Homepage/Chasing Trilogy I: Chasing Him/
Chapter 19: Exam
TYRONIA'S POV
"Darling! Tawag ka ni Mamu!"
"Ang ingay mo!"
"Kakain na raw eh."
Nagising ako sa ingay at nakaramdam ng gutom dahil narinig kong kakain na raw, tuyot na tuyot pa ang lalamunan ko.
"Ligalig ninyo!" sigaw ko. "Natutulog ang tao eh!"
"Ano... okay ka na ba?" Tanong ni Naomi at tumabi sa akin.
"Oo."
Kinapa ko naman ang leeg ko, mabuti at wala na akong lagnat. Hinawakan ko rin ang noo ko at may nakakapa pa akong gaza doon. Sa may bandang kanan kasi ng noo ako tinamaan.
Naiwan akong tulala at binalikan ang nangyari kahapon.
"Hindi na ba kumikirot ang third eye mo? Ano? Nakikita mo na ba si Zach? Eh si Jenny?" Seryosong tanong ni Naomi.
"Tsh, ang ingay mo!" mahinang singhal ni Tyson.
"Tss! Baka ikaw ang lagyan ko ng third eye. Ano na ang nangyari kahapon?" Seryoso kong tanong kay Naomi.
"Anong kahapon, tatlong gabi ka ng tulog!" Agad niyang sabi. Bahagya pa akong nagulat.
Wednesday na kaagad?!
Bawing-bawi ko ang pagod noong nakaraang araw ah.
"Hindi nga ako pumasok kasi gusto kong sabay tayo, talagang sinakto mo ang gising mo sa araw ng exam natin ah," dagdag niya.
Tss, hindi ka pumasok para lang makasama si Tyson!
"Inuwi ka nga pala namin noong araw na rin na iyon at dito ka ginamot ni Javier," paliwanag ni Tyson.
"Isurprise natin sila mamaya! We're alive motherfuckers! Ganorn!" masaya sabi ni Naomi at niyakap si Tyson. Bumusangot naman ang mukha ni Tyson at tinaboy si Naomi.
"Pwede namang huwag ka munang pumasok, magpahinga ka na muna," malambing na sabi ni Tyson sa akin.
"Okay na ako, bawing-bawi na ako sa pahinga," tugon ko at nginitian siya. "Wala bang pagkain diyan?" tanong ko at natawa naman sila.
"Tara na nga sa baba, nagluto sila ng agahan."
Kinausap pa ako ni Naomi at salitan daw sila ni Tyson na magbantay sa akin.
Kumusta na kaya si Ace? Wala pa man din ako roon kaya hindi ko siya mababantayan...
Wait... bakit ko ba siya babantayan?
Umiling ako para mawala siya sa isip ko. Hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya ang narinig ko sa banyo.
"Mabuti at gising ka na, kumain ka na rito," nakangiting sabi ni Ben nang makababa ako.
Naglaway ako sa mga pagkain na nasa lamesa, inasikaso naman ako ni Tyler at nilagyan ng maraming pagkain saka sinalinan naman ako ng tubig ni Helen.
"Gutom na gutom na ako," sabi ko at nagsimulang lumamon. Siguro pang dalawang araw na kain ang ginawa ko.
"Kilala ko kung sino ang gumawa nito," seryoso kong sabi at tinuro ang sugat ko sa noo. Tumingin naman sila sa akin.
"Iyong naghulog ng vase?" tanong ni Ben. Tumango ako at sumimsim ng kape.
"Siya ang ex ng babaeng kung makadikit kay Ace ay parang linta, siya rin ang nakalaban ko sa garden noon," sabi ko bago kumuha ng tinapay saka nilantakan iyon.
"OH.EM.G!"
"Narinig ko pa ang babae noong nasa banyo ako na may kausap sa telepono. Ang sabi niya... bakit pa pahihirapan kung pwede namang patayin? Galit na galit siya kasi pinahiya at sinaktan daw siya sa harap ng mga tao."
Kumunot ang noo nila.
"OH.EM.G! Ang babaw naman ng dahilan niya!"
"May mga tao talaga na kapag nasaktan nang sobra ay hindi na iniisip kung ano ang tama sa mali, makapaghiganti lang," sabi ni Helen.
"Hindi ko nga alam kung sasabihin ko ba kay Ace ang nalaman ko, baka kasi mamaya ay mali ang impormasyon ko at baka ang isipin niya ay sinisiraan ko ang babae na iyon," nakanguso kong sabi.
"Pero mas magandang ipaalam mo sa kaniya, buhay din niya ang nakasalalay doon," sabi ni Tyson at nilagyan pa ulit ako ng bacon.
"Sabagay, bahala na... kakausapin ko na lang siya pagkatapos nitong exam namin."
Pagkatapos kumain ay kumilos na kami ni Naomi, inayusan niya pa ako at nilagyan ng eyeliner. Nilugay din niya ang buhok niya saka nag-eyeliner din. Tinanggal niya ang gaza sa noo ko at nilagyan ng scar tape para hindi gaanong halata ang sugat ko.
Kulay itim na muscle tees, black ripped jeans at itim na army boots ang suot ko. Sinuot ko rin ang mga bracelet ko para magmukha naman akong rakista. Kasama kasi sa evaluation ang appearance.
Kinuha ko ang black epiphone guitar at inilagay sa bag pati ang pick saka strap. Mas sanay kasi akong gamitin ito dahil nakatono na siya kaya hindi na ako mag-aayos mamaya. Pagkatapos ay niyaya ko na si Naomi na pumunta sa School dahil late na kami ng trenta minuto.
Sana makaabot kami, last group pa man din kaming mag-peperform.
Nakarating kami sa School at ang ingay na sa auditorium. Nakipagsiksikan pa kami sa tao para makadaan.
"Mukhang abot pa tayo, bes!"
"Sinong group na kaya ang sunod," tanong ko.
"Tyra!"
Lumingon ako at nakita ko si MJ na patakbong pumunta sa amin.
"Anong nangyari riyan?" Tanong niya at tinuro ang sugat ko sa noo.
"Nauntog, sorry kung ngayon lang kami nakapasok," kamot-ulo kong sabi.
"Kala ko nga ay hindi na kayo darating. Balak ko na sanang gamitin ang kagibunshin ko para lang makumpleto kami!"
"Pasensya na ha, marami lang kaming inasikaso. Sino na ba ang sunod?" Tanong ni Naomi.
"Kakatapos lang nina Rose kaya sina Ace na ang sunod," tugon niya. Nakita ko naman si Chris na papunta sa amin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Grabe, sa looks niyo pa lang ay panalo na tayo! Astig niyang tahi sa noo mo ah, tunay iyan?" tanong niya at tinuro pa ang sugat ko.
Mukha bang peke? Tss!
"Mahabang kwento... ikaw talaga. Ang angas niyo nga ring tingnan eh. Goodluck sa atin mamaya ha?!" nakangiti kong sabi.
Pumwesto kami sa gitna para mapanuod nang maayos dahil grupo na nina Ace ang tutugtog.
"Sayang, hindi natin naabutan sina Rose tumugtog!" Nakangiwing sabi ni Naomi.
"Bagal mo kasi kumilos!"
"Wow ahh! Ako pa ang sinisi, psh!" tugon niya at hinawi ang bangs niya.
"Alangang ako? Sino ba ang tumae? Tss!"
"Sabi ko nga," bungisngis niyang sabi.
"Amoy tae ka pa nga!" biro ko.
"Eh? 'Di nga? Badtrip naman!"
Bumungisngis ako dahil naglabas pa siya ng pabango at pinabanguhan ang pwetan niya.
"Next group will be, The Tyrantz!" sabi ng Emcee. Naghiyawan naman ang mga tao nang makita sina Ace.
Pumunta naman sila sa kani-kaniya nilang pwesto.
Para rin silang mga rakista, malungkot nga lang ang mukha ni Ace at parang walang pakialam sa paligid. Nag-sound check pa muna silang lahat... mabuti na lang at hindi siya tumitingin sa audience. Baka kasi lalong masira ang mood niya kapag nakita ako.
Drummer si Bolt, si Aron naman ang bassist, si Steve ang vocalist at si Ace ang gitarista.
Namilog ang bibig ko nang tugtugin ni Ace ang intro, napakabilis ng mga daliri niya at seryoso siya sa pagtipa. Kahit ang mga manonood ay nag-ingay at namangha sa ginawa niya. Ang astig din ni Bolt dahil para siyang propesyunal na drummer.
"OH.EM.G! Ang galing nga ni Ace!" namamanghang sabi ni Naomi at natutop pa ang bibig.
"Oo nga, hindi ko akalain na ganiyan siya kagaling," komento ko.
"Pero mas magaling ka pa rin, bagay talaga kayo!" nakangisi niyang sabi.
"Tss."
Lalong lumakas ang hiyawan nang kumanta si Steve, napapapikit pa siya at parang lasing kung kumanta.

"Uwi na tayo may nanalo na!" kamot- ulong sabi ni Chris.
"Galing nila ano? Sige na umuwi ka na para bagsak ka na sa exam." natatawang sabi ni Naomi.
"Ito naman, hindi na mabiro! May laban tayo sa kanila ano!" kampante niyang tugon.
"Kaya natin iyan, i-enjoy na lang natin!" seryoso kong sabi.
"Go Ace!" sigaw ni Naomi.
Bakas ang gulat sa mukha ni Ace at hinanap niya pa si Naomi, kumaway naman itong katabi ko kaya nakita kami. Kumunot ang noo ko nang magtama ang paningin namin, saglit pa siyang natigilan. Nagtaka pa ako dahil ngumiti siya sa akin bago siya tumugtog ng malupet.
Anong nginingiti-ngiti niya, tss!
"Hala!"
"Ang astig ni Ace, grabe!" manghang sabi ni Chris.
"Ngumiti siya kanina sa akin," bulong ko kay Naomi.
"Ano?" tanong ni Naomi at lumapit pa sa akin.
"Ngumiti siya kako! Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganiyan, puro kasi nakabusangot ang mukha niya."
"Baka inlababo!"
"Tss."
"Enjoy na enjoy si Ace ahh!"
"Kanina nga parang wala sa mood!"
Kay Ace lang nakapokus ang atensyon ko, napapansin ko ring panay ang tingin at ngiti niya sa akin.
Inaasar ba niya ako? Kasi magaling siya ganoon? O baka naman niyayabangan ako? Pero hindi rin, iba ang mga ngiti niya eh... may kuryenteng dulot sa akin. Nagpapakitang-gilas yata ang bading na ito sa akin, iniisip niya sigurong sila ang makakakuha ng 1st place, tss... hindi ako papayag!
"Ang galing ni Bolt ano?" puri ko pero nagkibit-balikat lang si Naomi.
"Wala pa sa kalingkingan ko!" Nakangisi niyang sabi.
"Tss, hayop sa taas ng confidence!"
"Ganoon talaga kapag maganda!" nakangisi niyang sabi at tinaasan pa ako ng kilay.
"Anong konek noon? Tss!"
"Magaling si Bolt pero mas magaling ako!" puri niya sa sarili.
"Tss, baka kung ano-ano na naman ang gawin mo mamaya at makasira ka pa ng gamit!"
Umiling ako nang maalala ko ang ginawa niya sa Japan.
"Grabe ka naman, bes! Parang sinabi mo na ring magwawala ako mamaya!" natatawa niyang sabi at hinampas ang balikat ko.
"Bakit hindi ba? Kapag nakahawak ka ng stick eh para kang sinasapian!"
Napansin ko ring panay ang tingin ni Bolt kay Naomi, palihim ko namang tiningnan si Naomi pero nakatingin lang siya kay Steve.
Mukhang may naaamoy ako.
Amoy tae... joke!
"Wooooh! Tropa namin iyan!"
Napatingin ako sa likod at natanaw ko sina Dave at Blaze.
Parang nagkaroon ng concert dito sa auditorium at ang dami nilang mga tagahanga, aaminin kong napakagaling nila. Mukhang nagkamali kami ng kinalaban.
Tumingin ako kina MJ at Chris.
Maganda ang kanta na napili namin at may tiwala ako kay MJ, kung gagawin niya ang ginawa niya sa bahay ay paniguradong maloloka ang mga manonood!
"Tara, tayo na ang sunod! Pumunta na tayo roon," sabi ni MJ. Sumunod kami ni Naomi sa kaniya at pumunta sa backstage, nakasalubong pa namin sina Ace.
"Uy! Welcome back mga lods! Goodluck sa inyo!" nakangiting sabi ni Bolt.
"Hala! Napano iyang noo mo?" tanong ni Aron sa akin.
"Mahabang kwento," kamot-ulo kong tugon.
Nagkatinginan pa kami ni Ace, tumaas ang kilay ko dahil nakangiti pa rin siya sa akin.
Nasisilaw na ako sa ngiti mo, tss!
"Napakaangas niyong tingnan!" Sabi ni Steve.
"Salamat! Kayo rin kaya, ang galing ninyo kanina grabe! Lalo ka na!" masayang sabi ni Naomi at tinuro pa si Ace. Nagulat pa siya kay Naomi pero nakarekober din agad at napakamot na lang sa ulo.
"Masyado niyong ginagalingan eh!"
Pumunta ako sa lamesa para ilabas ang gitara ko.
"T-Tyra!"
Napalingon ako nang tawagin ako ni Ace.
"Hmm?" tugon ko. Tumabi pa siya sa akin. Nagtaka ako dahil kinuha niya ang gitara ko at siya ang naglagay ng strap doon.
Anong trip nito?
"O-Okay ka na ba?" tanong niya. Tumingin pa siya sa noo ko.
"Mmm... okay naman na, ako na riyan," tugon ko at kinuha ang gitara sa kaniya at inayos ang strap. Baka mamaya ay hindi niya ikabit nang maayos.
Malay ko ba kung may plano siyang masama, tss!
"Goodluck!" nakangiti niyang sabi.
Para akong nabingi sa sinabi niya, ang ganda pa ng pagkakangiti. Para siyang maamong tuta ngayon, anong nangyari?
"Teka nga... okay ka lang?" Tanong ko.
Mukhang nagtaka pa siya sa tanong ko.
"Ha? Oo okay lang naman ako, bakit?"
"Masyado kang mabait sa akin, pakiramdam ko ay susunduin na ako ni kamatayan mamaya," seryosong kong sabi kaya umawang ang labi niya.
"What? Tsk! Your crazy!"
"Palagi kang galit sa akin tapos ngayon ay para kang tuta na sumusunod sa amo niya!"
"Tsk! I just want to thank you," seryoso niyang sabi.
"Wala iyon. Bawas-bawasan mo nga ang bait mo dahil iba ang naiisip ko kung bakit ka nagkakaganiyan!" nakangisi kong sabi.
"S-Stop imagining things! It's not like that, tsk!"
"Wala pa akong sinasabi pero bakit parang alam mo na agad ang nasa isip ko?" seryoso kong sabi at naglakad papalapit sa kaniya. Natawa pa ako nang mapaatras siya.
"H-Hindi ah!"
"Talaga? Baka naman ma—"
"Bes! Let's go!"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang tawagin ako ni Naomi, mapanukso naman akong tumingin kay Ace.
"Naudlot tuloy ang sasabihin ko... mauna na ako. Lumakad ka na roon, alam ko namang ako ang papanuorin mo," nakangisi kong sabi at tinusok ang tagiliran niya.
"Tsk! Ang kapal mo talaga, Tiburcio!" singhal niya at tinapik nang mahina ang kamay ko.
Ganiyan nga! Ganiyan ang pagkakakilala ko sa iyo, hindi iyong tulad kanina! Tss.
Tinalikuran ko siya at pumunta na kina Naomi, nagkausap pa kami nina Bolt bago sila bumaba.
"Wow! It's getting wild here no?" sabi ng Emcee at nagsigawan naman ang mga audience.
"Now for the last group! Let us all welcome, Meteora!"
Naghiyawan ang mga kaklase namin, hinarap ko pa muna sina MJ.
"MJ, gawin mo ang ginawa mo sa bahay. Mas kapalan mo pa ang mukha mo."
"Sige! Ipanalo natin ito!" nakipag-fist bump pa siya sa amin.
Nag-group hug muna kami bago maglakad sa stage. Nagpalakpakan din ang mga manonood nang makita kami, agad kong natanaw sina Bolt na kakarating lang sa pwesto nina Dave at kinawayan pa kami.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil ngumiti na naman sa akin si Ace nang magkatitigan kami.
Itutuloy...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (77)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
napaka ganda nya grabeee sana maging masaya sila sa ending iba talaga
11/07/2022
0it's good
07/12
0thanks
07/06/2025
0Tingnan Lahat