Homepage/Chasing Trilogy I: Chasing Him/
Chapter 97: I Who Knows The Truth
AEVAN'S POV
Nagising ako sa ingay at unti-unti ko ring minulat ang mga mata ko, pinakiramdaman ko rin ang sarili pati ang paligid. Nahihilo pa rin ako at maraming lalaki ang nakaupo sa gilid, mukhang nasa abandonadong warehouse na nga kami tulad ng narinig ko kanina sa van. Napakarumi rito at may masangsang din na amoy.
Nanatili akong nakapikit para kunyaring natutulog pa ako, pati sa pagpikit ay umiikot ang paningin ko. Hindi ko rin makilos nang maayos ang mga paa ko dahil namamanhid pa iyon, mabuti na lang at medyo nakakagalaw na ang kamay ko.
Dahan-dahan kong ginalaw ang kamay ko papunta sa bulsa at nakahinga ako nang maluwang dahil nandoon pa ang recorder.
"Papunta na si Boss." Rinig kong sabi ng lalaki.
"Salubungin natin, maiwan kayong dalawa riyan."
"Mukhang mapapasabak na naman tayo," sabi ng lalaki sa tabi ko.
"Bilib din talaga ako kay Boss dahil napapaniwala niya ang Hazegawa."
Napalunok ako sa narinig.
Anong ibig niyang sabihin, sino ba sila?
Nakarinig ako nang kaluskos at parang may nagsasapakan, dumilat ako ng dahan-dahan at nagulat ako ng bumulagta ang dalawang lalaki sa harap ko. Napatingin ako sa taong gumawa non, parehas sila nang suot ng lalaking tumulong sa akin kanina. Nakaitim siyang ninja suit at nakakulay dugong mask.
Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko, nasisiguro kong babae ang kaharap ko dahil sa hubog ng katawan niya. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil pamilyar ang pabango niya, tiningnan ko siya at hindi nga ako nagkakamali dahil matagal ko nang natititigan ang mga magaganda niyang mata.
Nagtaka pa ako dahil nag-iba ang boses niya nang kumustahin niya ako. Sinasadya niya bang ibahin para hindi ko siya makilala? Sinuri niya rin ang katawan ko na para bang naghahanap kung may natamo ba akong sugat. Natigilan siya nang makita ang sugat ko sa braso, kahit ang pagkungot ng noo niya ay nakita ko. Alam na alam din niyang palagi akong may dalang panyo dahil kinuha niya iyon sa bulsa ko.
Tumitingin pa siya sa paligid habang binabalot ang panyo sa sugat ko. Pagkatapos ay ginulo niya pa ulit ang buhok ko at tinulungan akong makatayo. "Ako ang kaibigan ni Titania," sabi niya habang inaalalayan akong maglakad pero umiling ako. Mukhang nagulat pa siya ng sabihin ko ang pangalan niya dahil nahinto kami sa paglalakad.
Sa huli ay nagtiwala na lang ako sa kaniya. Para pa rin akong lantang gulay dahil nakayuko pa rin ako, hindi ko maiangat ang ulo ko dahil sa panghihina. Mayamaya ay may narinig akong pumalakpak sa likod, ramdam ko pang nilingon ni Ate Tyra iyon. Nagtaka pa ako dahil humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang at kamay ko. Sinabi pa ni Ate Tyra na sundin lang ang mga bilin niya sa akin dati.
Maraming katanungan ang gusto kong masagot pero kailangan kong sundin si Ate. Nakinig lang ako sa pinag-uusapan nila ng lalaki at hindi makapaniwala sa mga naririnig. Bigla rin akong kinilabutan nang malaman kung sino talaga si Ate.
Kaya pala napakagaling niyang lumaban. Pero bakit siya sumali sa organisasyon namin? Bakit niya ako tinuturuang makipaglaban at bakit niya ako sinasagip ngayon?
Namutla ako dahil biglang dumami ang mga tauhan ng lalaki at pinalilibutan na kami. Napag-alaman ko rin na ang kaalyado naming organisasyon ang dumakip sa akin.
Ano ba ang gagawin nila sa akin? Balak niya ba akong patayin?
Napasinghap ako nang bigla akong tinulak ni Ate kaya bumagsak ako sa sahig. Pumikit din ako para isipin nilang tulog pa rin ako. Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang tunog ng baril. Dahan-dahan akong nagmulat at nanlaki ang mga mata dahil nakaluhod na si Ate Tyra ngayon. Agad akong pinaligiran ng luha.
Kaya ba niya ako tinulak kasi ako talaga ang babarilin?
Muli akong pumikit dahil kailangan kong sundin ang sinabi ni Ate at ayaw kong makadagdag perwisyo sa kaniya.
Tinuruan niya akong lumaban pero hindi ko magamit ngayon at hindi ko siya matulungan! Wala akong silbi!
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tuluyan ng bumagsak ang luha ko nang malaman kung sino talaga ang totoong pumatay sa kapatid ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon at mukhang balak din nila iyong gawin sa akin.
Narinig ko ang mga kaluskos sa paligid at tunog ng baril. Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko at wala akong magawa kundi ang pumikit. Kapag may nangyaring masama sa akin ay baka si Ate ang sisihin.
Minulat ko nang kaunti ang mga mata ko at nakita si Ate na sinusugod ang mga lalaking lumalapit sa akin. Kakaiba ang mga kilos niya ngayon dahil dinadaanan lang niya ang mga tauhan at isa-isa silang pinapatumba. Bihasang-bihasa rin siyang gumamit ng armas.
Namutla ako nang humugot ng baril ang lalaki at tinutukan ako.
Nahugot ko ang hininga nang iharang ni Ate ang katawan niya kaya siya ang nabaril. Bigla niya pang sinipa ang kamay ng lalaki kaya tumalsik ang baril sa ere at sinuntok sa panga bago saluhin ang baril nang hindi manlang tumitingin. Walang awa niya pang pinaputukan ng dalawang beses ang ari ng lalaki.
"Ipapangako ko sa iyong hindi ka na masasaktan kapag kasama mo siya at hindi niya hahayaang dapuan ka nang anumang bagay na ikakapahamak mo, kaya magtiwala ka lang."
Pinikit ko muli ang mga mata ko, ayaw kong magalit sa akin si Ate dahil hindi ko sinunod ang mga bilin niya. Nanginginig na ang katawan ko sa takot at parang gusto kong takpan ang tainga ko dahil sa naririnig. Naramdaman kong may lumapit sa akin at pinunasan ang luha sa mga mata ko, nasisiguro kong si Ate iyon dahil naamoy ko ang pabango niya.
Binuklat niya ang kamay ko at may nilagay doon, hinawakan ko naman nang mahigpit iyon. Tiim-bagang din ako tumango dahil may binilin siya sa akin.
May narinig pa akong nalaglag at parang nagpalit siya ng magasin. Mayamaya ay narinig ko ang boses ni Mom, naikuyom ko ang kamao nang marinig ang sinabi ng lalaki dahil inakusahan niya si Ate na dumukot sa akin.
Hindi ko na siya maramdaman sa harap ko kaya dumilat ako at hinanap siya. Nakikipaglaban siya sa tauhan na lumalapit sa akin. Binaling ko ang paningin kina Mom at napaawang ang labi nang hugutin ni Kuya ang baril at itutok kay Ate Tyra.
Napasinghap ako ng barilin niya si Ate. "N-No!" Sigaw ko pero basag ang boses ko. May bigla pang tumalon galing sa itaas, parehas sila ng ninja suit ni Ate Tyra at ang dami nila. Napalunok ako nang maamoy ang pabango ni Ate Naomi.
Sinugod nila ang ibang tauhan na kalaban ni Ate Tyra kanina. Hawak-hawak ni Ate ang braso niya at nakatingin lang kay Kuya. Naikuyom ko ang kamao dahil tinutukan ulit ni Kuya si Ate at parang wala siyang balak na umilag.
Nakahinga ako nang maluwag ng may tumulak kay Ate Tyra at iyon ang natamaan sa braso. Kinausap nila sina Mom pero hindi iyon umubra dahil hindi naniniwala sina Mom sa sinasabi ng kasama ni Ate.
Napailing ako ng barilin ni Mom si Ate kaya napaluhod na siya. "S-Stop!" Sigaw ko.
Sumugod ang mga tauhan namin sa kanila, nakikipaglaban pa rin si Ate kahit na andami na niyang tama ng baril. Napakabilis pa rin niyang gumalaw at napapatumba agad ang mga sumusugod sa kaniya.
"Aevan! Are you alright?!" Pinuntahan ako ni Kuya, tiningnan niya pa ang braso kong may balot ng panyo at sinuri ang katawan ko. Hinawakan ko ang balikat ni Kuya at umiling-iling.
"P-Please stop this, Kuya... dont hurt them!" Nauutal kong sabi.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko at bakas ang galit sa mukha niya. "What the hell, Aevan! Pinatay niya si Jenny! I'm going to kill her!"
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling. Tumayo siya at tinawag ang tauhan namin, nagulat pa ako nang kunin nila ako at ilayo sa kanila. "N-No! Kuya!" Sigaw ko. Nilapag ako ng tauhan namin malapit sa pinto at binantayan ako, tiningnan ko ang binigay sa akin ni Ate Tyra na recorder at inilagay agad sa bulsa.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang kuhanin ni Kuya ang Katana niya at hiniwa ang likod ni Ate Tyra. "N-NO! ATE!" Buong lakas kong sigaw at tumakbo papunta sa kaniya pero hinawakan ako ng tauhan namin, nagpupumiglas ako pero lalo nila akong hinawakan nang mahigpit hanggang sa mapaluhod ako at lumuluhang tiningnan si Ate.
Nanlaki ang mga mata ni Kuya sa narinig at napailing. Nabitawan na rin niya ang Katana niya. Tinanggal na rin ni Ate ang mask niya kaya tumambad sa amin ang mukha niya.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil nasasaktan ako sa nakikita ko. Binaling ko naman ang paningin kina Mom na kasalukuyang nakikipaglaban sa kasamahan ni Ate, nasipa niya iyon at agad na kinuha ang baril. "NO, MOM! STOP!" Sigaw ko pero huli na dahil muli na naman niyang binaril si Ate.
Humihikbi akong tumingin kay Ate, may kinuha pa siya sa pakete niya at may tinusok doon sa tama niya ng baril. Babarilin pa dapat ni Mom si Ate pero sinipa ng kasamahan ni Ate ang kamay ni Mom kaya tumilapon ang baril.
Umawang ang labi ko nang sampalin ni Kuya si Ate, para akong binabangunot pero kahit na anong gawin kong suntok sa hita ko ay hindi ako magising sa reyalidad. Napatingin ako sa gilid nang may tumalsik at kasamahan iyon ni Ate. Kinuha pa ni Kuya Bolt ang katana niya at patakbong sumugod doon sa kasamahan ni Ate.
Para akong nabingi at bumagal ang galaw ng paligid ko dahil patakbong pumunta si Ate Tyra doon sa kasamahan niya at yakapin. Kahit ang pagsaksak ni Kuya Bolt sa likod ni Ate ay kitang-kita ko.
Umalingawngaw ang sigaw ni Ate Naomi at hinubad na rin niya ang mask niya, bakas ang gulat sa mukha ni Kuya Bolt at nabitawan na rin niya ang katana. Gusto kong tumakbo papunta kay Ate Tyra pero hindi pa rin ako makawala sa mga tauhan namin.
Bumagsak si Ate Tyra at ang dami nang dugo sa sahig, napaupo na rin sina Kuya Bolt at napaluhod na si Kuya. Narinig ko rin ang mga kasamahan ni Ate at balak na nilang magsilikas pero lalong dumami ang mga tauhan namin.
Kahit sa pagtakas nila ay nanatili akong nakatingin sa kanila. Masyado akong nabibigla ngayong araw at ayaw ko ng mga nakikita ko.
"W-Why did you do that... Kuya!" Sigaw ko at napatingin naman sila sa akin.
Gumuhit ang luha sa mga mata ni Kuya at malakas na sumigaw.
It hurts seeing them like this! Bakit nangyayari ito! Gusto kong sabihin ang lahat kay Kuya pero kailangan kong sundin ang inutos sa akin ni Ate! Alam kong hindi makikinig sa akin si Kuya ngayon at pakiramdam kong ganoon din ang iniisip ni Ate.
Naiwan si Ate Naomi at ilang kasamahan niya para labanan ang ilang tauhan namin dahil balak nilang sundan sina Ate Tyra. Nasipa nang kasama ni Ate si Mom at mabilis na tumakbo papunta kina at Ate Naomi pero nakatayo agad si Mom at kinuha ang baril.
"NAOMI!" Sigaw ng lalaki nang bumagsak si Ate Naomi. Agad siyang binuhat ng kasama niya at nagmadali na silang tumakas dahil nagpaulan na nang bala si Mom.
"Habulin niyo sila!" Sigaw ni Mom at tinanggal ang mask at hood niya.
"Tumayo kayo riyan! Kung alam ko lang na ang girlfriend mo pala ang lider na hinahanap namin ay matagal ko na siyang pinatay! Mabuti na lang at nasaksak mo siya, Bolt! Sigurado akong patay na ang babaeng iyon at naipaghiganti na rin natin si Jenny! Niloko lang niya tayo at pinaikot ka lang niya!" Galit na sabi ni Mom kay Kuya.
Nakatulala lang si Kuya at nakatingin lang sa dugo na nasa sahig.
"Hindi iyon totoo, Mom!" Sigaw ko at tumayo. Agad naman niya akong pinuntahan. Nanlaki ang mga mata ko nang sampalin ako ng malakas ni Mom, nagulat ako dahil ngayon lang niya ako pinagbuhatan ng kamay.
"Masyado na niyang nalason ang isip mo, Aevan!" Gigil niyang sabi. "Hindi mo ba alam na alalang-alala kami sa iyo?! Kung hindi kami nakarating nang maaga ay pinatay ka na ng babaeng iyon!" Dagdag niya.
Kinausap niya pa ang tauhan namin na iuwi na ako sa bahay. Umiyak ako nang umiyak dahil wala akong magawa, kinapa ko ang recorder na binigay ni Ate at hinawakan nang mahigpit. Buong byahe akong umiyak at inalala ang mga nakita ko kanina.
Pagkarating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at pinagpatuloy ang pag-iyak, kinuha ko ang recorder at pinindot. Umabot iyon nang apat na oras at nilagay sa safe box pati na rin ang recorder na binigay ni Ate.
Mayamaya ay may naririnig akong nababasag na kung ano-ano sa kwarto ni Kuya, kinuha ko ang unan at tinakip sa tainga ko at hinayaan ang sariling umiyak.
Itutuloy...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (77)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
napaka ganda nya grabeee sana maging masaya sila sa ending iba talaga
11/07/2022
0it's good
07/12
0thanks
07/06/2025
0Tingnan Lahat