Homepage/I Met Him In The Dark/
Chapter 24
CHAPTER TWENTY-FOUR
Tahip-tahip ang kaba na nararamdaman ko nang biglang prumeno ang tricycle. Muntik pa akong masubsob sa bakal na parte nito pero mabuti nalang at nakakapit ako sa kung saan kaya hindi ako tuluyang nasubsob.
Mabilis akong lumabas sa tricycle pero agad ding nahagip ng tricycle driver ang braso ko. Nanginig ako sa takot.
Malakas ang naging pagsinghap ko nang bago pa ako maipasok ulit ng lalaki sa sasakyan niya ay tumumba na siya sa kalsada.
“Stay away from her!”
Lumayo ako sa kaniya nang bigyan siya ng isa pang suntok ni Kelvin. Marahas akong lumunok.
“K-Kelvin..”
Pinigilan kong makalapit sa kanila pero malakas lang akong napasigaw nang bawian ng lalaki si Kelvin. Mabuti nalang at hindi masyadong nasaktan si Kelvin dahil daplis lang ang nagawa nito sa kaniya. Muli siyang pinagsusuntok ni Kelvin hanggang sa halos hindi na siya makatayo.
Napatakip ako sa bibig ko at walang nagawa kung hindi ang umiyak. Why did danger always come near me..
“A-Alis na tayo K-Kelvin.. Umalis na t-tayo..”
When Kelvin stopped punching the guy, he’s already panting hard. Pawis na siya at mabigat ang kaniyang paghinga. Parang gusto pa niyang sugudin ulit iyong lalaki pero nilapitan ko na siya at gamit ang nanginginig kong kamay ay hinawakan ko ang braso niya.
“K-Kelvin..”
Humarap siya sa akin at muli akong naiyak nang yakapin niya ako.
“Thank God, I arrived on time.”
“T-Thank you.. A-akala ko wala ng tutulong sa akin kanina.. I-I was so afraid.. S-Sabi ko bababa na ako e. A-Ayaw niyang iti.. itigil iyong sasakyan.”
“Ssh, i’m here, i’m already here.”
Sandali kaming nanatili sa ganoong puwesto, hinayaan niya lang akong umiyak sa balikat niya. Nang bahagya akong kumalma ay kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin bago kunin ang panyo niya at ibigay iyon sa akin.
Pinanood ko siya nang magtipa siya sa cellphone niya. Matapos magtipa roon ng kung ano ay muli siyang humarap sa akin. “Humingi na ako ng tulong, the police will arrive in a few.”
Tumango ako sa kaniyang sinabi. Inalalayan niya ako patungo sa kotse niya.
“Mabuti nalang at nakita kita kanina. I was about to offer you a ride when that asshole drove fast even if his tricycle wasn’t full yet. Doon palang naghinala na ako kaya sinundan ko kayo. Hindi katiwa-tiwala ang mukha ng gagong iyon e.”
“Thank you talaga Kelv.”
He lifted his right hand and caress my face. “I’m glad that I am able to save you. You cried so hard, natakot ka ba ng sobra?”
Nag-iwas ako ng tingin at bahagya na lamang tumango. Hindi niya alam ang nangyari sa akin noon at hindi ko na gusto pang sabihin sa kaniya iyon. Kung puwede lang ay hindi ko ka maalala pa iyon. Gusto ko nang ibaon sa limot ang pangyayaring iyon.
Kelvin looks like he wants to ask me something but he only remain silent. Pinagpapasalamat kong naiintindihan at nirerespeto niya na ayaw ko ng pag-usapan pa ang nangyari kanina. Pero pasulyap-sulyap siya sa akin habang nagda-drive at binalewala ko nalang iyon.
“Thank you,” saad ko nang maihatid niya na ako sa bahay namin.
He nodded and pat my head. “Mag-iingat ka sa susunod. Don’t hesitate to call me if you needed help.”
Tinanguan ko siya at ilang segundo pa niya akong tinitigan bago sumakay sa kotse niya at paandarin iyon paalis. Napabuntong-hininga ako nang mawala na sa paningin ko ang kotse ni Kelvin.
Kung hindi siya dumating ay paniguradong may nangyari na naman sa akin na hindi maganda. At hindi ko na alam kung kakayanin ko pa kung nangyari iyon.
Hanggang ngayon nga ay nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko pero sinikap kong umakto ng normal at maayos nang makapasok ako sa loob ng bahay.
“Bakit ngayon ka lang dumating?” mom asked when she saw me.
“Bumili pa ako ng panregalo sa mama ni Huxley.”
She nodded. “Magpahinga ka muna sandali bago ka pumunta sa party.”
Tumango ako kay mama bago ako magsimulang umakyat pupunta sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa aking kama nang makapasok ako sa kwarto. Ilang beses akong bumuntong hininga at pinilit hindi isipin ang nangyari kanina. Pero sa huli ay nagsimula lang tumulo ulit ang mga luha ko.
Sa kakaiyak ay hindi ko na namalayan nang dalawin ako ng antok.
“Kiva, wake up. Kiva..”
Nagising ako dahil sa isang pamilyar na boses na tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko hanggang sa luminaw ang paningin ko at bumungad sa akin ang mukha ni mama. Her brows almost met at the center.
“Napagod ka ba ng sobra? Nakatulog ka. It’s already 8:20, Kiva. Bumangon ka na riyan.”
Kahit aware akong baka kanina pa ako hinahanap ni Huxley ay hindi ko nagawang magpadali sa pagkilos. Para akong lantang gulay at gusto ko na lamang mahiga ulit at bumalik sa pagtulog, umasang bukas ay hindi ko na maaalala ulit ang mga nangyari sa akin.
“Mag-aayos na ako, ma.”
“Bilisan mo para maipahatid na kita sa tito Elrick mo,” saad niya bago ako muling iwan sa aking kwarto.
I bite my lower lip when I saw my reflection at the whole-body mirror inside my room. Maputla ako, maitim ang ilalim ng mga mata ko, idagdag pa ang malulusog na eyebags sa ilalim nito at magulo rin ang aking buhok— I look like a total mess.
I took a half bath to freshen up my body and mind. I put a light make up on my face for me to not look pale. Isang black bodycon dress ang sinuot ko at wedge bilang pampaa. Tita wanted to have an intimate party for her birthday so I don’t need to wear something formal or extravagant. Pamilya niya lang din ang naroon at siguro ay ilang kaibigan.
Gaya ng sabi ni mama ay ipinahatid niya nga ako kay tito Elrick pupunta sa bahay nina Huxley. Pagdating doon ay nakita kong iba ang ayos ng bahay kumpara sa ordinaryong araw at tama nga ang hinala kong naroon din ang iba niyang kaibigan.
Nang mahagip ng mata ko si Sophie ay nakita ko ang panlalaki ng kaniya. She immediately approached me.
“Bakit ngayon ka lang?”
“I’m sorry, nakatulog ako.”
“What!?”
Hindi ko na siya pinansin pa nang makita ko ang mama niya.
“Tita, happy birthday.” I gave her my gift and she happily accepted it.
“Nag-abala ka pa, iha. But thank you so much, Kind. You look so beautiful in that dress. Mabuti at nakarating ka, kanina ka pa hinahanap ng anak ko.”
“I’m sorry, tita. Something just came up.”
“I understand. Nasa taas lang ata si Huxley, you can go upstairs if you want.”
Ngumiti ako at tumango sa kaniyang sinabi.
“What happened?”
Muling bumalik kay Sophie ang atensyon ko. Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya.
“Nag-away ba kayo ni kuya?”
Mas lalo lang lumaki ang gatla sa noo ko dahil sa sinabi niya. “Hindi..”
“Really? Don’t you know that he sent to your house earlier? Sabi niya susunduin ka, kaso pagbalik dito hindi ka naman kasama. He even looks pissed. Hindi ko na siya nakausap ng maayos, actually kanina pa siya nagkukulong sa kwarto niya.”
Nakita niya ba kami kanina ni Kelvin nung hinatid ako nito?
“I-I’ll talk to him.”
Napiling si Sophie sa aking sinabi. “You should.”
Mabilis akong nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay nila dahil pinayagan naman ako ni tita na magtungo roon. Besides, saulo ko na rin ang mga pasikot-sikot ng bahay nila dahil dito ako minsan pumupunta kapag kagaling sa school.
“Huxley..” I uttered upon seeing him above his king size bed. He’s strumming his guitar to a familiar song.
Saglit lang siyang sumulyap sa akin bago muling ibinalik ang atensyon sa gitara niya. Napabuntong-hininga ako dahil sa inasal niya. I never imagined him to act like this.
Umupo ako sa kabilang bahagi ng kama niya pero hindi pa rin niya ao pinapansin.
“Let’s talk, Huxley.”
Nakita ko ang marahan niyang pagkagat sa kaniyang labi bago iyon pasadahan ng sarili niyang dila. Hinawi niya pa ang buhok niya bago ilapag sa gilid ang gitarang hawak at tuluyan akong balingan.
“What is it that you want to talk about?” I gulped when I sense the coldness in his voice.
“Galit ka?”
“Why would I?”
“Bakit nga ba?”
Natahimik siya dahil sa aking sinabi. “Nakita mo.”
Nagkaroon ng gatla ang noo niya pero hindi siya nagsalita.
“Your sister told me that you want to our house earlier. I know that you saw me with my best friend. Now tell me, are you jealous?”
Nagtangis ang bagang niya dahil sa aking sinabi at napangiti ako. I think I already know that answer to my own question.
“There is nothing to be jealous about, Huxley.”
“I am not. I’m just... I’m sleepy. Bumaba ka na. You’re not supposed to be here.”
Kumirot ang puso ko nang mahiga siya sa kama niya at talikuran ako.
Hindi man lang ba niya ako pagpapaliwanagin?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (55)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang gandaaa 👌🤍
11/02/2025
0highly recommended❤👏 Such a great story.
29/07/2023
0very nice
20/07/2023
0Tingnan Lahat