Chapter 30: Pictorial

TYRONIA'S POV
Tinatamad akong bumangon at hindi ko manlang na-enjoy ang weekends dahil kina Bob at Naomi. Nasasabik na si Naomi dahil malapit na ang interhigh at manunuod daw sina Tyson sa laban namin.
Malamang magpapasikat siya kay Tyson, tss.
Nagpasya na akong kumilos at baka ma-late pa ako, ngayon din pala ibibigay ang jersey namin at sana hindi fit masyado sa akin. Halos awayin ko ang nagsusukat sa akin dahil gusto ko nang maluwang na damit para makagalaw ako ng maayos pero hindi raw babagay sa akin kapag ganoong kaluwag. 
Gusto ko siyang sapakin dahil hindi naman siya ang magsusuot noon kundi ako naman.
Gamit ko si Tiger ngayon dahil umuulan, kinapa ko pa ang bulsa ng bag ko kung nandoon ang panyo ni Ace. 
Baka magalit dahil hindi ko pa naibabalik iyon, mukhang pilit pa ang pagbigay niya sa akin dahil binato niya iyon sa mukha ko. Hindi ko rin akalain na sasamahan niya ako, tss!
Pumarada ako sa lagi kong pinagpaparkingan at nakita ang kotse ni Naomi sa tapat ko.
Mukhang naka-agaw siya ng parking ah, hahahah! Lakas din nang trip ng babeng, iyon!
Pagkapasok ko ng room ay dinig ko kaagad ang ingay ni Naomi at kausap niya si Barney, nakikinig naman si Bolt sa kanila.
"Ang aga niyo ah," nakangiti kong sabi.
"Late ka lang talaga," natatawang sabi ni Naomi. Napatingin ako kay Barney at saktong nakatingin din siya sa akin.
"Good morning, Barney! Na-miss mo ba ako?" malambing kong tanong.
"Tsk, miss mo mukha mo!" 
"Aray naman, ang aga-aga nagsusungit ang Barney ko?" sinadya kong pagandahin ang huli kong sinabi.
"Ayiee! Ang sweet!" kinikilig na sabi ni Naomi.
"A-Anong Barney mo! Tigilan mo nga ako!"
"Pa-hard to get ang bata ko ah," natatawang sabi ni Bolt.
Tatango-tango ako. "Sige, Baby ko na lang," nakangiti kong sabi. 
Lumapit ako sa kaniya at sumandal sa upuan na nasa harapan niya.
"Yiee! Bagay talaga kayo!" Natawa ako ng kinilig din si Rose.
"Tsk! Manahimik ka nga. Pinagtitripan mo na naman ako! Alis! Shuu," bulyaw niya at pinagtatabuyan ako.
"Busted na naman ako, tss," nakangiwi kong sabi at laylay ang balikat na umupo sa upuan.
"Better luck next time, lods," natatawang sabi ni Bolt.
"Fighting, Sis!" nakangiting sabi ni Rose at itinaas pa ang kamao. Sakto namang dating ng Teacher namin.
"Malapit na ang interhigh at sa court daw maghihintayan ang mga players. Magkakaroon daw muna ng program dito at sabay-sabay na pupunta sa NU (National University) dahil doon gaganapin ang laban," nakangiting sabi ng Teacher.
NU? Bakit hindi na lang dito? Tss!
"Pinapatawag naman ang mga players ngayon dahil may pictorial kayo individual and by team dahil gagawa ng magazine ang School," dagdag niya bago magsulat ng pointers sa whiteboard.
"Woah, may pictorial pala," rinig kong sabi ni Bolt.
"Picture rin tayong apat mamaya ha?" sabi ni Naomi.
"Baka magka-developan tayo niyan," humahalakhak na sabi ni Bolt.
Nanlaki naman ang butas ng ilong ni Naomi.
"Yiee! Lumalablyp na sila," kinikilig na sabi ni Mio.
"Waaaaaaa!" Napatingin ang lahat kay Naomi ng tumili siya, nagulat pa kami ng batuhin niya nang notebook ang bibig ni Bolt.
"Agh! Aray ko!" daing ni Bolt nang mabato siya.
"Ms. Sato, may problema ba? Bakit tumitili ka riyan?" kunot-noong tanong ng Teacher.
"M-May Ipis po kasi." Nauutal na sabi ni Naomi.
"Where?" takang tanong ng Teacher at tumingin pa sa paligid.
"N-Nasa bibig po ni Bolt kanina," tugon niya. Nagtawanan naman ang mga kaklase namin.
"O-Okay na po... lumipad na," nauutal na sabi ni Bolt. Namula pa ang nguso niya dahil sa pagkakabato ni Naomi.
Nagkatinginan kami ni Barney at sabay na natawa. Nasapo pa ni Naomi ang noo at pulang-pula ang mukha. Mayamaya ay pinapunta na kami ng Teacher sa kwarto kung saan gaganapin ang pictorial.
"Bakit ganoon na lang ang naging reaksyon mo kanina?" tanong ko kay Naomi habang nilalagay ang mga gamit ko sa locker. Nilabas ko ang isang bag kung saan nakalagay ang rubber shoes at extrang damit.
"Psh! Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi ni Bolt! Ayaw ko ng ganoon," nakanguso niyang sabi.
Bumungisngis naman ako. "Bakit, natatakot ka ba?"
"Natatakot saan?"
"Na baka ma-inlove ka sa kaniya," nakangisi kong sabi.
"Waaaa!" Napaatras ako dahil sa lakas ng tili niya.
"Aray! Aray! Ano ba! S-Stop!" singhal ko at hinawakan ang balikat kong hinampas-hampas niya.
"N-Nagagaya ka na sa kaniya, Bes! Si Tyson lang ang mahal ko, psh!"
"Oh baka naman nai—"
"Tigilan mo iyan! Kikilitiin talaga kita, sige!" singhal niya at dinuro ako. Siniringan niya pa ako bago nagpaunang maglakad at pumasok sa kwarto.
Haha! Napapaghalataan, tss!
"Mga pogi... kuhanin niyo na ang jersey dito at magbihis na kayo, pwede namang ako mismo ang magbihis sa inyo kung inyong nanaisin. Dito naman ang sa girls. Keribels niyo na iyan mga teh," sabi ng School President.
Kinuha namin ang jersey at nagpunta sa banyo para magbihis, nagustuhan ko naman iyong sa akin dahil hindi masyadong malaki at hindi rin fit. Para lang siyang muscle tees na sinusuot ko. Kitang-kita rin ang benda sa dibdib ko kapag tinataas ang braso.
"EH?! Punyeta naman!" sigaw ko nang makita kung gaano kaiksi ang short.
"Hala, ano iyon?! Bakit may sumigaw?"
"Si Captain ba iyon?"
"Hoy, Bes! Anong sinisigaw mo riyan?"
"Bakit ang iksi ng short! Badtrip naman oh!" sigaw ko at binato ang short sa labas.
"Ganiyan talaga ang mga short Sis," natatawang sabi ni Rose.
"Hoy suotin mo ito! Bilisan mo na riyan!" singhal ni Naomi bago ibato ang short sa akin. Inis kong tiningnan iyon.
Hindi ako sanay magsuot ng ganito dahil ang ikli, tss!
Ilang minuto pa akong natulala..
Bakit ba hindi ko nasabi sa babae na gusto ko ng mahabang short?!
"Hoy aalis na kami! Ang bagal mo!"
"Eto na eto na! Badtrip naman oh!" 
Narinig ko pa ang tawanan nila sa labas. Pagkatapos ay padabog akong lumabas, pinagpawisan ako sa loob at nabubugnot ako.
"Wow! Ang sexy mong tingnan!" namilog pa ang bibig ni Naomi at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Magtigil ka nga! Naiinitan ako! Wala bang aircon dito?" reklamo ko.
"Ang lamig nga eh!" Sabi ni Mio.
"Ay nako! Binabanas ako sa short ko!" singhal ko habang pilit ibinababa ang short ko.
"Hoy! Nakikita na ang boxer mo," natatawang sabi ni Naomi at tinuro pa ang boxer ko.
"Nagsusuot ka pala ng boxer, Sis! Ang cutie naman niyan," sabi ni Rose at hinawakan pa ang garter ng boxer ko.
"Pawis na pawis ka, Captain," natatawang sabi ni Emz.
"Pictorial lang naman ito, kaya chill lang." Lumapit si Naomi sa akin at inayos ang short ko.
Naka-rubber shoes na silang lahat pero naka medyas pa rin ako. Binitbit ko na lang ang shoes at sumabay sa kanila pabalik sa room.
"Wow, bagay ang jersey sa inyo!" puri ni Blaze pero hindi ko siya tiningnan dahil masama pa rin ang loob ko.
"Bakit pawis na pawis ka, Tyra?" tanong ni Bolt. 
Umupo ako sa tabi niya at padabog na binagsak ang rubber shoes. Sumandal ako at pumikit para pakalmahin ang sarili.
"Nabanas sa short niya, hindi kasi siya nagsusuot ng ganiyang kaiksi," natatawang sabi ni Naomi.
Humalakhak naman si Bolt. "Ganoon ba? Bagay naman sa iyo eh, ang puti mo lalo," baling ni Bolt sa akin.
"Tss!"
"Ako na nga ang magsusuot ng rubber shoes mo, mahal na reyna," nakangiwing sabi ni Naomi at sinuotan nga ako ng rubber shoes.
Pagkatapos ay pumunta ako sa gilid para kuhanin ang towel sa bag pero wala akong nakitang towel. Puting damit lang ang nandito.
Tss malas! Malas talaga!
"Hindi mo dala ang towel mo, Tyra?" tanong ni Dave.
"Hindi eh, nakalimutan kong magdala," kamot-ulo kong sabi. "What the f—" Sinamaan ko ng tingin si Ace dahil binato niya sa mukha ko ang towel.
"Magpunas ka nga, ang baho mo eh," nakangisi niyang sabi.
Inis ko namang inamoy ang sarili ko pero hindi naman ako mabaho.
Kapag pawis mabaho agad? Tss! Ang arte naman nitong bading na ito!
Pinagpagan ko muna ang towel niya at inamoy para masigurong bago iyong pinahiram niya sa akin. Pinunas ko naman iyon sa mukha ko at leeg.
Ipunas ko rin kaya sa kilikili ko? Hahaha, makaganti manlang!
Isinabit ko sa leeg ko ang towel at nagpunta sa canteen para bumili ng maiinom.
"Ang aga naman yata ng uwian nila?" mahina kong sabi nang makita ang mga estudyanteng palabas na ng School.
"Saan ka ba pumunta?" tanong ni Naomi pagbalik ko.
"Bumili ako ng tubig," tugon ko. Pinakita ko pa iyong mineral water na binili ko.
"Barney oh, salamat!"
Inamoy ko pa ang towel at sinigurong mabango pa rin bago ibalik. 
"Mabango ang pawis ko, amuyin mo pa dali," nakangiti kong sabi.
"Tsk, ibalik mo sa bag ko!" singhal niya.
Wow may utusan, tss! Pasalamat ka dahil pinahiram mo ako ng towel mo!
"Saan ba nakalagay ang bag mo kamahalan?"
Nginisian niya pa ako at ngumuso sa likuran ko. Inis akong lumingon para tingnan ang bag niya, nang makita ay binaling ko ang paningin sa kaniya. Hinawakan ko pa ang laylayan ng jersey ko at yumuko nang kaunti para magbigay-galang na para bang isang hari ang kaharap ko.
Pagkatapos ay inis kong sinalampak ang towel sa bag niya at padabog na sinara iyon.
"Boys muna ang mauna, pumunta na kayo sa gitna at team muna bago individual."
Nagsipuntahan naman sila sa unahan habang kami ay nakaupo lang at pinapanuod silang magkulitan sa photoshoot nila.
Individual naman ang sumunod, kasama ang bola kaya mag-pose raw ng malupet dahil tatlong shot lang ang kukuhanin. Si Bolt naman ay hindi mapigilang matawa dahil nagpapatawa sina Blaze kaya mukhang ewan ang kinalabasan ng picture niya.
"Kinginang itsura mo rito, Repa! Ang laki ng butas ng ilong mo," natatawang sabi ni Blaze habang nakatingin sa screen kung saan pinapakita ang picture.
"Mga pakyu kayo! Hindi ko kayo kakausapin," nakangusong sabi ni Bolt.
"Tawa ka kasi nang tawa," natatawang sabi ni Dave.
"Parang modelo si Ace sa picture niya oh!" Rinig kong sabi ni Mio kaya napatingin ako sa screen.
"Ang pogi niya noh?" sabi ni Rose at siniko pa ako.
"Ang cool ng tattoo niya," puri ni Tiara. Pinagmasdan ko rin ang tattoo ni bading at bagay nga sa kaniya iyon.
Bakit kaya siya may tattoo? Trip lang ba niya? Bakit Samurai Warrior ang napili niyang ipalagay?
"Okay, basketball girls naman!"
Pumunta naman kami sa gitna, katabi ko sina Naomi at Rose. Naging maayos ang pictorial namin by team hindi tulad nina Bolt na puro tawanan.
Tatlong shot lang din daw ang kukuhanin sa amin, nauna si Emz sa individual shoot. Hinintay lang naming matawag ang pangalan namin at tatlo na lang kami ni Rose at Naomi na natitira.
"Rose!" Tawag sa kaniya ng photographer.
"Ang galing ni Rose mag-pose," manghang sabi ni Naomi.
Pwedeng maging modelo si Rose dahil mahaba ang binti at makinis, napakaganda rin niya.
"Naomi!" Agad namang pumunta si Naomi sa gitna. Naging mabilis at maganda rin ang kinalabasan ng pictorial niya.
"Tyronia!" Tawag sa akin. Binato naman sa akin ni Naomi ang bola kaya pumunta na ako sa gitna. Hinawakan ko naman iyon ng dalawang kamay at nag-pose.
"Wonderful! Next pose!" nakangiting sabi ng photographer.
Inilagay ko ang bola sa braso ko at inawang ang bibig saka tinabingi ng kaunti ang ulo.
"Perfect! Next pose!" 
Nilagay ko naman ang bola sa hintuturo ko at pinaikot saka nag-pose.
"Nice! Next pose!"
Nagulat ako sa photographer dahil nakakailang kuha na siya sa akin pero hindi pa rin kami tapos. Sinunod ko na lang siya at nag-pose pa nang nag-pose.
"Amazing! Next po—"
"Pagod na ako! Akala ko ba ay tatlong shots lang? Tss, kota na kayo!" singhal ko at binitawan ang bola.
"S-Sorry!" nahihiya niyang sabi.
Naglakad naman ako papunta kina Naomi.
"Nag-enjoy ang photographer sa iyo ah," natatawang sabi ni Naomi.
"Ang gaganda ng kuha mo, lods! Nag-enjoy ako sa photoshoot mo," puri ni Bolt.
"Lalo kang umangas dahil sa tattoo mo, Sis, pahingi ako ng picture mo ha!" Niyugyog pa ako ni Rose.
"Sigurado akong magkakaroon tayo ng sariling tarpaulin," singit ni Mio.
"Talaga? Magkakaroon tayo?" tanong ni Naomi.
"Last year kasi ay may ganoon rin, sinasabit nila iyon sa gilid ng hall pati sa entrance kaya makikita mo kung sino ang mga players," tugon ni Emz.
"Wow! Gusto ko iyan! Kukuhanin ko iyong sa akin at iuuwi ko!"
"Bakit ka naman mag-uuwi?" tanong ni Tiara.
"Ipapanakot niya sa daga," nakangisi kong sabi.
"Psh! Ang sama mo, Bes! Ibibigay ko kay Darling para isabit niya sa kwarto niya," kinikilig niyang sabi.
"Aba! Luma-lovelife ka na pala ah!" Tinusok-tusok pa ni Rose ang tagiliran ni Naomi.
"Syempre! Itong gandang ito? Walang lablyp? HA!" tugon ni Naomi at tinuro pa ang mukha.
Nag-picture naman kami nina Naomi at mga tropa ni Ace, tapos buong basketball boys and girls din.
"By two's naman!" sigaw ni Naomi at biglang hinatak si Bolt.
Tss, wala ka pang gusto niyan ah?
"Oh kayo naman!" sabi niya pagkatapos at hinila kami ni Ace sa unahan.
Nagkatinginan lang kami ni Ace, tumaas ang kilay ko dahil ngumiti siya. Nagulat pa ako dahil biglang nag-flash ang camera. Inakbayan niya ako at pinagkrus ko naman ang braso ko, nakailang ulit kaming kinuhanan at kung hindi ko pa sasabihin na pagod na ako ay hindi kami titigilan ng photographer.
Magaling mag-model ang Barney ah? Mabuti at hindi siya naiilang dahil kasama niya ako?
"Para kayong magjowa," nakangising sabi ni Dave.
"Bagay kayo, parehas pa kayong Captain!" Sabi naman ni Blaze.
"Kyaaa! Nakakakilig kayo rito oh!" Turo ni Rose sa picture namin ni Ace. Iyon iyong nagkatinginan kami at nagulat ako dahil may nag-flash.
"Tingnan mo iyong picture niyo rito, parehas pa kayong may tattoo kaya parang magjowa talaga kayo!" Tinuro pa ni Mio ang picture. Tiningnan ko naman ang lahat ng pictures at magaganda nga ang kuha non.
"Chibog muna tayo, nagutom ako kaka-pose," sabi ko habang hawak-hawak ang tiyan.
"Sige, kita kits na lang doon! Bihis na muna tayo," sabi ni Bolt. Pumunta naman kami nina Naomi sa dressing room.
"Captain, mauna na kami. May lakad pa eh," paalam ni Shane.
"Ay hindi kayo kakain?" tanong ni Naomi.
"May gathering din kasi kami sa bahay eh, kita kits na lang!" nakangiwing sabi ni Mio.
"Sige, ingat kayo."
"Bakit maagang nagsiuwian ang mga estudyante kanina? Akala ko mga players lang ang excuse," tanong ko kay Rose. 
Inaayos ko ang long sleeve ko at binuksan ang tatlong butones ng uniporme, sinabit ko lang ang necktie pero hindi ko na tinali iyon dahil pauwi na rin naman.
"Half day lang ngayon kasi pupunta ang mga Teacher natin sa School kung saan gaganapin ang laro, titingnan daw nila iyong lugar at sisiguraduhin kung safe ba," tugon niya. "Last year kasi ay nalaglag ang scoreboard dito sa School natin at natamaan ang ilang estudyanteng nakaupo malapit doon, hindi nila nai-check nang maayos kaya ngayon ay sinisiguro nilang magiging safe na iyong lugar na pagdadausan ng laro," dagdag niya.
"Kaya pala sa NU gaganapin ang laro," sabi ni Naomi.
"Mauna na kayo sa canteen, kukuhanin ko lang iyong isang bag ko sa locker," sabi ko habang pinapasok sa bag ang jersey.
"Sige, bibilhan na rin kita ng pagkain," tugon ni Naomi. 
Tinahak ko ang daan papunta sa locker, nagpalinga-linga pa ako sa paligid at nakitang kaunti na lang ang mga estudyanteng nandito.
Nang makarating ay kinuha ko ang bag sa locker dahil nandoon ang panyo ni Barney at ibabalik ko na iyon ngayon. Nagtaka pa ako dahil may nahulog na papel pagkakuha ko ng bag, dinampot ko iyon at binuksan.
"May meeting ang basketball boys at girls mamaya sa court, see you! — Coach."
May meeting? Bakit kailangan pa akong sulatan? 
Baka hindi kami nakita ni Coach kanina kasi nagbibihis kami kaya sinulatan na lang ako?
Nagkibit-balikat na lang ako at sinarado ang locker, dumaan pa ako sa parking para ilagay ang mga gamit sa kotse. Inilagay ko sa bulsa ang papel at pumunta sa canteen, napangiwi pa ako kasi sina MJ, Chris, Rose, Naomi at mga tropa ni Ace na lang ang nandoon.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (77)

  • avatar
    DacilloMarissa

    napaka ganda nya grabeee sana maging masaya sila sa ending iba talaga

    11/07/2022

      0
  • avatar
    Ashly Sabit

    it's good

    07/12

      0
  • avatar
    Renz Ian Libot

    thanks

    07/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata