Homepage/Chasing Trilogy I: Chasing Him/
Chapter 26: Blaze's Birthday
ACE POV
Pagkatapos kong pasalamatan si Naomi ay tiningnan ko ang Barney na binigay ni Tyra sa akin. Natawa na lang ako dahil hindi niya alam na siya iyong Barney na tinutukoy ni Naomi.
"Sabi ng babae kanina ay ang angas daw naming couple," mahina kong sabi. Pakiramdam ko ay nangangamatis ang mukha ko.
Kinuha ko ang unan saka itinakip sa mukha at nagpagulong-gulong sa higaan.
May gusto na nga yata talaga ako sa kaniya, tsk!
Alas-onse na pero hindi pa rin ako makatulog, tiningnan ko pa ang phone at pinagmasdan ang wallpaper ko.
"Goodnight, Barney!" sabi ko habang nakatingin sa picture ni Tyra.
Kinabukasan ay may narinig akong kalabog sa kwarto ko.
"Omg! Mom... Dad! Look oh! Barney!"
Bumalikwas ako ng bangon dahil narinig ko si Barney.
Agad namang hinanap ng mata ko si Barney at napasinghap dahil wala siya sa tabi ko. Patakbo akong lumabas at nakita ko si Aevan na hawak-hawak ang Barney ko tapos pinapakita pa kina Mom.
"Give it back, Aevan! She's mine!" singhal ko.
Nanlaki ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin.
"She? Barney's a girl?" hindi makapaniwala niyang tanong.
Namilog pa ang bibig niya at tiningnan ang pwetan ni Barney para masigurong babae nga iyon. Hinablot ko naman iyon sa kaniya at pumasok ulit sa kwarto saka sinarado iyon.
Tsk! Bakit kasi hindi ka sumigaw! Alam mo na ngang kinidnap ka ng kapatid ko... at talagang sumama ka pa, tsk! Abnormal ka talaga!
Napabuntong-hininga ako at binalik ulit si Barney sa higaan saka tiningnan ang oras.
Kinuha ko muna ang cellphone ko at binati si Blaze. Binilisan ko ang kilos dahil late na rin ako at inayos ang sarili. Iniwan ko na muna ang regalo ko kay Blaze dahil uuwi at magbibihis pa rin naman ako mamaya.
Pagkatapos ay nakita ko sina Mom sa baba at sinabing sa School na ako kakain. Nagmadali pa akong pumunta sa School.
Nakangiti kong pinagmasdan ang parking lot at hinanap ang motor o sasakyan nina Tyra.
Nandiyan na sila, hehe!
Pakiramdam ko ay ang ganda ng araw ko ngayon. Dumiretso ako sa room at kamalas-malasang nag-umpisa nang magturo ang Teacher. Nagpakawala muna ako ng hangin bago kumatok.
"Good morning, Teacher. Sorry po kung na late ako," kamot-ulo kong sabi.
"It's okay, Mr. Serrano. Kakaumpisa ko pa lang naman, maupo ka na," nakangiting tugon ni Teacher.
Nakita ko pa ang tatlo na nakapalumbabang nakatingin sa akin.
"Masyado kang masaya ngayon ah," nakangiting sabi ni Tyra.
Tinitigan pa ako ni Bolt nang mabuti at umiiling pa. "Iba ang glow mo ngayon, Dre!"
"Blooming ang Barney!" Mapanukso naman kung tumingin si Naomi.
"Manahimik na nga kayo. Makinig kayo kay Teacher," natatawa kong sabi.
Maraming pinagawa ang Teacher sa amin ngayong araw at pinag-groupings pa kami. Nasaktuhan namang nakagrupo ko si Tyra, magaling siya dahil napapasunod niya ang mga members namin kaya madali kaming natapos. Syempre, ako ang nag-report dahil wala naman akong naitulong sa kanila. Mabuti at okay ang ginawa namin at mataas ang nakuha naming grado.
Sa ibang subject naman ay pinag-drawing kami nang napakarami pero natapos naman namin lahat iyon. Mabuti na lang at nakakasagot ako sa recitation ngayon.
"Dre! Ang sakit ng tiyan ko," nakangusong sabi ni Bolt.
"Ang dami kasi nating kinain kahapon. Katatae mo lang kahapon 'di ba?!" tanong ni Naomi.
Tsk, her mouth has no filter!
Nakasandal si Bolt sa upuan habang si Tyra ay nakayuko sa arm chair.
Tulog? Tsk, marami sigurong ka-chat kaya puyat!
"Hindi raw siya nakatulog kagabi."
Napatingin ako kay Naomi nang magsalita siya. Nahuli na naman siguro niya akong nakatingin kay Tyra.
"B-Bakit?" tanong ko. Tiningnan naman niya ako ng nakakaloko.
"Siguro kakaisip sa iyo! Yiee," tugon niya at tinusok-tusok ang tagiliran ko. Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti.
Badtrip naman oh, HAHAHA!
"Dre, mauna na ako. Taeng-tae na ako eh! Kita kits na lang sa bar mamaya."
Isa pa itong bibig nito, walang filter... tsk!
"Sige, ingat ka," sabi ko habang inaayos ko ang gamit.
Nagsilabasan na ang mga kaklase namin at kaming tatlo na lang ang natira sa room.
"Oh shhhi! Kukuhanin ko nga pala ang kotse ko sa shop!" kamot-ulong sabi ni Naomi. "Mauna na ako, Barney!"
"Iiwan mo si Tiburcio?" tanong ko. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"Ang sagwa ng Tiburcio, brad! Samahan mo na muna! Kawawa naman kung siya lang mag-isa, huwag mong hahawakan iyan at baka mabalian ka ng buto," seryoso niyang sabi at nagmamadaling kinuha ang mga gamit. "Sabihin mo kita kits na lang sa bar! Ang bilin ko ah? Huwag hahawakan kung ayaw mabalian," dagdag niya.
Nakipag-fist bump pa siya sa akin bago umalis, bahagya akong natawa dahil nakanganga pang matulog si Tyra.
Paano kapag nagising siya? Ano ang sasabihin ko? Kailangang may ginagawa ako kunwari para hindi niya maisip na hinihintay ko siyang magising! Oo, tama!
Kinuha ko ang notebook at ballpen sa bag incase na magising siya at magsusulat ako kunwari. Tiningnan ko pa ang relos at saktong alas kuatro na.
Mayamaya ay nakaramdam ako ng antok dahil sobrang tahimik, hindi rin kasi ako masyadong nakatulog kagabi. Sinulyapan ko muna siya bago ako umidlip.
"Ace!"
"Huy!"
"Bading!"
"BARNEY!"
Bumalikwas ako ng bangon sa narinig. "S-She's mine!"
Lumaki ang mga mata ko dahil nasa harapan ko si Tyra.
"Anong she's mine?!" singhal niya at pinitik ang noo ko. "Nananaginip ka!"
"Ahh! Si Barney iyon!" napapahiya kong tugon.
"Talagang gusto mo si Barney ah, pati sa panaginip ay Barney ka pa rin," natatawa niyang sabi bago tumingin sa relo.
"Alas-singko na pala, nakatulog na ako pati ikaw saka iniwan na nila ako at ikaw. Tara na, pupunta pa ako at ikaw sa bar mamaya at magbibihis pa ako," seryoso niyang sabi.
Talagang hindi niya sinasabi ang tayo?
"Ahh sige mauna ka na, ayusin ko lang ang gamit ko," tugon ko.
Nakanguso akong nagligpit ng gamit na hindi ko rin nagamit kanina dahil nakatulog ako. Nakita ko siyang hinihintay ako sa labas kaya nagmadali akong lumabas.
"Sorry," kamot-ulo kong sabi. Nginitian naman niya ako.
"Tara!" Nauna na siyang maglakad papunta sa parking. Nakatingin lang ako sa likod niya habang sinusundan siya. Nang makarating kami ay sumakay na siya sa motor at nagsuot ng helmet.
"Gora na ako, kita kits na lang mamaya, Barney!" bumusina muna siya bago umalis.
Barney na tuloy ang tawag niya sa akin... abnormal kasi itong si Naomi, tsk!
Sumakay ako sa kotse at pinaandar iyon. Pagkauwi ko sa bahay ay hinanda ko na ang susuotin kong damit. Nagpasya na akong maligo dahil alas-siete mag-uumpisa ang party ni Blaze. Inilagay ko na rin sa kotse ang regalo pati iyong regalo nina Mom sa kaniya.
Pagdating ko sa bar ay marami ng bisita si Blaze dahil maraming naka-park na sasakyan dito sa labas. Kinuha ko naman ang mga regalo bago pumasok.
"Aray!"
Daing ko dahil nagkabungguan kami ng lalaking nakasuot ng itim na maskara. Lalong nangunot ang noo ko dahil natapakan niya pa ang paa ko. Tiningnan niya muna ako at nginisian bago mag-sorry.
Sinamaan ko siya ng tingin bago pagpagan ang sapatos ko at basta na lang siyang tinalikuran.
Mas lamang ako sa kaniya ng dalawang paligo! Tsk!
Hinanap ko sina Blaze sa itaas pero wala sila sa VVIP. Natanaw ko sila sa gitna kaya pinuntahan ko sila, mayroong malaking sofa na hugis 'U' at dalawang maliit na table roon. Maraming table sa baba at nakapalibot iyon sa gitna.
"Happy Birthday!" bati ko kay Blaze nang makalapit sa kaniya. Iniabot ko naman sa kaniya iyong mga regalo.
"Salamat, Repa! May mga drinks lang diyan at pagkain, kumuha lang kayo ha?" tugon ni Blaze.
"Mukhang marami kang bisita ah!" sabi ko habang tinitingnan ang mga tao sa bar.
"Oo eh, kaya hindi ako magkandaugaga sa pag-asikaso sa kanila. Diyan na muna kayo, pupuntahan ko lang iyong kaibigan ko," sabi niya bago umalis. Dumiretso naman ako kina Bolt na nag-iinuman na.
"Oh, Barney!" nakangiting sabi ni Dave.
"Pakyu! Sina Naomi lang ang natawag sa akin non, nakigaya naman kayo," natatawa kong sabi.
"Hindi ko akalain na maka-Barney ka pala, Dre!" Napapailing na sabi ni Bolt. Umupo ako sa tabi niya at inabutan niya pa ako ng beer.
"Paki mo ba! Kani-kaniyang trip lang iyan!" singhal ko.
"Pakyu! Daig ka pa ng kapatid mo! Buti pa iyon ay sa Pokemon mahilig eh ikaw, Barney! Ano ka baby?" mapang-asar niyang sabi.
"Manahimik ka nga. Tsk!" sabi ko bago siya batukan.
"Nakakapagtampo ka na ha! Bakit hindi namin alam iyon, pero sina Naomi alam?! Masyado ka nang malihim sa amin, Dre!" nakangusong sabi ni Bolt.
"Tsk, nito ko nga lang nagustuhan! Pakyu!"
"Yow! Long time no see!" Nakangiting sabi ni MJ. Nakipag-fist bump pa siya sa amin at tumabi kay Dave.
"Gagu! Kakakita lang natin sa parking kanina!" tugon ni Dave at inabutan naman niya ng beer.
Dumating ang dalawang waiter na may dala-dalang limang bucket ng beer at inilapag sa table. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at hinahanap sina Tyra.
Anong oras kaya sila darating?
"Oh! Si Rose iyon ah!" Sabi ni Mj.
"Papuntahin mo rito," sabi naman ni Bolt.
"Rose! Nandito kami!" sigaw ni Mj at kumakaway pa.
"Nakita ko rin kayo. Mukhang dito ang pwesto ng class natin?" nakangiting sabi ni Rose. Nakapula siyang dress at bumagay iyon sa kaniya.
"Hindi mo kasama sina Naomi?" tanong ni Bolt. Tumingin naman ako kay Rose at hinintay siyang sumagot.
"Ahh nandiyan na sila, pinauna lang nila ako kasi nagyoyosi lang sila sa labas. Punta lang ako sa restroom!"
Mayamaya pa ay dumating na si Blaze kasama sina Naomi.
"Nandito na sina Naomi," nakangiting sabi ni Blaze, natawa pa ako dahil marami siyang bitbit na regalo at hindi magkandaugaga.
Binaling ko ang paningin kay Tyra. Hindi siya naka-dress pero bagay na bagay sa kaniya ang itim na cargo pants at itim na spaghetti, maiksi iyon kaya nakikita ang pusod niya. Mahilig siyang magsuot ng army boots at lalong nakadagdag angas ang tattoo niya.
Si Naomi naman ay naka shirt at ripped jeans, simple lang ang suot niya pero bumagay naman iyon sa kaniya.
"Ilagay ko lang muna itong mga regalo roon," sabi ni Blaze.
"Tulungan na kita, Tol... ang dami niyan ah," sabi ni Dave habang kinukuha ang ibang bitbit ni Blaze.
"Ang aga ninyo ah," baling sa amin ni Naomi.
Umupo naman si Tyra sa pinakagitna ng sofa. Bali katabi niya si Bolt at nasa gilid niya si Naomi.
Binuksan ni Bolt ang dalawang bote ng beer at binigay kina Tyra. Kumunot ang noo ko nang ilagay ni Tyra ang braso niya sa backrest ng sofa kaya parang inaakbayan niya si Bolt at nakapandekwatrong upo pa.
Tsk! Bakit kasi si Bolt ang katabi niya?
"Grabe, ang daming tao," sabi ni Tyra habang nakatingin sa mga taong nakatayo.
"Mabuti at nakita kami ni Blaze, hindi pa man din namin alam kung saan kayo nakapwesto. Ang laki kasi ng bar nina Blaze," manghang sabi ni Naomi. Tumingin-tingin pa siya sa likod.
Mayamaya ay dumating na sina Rose at Mio saka tumabi kay Naomi.
Biglang dumilim ang paligid at tanging ilaw lang sa stage ang nakikita namin, kita pa rin kami dahil nasa gitna kami at natatamaan ng ilaw.
Kakarating lang din nina Blaze at tumabi sa akin, nasa gilid kami at nasa kabilang gilid namin sina Rose. Saktong gitna naman ang pwesto ni Tyra na naka-akbay pa rin kay Bolt.
Tahimik lang si Tyra, hindi tulad ni Naomi na rinig ang tawa hanggang labas ng bar. Bihira lang din siyang magtali ng buhok pero straight naman at maganda.
Mayamaya ay may naglalakad na mga lalaki sa stage. Kumunot ang noo ko dahil nakita ko ang lalaking nakabungguan ko kanina.
Inaayos niya ang mikropono at kinausap ang ibang kasama, mukhang siya pa ang kakanta. Hindi ko alam kung bakit sila nakamaskara, nagtaka pa ako ng matigilan siya sa ginagawa at napatingin sa gawi ni Tyra.
Tiningnan ko si Barney na abala sa pakikipag-usap kay Bolt kaya hindi niya napansing tinitingnan siya ng bubwit na iyon.
Itutuloy...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (77)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
napaka ganda nya grabeee sana maging masaya sila sa ending iba talaga
11/07/2022
0it's good
07/12
0thanks
07/06/2025
0Tingnan Lahat