logo text

Chapter 56: Oplan: Make him Jealous

TYRONIA'S POV
"Bakit nakataas ang fader knobs ng lobby?" tanong ko.
"Ibig sabihin ay napapakinggan ang tugtog natin sa lobby, para lang siyang volume. Kapag nasa ibaba ang fader knobs ay hindi nila maririnig kasi naka mute siya. Kapag gusto mo namang iparinig sa canteen ang music ay itataas mo iyong fader knobs ng canteen," paliwanag niya.
"May nakasulat naman diyan at hindi ka malilito. Kapag magsasalita ka ay itaas mo lang din ang fader knobs ng microphone at maririnig ka na nila," nakangiti niyang sabi.
Tatango-tango naman ako at pinakatitigan nang mabuti ang mga nakasulat. "Madali lang pala," nakangiti kong tugon.
"Oo, sa una ay naguguluhan din ako eh. Pwede ka ring magdala ng sarili mong headset, hindi kasi ako komportable sa headset dito," kamot-ulo niyang sabi.
"Sige... paano kung gusto kong mag-live?" tanong ko.
Nangunot naman ang noo niya. "Live?"
"Kakanta ako ng live tapos maggigitara, pwede ba iyon?" paliwanag ko.
Namilog pa ang bibig niya. "Wow, pwede naman! Ganoon lang din ang gagawin mo, ang pinagkaiba lang ay wala kang isasalpak na CD. Hatakin mo lang itong mic papunta sa iyo at wala ka nang pipindutin bukod don sa fader knobs kung saan mo gusto iparinig ang kanta mo," tugon niya. 
Sinabi ko pa sa kaniya na huwag sabihin sa iba na ako ang sumali sa club nila dahil ayaw kong malaman ng iba na ako ang kumakanta kung sakaling kakanta nga ako. Sinabi niya pang pwede akong magsama rito pero huwag daw papatayin ang aircon dahil bawal ma-overheat ang server.
Pwede rin daw akong pumunta rito kahit anong oras ko gusto at binigyan niya pa ako ng spare key dahil palagi daw nila-lock ang pinto para daw walang ibang makapasok.
Nataranta pa ako nang makita ang oras dahil ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang klase. Masyado akong nalibang sa pakikipag-usap sa kaniya kaya nagpaalam na ako.
Patakbo akong umakyat at mabilis na hinatak ang pinto, napatingin pa silang lahat sa akin.
Woooooh!
Nakahinga ako nang maluwag dahil wala pa ang Teacher, nagpakawala muna ako ng mabigat na hangin bago pumasok.
"At saan ka galing?!" Nakangiwing sabi ni Naomi.
Hindi pa man ako nakakaupo ay ayan na siya at mukhang pagagalitan ako.
"Sa tabi-tabi lang," tugon ko.
Kumunot pa ang noo niya nang kuhanin ko ang tubig niya at ubusin.
Hiningal ako sa katatakbo.
"Akala ko ay magka-cutting ka," natatawang sabi ni Bolt.
"Hindi pwede, na late na nga kami kanina eh," nakanguso kong tugon bago umupo sa upuan ko. "Good morning, Barney," malambing kong sabi.
Tinaasan niya pa ako ng kilay. "Good morning!"
Ngumuso ako kasi iyon lang ang tugon niya. Wala manlang kalambing-lambing.
"Saan ka nga galing?" tanong ni Naomi.
"Sa tabi-tabi nga!" singhal ko.
"Psh! Huwag ako, sa tabi-tabi pero hiningal ka?"
"Tss!"
Sakto namang dumating ang Teacher. Puro discussion lang ang ginawa niya at walang pinagawa na seatwork. Alam ko rin naman na ang tinuturo niya kaya hindi na ako nakinig masyado at nanatili lang akong nakatingin sa bintana.
"Nagugutom na ako," bulong ko kay Naomi.
"Matatapos na rin naman ang klase, maghintay ka."
Hinawakan ko ang tiyan ko dahil kumakalam na.
Lumipas ang kinse minuto ay breaktime na, kasalukuyan kaming naglalakad nina Bolt papunta sa canteen nang makasalubong namin sina Blaze.
"Titania!" nakangiting Blaze ang lumapit sa akin.
"Katatapos lang ng klase ninyo?" tanong ko.
"Oo, ang ganda mo lalo ngayon ah?" Pinisil pa ni Blaze ang pisngi ko.
"Talaga? Bakit ang blooming mo ngayon?" nakangisi kong sabi at pinisil din ang pisngi niya.
"Parang may something sa inyo!"  mataray na sabi ni Naomi. 
Nagkatinginan pa kami ni Blaze. Inakbayan ko siya at tiningnan sa mata.
"May something daw tayo?" natatawa kong sabi.
"Meron ba?" Kamot-ulo niyang sabi at nakatingin lang din ng diretso sa mata ko.
Ngumuso naman ako. "Limot mo na?"
Namilog ang bibig niya nang kumindat ako sa kaniya. Malapit ang mukha namin sa isa't-isa dahil nakaakbay ako sa kaniya.
"Hindi no, bakit ko naman kalilimutan!" natatawa niyang sabi at humawak pa sa baywang ko. 
Binaling ko ang paningin kina Naomi at nakitang tumingin si Barney doon, sinamaan niya pa ako ng tingin pagkatapos.
"Tol! May hindi ka sinasabi sa amin ah!" singhal ni Dave kay Blaze.
"Wala na ito! Malihim na ang tropa natin!" nakangusong sabi ni Bolt. 
"Siya, mauna na kami roon," sabi ko at hinatak na si Blaze papunta sa canteen.
"Titania," tawag niya sa akin. "Baka isipin nilang may relasyon tayo," natatawang sabi ni Blaze.
"Hayaan mo sila," natatawa kong tugon.
Napatingin pa siya sa akin. "Bakit mo ginagawa ito? 'Di ba kay Ace ka may gusto?" 
Napahinto ako at tumingin sa kaniya. "Bakit ikaw ay napapansin mo, siya hindi? Tss! Sinabi ko na ngang may gusto ako sa kaniya pero lagi niyang iniisip na tinitrip ko siya," nakanguso kong sabi at tinawanan niya pa ako. 
"Kailan mo napansin na may gusto ako sa kaniya?" tanong ko.
"Napansin ko iyon nong nakikipaglaban ka kay Sophia. Iba ang tingin mo kay Ace non, nakumpirma ko lang noong interhigh kasi iba ang awra mo kapag kasama niya si Yvonne. Ewan ko pero... parang hindi mo nagugustuhan ang nakikita mo kapag magkasama silang dalawa," tugon niya.
"Sina Dave at Bolt ba ay alam din?" tanong ko.
"Siguro? Kahit busy si Dave sa panliligaw kay Mio at si Bolt naman ay busy kay Naomi ay sigurado akong nakakaramdam din sila sa iyo. Ako kasi ay wala namang pinagkakaabalahan kaya napapansin kita agad," seryoso niyang sabi. "Kahit si Naomi ay napapansin ko rin, mukhang nasa indenial stage siya. Hindi rin niya matanggap iyong sinasabi ni Bolt. Baka natatakot siyang ma-fall kay Bolt kaya ganoon." 
Parehas kaming natawa sa sinabi niya.
"Iyan din ang nasa isip ko... pwedeng magtanong?" seryoso kong sabi.
Kararating lang namin sa tambayan, umupo ako sa gilid kung saan ako pumupuwesto parati.
"Oo naman," tugon niya. Sa harap ko naman siya umupo.
"Nililigawan ba talaga ni Barney si Yvonne?"
"Oo, iyun ang sabi ni Yvonne eh. Palagi rin silang magkasama nong outing. Kita mo naman 'di ba? Tapos hinahatid sundo niya pa, kumain pa nga sila sa mall nong mismong laban mo kaya tingin ko ay nililigawan talaga siya ni Ace."
"Tss, edi wala na pala akong pag-asa sa kaniya kung ganoon?" Inis kong sabi. Bumuntong-hininga ako bago sumandal sa upuan.
"Ligaw pa lang naman iyon at hindi pa sila, malay mo may pag-asa ka pa." 
Napatingin ako sa kaniya. "Lagi nga akong binabasted non, tss! Hindi talaga siya nasisindak sa mga litanya ko, Blaze, hirap na hirap akong ligawan siya," problemado kong sabi.
"Ikaw talaga ang manliligaw sa kaniya?" natatawa niyang tanong.
Tumango naman ako bilang tugon.
"O—"
"Talaga naman! Mukhang nagkakamabutihan na kayo," natatawang sabi ni Bolt. 
Nagkatinginan kami ni Barney at ganoon pa rin siya makatingin.
"Bes, mukhang may hindi ka sinasabi sa akin! Ganiyanan na!" nagtatampong sabi ni Naomi at tiningnan pa nang masama si Blaze.
"Tss... ako na ang oorder, umupo na kayo," sabi ko bago tumayo.
"Ako na, Titania. Huwag ka nang maglabas ng pera, ayaw ka nga pagastusin ni Bobbie eh," tugon ni Blaze at nginitian ako. 
Paalis na siya nang hawakan ko ang braso niya.
"Samahan na kita," sabi ko.
Lumawak naman ang pagkakangiti niya sa akin. "Let's go then," sabi niya.
Hinawakan niya pa ang kamay ko.
"Yieee! Lumalablyp si Captain!" kinikilig na sabi ni Mio.
"Para kaming nanunuod ng love story!" sabi naman ni Bolt.
"Mag-uusap tayo pagbalik ninyo!" singhal ni Naomi at dinuro pa kami.
Nagkibit-balikat lang ako at hinatak na si Blaze paalis. Ako pa ang pinapili niya ng mga kakainin at siya ang nagbayad.
"Ano na ang balak mo?" tanong niya.
"Hindi ko alam eh, mahihirapan ako kapag naging sila ni Yvonne, tss!" tugon ko.
"Gusto mo pagselosin natin? Malay mo, bumaling ang atensyon niya sa iyo?" 
Napaisip naman ako sa sinabi niya. "Hindi ka ba boto kay Yvonne? Tropa niyo siya 'di ba?" tanong ko.
"Naging tropa lang naman namin siya dahil kay Dave, pero mas gusto kitang tulungan," natatawa niyang sabi.
Pinangliitan ko siya ng mata. "May gusto ka ba sa akin?" seryoso kong tanong kaya natigilan siya sa pagtawa.
"Hmm m-meron... hindi ka naman mahirap gustuhin eh," nahihiya niyang tugon at hindi makatingin ng diretso sa akin.
"Tss, eh bakit si Barney ay hirap na hirap?" reklamo ko sa kaniya.
Bigla naman siyang natawa. "Kaya nga pagseselosin natin, hanggang magkagusto siya sa iyo."
"Okay lang sa iyo iyon? 'Di ba may gusto ka sa kin?"
Tumingin pa siya sa sahig na para bang nandoon ang sagot sa tanong ko. "Paghanga siguro ang meron ako ngayon kasi naaastigan ako sa iyo. Okay lang naman sa akin pero hindi ako sigurado kung magkakagusto din ba siya sa iyo kahit gawin natin ito. Wala namang masama kung susubukan natin 'di ba? Mukhang exciting din," nakangiti niyang sabi. 
"Ako na ang magdadala nito," sabi ko bago kuhanin ang tray ng Chicken.
"Paborito mo ang Chicken no?"
"Paano mo nalaman?"
"Kapag may Manok na nakahanda sa lamesa ay iyon ang una mong kinukuha eh. Naalala ko pa dati nong nasa hospital tayo, akala namin ay tulog ka. Grabe kaya ang tawa ko noon, bigla kang bumangon nang maamoy mo ang Manok," natatawa niyang sabi.
"Wow ha... naalala mo pa iyon!"
Tumaas ang kilay ko dahil nakatingin sina Dave sa amin. "Bakit ganiyan kayo makatingin?" tanong ko sa kanila. 
Katabi ni Naomi si Bolt, sina Dave at Mio naman ang magkatabi. Umupo ako sa tabi ni Barney at nasa harap ko naman si Blaze.
"Kakaiba talaga kayo ngayon eh," kunot-noong sabi ni Naomi. Sinamaan niya pa ako ng tingin.
"Tss, kumain na tayo, nagugutom na ako!" Ako na ang nagbigay sa kanila ng mga plato at kutsara.
"Here Titania, kumain ka ng marami," nakangiting sabi ni Blaze at nilagyan ako ng Chicken saka spaghetti. 
"Salamat Blaze, kumain ka rin ng marami!" Nilagyan ko siya ng kanin at Chicken, inabutan ko pa siya ng coke.
"T-Teka nga, teka nga!" Sabi ni Naomi.
"What?" tugon ko habang nakain ng Chicken.
"Ang weird ninyo, bakit kayo ganiyan?" singhal niya sa amin.
"Ha? Ikaw ang weird, ano bang sinasabi mo!" tugon ko.
"Masyado kayong sweet ngayon! Daig niyo pa ang magsyota, umamin nga kayo!"
"May kislap pa sa mga ngiti ninyo!" sabi ni Dave.
"Ang cute nga nilang tingnan eh, bagay sila!" nakangiting sabi ni Mio.
"Talaga? Bagay kami?" nakangiti kong tanong kay Mio.
"Oo, kinikilig nga ako sa inyo eh!" tugon niya at mapanukso kung makatingin.
"Rinig mo iyon?" Baling ko kay Blaze. "Bagay raw tayo," nakangiti kong sabi.
"Ang swerte ko naman kung ganon," tugon niya.
"Ako ang maswerte at hindi ikaw, ang gwapo mo kasi," malambing kong sabi habang nanguya ng Chicken.
"Ako kaya," malambing niyang tugon.
"Ako!" nagpapa-cute kong sabi.
"Ako," pagpupumilit niya.
"Ako iyon," natatawa kong sabi dahil para kaming tanga.
"Edi maswerte tayong dalawa, dahil bagay tayo sa isat-isa," nakangiti niyang sabi.
"Oo nga, ganoon na lang," pagsang-ayon ko.
"Potchak! Parang wala kayong mga kasama ah! Pakyu kayo!" humahalakhak na sabi ni Bolt.
"Akala yata nila ay nag-dedate silang dalawa! Mga bwiset" natatawang sabi ni Dave.
"See? Nakakakilig kaya!"
Kumuha ako ng manok at nilagyan si Barney, sinamaan niya pa ako ng tingin.
"Barney, kumain ka rin ng marami. Ayaw kong nagugutom ka," seryoso kong sabi.
"Tsk! Kumain ka na lang!" masungit niyang sabi.
Umusod naman ako papunta sa kaniya. 
"A-Ano ba! Huwag ka ngang umusod!" singhal niya.
"Bakit ba! Gusto kitang katabi eh," nakanguso kong sabi. 
Napatingin siya kay Blaze bago ako tingnan. "Doon ka kay Blaze tumabi, tsk!"
"Nangangamoy jelly Ace!" natatawang sabi ni Bolt.
"Kapangalan pa ah!" nakangising sabi ni Dave at nakatingin kay Ace.
"Nagseselos ka ba, Barney ko?" nakangisi kong sabi.
"Tsk. Bakit ako magseselos eh wala namang tayo!" bulyaw niya.
Ngumiti ako sa sinabi niya. "Oo mo na lang ang hinihintay ko, Barney... tayo na ba?" tanong ko. 
Inakbayan ko ang back rest ng upuan niya at nakapalumbabang tumingin sa kaniya. Kinilig naman si Mio sa ginawa ko at tinutukso kami nina Bolt.
"Tsk! Wala akong gusto sa iyo!" sabi niya habang tinutusok-tusok ang pasta.
"Aray naman, walang preno!" malungkot kong sabi at humawak pa sa dibdib ko.
Nag-inarteng nasaktan.
"Ilang beses ka ng nabasted ah?" natatawang sabi ni Blaze.
"Hindi ko na nga mabilang eh," nakanguso kong sabi.
"Ang lalakas ng trip ninyo, tsk!" singhal ni Ace.
"Amin-amin din kasi kapag may time," napapailing na sabi ni Naomi. 
"Hey guys!"
Nangunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"Oh Yvonne! Tara kain, upo ka!" Sabi ni Dave.
Tumingin ako kay Yvonne at nakatingin siya sa kamay kong nasa back rest ng upuan ni Barney.
"Tabi tayo, Ace?" nakangiting sabi ni Yvonne. 
Napatingin pa sina Bolt sa akin.
"A-Ah sige," tugon ni Barney.
Nagkatitigan pa kaming dalawa.
"Palit kayo ni Ace ng upuan, Blaze," utos ni Yvonne.
"S-Sure, dito ka, Repa!" Baling ni Blaze kay Ace. 
Umayos ako ng upo nang makaalis si Barney at umupo sa harapan ko. Nginitian ko pa si Blaze nang umupo siya sa tabi ko.
Binigyan pa ni Barney ng pinggan si Yvonne.
"Thanks," malambing na sabi ni Yvonne.
"Kain ka pa," sabi ko kay Ace at nilagyan siya ng Chicken. Napangisi ako dahil bumusangot ang mukha ni Yvonne.
"T-Thanks," tugon ni Ace at kay Blaze nakatingin.
Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan namin.
"Sabay tayong umuwi mamaya?" tanong ni Yvonne kay Barney.
"A-Ah sige, hintayin kita mamaya."
Inis akong tumingin sa relos ko, may kalahating oras pa bago ang sunod na klase.
"Tss!" Napatingin sila sa akin nang tumayo ako. "May pupuntahan ako, mauna na kayo sa room," baling ko kay Naomi.
"Sige," tugon niya. 
Nakita ko pa ang kamay niya at sumenyas siya sa aking mag-chat ako sa kaniya. Kinuha ko ang gamit ko at aalis na dapat pero hinawakan ni Blaze ang braso ko.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
Tumingin ako kay Barney at nakatingin siya sa kamay ni Blaze na nasa braso ko.
"Sama ka?" nakangiting tugon ko.
Lumiwanag naman ang mukha niya. "Sige!" masaya niyang tugon.
Hinintay ko pa siyang kuhanin ang gamit niya. 
"Mauna ka na rin sa room mamaya, Repa, sasama ako kay Titania," baling niya kay Dave.
"Ang saya-saya mo ah!"
"Wala na ito... tinamaan na ng lintik," natatawang sabi ni Bolt.
"Mag-take out muna ako ng pagkain, kaunti lang ang kinain mo eh," sabi ni Blaze.
Napansin niya pa iyon?
"Ayeee! Ang sweet ni Blaze!"
"Tara?"
Tumango ako at nauna nang maglakad. Hinintay ko pa siyang bumili ng pagkain at napapatingin ako kina Barney.
Ang bigat pa ng pakiramdam ko kapag nakikita silang magkasama at masayang nag-uusap.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (77)

  • avatar
    DacilloMarissa

    napaka ganda nya grabeee sana maging masaya sila sa ending iba talaga

    11/07/2022

      0
  • avatar
    Ashly Sabit

    it's good

    07/12

      0
  • avatar
    Renz Ian Libot

    thanks

    07/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata