang ito ng mabilis, nagalit ko ata siya. Wala naman akong ginawang masama sa kanya eh. Saka ano, diba mag-uumpisa yun kung wala ako, Special.
Tumakbo na lang din ako para maabutan siya kasi baka mas lalong maging froozen sa pagka cold.
(Continuation)
Pagkarating ko ay nasa stage na siya together with the other SSG official's and teachers.
"Good morning to each everyone, we're here right now for a short discussion, that is all about the upcoming Intramurals right here, with the help of our co- teachers and SSG officials that will be started Next week." anunsiyo ng Dean.
Nagsimula ng magbulong- bulongan ang mga estudyante na kanina ay tahimik. Malamang excited mga yan kasi Intrams, sino ba naman di magiging excited eh madaming vacant charot. Syempre enjoy kasi maraming palaro na magaganap tsiyaka yung Mr. & Ms. Valdemore Intramurals.
"Excited na ako!"
"Sana din bumalik na si Sam noh!"
Rinig kung bulungan ng magkatabing babae.
" We are very excited for this coming Intramurals, i know that you waiting for that time. Games, activities and the pageant will be starting by next week, So be ready."
Samo't saring usapan at bulungan na ang maririnig dito sa loob ng court dahil sa excited na sila, tskk kung diko lang alam na excited sila dahil di sila makakapag klase eh, ako pa niluko nila hayst. Di joke lang HAHAHA.
Nasa likod kami ngayon nina Lj at Joy ng may limang lumapit samin, "Alam niyo kung nandito kayo para asarin kami, YOU BETTER LEAVE or YOU WILL BE LYING TO HOSPITAL BED." may pagdidiin sa mga words ko sabay taas ng kilay. Bahagyang nagulat pa sina Joy sa sinabi ko at nagpigil ng tawa.
"Grabe naman makikipag kaibigan lang eh. Ako nga pala si Ricky Villa at ito naman si Ryna Lucas, Yna Gonzales,Thalieo Santos, at Rayn Santibanez."mahabang pagpapakilala nito sa mga kasama niya na mukha namang mababait. Nasa kabilang section sila kaya naman diko talaga kilala.
"Thea Suarez, kilala niyo naman na silang dalawa hindi ba?" tanong ko dito, bahagya pa akong tinapik ni Joy na ngayon ay nakasimangot.
"Buti pa siya pinakilala mga kasama niya tas ikaw tsss tamad nito." irap nito sa akin. Aba itong malditang ito nag eepal na naman.
"Nice to meet you all. Sorry ha! Kala ko naman kasi mang- aaway kayo eh." sambit ko habang nakatingin pa din sa stage kung saan nageexplain ang mga SSG OFFICERS and mga teachers pero kami ito nagkukuwentuhan.
"Grabe ka naman makikipagkaibigan lang kami sa inyo, hindi naman kami gaya ng iniisip mo eh." sagot ni Thalieo kaya't napatingin ako sa kanya.
"Shhh, baka sitahin tayo dito, ingay niyo." pagpapatigil ni Lj samin na kinatahimik ng lahat. Sa konting sandaling nakasama at nakilala namin sila naramdaman naming totoo sila.
Kanina pa nagkakapikunan dito sa grupo namin, mga taong ito, paano ba naman eh may nakita lang silang natapilok habang lumilipat ng puwesto ayon, pana'y kutya na lahat. Napapailing na lang ako, tumingin ako kay Lj na ngayon ay napatingin agad aa stage ng napatingin ako sa kanya.
Panay kulitan ang mga ito ng biglang napabalik ako sa realidad ng magsalita si Dale sa harap ko, aba eh lukong toh masakit sa tenga yun ah, pa'no ba naman eh nakahawak sa microphone.
"Ms. Suarez, kanina kapa tinatawag sa stage." taas kilay nitong bigkas bago maglakad muli papuntang stage.
"Hayan kasi, di nakikinig." tukso ni Rayn na ngayon ay kala mo naman nakinig.
Teka bakit nga ba ako pupunta sa stage. "Dinadaldal niyo kasi ako kaya yan diko alam kung bat ako pupunta doon." asar kung sambit sa kanila na mga nagpipigil ng tawa maliban kay Lj.
"Majority wins, ikaw ang nanalo bilang Muse." walang emosyong sambit nito na napatingin sakin dahilan para tumalikod na ako at naglakad papuntang stage. Malakas na sigawan at palakpakan ang namamayani ngayon dito sa loob ng court, samantalang may mga iba pa rin na maldita at SAM pa rin ang sinisigaw.
“Hayan magpapakilala muna kami isa-isa para mas makilala niyo kami, since buo na kaming lahat. I know that you already know us, sort of.”
Malay ko ba eh wala ako sa sarili kanina tapos biglang muse na aba matindi HAHA.
"So let us all welcome the new Muse of Valdemore University. Let us all give around of applause, to Ms. Thea Suarez from 12-B." Naglakad palikod si Dale pagkatapos itong sabihin.
Lumapit sa akin si Dale, “ You deserve it.” pabulong nito sa akin at nagpatuloy itong maglakad palikod kasama ng iba pang official's.
Kinilig apdo ko ng slayt, may pa YOU DESERVE IT ka pang freezer ka ah.
“Thank you, wala na akong sasabihin pa kasi nasabi na nila. I just want to say Thanks for trusting my beauty face. Shh grebe keye sekin. Ako lang toh, joke basta yun lang.” pigil na tawa ko dahil sa kalokohan ng isip ko. Nakita ko naman ang mga kaibigan kung panay ang tawa mula sa likod samantalang nakita ko namang napailing na lang si Lj na nakangiti dahil sa mga sinabi ko.
“ Hi , I'm Dale Devyd Valdemore, SSG PRESIDENT.”
“Poging miyembro ng De Facto, hindi Encanto sino paba edi ako, Ceejhay Galvez at your service ang nag-iisang Vice President ng Valdemore.”
“Hi, I am Moira Vence. Secretary ng Valdemore SSG.”
“Hi, Hindi pangit, may magandag gupit na kahit ako'y gipit di pa rin mangungupit. I am Treasurer Timothy Thompson.”
Puro tawanan ang mga estudyante dahil sa kalokohan nila. Mga baliw na SSG ng Valdemore, buti na lang may mga natira pang matino kahit papaano.
“Patrick Gomez, ang inyong likod este lingkod. Ang nag-iisang P.O dahil di ka naman siguro duling para di makitang ako lamang ay nag-iisa.”
“P. I. O, ang aking puwesto, nakakahiya sa ibang miyembro, dahil ako lang ang matino. Rome Sandoval po.”
Mas lalong umingay sa loob ng court na ito dahil sa mga introduction ng mga SSG, grabe talaga. Malapit na pala ako.
“Pinaka pogi sa De Facto, Ferds Gatchallian the one and only Escort of Valdemore University. No choice kayo kaya huwag kayong umangal.”
“Thea Suarez ,ang bagong Muse ng Valdemore University.”
Pagkatapos nito ay panay tawa pa rin ang mga tao pati na rin ang mga guro. Kalokohohan jpeg. At ito na nga may meeting na kami.
Tumalikod na ako at nakita ko si freezer na wala man lang emosyon, talaga ba? diba yun nakakatawa?
“That would be all, you may proceed to your class room for your next subject. SSG officer's kayo na bahala magpalano.”at nagsimula na ngang magsi- alisan ang mga students at mga Professor's pati na ang Dean.
“Proceed to SSG meeting room.”at umalis na siya.
“Let's go guy's. You too Thea.”
Sumunod na lang ako sa kanila. Omg, first time ko ito.
Nang malapit na kami sa Meeting Area bigla namang sumulpot si Joy, “ May pinapamigay si Klent sayo, dika daw niya kasi makausap ng maayos kanina.” sabay alis. “Hey, pumasok kana bago siya magalit sayo.” sambit nito.
Pumasok na nga ako, nakaupo na silang lahat kaya't umupo na lang din ako. Nahihiya pa ako nung una dahil nga hindi ko naman sila ka close tapos grabe yayaman nila.
“Hindi naman kami nangangain Thea, kaya't wala kang dapat ikabahala.” ngiti ni Rome. Ngumiti na lang din ako pabalik kahit sobrang nahihiya at natatakot.
“Okay, this is the Game's/ Activities na kailangan nating paghandaan, In GAMES(SPORTS) one OFFICERS should handle your choosen Sport. It would be better if sanay ka sa Sport na pipiliin mo. Professors together with the Dean, will having a meeting about, who will be the judge, prize, certificates, medal and more.”Pinasa niya ang isang papel sa aming lahat, and yung mga games, activities na gaganapin.
—_—_—_—_—_—_—_—_—_—
⚜️VALDEMORE UNIVERSITY⚜️
INTRAMURALS

📌GAMES
Basketball-
Volleyball-
Badminton-
Tennis-
Swimming-
Football-
Scrabble-
Chess-
Damath-
📌 ACTIVITIES/BOOTHS
Wedding Booth-
Jail Booth-
Confession Booth-
Photo Booth-
—_—_—_—_—_—_—_—_—_
“Yan lang muna, sa activities/Booth's natin is by pair. Okay, Let's start sa sports.”
“Rome, where should i put your name?” sagot nito kay Rome na agad ding sumagot, “Chess, bro.”
“Ceejhay? Timothy? Ferds?”
“Basketball!”
“Football”
“Tennis”
“Moira?Elijah?Patrick?Thea?"
“Scrabble. Damath. Volleyball. Badminton." sunod sunod na sagot namin sa seryosong si Dale.
“ Okay, You don't have to be alone in working for it, pwede kayong magpatulong sa pag prepare ng mga maglalaro, mga gagamitin and everything. So let's proceed to Booths. Any suggestions kung paano natin hahatiin sa apat?” tanong nito na akala mo naghahabol ng oras sa bilis ng pagsasalita nito. Rapper ka HAHA joke.
“Majority wins, Magbotohan tayo kung sino magpapartner.” mungkahi ni Elijah na animo'y may masamang balak.
“No, mamili na lang tayo and hindi na pwede baguhin. I'll start. I choose Moira! to be the HANDLER of Confession Booth.” matapang na bigkas ni Ferds , na ikinagulat naming lahat. Di naman maipaliwanag ang mukha ni Timothy na kanina pa nagtitimpi, pero kalaunan ay napatawa din ito ng malakas,” Sabi na eh may gusto ka talaga kay Moira, may pa Confession Booth ka pang nalalaman." asar pa nito.
“Mga haliparot kayo,ang eepal che.” sabay flip ng hair, aba wala namang ifli-flip.
“Me and may jowa, whoahhh!” sabay hila kay Timothy na nabigla pa dahil sa ginawa ni Ceejhay,“Sa Wedding Booth kami para astig.” dagdag pa nito.
Puro tawa lang kami dito aa meeting area maliban kay Freezer.“Sa wedding booth, 3 person should handle it.”
“Sige, si Elijah, siya magpapari, siya magkakasal. Close Deal.” maangas na sagot ni Timothy.
“Diba dapat isa sa inyo mag pari, volunteer pa.” inis na bigkas ni Elijah sabay irap sa dalawa.
“Si Patrick at Rome na maghandle ng Jail Both.” sambit ni Ceejhay sabay tingin kay Timothy at Ferds.
“BRO-MANCE!” sabay- sabay na sigaw ng tatlo.
Mga siraulo talaga itong tatlong ito, kalokohan parati basta magkakasama na hayst. Tawanan lang sila maliban sa tatlo, lalo na yung dalawa na sina Rome at Patrick. Napakamot na lang ako sa ulo ko ng biglang pumasok sa isip ko na kami na lang ni Dale natitirang wala pang ihahandle. Napatingin silang lahat sakin at ito na nga, “ Ayiehhh, I love Chemistry.” sigaw ni Rome.
" Ito na yung final. And now bahala na kayo magplano. Booths will start tomorrow, Thea mag-usap tayo after ng class mo mamayang hapon, If you have questions, don't hesitate to ask me." paalam nito.
—_—_—_—_—_—_—_—_—_—
⚜️VALDEMORE UNIVERSITY⚜️
INTRAMURALS

📌GAMES
Basketball- CEEJHAY GALVEZ
Volleyball- Patrick Gomez
Badminton-Thea Suarez
Tennis- Ferds Gatchallian
Swimming- Dale Valdemore
Football- Timothy Thompson
Scrabble- Moira Vence
Chess- Rome Sandoval
Damath- Elijah Vence
📌 ACTIVITIES/BOOTHS
Wedding Booth- Timothy & Ceejhay & Elijah
Jail Booth- Rome & Patrick
Confession Booth- Ferds & Moira
Photo Booth- Dale & Thea
—_—_—_—_—_—_—_—_—_
Lumabas na kami ng room na yun at nagsibalikan na sa kani- kanilang klase.
Pagkalipas ng ilang oras.
“Kamusta naman meeting niyo?”tanong ni Thalieo na ngayon ay nag-aayos na ng kanyang mga gamit.
“Buti naman nakalabas kapa doon?” asar ni Ricky sabay tawa ng malakas. Sira ulo talaga ito.
“Dati ka bang adik?” Tumayo ako at binatukan si Ricky na tumatawa. Laging happy. Napatigil ito at napahawak sa ulo.
“Klent, ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.
Pinakilala ko ito sa kanilang lahat, at ayon kumpulan na naman kami ng tukso ngayon kaya't binatukan ko ulit itong si Ricky na panay tawa at asar ang ginawa.
“Yan deser— Dale!” gulat na sigaw ni Joy kaya't napalingon kaming lahat sa may pintuan. Bahagya pa akong kinalabit ni Yna.
“Can we leave now?” tanong nito.
Bahagya akong inakbayan ni Klent na kararating lang bago pa man magpunta si Dale dito, “Busy siya eh, sorry next time na lang.” sabay ngiti ng nakakaluko. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Dale na ngayon ay nakatayo sa may pintuan. Tahimik lang ang lahat ng bigla itong magsalita, napatikhim pa si Ryna at Thalieo.
“As far as I KNOW, di ka naman taga dito. Me and Thea, have something to talk about the Booth. Kaya kung maaari IPAPAALAM KO SIYA DAHIL MAY PAG-UUSAPAN KAMI. MAARI BA?” may pagka-asar sa tinig nito. Gulat ang lahat sa inasta ni Dale kay Klent. Napangiti lang si Klent kay Dale,“Okay, Just make sure na makakauwi siya ng MAAYOS.” diin nito sa huling salita niya.
“Hmmmm, Sige na Thea, bukas na lang tayo magkita- kita. Dale, paki hatid na lang siya.”sabay hila kay Klent palabas.
Tumingin muna ako kay Lj na wala namang reaksiyon sa nangyari, lumabas na din siya ng klassroom kasama nila. “Let's go?” tanong nito. Tumingin lang ako sabay ngiti at nauna na akong lumabas sa klassroom at sumunod din kaagad ito.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa kanyang sasakyan. Ilang minuto pa ang katahimikang namutawi sa aming dalawa.
Nang nasa loob na kami ng kanyang sasakyan. Bigla niyang binasag ang katahimikan sa amin.
“ Boyfriend mo?” Habang nagmamaneho pa din ito.
Kala ko ba may pag-uusapan lang kami. Pwede namang sa school na lang eh.
“Huh? Sino?” pagtatanong ko sa kanya.
Tumingin muna ito sa akin ng may pagtataka,“Ah si Klent ba tinutukoy mo HAHAHA hindi ah kaibigan ko lang siya.” tawa ko na nawala din agad ng muli itong magsalita.
“He acts like he wants you.”
Ano raw, issue mo pre. Kaibigan lang eh. “Diba pwedeng concerned lang yung tao, issue nito.” bulong ko sabay tingin sa cellphone ko.
“Just saying and i heard that. Tskk, we're here.” at lumabas na ito ng kotse niya at aba di man lang ako pinagbuksan dapat katulad siya ng mga nababasa ko na pagbubuksan ng pinto ganern. Tskk di man lang magpaka gentleman kahit isang beses.
Bumalik ito muli ,“What are doing? Lalabas ka ba o hindi? Balak mo bang mag stay na lang diyan.”tanong nito sa akin kaya't natawa na lang ako sa kalokohang naisip ko.
“Pagbuksan mo ako ng pinto, Aba- aba.” sambit ko sabay irap sa kanya. Napailing na lang siya at lumapit sa may pinto at pinagbuksan nga ako nito HAHAHA “Ganyan dapat, gentleman sa mga babae.”sabay flip ng hair.
“Ah babae ka pala, SORRY HA DI KASI HALATA!” Nauna na itong naglakad.
“AH TAO KA PALA, AKALA KO REFRIGERATOR.” ganti ko dito. Tumingin lang ito at nag smirk. Wow! Dale sdat-u HAHAHA.

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Sariiah Andecio

    this is a most cool read ever thank you

    30/12/2024

      0
  • avatar
    Angeline Rose Estolero

    Ang ganda ng story na ito

    25/10/2024

      0
  • avatar
    AdriasKharen

    very Nice And I love it❤️❤️

    01/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata