Homepage/Chasing Trilogy I: Chasing Him/
Chapter 17: Vase
TYRONIA'S POV
Tumabi ako nang marinig ang malakas na busina at baka matalsikan na naman ako ng tubig. Binusinahan pa rin ako kaya inis kong tiningnan iyon.
"Ate! Come here!"
Napangiti ako ng makita si Aevan kaya patakbo akong pumunta sa kanila.
"Hello, Aevan!"
"Anong trip iyan! Bakit ka naglalakad? Umuulan oh, baliw ka na ba?" singhal ni Ace.
Akala ba niya ay hindi ko alam na umuulan? Tss!
"Baliw agad? Hindi ba pwedeng minamalas lang ako ngayon!" singhal ko rin.
"Nasaan ba ang sasakyan mo?"
"Na-flatan ako." Tinaas ko pa ang helmet para makita niya.
"Pasok, Ate! Ihahatid ka namin ni Kuya."
"Naku huwag na... basang-basa kasi ako, mababasa ang kotse ng Kuya mo. Salamat na lang, mauna na ako ha?" sabi ko bago magpatuloy sa paglalakad.
"Huwag ka nang mag-inarte, pumasok ka na rito!" sigaw ni Ace.
Bumuga ako ng hangin at napilitang pumasok saka umupo sa backseat.
"S-Salamat," sinsero kong sabi. "Pasensya na, nabasa ko ang upuan," dagdag ko.
"Don't worry, Ate! Kuya won't mind," nakangiting sabi ni Aevan.
"Bakit ngayon pa lang kayo uuwi?" tanong ko kay Ace pero hindi niya ako sinagot. Nilalamig na ako at ang lakas pa ng aircon.
"I'm hungry na kanina kaya kumain muna kami," si Aevan ang tumugon.
Nakaramdam ako nang hiya ng patayin ni Ace ang aircon.
Ako na nga ang nakisakay, sila pa ang nag-adjust sa akin.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang tumunog ng malakas ang tiyan ko.
"What's that noise?" kunot-noong tanong ni Aevan. Lumapit pa siya sa Kuya niya at parang may inaamoy.
"Sorry daw sabi ng tiyan ko," kamot-ulo kong sabi.
"Oh, it's your tummy! Akala ko ay umutot si Kuya," seryosong sabi ni Aevan kaya bahagya akong natawa.
"Tsk, shut up," inis na sabi ni Ace. "Kuhanin mo ang paper bag diyan sa tabi mo," utos niya sa akin. Hinanap ko naman ang paperbag na nakatago pala sa ilalim ng unan.
"Ito?" tanong ko at inamoy ko pa.
Amoy pagkain, nagugutom na talaga ako.
"Kainin mo."
Napatingin ako sa rear mirror at sakto namang nakatingin din siya sa akin.
"Ubusin mo iyan."
Bakit biglang bumait ito? Teka, baka may lason ito, tss.
"Aah salamat," tugon ko.
Natakam ako dahil may family size spaghetti at may dalawang chicken.
"Wow, Ate! You are so gutom!"
"Napagod ako kanina sa date natin eh," nakangiti kong tugon. Nakatingin pa rin siya sa akin kaya inikot ko ang spaghetti sa tinidor at nilapit sa kaniya iyon. Napangiti ako dahil kinain niya iyon.
"Thamk yu, Ate."
Sinusubuan ko lang siya hanggang sa maubos namin ang pagkain. Pagkatapos ay niligpit ko ang kinainan ko at binalik sa paper bag. Napakurap pa ako ng iabot sa akin ni Ace ang tubig. Kinuha ko na iyon at baka sabihin niyang nag-iinarte na naman ako.
"Salamat."
Limang minuto na ang nakalipas at mukhang nakatulog na si Aevan dahil hindi na siya tumitingin sa akin. Malakas pa rin ang ulan kaya nagpapasalamat ako dahil nakita nila ako. Kung hindi ay baka hindi na ako abutan nang umaga sa kalsada.
"Ikanan mo riyan sa village," utos ko. Kumanan naman siya kaso hinarang siya ng guard.
Dinungaw ko ang guard kaya nailapit ko masyado ang mukha ko kay bading. Gusto ko sanang sabihin sa guard na 'surprise motherfucker'.
"Ako ito," nakangiti kong sabi.
"Kayo po pala, sige po pasok!"
"Diretso lang tapos doon kami sa pinakadulo non," turo ko.
Nang makarating ay lumabas na ako ng kotse dahil hindi pa rin niya ko iniimik. Kinatok ko pa ang bintana niya para magpaalam. Binaba naman niya iyon at sinimangutan ako.
"Salamat sa ride at pagkain," sinsero kong sabi. Umigting ang bagang ko dahil lumakas ang hangin.
"S-Salamat din," nauutal niyang sabi, alam kong tinutukoy niya ang pagbabantay ko sa kapatid niya.
"You're welcome!"
"P-Pumasok ka na sa loob."
"Papasok ako pagkaalis mo."
Umatras pa ako dahil bahing ako nang bahing. Agad naman siyang lumiko at binusinahan pa ako.
"Ingat kayo," sigaw ko at kinawayan siya.
Hinintay ko muna silang makaalis bago pindutin ang doorbell sa gate. Bumukas naman iyon at sinilip ako ni Felix.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Taranta pa siyang kumuha ng payong at pumunta sa akin.
"Na-flatan ako sa mall, kuhanin mo na lang si Cobra bukas," utos ko at binigay sa kaniya ang susi.
Pagkapasok ko sa bahay ay nagulat din sila nang makita ako.
"Hala! Anong nangyari? Bakit basang-basa ka," nag-aalalang tanong ni Helen.
"Na-flatan ako at na-lobat pa ang phone, mabuti na lang at nakita ako ng kaklase ko at hinatid ako papunta rito," nakangiwi kong sabi. Nilagyan naman ako ni Tyson ng towel sa likod.
"Maligo ka na at baka magkasakit ka pa," agad na sabi ni Tyson. Tumango ako bilang tugon.
Nanginginig akong pumunta sa kwarto kaya agad akong dumiretso sa banyo para maligo at nagbabad pa nang kaunti. Sumakit pa ang binti ko at para akong puputulan ng paa.
Pagkatapos ay patalon akong humiga sa kama at ipinatong ang paa sa unan. Umayos na ako ng higa at agad na nilamon ng antok.
Kinabukasan ay maaga akong kumilos. Bigla pang sumama ang pakiramdam ko at para akong lalagnatin.
"Late ka ng dalawang minuto, ang sabi mo ay 7:45 sakto!" nakapamaywang na sabi ni Naomi nang makarating ako sa parking.
"Masakit kasi ang ulo ko."
"Tara na at baka nandoon na sila, balita ko ay masungit ang Coach ng basketball girls. Coach daw iyon ng boys sabi ni Rose."
Hindi ko na siya sinagot, ang sakit pa rin kasi ng paa ko dahil sa penitensya ko kahapon. Nanlalambot ako at ang sakit din ng mga binti ko kaya binagalan ko ang paglakad. Nakita ko pa sina Rose na nakaupo sa bench at kausap si Coach.
"Oh! Hi mga Sis," sigaw ni Rose sa amin. Pumunta kami sa kaniya at inilapag ang gamit namin.
"Coach, sila ang sinasabi ko sa inyo na star player."
Tatango-tango si Coach at pinasadahan kami ng tingin.
Star player? Tss.
"Buti na lang at may naisali ka rito at mga magagaling pa," nakangiting sabi ni Coach.
Nag-umpisa ang warm up namin at sobra kong pinagsisihan iyon dahil pinatakbo kami sa court! Wala pang dalawang minuto ay ramdam ko na ang mga pawis ko.
"Faster!" sigaw ni Coach. Binilisan ko naman nang kaunti dahil nakakahiya at napag-iiwanan na ako.
Matapos ng warm up ay ako ang tinawag ni Coach para sa jump ball. Hindi ko iyon nakuha dahil nanghihina akong tumalon. Nagpasahan sila ng bola at nang ipasa sa akin ay sumablay ang shoot ko.
Palpak ang naging laro ko at laking pasalamat ko ng dumating ang breaktime. Pumunta kami sa canteen para kumain pero wala akong gana. Mas gusto ko pang matulog na lang kaya hinayaan kong lamunin ako ng antok sa lamesa.
Inis kong tiningnan si Naomi dahil hindi rin ako nakatulog. Nabibingi ako dahil sa kaingayan niya.
Kinuha ko ang towel at binasa ng tubig, sumandal ako at pinatong ang mga paa ko sa lamesa saka nilagay ang towel sa mukha ko.
"Huy! Okay ka lang?" tanong ni Naomi.
"Alam mo parang wala ka sa sarili kanina, ang alat ng laro mo, Sis," sabi ni Rose.
Nakakahiya... tss! Sinabihan pa man din kaming star player!
"Ang sama ng pakiramdam ko eh, pati paa ko masakit!"
"Akin na nga at hihilutin ko."
Hinilot nga ni Naomi ang mga paa ko pero hindi pa rin mawala ang sakit non. Para akong tinubuan ng puso sa paa dahil may nararamdaman akong tumitibok doon.
Uminom ako ng tubig at inubos iyon, ramdam ko pa ang init na umaalingasaw sa katawan ko at nanghihina ako.
"Argh! Buset na iyan," reklamo ko.
Napatingin ako kay Rose nang ilagay niya ang palad sa leeg ko.
"Hala, Sis! Sobrang init mo! Nilalagnat ka!" kunot-noo niyang sabi habang kinakapa ang noo ko.
"Doon ka kaya muna sa clinic, kami na ang bahala kay Coach," suhwestyon niya. Hindi na ako tumutol dahil iyon din ang naisip ko kanina pa.
Sinamahan ako ni Naomi sa clinic, pinabalik ko na rin siya sa gym at sinabi ko na lang na babalik ako kaagad at magpapahinga lang saglit.
Mayamaya ay nagising ako sa ingay ng pinto. Tiningnan ko iyon pero wala namang tao, kahit ang nurse ay wala. Nasapo ko ang noo nang mapatingin ako sa wall clock dahil tatlong oras akong nakatulog.
Pumunta ako sa table ng nurse at tiningnan ang record ko.
39.5, kaya pala hinang-hina ako. Malamang ubo na ang kasunod nitong sipon ko. Nalintikan na talaga, dapat kasi hindi na ako pumunta ng mall kahapon! Hindi tuloy ako nakapaglaro nang maayos ngayon, tss.
Lantang gulay akong lumabas ng clinic at naglakad palabas ng building. Nanginig pa ako sa lamig dahil sa lakas ng hangin at mukhang uulan ulit.
Mayamaya ay napatingin ako sa mga ulap dahil mukhang uulan na naman, bumaling ang paningin ko sa ikatlong palapag ng gusali dahil may nakita akong nagbukas ng bintana.
Kumunot ang noo ko dahil may nakita akong lalaki na may hawak-hawak na malaking vase at may tinitingnan sa ibaba. Tiningnan ko naman iyon at nahinto sa paglalakad nang matanaw si bading sa 'di kalayuan na nakapamulsang naglalakad.
Shit!
"Ace!" tawag ko pero hindi siya lumilingon.
"Ace! Umalis ka riyan!" sigaw ko. Pumiyok pa ang boses ko pero hindi pa rin niya ako naririnig.
Bwiset! Gaano ba kakapal ang luga mo sa tainga!
Wala sa sariling napatakbo ako papunta sa kaniya at parang may sariling isip ang mga paa ko. Hindi ko alam kung bakit may lakas pa akong makatakbo. Napapatingin pa ako sa lalaki. Nahugot ko ang hininga nang bitawan niya ang vase.
Bigla akong biniyayaan ng lakas at mabilis na tumakbo papunta kay bading. Bumagal bigla ang paligid ko dahil palapit na nang palapit ang vase sa kaniya. Kusang kumilos ang dalawa kong kamay, naitulak ko siya nang malakas at ako ang natamaan.
Napaluhod ako nang sumapul sa noo ko ang vase. Bumilis din ang tibok ng puso ko at naituon ang dalawang palad sa sahig saka napayuko. Kita ko agad ang mga dugong pumapatak sa sahig na para bang umuulan ng dugo.
"P-Potek... ang sakit," mahina kong sabi.
Napapikit ako at umiling dahil nandidilim ang paningin ko. Pinakiramdaman ko muna ang sarili baka mamaya ay lumuwa ang utak ko.
Ramdam ko pa rin ang init na umaalingasaw sa katawan ko. Kahit ang hininga ko ay mainit. Parang binawi agad ang lakas ko at lalo akong nanghina, nanginginig pa ang mga braso ko saka paa.
"T-Tyra?!"
Nagpakawala ako ng hangin bago humawak sa pader at sinuri ang kabuuan niya, kung may natamo ba siyang sugat. Nahirapan pa akong tingnan siya dahil nagiging dalawa ang paningin ko.
Tumakbo siya papunta sa akin at may tiningnan sa itaas. Bumilis ang tibok ng puso ko at napakasakit ng noo ko. Para pa akong hinampas ng bakal.
"O-Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya.
Napalakas yata ang pagtulak ko sa kaniya dahil may gasgas ang tuhod niya. Pinatong ko sa tuhod ang kamay ko at dahan-dahan na tumayo.
"B-Buti umabot ako, ang bingi mo kasi eh," nauutal kong sabi. Bakas pa rin sa mukha niya ang gulat.
Nakanganga niyang pinasadahan ng tingin ang mukha ko. Umiling pa ako ulit dahil dumadami siya sa paningin ko.
Takot ba siya sa dugo? Namutla siya bigla eh.
"Bakit!"
Nagtaka pa ako nang sumigaw siya.
"Bakit mo ako tinulak! Tingnan mo tuloy ang nangyari sa iyo!"
Hindi ko alam pero may halong pag-aalala sa boses niya.
Bakit ganiyan ka tumingin? Parang maiiyak na, tss!
"T-Tinatawag kita kanina pa, bingi ka lang talaga...magtanggal ka nga ng luga," pang-aasar ko para kumalma siya.
Kaya ko naman, walang-wala ito sa mga natamo ko dati, kung wala lang akong sakit ngayon edi nakakatumbling pa ako sa harap niya.
"D-Dadalhin kita sa hospital," natataranta niyang sabi. Natigilan pa siya at napatingin sa akin nang hawakan niya ang braso ko.
Amoy putok ba ako? Nailang tuloy ako, tss!
"Okay lang ako," sabi ko at nginitian siya.
May naramdaman akong tumulo sa pisngi ko. Hinawakan ko iyon at tiningnan ang daliri.
"A-Akala ko ay lumuluha ako, dugo p-pala iyon," sabi ko bago siya talikuran.
Natigilan ako nang hawakan niya ulit ang braso ko.
"H-Hindi ka okay! Nabagsakan ka ng vase at tumama sa noo mo tapos okay? Isa kang abnormal!" singhal niya.
Alam ko! Wala akong amnesia, tss!
Gusto kong sabihin sa kaniya iyon pero sisigawan lang niya ako.
Ako pa ang abnormal eh siya nga itong bingi, tss. Regaluhan kita ng cotton buds diyan eh!
Itutuloy...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (77)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
napaka ganda nya grabeee sana maging masaya sila sa ending iba talaga
11/07/2022
0it's good
07/12
0thanks
07/06/2025
0Tingnan Lahat