Homepage/Chasing Trilogy I: Chasing Him/
Chapter 42: Skin Disease
TYRONIA'S POV
"Bes, ano tapos ka na?"
Nilingon ko si Naomi na kasama na sina Rose.
"Tapos na kayong kumain?" tanong ko. Tinapon ko ang yosi sa basurahan at lumapit sa kanila.
"Nawalan ako ng ganang kumain eh," nakanguso niyang sabi.
"Banyo muna tayo," sabi ko.
"Tara, naiihi na rin ako," tugon ni Rose, mabuti na lang at malapit lang ang banyo rito.
"Alam mo, nalungkot ako kanina." Kasalukuyan akong umiihi nang marinig ang boses ni Mio.
"Ha? Bakit naman?"
"Mas bet ko kasi si Ace at Captain, na sad ako kasi nililigawan niya pala si Yvonne."
"Mas bagay sila ni Captain noh?"
"Oo nga, saka parang ang maldita ni Yvonne," rinig kong sabi ni Tiara.
"Huy! Ano ba kayo, baka mamaya ay mabilaukan na iyon kasi pinagtsitsismisan ninyo," sabi ni Rose.
"Sana nga," natatawang sabi ni Naomi.
Nagpakawala ako ng hangin bago mag-flush at lumabas. "Tara."
Nagpauna na akong maglakad at nagsipagsunudan naman sila sa akin.
"Ang cool niya tingnan noh?"
"Bagay sa kaniya ang tattoo niya."
"Sila iyong HIU 'di ba?"
"Ang gaganda nila noh?"
Edi lagi na nilang kasama sa tambayan si Yvonne? Ayaw ko namang kasama iyon... baka hindi na lang kami sasama sa kanila. Ma—.
Nangunot ang noo ko ng may humarang sa dinaraanan ko na mga babaeng naka-jersey at mukhang kalaban namin mamaya. May mga lahi yata sila dahil ang itim nila. Naglakad ako sa gilid pero hinarangan nila ulit ako. Bumuntong-hininga ako at naglakad sa kabila pero humarang ulit sila.
Ano bang trip nila, punyeta! Nag-iisip ako rito eh! Bigwasan ko kaya ang mga ito!
Nainis ako dahil mga nakangisi pa sila sa amin. Magkasing tangkad lang kami ng kaharap ko kaya nilabanan ko ang mga tingin niya.
Kung si medusa lang ako ay kanina ka pa naging bato!
"Hey! Look at them, nag-aaway ba sila?"
"Dunno!"
Dumami kaagad ang mga tao sa paligid dahil sa pinaggagawa ng mga babaeng ito at lahat sila ay nakatingin sa amin.
"Oh, it's Bunny again!"
"Kanina ay SMIU ang ginaniyan nila, ngayon naman ay HIU?"
Ibig sabihin ay hindi lang kami ang pinagtripan nila, tss!
"Well well!" nakangising sabi ng kaharap ko. Maitim siya kaya itawag natin sa pangalang Nigguh.
"Tss!"
Parang alam ko iyang linya niya kaso hindi ko matandaan kung saan ko narinig iyon!
Napatingin ako kay Naomi ng marinig ko siyang mapasinghap. "Oh? Ang alam ko ay maputi si Maleficent, walastek na iyan! Na-scam ako!" hindi makapaniwalang sabi niya at tinuro pa ang babae.
Ayon! Maleficent nga! Tss!
Natawa naman ang mga taong nakarinig kay Naomi.
"What did yah just say?!" inis na tanong ni Nigguh kay Naomi.
"Ang kapal na yata ng luga nito," sabat naman ni Emz.
"Ang galing niyo ring sumagot, pero magaling nga ba kayong maglaro?" sabi ng alipores niya.
Itago natin siya sa pangalang Blackie dahil siya ang pinakamaitim sa kanilang lahat.
"Psh! Hindi ako nainform na may question and answer portion pala rito!" sabi ni Naomi.
"May ibubuga nga ba kayo?" Lumapit pa sa akin si Nigguh.
"Meron," matapang na sabi ni Naomi at may kinuha sa bag niya.
"Talaga?" natatawang sabi ni Nigguh.
"Oo, eto oh!"
*POOF!*
Tumaas ang kilay ko nang bugahan sila ni Naomi ng polbo. Inipit niya pala sa kamay niya ang powder at inihipan sa kanila.
"Pweh pweh!"
Nagsipag-ubo naman sila at maarteng nagtakip ng ilong.
"Omg! What did you just do, pwehh!!"
"Ang funny nong magandang babae!"
"I like her na!" sabi ng mga nanunuod sa amin.
Nagpakawala ako ng hangin dahil nag-aaksaya na kami ng oras dito.
"Calm down girls... akala yata ng mga bitches na ito ay matatalo nila tayo," sabi ng isa niya pang alipores.
Itago natin sa pangalang Brownie dahil kulay brown ang buhok niya at para siyang nakuryente dahil sa buhok niyang kulot na kulot at tayong-tayo, para siyang afro.
"Ooooohhhhhh!" komento ng mga tao sa paligid.
Yayabangan lang ba nila kami?
Gusto kong matawa dahil kami pa ang sinabihan nila ng agaw atensyon. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita at hinihintay siyang matapos sa mga hanash niya.
Mukhang inuubos nila ang pasensya ko dahil hinaharangan na naman nila ako, halos sina Naomi lang din ang sumasagot sa kanila dahil wala ako sa mood makipagyabangan.
Mabuti na lang at nagpaunang maglakad sina Naomi at binunggo niya pa ang balikat ng nakaharang sa daan niya.
Malalagpasan ko na dapat sina Nigguh nang biglang may pumatid sa akin dahilan ng pagkatumba ko at gumasgas pa ang tuhod ko sa semento.
Napapikit ako sa inis dahil ang daming nakakita sa akin at sigurado akong nakita rin ako nina Bolt dahil narinig ko siyang tumawa kanina.
Inihipan ko ang buhok na nasa mukha ko at pinakalma muna ang sarili kaya hindi ako tumayo.
Punyeta! Kung nandiyan sina Bolt... malamang ay nakita rin ako nina Tyson, tss!'
Lumapit sina Rose para tulungan ako pero sumenyas ako sa kanilang okay lang ako. Kinuha ko ang bag at dahan-dahang tumayo bago tingnan ang sugat ko sa tuhod.
Hinanap ko sa bag iyong panyo ni Ace na hindi ko naibalik at binalot iyon sa tuhod ko. Nagpakawala muna ako ng hangin at tiim bagang kong tiningnan si Nigguh.
"Bakit mo ako pinatid?" tanong ko sa kaniya. Gusto ko siyang headbutt-in dahil nginisian pa ako.
"Hindi ko kasalanan kung lampa ka, right girls?"
Talagang naghahanap sila ng gulo.
Baka mag-agaw buhay ka kapag jinombag kita!
Binubugbog ko na siya sa isip ko kaya tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago ko sila talikuran, hindi ako makuntento at gusto ko siyang sapakin ng totoo. Nagbigay daan pa sina Mio sa akin at nauna na akong pumunta sa gym.
Magpaputi ka muna bago kita patulan, Nigguh.
Padabog kong nilagay ang bag sa upuan saka umupo. Nakaramdam ako ng uhaw at nanginginig ako sa galit, hindi pa rin ako makalma hanggang ngayon.
Kakarating lang nina Naomi. Hindi sila gumawa ng ingay at naupo lang sila sa bench. Mayamaya ay pumasok si Mikah at naghiyawan naman ang mga estudyante nang magpakitang gilas siya sa gitna.
Tumaas ang kilay ko dahil biglang pumasok ang mascot ng Phoenix at ginulo si Mikah.
Bully nga talaga ang ibang estudyante ng NU!
"Tiara, ikaw muna ang pumalit sa akin. Mag-warm up muna kayo roon," utos ko.
Tumingin silang lahat sa akin pero hindi sila nagreklamo.
"Yes, Captain!" tugon niya at sinabi sa officials na siya ang maglalaro.
"Hello again Ladies and Gentlemen! Are you all excited to watch the match between the visiting HIU Titans and our NU Phoenix?"
"GO NU!"
Halos mabingi ako sa suporta ng mga NU, may naririnig din akong cheer sa Titans pero mas lamang ang sa kanila.
"And now for today's starters, first for the visiting HIU Titans!"
"At forward! From Pacita, 5' 6", #10, Rose Gatacillo!"
"At forward! From Binan, 5' 3", #18 Emily Goce!"
"At center! From Tagapo, 5' 5", #25, Mio Hanase!"
"At guard! From Sta. Rosa, 5' 7", #04, Naomi Sato!"
"And at guard! From Calamba, 5' 5", #29, Tiara Monde!"
Tiningnan ko silang pumunta sa gitna, nakatingin pa sa akin sina Nigguh at puro nakangisi.
"And now for the starting line-up for yours truly NU Phoenix!"
"NU! NU! NU!"
"Go Bunny!"
"At forward! From San Pedro, 5' 4", #42, Nanami Arizona!"
"At forward! From Pacita, 5' 4", #38 Maine Fhigza!"
Pigsa pala ang Blackie!
"At center! From Binan, 5' 5, #23, Anne Enteria!"
"At guard! From Tagapo, 5' 3", #16, Diana Alipunja!"
Alipunga? Tss, Brownie!
"And at guard! From Tagapo, 5' 8", #1, Vhunie Bolilan!"
Bunny? Punyeta, eh buni iyan eh! Pinaganda lang nila kaya Bunny, tss! Puro may sakit sa balat ang pota!
"The head coach of the NU PHOENIX is Doc Reyes!"
"Warm up daw muna, inaayos pa kasi ang scoreboard," sabi ni Rose.
"Walastek! Narinig mo iyon?" baling ni Naomi sa akin at nakapamaywang pa.
"HA! Kung makapaghanash sila kanina ay akala mo kung sino, eh puro may sakit pala sa balat ang mga iyon!" dagdag niya.
Bumuga pa siya ng hangin at hindi makapaniwala sa mga pangalan ng kalaban.
"Sakit sa balat?" nagtatakang tanong ni Mio.
"Oo... aba eh may narinig akong Nana, Ann-ann, Pigsa, Alipunga at ano nga ang isa?" Inis na tanong niya habang tinatapik ang hinliliit na daliri kasi hindi niya matandaan ang isang sakit.
Nana? Ann-ann? Hindi ko napansin!
"Buni, tss!" tugon ko.
"Oo ayon nga! Putragis na iyan! May narinig pa akong Bunny kanina, Bunny sila nang Bunny eh buni pala!"
"Warm up na kayo roon," utos ko.
"YES CAPTAIN!" tugon nila.
Alam naman na nila ang gagawin hangga't wala ako, kailangan ko lang ihanda ang sarili ko dahil wala pa akong ganang maglaro. Uminom muna ako ng tubig at kinuha ang towel sa bag ko, binasa ko iyon saka inilagay sa mukha ko.
Pagkatapos ay sumandal ako at pinagkrus ang braso.
Mayamaya ay nag-umpisa na ang laro nila dahil dinig kong tinawag sila ng official, inaasahan kong wala kaming makukuha na puntos sa quarter na ito.
Nagpatuloy lang ang laro nila at nanatili akong nakapikit. Kumunot pa ang noo ko nang marinig ang numero ni Naomi.
Tss, sabi ng iwasan magka-foul eh!
Mayamaya pa ay natapos na ang first quarter, naramdaman ko ring umupo sila pero hindi sila gumawa ng ingay. May dalawang minuto pa namang interval bago mag-umpisa ang second quarter.
Tumingin sila sa akin ng tanggalin ko ang face towel at inilagay sa katabing upuan. Tinanggal ko na rin ang panyo sa tuhod ko at baka makasagabal iyon sa laro ko.
"Tiara, pahinga ka muna," seryoso kong sabi.
"YES CAPTAIN!"
35-9 ang iskor at nginisian pa ako nina Buni, Pigsa at Alipunga pagkapasok ko.
Nakay Buni ang bola at binabantayan ko si Alipunga. Nakita ko si Mio na aagawin ang bola sa kaniya pero magaling si Buni dahil agad siyang tumakbo at biglang hinulog ang bola sa three point line, nahulog naman iyon.
Tiningnan niya pa ako at nginisian.
Ayun na iyon?
Tumakbo si Naomi sa gitna at agad na ipinasa sa akin ang bola nang hindi tumitingin sa akin, nasambot ko iyon at hindi ko hinayaang maagaw sa akin. Tiningnan ko ang mga ka-team ko habang pinaglalaruan ang bola sa pagitan ng hita ko, nililito ko si Ann-Ann at nag-cross dribble pa ako.
"GAME!"
Malakas kong sigaw.
Nagulat pa si Ann-Ann sa sigaw ko at tinakpan pa ang tainga.
"YES CAPTAIN!" mas malakas na tugon nila sa akin.
"GO TITANS!"
"GO TITANIA!"
Binantayan ako ni Pigsa, Alipunga at ni Buni.
Tss, baka mahawa ako sa sakit nila.
"Hindi mo matatakas ang bola sa amin," nakangising sabi ni Buni.
"Paano kapag nagawa ko?" tanong ko sa kanila.
"Hirap na hirap ka ngang tumakas sa amin," natatawang sabi ni Pigsa.
Nahagip ng mata ko si Rose na papunta sa likod ko kaya binato ko ang bola nang hindi lumilingon.
Nginisian ko silang tatlo at sinamaan muna nila ako ng tingin bago mabilis na pumunta kay Rose, malapit na sa basket si Rose at nagkunwari siyang ihuhulog ang bola. Tumalon naman si Pigsa para i-block pero pinasa niya ang bola kay Mio at agad niyang hinulog iyon bago pa maagaw sa kaniya kaya nakatatlong puntos kami.
Hawak naman ni Pigsa ang bola at pinasa niya kay Alipunga. Ihuhulog dapat niya ang bola pero agad na dumating si Rose at hinarangan siya kaya 'di naituloy. Magaling sa depensa si Rose kaya nahirapan si Alipunga kaya pinasa na lang niya kay Ann-Ann ang bola.
Hinagis naman ni Ann-Ann ang bola papunta sana kay Buni pero naagaw ni Naomi iyon at mataas na hinagis ang bola papunta sa rim. Saktuhang nasa gilid ako ng ring at hinihintay kong tumalbog ang bola. Umatras pa ako ng tatlong beses at nagtaka naman si Alipunga sa ginawa ko.
Nang tumalbog ay dali-dali akong tumakbo at tumalon, inabot ko ang bola sa ere at nag-dunk.
Nginisian ko pa sina Buni bago ako tumalon pababa.
Dumagundong ang buong court sa ginawa ko, nakakabingi ang ingay at cheer nila sa akin.
Nakita ko rin si Coach na nakatayo na at winawagayway ang banner niyang 'GO TITANIA'.
Mukhang nainis naman sina Nigguh sa mga supporters ko. Nagtuloy-tuloy ang laban, nahabol namin ang iskor nila at lumamang pa kami.
Halata na sa mukha nila ang inis. Minsan ay nalalamangan nila kami pero nababawi rin namin iyon, natapos na ang third quarter at dikit ang laban namin.
90-89 ang iskor, lamang kami ng isang puntos.
Hawak namin ang bola, magaling mang-agaw si Naomi at sa akin niya agad pinapasa. Saktong paghulog ko ng bola ay biglang tumumba si Alipunga sa harap ko.
Napapikit ako sa inis dahil hindi pumasok ang three points ko.
Narindi pa ako nang tawagin ng official ang number ko.
Damn it! Wala akong ginagawa sa Alipunga na iyan, bakit nagka-foul ako, pota!
Nainis ako dahil hindi ko naman siya tinulak o nadikitan manlang pero ini-insist ni Alipunga na tinulak ko siya.
"Galing mag-inarte," nakangiwing sabi ni Naomi nang lumapit siya sa akin.
"Napupuno na ako," gigil kong sabi.
"Tara jombagin na natin. Gusto mo abangan natin sa labas," seryoso niyang sabi.
"Tss!"
May dalawang free throw na reward si Brownie dahil best actress siya, gusto naming pumalakpak ni Naomi habang hinahagis niya ang bola, pati sa pag-shoot ay nag-iinarte na nasaktan siya.
Nagtuloy-tuloy ang laro, nagkaroon din ng foul si Rose dahil kay Buni, kung ano ang ginawa ni Alipunga ay ginawa rin niya.
116-114 ang iskor at lamang sila ng dalawang puntos.
Isang minuto na lang ang natitira bago matapos ang huling quarter, nasa NU ang bola at nahihirapan si Rose na kunin iyon.
"Talo na kayo! 20 seconds na lang mga bugok!" sigaw ni Buni sa mukha ko.
Tiim bagang ko siyang tiningnan, sinenyasan ko si Naomi na pumunta sa gilid para ma-dunk niya kung sakaling pumalya ako.
Papakitaan ko sina Alipunga ng malupet na tira pero kailangan muna naming maagaw sa kanila ang bola.
Itutuloy...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (77)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
napaka ganda nya grabeee sana maging masaya sila sa ending iba talaga
11/07/2022
0it's good
07/12
0thanks
07/06/2025
0Tingnan Lahat