Homepage/Chasing Trilogy I: Chasing Him/
Chapter 73: Training
TYRONIA'S POV
Umayos ako nang upo at binaba ang mga paa para mabalanse ang motor. Hinintay kong mag-signal si Aevan sa akin kung paaandarin na ba niya si Cobra. Si Naomi naman ay nagpaikot-ikot lang sa harapan namin at nag-tricks gamit ang motor niya.
"Alright! Let's go," magiliw na sabi ni Aevan bago suotin ang predator helmet niya.
Pinasaulo ko sa kaniya nang maayos ang mga parte ng motor kanina para kapag binanggit ko ang mga iyon ay alam niya agad kung ano iyon.
"Kickstart," utos ko.
Tiningnan niya pa iyon bago tapakan, nakailang padyak pa siya bago tuluyang umiyak si Cobra. Pagkatapos ay binalik niya iyon sa ayos.
"Hold the clutch then first gear and slowly release the clutch and use gas."
"Clutch is done! First gear is done! Slowly release... done! G-Gas... d-dooone!" Natataranta niyang sabi ng biglang umandar si Cobra.
"Take a deep breath and don't panic," kalmado kong sabi.
Kumapit ako sa likod ni Cobra para makapagbalanse ako nang maayos dahil mabagal ang patakbo niya.
"Bilisan mo nang kaunti, Boyfie," utos ko.
Pumaitaas ang unahang gulong ni Cobra nang biglain niya ang gas, agad akong tumayo at hinawakan ang kamay niyang nasa hand grip ni Cobra. Tinuon ko ang lakas sa kamay ko para bumaba ang unahang gulong, nagkadikit pa ang helmet namin.
"Kalmahan mo lang, Boyfie."
Hindi siya sumagot at tanging pagtango lang niya ang naramdaman ko. "You're doing good."
Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya at umupo nang maayos. Binalanse ko ang motor dahil gumegewang kami, hinawakan ko ang balikat niya at iyon ang ginawa kong manibela. Kapag kakaliwa kami ay binibigatan ko ang kaliwang kamay ko, parang nakuha naman niya ang gusto kong iparating kaya kumaliwa siya.
"Second gear," sabi ko dahil naramdaman kong nanginginig na si Cobra. Ginawa naman niya iyon kaya lalo kaming bumilis.
Mabuti na lang at walang masyadong sasakyan dito. Lumingon ako kay Naomi at sinenyasan siyang nakukuha na ni Aevan. Itinaas naman niya ang dalawang kamay sa ere, nag-okay sign siya at binalanse ang motor bilang tugon. Nagpapakitang gilas.
"It's so cool!" Sigaw ni Aevan.
Minasahe ko ang likod niya senyales na maganda ang pagmamaneho niya. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil nag-eenjoy siya ngayon, hindi ko ito nagagawa kina Tyson at Tyler dahil sabay kaming tinuruang mag-motor. Siguro kung nakikita nila kami ay magseselos na naman sila kay Aevan.
Maraming sasakyan nang kumanan kami dahil naka-red light. Binigatan ko ang kamay ko sa kanang bahagi ng balikat niya at sumingit naman siya sa pagitan ng mga sasakyan, binalanse ko naman nang mabuti para maiwasang sumayad sa mga dinadaanan namin.
"Hold the clutch and brake... ibalik mo sa neutral si Cobra," utos ko at ginawa naman niya iyon. Nasa pinakaunahan na kami at sumakto ang ginawa niya dahil hindi kami lumagpas sa linya.
"I did it!" Sigaw niya.
"Oh 'di ba? Ang galing naman ng Boyfie ko," malambing kong sabi at niyakap siya. Mayamaya ay narinig ko siyang tumawa.
Agaw atensyon kami dahil sa helmet namin, kinukuhanan pa kami nang litrato at binibidyuhan.
Sampung segundo na lang at mag-gi-green light na. "You know what to do?" Tanong ko sa kaniya.
"Yes, Teacher."
Napangiti ako nang gawin niya ang una kong pinagawa sa kaniya. Madali siyang matuto lalo na kapag gusto niya ang ginagawa. Magiging bihasa siguro siya sa loob ng dalawang buwan at kailangan ko nang ihanda ang reward niya.
Smooth ang naging pag-andar namin pero binabalanse ko pa rin, hinahayaan ko siyang masanay sa ginagawa niya dahil madali na lang ang pagbalanse. Malayo pa kami sa HQ nila kaya sinenyasan ko siyang tumigil sa isang fastfood dahil bibili ako ng pagkain namin.
"Wait here, Boyfie," nakangiti kong sabi nang makababa ako sa motor.
"Take care, Ate." Napangiti ako dahil parang binata na si Aevan kapag titingnan mo siyang nakasakay kay Cobra. Binaling ko ang paningin kay Naomi at sinenyasan kong bantayan niya si Aevan, tinanguan niya ako at naglabas ng sigarilyo.
Tinanggal ko ang helmet at kinuha naman ni Aevan iyon. Pa-simple rin akong tumingin sa paligid bago maglakad sa isang kilalang fastfood.
Um-order muna ako ng pagkain bago pumunta sa isang shop kalapit lang din nito para bumili nang maiinom. Pagkatapos ay binalikan ko ang binili ko sa fastfood. Nang makalabas ako ay nakita kong tumatakbo papunta sa akin si Aevan at tinulungan akong magbitbit.
Nang makalapit kami kay Naomi ay binigay ko ang drinks sa kaniya at ako ang magdadala ng pagkain namin. Bumungisngis ako dahil sinuotan ako ni Aevan ng helmet. Hinintay ko muna siyang makasakay kay Cobra bago ako umangkas.
Parehas may bitbit ang kamay ko kaya hindi ako makakahawak sa balikat niya, mabuti at alam niya kung saan ang daan papunta sa HQ. Tinuro niya pa sa akin ang shortcut para mabilis daw makapunta sa HQ pero hindi kami dumaan doon dahil nagpapraktis pa siyang mag-motor.
Nang makarating kami ay hininto ni Aevan sa harap si Cobra at hinintay na makababa ako bago niya iparada iyon sa gilid. Hindi pa siya masyadong marunong magbalanse pero nagawa naman niyang iparada iyon mag-isa. Ni-lock niya pa si Cobra bago lumapit sa akin at tanggalin ang helmet ko. Ipinatong naman niya ang helmet namin sa upuan ni Cobra at tinulungan akong buhatin ang pagkain.
"Ang bilis mong matuto, Boyfie," puri ko.
Nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Ikaw kasi ang nagturo sa akin, Ate."
Ginulo ko ang buhok niya at inakbayan siya. Pumasok na rin kami sa loob at dumiretso sa training room.
"Kain muna tayo," sabi ni Naomi. Inilabas ko naman ang pagkain namin at nilagay sa lapag.
"Nag-enjoy ka ba kanina?" Tanong ko kay Aevan.
"Super, Ate. Ang sarap pala sa feeling kapag nagmamaneho ng motor," nakangiti niyang tugon bago kumain.
"Mas masarap sa feeling kapag nakikipagkarera ka," sabi ni Naomi.
Natigil sa pagnguya si Aevan at napatingin kay Naomi. "Kailan tayo mangangarera, Ate Naomi?"
"Kapag pinayagan ka na niya, baka nga mas gumaling ka pa sa kaniya. Unang sakay kaya niyan sa motor ay nabangga siya, ikaw ay nakakapagmaneho na ng maayos at mukhang balanse na lang ang kailangan mong sanayin."
"Mga ilang session pa ay pwede ka nang makipagkarera kay Naomi," tugon ko.
Nasasabik na siyang matapos ang session na sinasabi ko, tinatanong niya pa sa akin kung tuwing kailan ko siya tuturuan. Napakamot ako sa ulo dahil tuwing sabado at linggo kami nag-eensayo, mukhang kailangan kong ilaan ang linggo para lang turuan siyang mag-motor.
Habang kumakain kami ay kinukwentuhan niya kami tungkol sa napanuod niyang bagong movie. Naintriga pa si Naomi dahil tungkol sa predator iyon.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na muna kami saglit bago kami pumunta sa sarili naming kwarto para magbihis ng ninja suit namin. Natuwa pa ako dahil si Aevan ang nagyaya na umpisahan na namin ang pag-eensayo, mukhang motor lang ang kailangan para lagi siyang ganahan.
Mahihirapan kasi ako kung palagi akong mag-iisip ng ibibigay sa kaniya para lang ganahan siyang mag-ensayo kaya tinuruan ko na lang siyang mag-motor. Nagpakawala ako ng mabigat na hangin pagkatapos kong magbihis. Pinagmasdan ko pa ang bago kong simbolo bago ko suotin ang mask at pumunta sa training room.
Pagkapasok ko ay nakita ko silang nagwa-warm up ni Naomi.
Pinapwesto ko siya sa gitna dahil mag-uumpisa na kami. Si Naomi naman ay tumayo sa gilid dahil panunuorin daw niya kami. Nagbigay-galang muna kaming dalawa sa isa't isa bago mag-umpisa.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinugod na siya. Nakita ko pang nanlaki ang mga mata niya nang umikot ako bigla para sipain ang panga niya. Akala ko pa ay natamaan ko siya pero nasalag iyon ng kamay niya.
Muli akong umikot para sipain ang panga niya pero agad niyang itinaas ang braso para protektahan ang mukha niya kaya sa tiyan ko siya sinipa. Narinig ko pa ang pagdaing niya nang bumagsak siya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sumobra yata ang pagsipa ko.
Hinintay ko pa siyang tumayo bago ko siya sugurin, naging maingat ako sa mga galaw ko para hindi ko siya mapuruhan. Susuntukin ko dapat siya pero nasangga nang kamay niya iyon. Dinaklot ko ang suit niya para sana ihampas siya sa pader pero sinipa niya ako sa tagiliran kaya nabitawan ko ang suit niya.
Siya naman ang umaatake sa akin ngayon dahil naging sunod-sunod ang mga suntok niya. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at puro ilag lang ang ginagawa, susuntukin dapat niya ako sa mukha pero hinawakan ko ang kamao niya. Napasinghap siya nang hawakan ko ng mahigpit ang suit niya at buong lakas siyang binalibag sa tatami mat.
Napadaing siya at nagpagulong-gulong sa sakit. Nang makarekober siya ay maingat siyang tumayo.
"Nakita mo kung paano ko ginawa?" Tanong ko sa kaniya.
"Yes, Ate. Go on... attack me."
Nagulat ako dahil parang nanghahamon siya, sumugod naman ako at patalong umikot para sipain siya. Mabilis siyang yumuko at umikot papunta sa gilid ko at malakas na sinipa ang tiyan ko. Naibalanse ko ang sarili at humarap sa kaniya para suntukin siya pero naiilagan niya iyon. Napapaatras siya at nakapokus lang sa mga kamay ko.
Sa sobrang pokus niya sa kamay ko ay hindi niya napansin ang paa ko. Nawalan siya ng balanse nang patirin ko siya. Nasuntok ko pa siya sa pisngi dahil doon. Akala ko ay tuluyan na siyang babagsak pero nag-back flip siya at umikot para sipain ang tiyan ko.
Bahagya akong natawa dahil nagawa niya ang tinuro ko sa kaniya dati.
"Go Aevan... kick Titania's face!" Inis kong tiningnan si Naomi, baka mamaya ay gawin nga ni Aevan.
Napasinghap ako dahil pagharap ko kay Aevan ay ginaya niya ang galaw ko kanina, umikot siya nang mabilis at sinipa ako sa mukha.
Damn it, bwiset ka talaga Naomi!
Isang beses lang niyang nakita ang galaw ko pero nagagawa na niya agad iyon. Napapansin kong magaling siyang kumopya ng galaw. Sigurado akong matutuwa si Barney kapag nakita niya si Aevan.
Hindi pa man din ako nakakarekober sa ginawa niya ay tumambling siya papunta sa akin at siniko ang tiyan ko. Binigyan niya pa ako ng upper cut.
Nakita ko pang sisipain niya ang pagkababae ko kaya sinalag ko kaagad iyon, kung lalaki ako ay baka mabasag ang itlog ko sa gagawin niya. Napangiti ako ng sundan niya ako nang mag-back flip ako.
Ganiyan nga Aevan, huwag mo hayaang makatakas ang kalaban.
Nang matapos ang apat na oras ay si Naomi naman ang nakalaban niya at ako naman ang nanuod sa kanila. Nainis pa ako kay Naomi dahil masyado niyang sineryoso kaya bugbog sarado si Aevan at hindi manlang siya natamaan.
Humanga ako dahil hindi manlang nagreklamo si Aevan sa mga natamo niyang bugbog. Inabot na kami ng gabi at kita ko ang mga pasa niya sa mukha at braso.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko.
Ginawaran niya ako ng matamis na ngiti. "Yes, Ate. Gusto ko ang ginawa ni Ate Naomi... mas natututo ako."
Napakurap ako sa sinabi niya. Kung alam ko lang ay nagseryoso na rin ako kanina. Nginitian ko siya at ginulo ang buhok. Pinakatitigan ko pa ang mukha niyang bugbog sarado.
Nang makapagpahinga kami ay nagyaya na akong umuwi. Natuwa pa si Aevan dahi lbinigay ko ang susi ni Cobra sa kaniya.
"Mauna ka nang umuwi," baling ko kay Naomi. Tiningnan niya pa ako saglit. Nakatunog siguro siya na sasabihin ko na kay Aevan.
"Mauna na ako, see you handsome," paalam ni Naomi.
"Take care, Ate Naomi. See you next week," malambing na sabi ni Aevan at niyakap si Naomi.
Hinintay ko pa siyang makaalis bago tingnan si Aevan. "Boyfie."
"Yes, Ate?"
"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko at agad siyang tumango.
"Tungkol saan, Ate?" Inosente niyang tugon at nakatingin sa mga mata ko.
Sana maintindihan mo ang sasabihin ko sa iyo mamaya, ikaw lang ang makakatulong sa akin, Aevan.
"Doon tayo sa tambayan ko mag-usap," tugon ko at ginulo ang buhok niya.
Hinintay niya akong makaangkas bago paandarin si Cobra. Hindi na kami nagsuot ng helmet at nakalagay na lang iyon sa braso namin. Tumingin-tingin din ako sa paligid at wala naman akong nakitang sumusunod sa amin. Tinuro ko rin sa kaniya ang daan papunta sa cliff.
"Nandito na tayo," sabi ko.
Itinabi naman niya si Cobra sa gilid ng tulay. Hinubad ko ang helmet at ipinatong sa upuan, ganoon din ang ginawa niya.
"Dito?" Tanong niya.
"Tara," nakangiti kong sabi at hinawakan ang kamay niya.
Malakas ang hangin ngayon at liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw. Nauna akong umupo at pinagpagan ang uupuan niya. "Upo ka," malambing kong sabi.
"Ano ang pag-uusapan natin, Ate?" Tanong niya nang makaupo siya. Nakatingin siya sa akin at hinihintay akong magsalita. Inayos ko pa muna ang buhok ko dahil nililipad iyon ng hangin.
"Are you afraid of me?" Seryoso kong tanong.
Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko. Iniisip niya siguro kung bakit ko tinatanong sa kaniya iyon. "N-No... why do you ask?"
Tiningnan ko muna ang mukha niya bago buksan ang bag ko at kuhanin ang recorder. Hinawakan ko nang mahigpit iyon bago inabot sa kaniya. "Alam mo ba kung ano iyan?"
Pinakatitigan niya pa ang binigay ko bago tumingin sa akin.
"R-Recorder."
"Do you trust me, Aevan?"
"I do, Ate... why?"
Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan iyon nang mabuti bago ibaling ang paningin sa mukha niya.
"Gusto kong dalhin mo iyan parati at ilagay sa bulsa mo," seryoso kong sabi.
"W-Why?"
"Kapag may nangyaring masama sa iyo... gusto kong i-on mo iyan at itago mo lang sa bulsa mo."
"W-What do you mean, Ate?"
"Basta... kung sakaling malalagay ka sa panganib ay sundin mo lang ang sinabi ko. Kahit nasa bahay ay dapat nasa bulsa mo parati ang recorder. Kapag nagawa mo iyon ay pupuntahan ka kaagad nang matalik kong kaibigan at ililigtas ka niya," paliwanag ko.
Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin sa akin na para bang hinihintay akong sabihin na biro lang iyon.
Nagpakawala ako nang mabigat na hangin bago ituloy ang sasabihin.
"Makikita niya ang lokasyon mo dahil may tracker iyan. Magtiwala ka lang sa kaniya, hindi ka mapapahamak kapag kasama mo siya," dagdag ko.
"N-Natatakot ako, Ate," nauutal niyang sabi.
Niyakap ko siya at hinagod ang likod. "Huwag kang matakot, Aevan. Tinuturuan kitang lumaban para maipagtanggol mo rin ang sarili mo, pero kung nasa peligro ang buhay mo... huwag ka na lang lumaban at magtulog-tulugan na lang. Nasisiguro kong pupuntahan ka niya," paniniguro ko.
Naging matunog ang buntong hininga niya saka tumango.
Masaya ako dahil buong akala ko ay hindi niya ako maiintindihan at mahihirapan akong ipaliwanag sa kaniya pero nakinig siya nang mabuti sa mga sinasabi ko. Nanatili kami nang tatlong oras dahil marami kaming napag-usapan, pagkatapos ay nagpasya na akong ihatid siya pauwi pero siya pa rin ang pinagmaneho ko. Sinubukan ko ring hindi ibalanse at hindi manlang niya napansin iyon.
Itutuloy...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (77)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
napaka ganda nya grabeee sana maging masaya sila sa ending iba talaga
11/07/2022
0it's good
07/12
0thanks
07/06/2025
0Tingnan Lahat