Chapter 94: Apology

ACE POV
Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang makilala nina Dad sina Barney. Hindi rin kami masyadong nakakalabas ni Barney nitong nakaraang buwan dahil sa dami ng project at asignment na kailangan naming tapusin.
Kahit na abala kami sa mga gawain ay hindi nawalan ng oras si Barney kay Aevan. Wala siyang palya sa pag-eensayo sa kapatid ko at palagi silang inaabot ng gabi. Initindi ko na lang dahil para sa kapakanan din ni Aevan iyon. Mas sinusunod pa nga ni Aevan si Barney kaysa sa akin, masyado na silang naging close at daig pa ang magkapatid.
Naisipan kong dalhin siya sa tagaytay ngayon para makabawi sa ginawa sa kaniya ni Mom, pero may karera sina Naomi ngayon at niyaya niya akong manuod. Hindi ko rin akalain na kaya nang mangarera ni Aevan kaya nasasabik na akong mapanuod sila. Naroon din ang kaba ko dahil baka mamaya ay madisgrasya sila.
Bumalik ako sa reyalidad nang may kumatok. Binaling ko ang paningin sa may pinto dahil bumukas iyon at iniluwa ang ulo ni Aevan. "Kuya!" Masigla niyang tawag.
Kung titingnan mo siya ay para lang kaming magka-edad pero mas matangkad nga lang ako nang kaunti sa kaniya. Iba na rin ang mga hilig niya ngayon dahil puro predator na.
"Pababa na ako, mauna ka na sa baba."
"Okay." Tiningnan niya pa saglit ang Barney na stuff toy bago isara ang pinto.
Sina Barney daw ang susundo sa amin ngayon at doon kami pupunta sa lugar kung saan sila nangangarera ni Naomi.
Teka, paano nga pala kami manunuod nang maayos sa laban nina Aevan mamaya? Ang sabi kasi ni Barney ay makikita namin sila ng malapitan at sigurado raw siyang magugustuhan ko ang view. May drone ba siyang dala at papanuorin lang namin sa TV?
Nagkibit-balikat ako sa naisip bago kuhanin ang gamit at bumaba. Naabutan ko pa sina Dad sa sala at nanunuod ng pelikula. Wala pa naman sina Barney kaya tumabi ako kay Aevan at nakinuod. Napangiwi ako dahil 'Alien Vs. Predator' ang pinapanuod nila at sigurado akong kay Aevan galing ang DVD.
"Excited na ako! Kuhanan mo ako ng bidyo mamaya, Kuya!" Masayang sabi ni Aevan at marahang niyugyog ang balikat ko.
Tumango ako at sumandal sa upuan, "Galingan mo mamaya."
Nangunot pa ang noo ko at napatingin kay Aevan dahil kanina pa siya may kinakapa sa bulsa niya. Pagkatapos ay nasapo niya ang noo bago tumayo. Patakbo pa siyang umakyat sa hagdan.
"Baka naman madisgrasya ang kapatid mo dahil sa karera na iyan. Malalagot talaga sa akin si Segunda kapag may nangyaring masama sa kapatid mo!" Banta sa akin ni Mom.
Nagpakawala ako ng mabigat na hangin bago tumugon. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo niya kay Barney. Dahil ba nagawa siyang sugatan? Siya rin naman ang may kasalanan non, tsk. Kung hindi niya sinugatan si Barney ay hindi naman siya gagantihan.
"Trust her, matagal na niyang tinuturuan si Aevan," tugon ko.
"Look... Hon, naging mature si Aevan dahil kay Segunda. Hindi ka ba masaya roon?" mahinahon na sabi ni Dad.
Tiningnan kami ni Mom at sinamaan ng tingin. Nasisiguro kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Dad dahil pinagtanggol niya pa si Barney.
"Basta! Iba ang kutob ko sa babaeng iyon, hindi ko siya gusto!"
"But she's my girlfriend," kunot-noo kong sabi.
Umayos siya ng upo at tinaasan ako ng kilay, "Makakasagabal lang siya sa iyo at baka siya pa ang maging kahinaan mo. Ayaw ko ring mapahamak ka nang dahil sa kaniya. Hindi ko siya gusto tapos ang usapan!"
Narindi ang tainga ko sa sinabi niya. Naikuyom ko ang kamao at tiim bagang na tumingin sa kaniya. "Mom! Hinding-hindi siya makakasagabal sa akin, kaya please... be nice to her! Napakabuti sa akin nang magulang niya kaya sana ikaw din!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses.
Nilabanan ko rin ang nakakatakot niyang titig at parang gusto na niya akong bigwasan. Lumunok muna ako bago magpatuloy sa pagsasalita. "Alam ko ring maalat ang mga muffin na pinakain mo sa kaniya dati! Kung hindi kakainin ni Naomi ang muffin na natira niya eh hindi ko iyon malalaman! Alam mo bang nahihiya ako sa kaniya, Mom?! Kapag napunta ako sa kanila eh sobrang bait ng magulang niya sa akin, pero kabaliktaran ang naranasan niya sa iyo!"
Nanatili silang tahimik kaya pinagpatuloy kong ilabas ang sama ng loob ko. Ngayon lang ako nagalit ng ganito kay Mom kaya lulubusin ko na. "Kapag nandoon ako sa kanila... pinapakain nila ako ng mga masasarap na pagkain, pero ano ang ginawa mo? Grabe ko pa man ding ipagmalaki ang muffins mo sa kaniya. Hindi ko rin inaasahan na ganoon mo siya kikilalanin! Paano kapag nasaktan ka niya ng sobra at napahamak ka, Mom?! Edi siya ang sisisihin! Hindi nga niya alam kung bakit ka biglang sumugod sa kaniya!"
Napabuga ako ng hangin at napatingin sa lamesa, pinakalma ko ang sarili pero hindi ako makalma. Nahilamos ko ang palad sa mukha bago ibaling ang paningin sa kaniya.
"Kita mo naman kung paano niya protektahan si Aevan. Dapat nga magpasalamat pa tayo kasi tinuturuan niya si Aevan... na hindi ko magawa kasi hindi nasunod si Aevan sa akin at hindi niyo rin magawa, kasi wala kayong oras sa kaniya kakahanap sa punyetang babaeng iyon! Ilang taon na, Mom. Ilang taon niyo nang hinahanap ang pumatay kay Jenny pero hanggang ngayon hindi pa rin makita!"
Bumilis ang paghinga ko at naiiyak na ako sa sobrang inis. Hinawakan ni Dad ang balikat ko pero hindi ko siya tiningnan.
"T-Tatanggapin ko naman kung ayaw mo talaga sa kaniya, pero huwag naman sana ang ganoong treatment. Kung sa akin gawin iyon ay sigurado akong magagalit kayo... 'di ba? Siya pa nga ang nagsabi sa akin na hayaan ko na lang kasi ayaw niya tayong mag—"
"I'm dissapointed." Tumingin ako sa may hagdan nang marinig ang boses ni Aevan. Nakaupo siya sa may hagdanan at bakas ang galit sa mukha.
Tumayo siya at nakapamaywang na dinuro si Mom. "How could you do that?!"
Naging matunog ang buntonghininga ni Mom at hinilot ang sentido. Pagdating kay Aevan ay malambot ang puso niya, minsan lang magalit si Aevan at kapag nagalit siya ay matagal. Hindi ka talaga niya papansinin at ayaw ni Mom ng ganoong treatment kaya tumitiklop siya kapag nagagalit ang kapatid ko.
Tumingin ako sa labas nang may marinig akong bumusina.
"Apologize to her!" Singhal ni Aevan.
Nanlaki ang mga mata ni Mom at napabuga ng hangin. "What?! No!"
Nahilamos ni Aevan ang palad sa mukha at kunot-noong tiningnan si Mom. "Apologize to her or I won't come home, Tracy!"
Nagulat ako sa inasta ni Aevan, padabog pa siyang naglakad papunta kay Dad para yumakap.
"Bye, Eugene. I won't be seeing you again! Take care, have a good life, and don't drink too much alcohol. Don't eat Tracy's muffins! Too much salt is bad for your health."
Umawang ang labi ni Dad at nagpapalit-palit ang tingin kay Mom at Aevan.
"Let's go, Ace!"
Napakurap ako dahil tinawag niya kami sa pangalan namin, tiningnan ko pa si Mom at Dad bago tumayo. Kinuha niya pa ang helmet na nakalagay sa may lamesa.
Palabas na sana kami nang biglang magsalita si Mom. "F-Fine! Fine! I will say sorry! God damn it!"
Napahinto si Aevan sa paglalakad at kunot-noong tumingin kay Mom. "Stop swearing!" Singhal ni Aevan at dinuro si Mom.
Lumaylay ang balikat ni Mom at muling nagpakawala ng hangin. "Okay... okay. I will say sorry."
"Good! Apologize to her now and I want it to be sincere, Tracy... or else!"
Narinig ko ang padabog na lakad ni Mom papunta sa amin at nakasunod si Dad sa kaniya. Naunang lumabas si Aevan at nasa likod niya kami, nakita namin sina Barney na nakangiti agad sa amin at bumaba sa motor. Napatingin pa ako sa dalawang kotse na nakaparada sa gilid.
"Oh! Hi Kuya! You're here," masayang sabi ni Aevan nang makita si Sebastian. Kalalabas lang niya ng kotse at mukhang siya ang nagmaneho kay Tiger.
"Hey there, young man," malambing na tugon ni Sebastian.
"Nandito ka rin pala, Felix," baling ko kay Felix na kakababa lang sa isang kotse. Nginitian niya ako at kumaway kay Aevan.
"Magandang hapon po," bati ni Naomi kina Mom.
"Nice to see you, Hija. Ang ganda mo lalo ngayon," nakangiting sabi ni Dad.
"Oo nga po eh... wala nang lunas ito," natatawang tugon ni Naomi.
"Good afternoon po. Si Sebastian nga po pala, Kuya ko. Siya naman po si Felix, family driver namin," pakilala ni Barney. Lumapit naman si Sebastian kina Mom at nakipagkamay.
"Nice to meet you ho, balita ko ay napakasarap niyo raw pong magluto ng muffins. Mahilig po akong mag-bake kaya natutuwa ako nang malaman ko iyon sa kapatid ko."
"Naku. Masarap talagang mag-bake ng muffins ang Asawa ko. Hayaan mo at padadalhan namin kayo kapag nakapag-bake siya ulit."
"Aasahan ko ho iyan, Tito. Paano, mauna na ako? Mag-enjoy kayo, balitaan niyo na lang ako," paalam niya.
"Hindi ka sasama?" Tanong ko pero umiling siya.
"Hinatid ko lang ang sasakyan niya kasi iyon daw ang gagamitin ninyo, sinama ko si Felix para ihatid ako pauwi."
Nagpaalam pa siya kina Barney bago sumakay sa kotse. Bumusina pa muna si Felix bago sila umalis. Narinig kong tumikhim si Aevan kaya tumingin ako sa kaniya. Nakatingin siya kay Mom at parang hinihintay siyang umaksyon. "It's been 10 years already!" Kunot-noong sabi ni Aevan.
"S-Segunda... Hija, come here," baling ni Mom kay Barney.
Lumapit si Aevan kay Mom at may binulong, bumuntong hininga pa si Mom bago ibaling ang paningin kay Barney.
"T-Tyra... Hija, come here."
Gusto kong matawa dahil nasisiguro kong pinaulit ni Aevan ang sinabi at gustong marinig ang pangalan ni Barney. Lumapit naman si Barney sa kaniya at nginitian si Aevan.
"OH.EM.G!"
Nanlaki ang mga mata ko nang yakapin siya ni Mom. Bakas din sa mukha niya ang gulat at napatingin pa sa akin.
"I'm sorry for what I did to you, I hope you forgive me," sinserong sabi ni Mom.
"A-Aah... naku. Wala po iyon, huwag niyo na po iyong isipin," tugon ni Barney nang kumalas si Mom sa pagyakap.
"Thank you, Hija."
"Nakatutuwa naman ang helmet ninyo," natatawang sabi ni Dad nang makita ang helmet na nakapatong sa motor.
"Cool right?" Nakangiting sabi ni Aevan.
Kinuha naman ni Barney ang helmet niya sa upuan at hinugot ang susi. Nasalo naman ni Aevan nang ibato iyon sa kaniya. Sinuot na rin ni Aevan ang helmet niya at naglakad papunta kay Cobra.
"Bye Mom, Dad. See you later," malambing na sabi ni Aevan na parang walang nangyari. Lumawak naman ang pagkakangiti ni Mom dahil doon.
Nagpaalam na rin kami nina Barney bago sumakay ng kotse. Nauna kaming umalis at nasa likod lang sina Aevan, kumunot pa ang noo ko dahil hinubad niya ang leather jacket kaya naka puting spaghetti na lang siya. Pinagmasdan ko pa ang tattoo niya sa balikat dahil lalong nakadagdag angas iyon sa kaniya.
Nakalimutan ko nga pa lang sabihin kina Dad na may tattoo siya at parehas kami ng haba.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (77)

  • avatar
    DacilloMarissa

    napaka ganda nya grabeee sana maging masaya sila sa ending iba talaga

    11/07/2022

      0
  • avatar
    Ashly Sabit

    it's good

    07/12

      0
  • avatar
    Renz Ian Libot

    thanks

    07/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata