Homepage/MY NAME IS TADHANA/
Chapter 5
CHAPTER FIVE: REALIZE
"Sigurado ka bang walang mangyayaring masama doon, Flare? Baka tumalon 'yong si Kio." Zoey asked for the nth time.
I rolled my eyes. "Wag ka sabing mag-alala, Zoey. They are fine." I said. Nandito pa rin kami sa loob ng Ospital, naglalakad dito sa Hallway at papa-alis na. Kanina pa tanong nang tanong si Zoey at parang gusto niyang bumalik doon sa taas. Nasabi rin niya kanina na baka sumama daw si Khayi sa pagtalon ni Kio kaya kailangan naming bumalik roon. Tss, this woman, did she think Khayi will do that?
Zoey turned to Jarrex. "Ikaw Jarrex? 'Di ka ba nag-aalala do'n kay Kio?" She asked.
Jarrex sighed. "May tiwala ako sa kaibigan ninyo."
"Oo nga pala, kaibigan mo ba 'yong si Kio?" Zoey asked again.
Jarrex nodded. "Mag-ka-klase kami no'ng High school."
"Ano palang ginagawa niya dito?"
"Tumaas ang BP ng Tita niya kaya sinugod sa ospital."
Iniisip ko kung ano nang nangyayari kay Kio at Khayi ngayon? Maayos na ba ang lahat? Na-kwento na ba ni Kio ang mga nararamdaman niya na matagal na niyang tinatago at sinasarili? Nasabi niya na ba lahat ng pinagdadaanan at mga problema niya?
"Ikaw, Flare? Paano mo nalaman na may nagpapakamatay do'n sa rooftop?" Medyo nagulat ako dahil sa biglaang tanong ni Zoey. Akala ko ay hindi na niya tatanungin 'yon dahil sa nasaksihan niya kanina sa rooftop.
I cleared my throat. "Hindi ko naman alam na may magpapakamatay pala do'n. Gusto ko lang... magpahangin." I lied. "At... una kong nakita si Kio kanina, bigla nalang siyang pumasok sa room ni Khayi, hinahanap ang Tita niya, he entered the wrong room." I added to change the topic. I looked at them when I noticed their stares. I raised a brow. I immediately held my arm when Zoey slapped it with her hand.
She glared at me after damn hurting me. "Ikaw, ah! Kinumbinsi mo pa siyang tumalon! Pa'no kung ginawa nga niya?!" Her voice echoed.
I pouted my lips ang crossed my arms. "But he didn't."
Her brows met and then she gave me a death glare. I pursed my lips to prevent myself from smirking.
"Paraan rin 'yon para matauhan si Kio, kaya tama lang na ginawa 'yon ni Destiny." Jarrex said in a serious tone. Sabay kaming napatingin ni Zoey sa kanya. I silently cleared my throat and bit the inside of my cheek.
Zoey smirked and glanced at me. "Oo nga naman," she said, teasing me. "'Destiny' pa nga..." Bulong niya, sapat lang para kaming dalawa lang ang makarinig. I glared at her. She smirked more.
I rolled my eyes and covered my ears with my hands. Sigurado akong aasarin niya ako kaya mas mabuting maghanda na ako. And I was damn right, she teased me again and again. 'Buti nalang at parang wala lang naman 'yon kay Jarrex. I shut my eyes tightly.
'This is so damn embarrassing!'
"Oo nga pala, saan tayo pupunta ngayon?" Zoey asked when we're already in the basement. My brows met. What are we doing here? Wala naman akong dalang sasakyan dahil nag commute lang kami ni Zoey kanina.
"Kila Jarrex nalang," I answered.
They both glanced at me. Zoey smirked and nodded. "Oo nga naman, nagutom ulit ako dahil sa eksena kanina." She said.
My brows met. "Is it normal? Eating too much when you're pregnant?" I asked, worried. Para kasing hindi na normal 'yon, iniisip ko na baka malunod ang baby dahil sa sobrang daming pagkain sa loob ng tiyan ni Zoey. Well... I think... that's possible...
Zoey chuckled. "Oo naman."
I nodded. "Wait... what are we doing here? May sasakyan ba tayo?" I asked.
"May dala ako" Jarrex said. "Pinahiram sakin ni Jhavin." He added. Pumauna siyang naglakad papunta sa red sports car ni Jhavin.
I smirked while looking at Jhavin's sports car. Aww, Jhavin is so sweet. Pfft.
***
"Bakit hindi mo nalang hingin itong sports car ni Jhavin?" Zoey asked Jarrex. She's sitting on the front seat while I was sitting alone on the back seat. Sila lang ang nag-uusap mula kanina, si Zoey lang rin ang tanong nang tanong at sumasagot naman si Jarrex kahit kaunting salita lang 'yon. He's not talkative.
"Mas gusto kung bumili gamit ang pera ko." Jarrex answered while holding the steering wheel and driving the car smoothly.
My lips formed a smile while looking outside the window. Pwede naman niyang hingin ang sasakyang 'to dahil magkapatid naman sila at hindi naman madamot si Jhavin, sigurado rin ako na galing sa Dad nila ang perang pinangbili ni Jhavin sa kotse kaya pwedeng-pwede itong hingin ni Jarrex. Pero hindi niya ginawa. I think it's one of his good personalities. Nakakaawa ang babaeng Trisha na 'yon, she cheated on him, hindi ba niya nakikita na sobrang nakakamangha ang sinayang niya?
Jarrex parked the car in front of the carinderia. I opened the back seat door and went out of the car. Gano'n rin ang ginawa nila at naglakad papunta sa entrance ng karinderya. I was about to follow them but my phone rang.
|Khayrine calling|
"Uh, mauna na kayo, sagutin ko lang 'to. It's Khayi." I said.
"Sige, balitaan mo ako kung ano ang mga sasabihin niya." Zoey said. I nodded.
Jarrex nodded at me before they turned their back on me, I glanced at my phone and answered the call.
"Khayi, are you okay?" I asked.
I heard her sigh. "I'm okay, Flare."
"What about Kio?"
"Uh... he's fine. Magkasama kami ngayon, he's here in my room."
I smiled. "Really? That's good."
Narinig ko ang pagtikhim niya. "What do you mean 'Good'?"
I laughed. "Well... magkaibigan na ba kayo?" I asked to change the topic.
"I... don't know, we were just talking, he's a bit talkative---No! He's super talkative," She said. "Madami pa siyang sinabi sakin, but... that's private."
I bit the inside of my cheek. "It's okay, you don't need to tell me..." Dahil alam ko na rin naman...
Ilang segundo siyang tumahimik dahilan para marinig ko ang bulong-bulungan sa kabilang linya. "Sino yan?" Oh? It's Kio's voice.
"Aish! Stop talking, may kausap ako." Boses naman 'yon ni Khayi
"Nagtatanong lang, e."
Khayrine cleared her throat again. "Flare... tumawag lang ako para sabihin na hindi niya tinuloy ang balak niya." She said.
"Alright... mag-ingat kayo."
"Kayo din, I love you." She said before dropping the call.
I fixed my hair with my fingers before walking towards the entrance. Pero bago pa man ako makapasok ay may biglang humila sa buhok ko. I almost screamed because of her sudden move.
Damn it! What is damn happening?! Is she f-cking crazy?!
"Hayop kang malandi ka!" She shouted, the girl who was pulling my hair. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang hapdi dulot ng pagsabunot niya. I tried to grab her both hands and pushed her away. My brows met and my blood boiled when I damn recognized her! Jarrex's 'ex-girlfriend' is now damn in front of me!
"Are you damn crazy?!" I shouted angrily.
Nanggigigil niya akong dinuro. "Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Jarrex!" She shouted, almost crying. I gritted my teeth. The f-ck? She cheated and now she's blaming me? This is damn insane!
I laughed mockingly. "Oh, really?" Yeah, right. I told her that I am Jarrex's girlfriend, but why is she damn acting like this?! She damn cheated and now she's angry? Jealous? This girl is insane. "You're blaming me? Why don't you blame yourself? At 'asan na 'yong bago mo? Iniwan ka? Kaya babalik ka kay Jarrex ngayon?" I added and smirked. Nasaan ba ang utak niya? Anong klaseng pag-iisip ba ang meron siya?
Her anger was obvious on her face. She cursed me before running towards me and pulled my hair again.
***
Matalim ang titig ko sa labas. I was sitting on the wooden chair while holding my arm with a damn scratch on it. Mas lalo lang akong naiirita kapag nararamdaman ko ang hapdi. Nando'n sa labas sina Zoey at Jarrex, talking to that lunatic Trisha. They saw us pulling each other's hair, pinapasok na nila ako dito matapos silang umawat dahil baka patulan ko pa daw ulit 'yong babaeng 'yon.
I don't know how many damn scratches I gave her. Sa tingin ko ay marami 'yon pero parang nakukulangan pa ako. My blood is still boiling and I still want to hurt her.
Ugh!
Few minutes later, Zoey and Jarrex went inside. May kasama rin silang isang babae, isa din sa umawat sa'min kanina. I think her name is 'Rhian', that's what I heard earlier.
They walked towards me. Zoey looked worried and mad at the same time. "Nakaka-bwisit 'yong babaeng 'yon! Manganganak ako ng wala sa oras ng dahil sa kanya." Sa tingin ko ay tapos na nilang kausapin ang bruhang 'yon. Ano? Nagkabalikan na ba ang babaeng 'yon at si Jarrex? Tss.
"Okay ka lang ba?" Rhian asked, she's wearing a white simple dress. Bagay 'yon sa kanya dahil sa kaputian niya, hanggang balikat naman ang deretso niyang buhok, she's beautiful and she looks like an Angel.
"I guess..." I said boredly.
"Flare! May kalmot ka kaya!" Zoey said while pointing my arm. I caught Jarrex looked down at my arm. His brows met.
"Kunin ko lang ang gamot sa loob." Rhian said before walking away.
Jarrex made a few steps to come near me and held my arm. I almost got goosebumps because of his gentleness, his touch was so soft. Para akong hinihele. "Masakit ba?" He asked seriously while still staring at my scratch. Salubong na sabulong ang mga makakapal niyang kilay. It made him more attractive.
"H-hindi naman..." I answered and looked away. I caught Zoey smirking like a dog. I rolled my eyes at her and looked at my scratch again. Pulang pula na 'yon kaysa kanina kaya mas lalo lang akong nairita. "Ugh! Look what she did!" I shouted. Some of the customers glanced at me but I just ignored them. "Ano naman kung may girlfriend si Jarrex, 'di ba? Ang lakas ng loob niya, e siya nga 'tong nagtaksil! That girl! I wanna punch her face!" I shouted angrily. I looked up at Jarrex when he cleared his throat. He glanced at me and licked his lips before looking away.
I bit the inside of my cheek and also looked away.
"Relax, Flare," Zoey said. "'Wag kang mag-alala, ang dami niyang kalmot galing sa'yo." She added and laughed.
I released a heavy sigh."Maaapektuhan pala siya kahit hindi naman 'yon totoo. Then, I want to tell her word by word. How I touch and caress Jarrex, how I hug Jarrex, and how I kiss Jarrex. Para mas lalo pa siyang mamatay sa galit!" I said without thinking. They looked so stunned because of what I said. Ngayon ko lang napagtanto ang mga kabaliwang sinabi ko! I closed my eyes tightly. Damn it, Flare!
Jarrex cleared his throat, dahan-dahan rin niyang binitawan ang braso ko. Our eyes met but we both immediatey looked away. Shit!
"May touch pa nga... may hug pa nga... at may kiss pa nga!" Zoey said and smirked playfully. Buti nalang at dumating na si Rhian, dahilan para hindi na dinagdagdagan ni Zoey ang mga pang-aasar niya.
May dala ng mga gamot sa sugat si Rhian, nilapag niya 'yon sa table bago humarap kay Jarrex. "Ikaw, Jarrex? Okay ka lang ba? Hindi ka ba sinampal ng babaeng 'yon?" She asked, para bang inaasahan niyang mananampal talaga si Trisha. She held Jarrex's arm and face to check if there's a wounds or scratches or whatever.
My brows met while watching them.
Damn.
It.
"Maayos lang ako." Jarrex answered. They were close, huh? I rolled my eyes secretly. Ngayon ko lang nakita si Rhian dito pero sa tingin ko ay madalas naman siyang pumunta. They were so close and almost like a sweet couple. I rolled my eyes again because of my damn thoughts.
Rhian nodded and turned to me, she was about to put some ointment on my arm but I immediately stopped her. "It's okay, ako na lang ang gagamot." I said coldly and stood up. Zoey was damn smirking. Para bang tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko at sa mga nangyayari ngayon. I just rolled my eyes for the nth time and turned my gaze to Jarrex, nakakunot ang noo niya na para bang nagtataka sa mga kilos ko. I rolled my eyes at him and walked away.
Aish!
Ano bang kinakagalit ko? That was so damn childish! Pumulot ako ng bato pagkalabas ko at binato 'yon sa sports car ni Jhavin. I repeated it few times. Sinipa-sipa ko rin ang gulong na parang bang ma-fa-flat 'yon kapag ginawa ko. Damn it! I am going crazy!
"What are you doing?" Jarrex asked calmly, hindi ko namalayan na nakalabas na din pala siya. He was crossing his arms while raising his brow.
I glared at him. He bit his lower lip to hide his smile, pinilit niyang seryusuhin ang mukha niya. "Ako ang papabayarin dahil sa ginawa mo." He added and pointed the car. May i-ilang gasgas na 'yon sa bintana dahil sa batong binato ko kanina. Jhavin's precious car, nadamay bigla dahil sa galit ko.
I crossed my arms. "I don't care." I said before I turned my back on him.
Damn it! Kumukulo ang dugo dahil sa mga nangyayari!
***
"Flare! Please help me!" Jayzin said when I was already in front of my company. He's panicking and nervous. Hindi ko alam kung bakit na naman siya nandito at kung bakit parang hinahabol siya ng kung sino.
"Why? What happened?" I asked, still thinking about what happened earlier.
"May... babaeng humahabol sakin---" He stopped and glanced at someone behind me. He released a heavy sigh. "Shit---I have to go." He said and immediately ran towards the company entrance. I crossed my arms and raised my brow while looking at him running like a scared cat. What is damn happening to him?
"Kaibigan mo ba si Jayzin?" I almost jumped when I heard a girl's voice behind me. Don't tell me ito ang tinatabukan ni Zin?
I sighed and turned to the girl. "Uh... yes." I answered. She crossed her arms and stared at me for a while, maya-maya lang ay napalitan ng ngiti ang masamang tingin niya sakin. She's wearing a pastel-green off-shoulder top, and high-waisted shorts, partner with a white sneakers, she also tied her hair in a high ponytail. She looks beautiful lalo na sa itsura niyang mukhang may pagkamataray, mukhang mas bata din siya sakin ng ilang taon.
"Nandiyan ba sa loob?" She asked again and looked up at the building in front of us.
"Uh... yeah, kakapasok lang din niya." I answered, medyo kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya. She's different from other people or person I met, ganito din 'yong naramdaman ko no'ng una kong makaharap si Aki at Zaria (Shaeley's friends) it was weird... "Ikaw ba ang sinasabi niyang humahabol sa kanya?" I asked.
She looked at me again. "U-huh, matagal ko na kasi siyang gusto kaya hinahabol ko siya ngayon." She said like it's nothing. She's so straight forward. "Ikaw? May gusto ka din ba kay Jayzin?" She asked and raised her brow.
I immediately shook my head, I almost laugh because of that damn question. "Of course not, we're just friends"
She nodded and smiled sweetly. "Okay, then. Papasok na ako, hahanapin ko siya." Sabi niya, parang nagmamadali at gusto nang tapusin ang usapan namin.
I bit the inside of cheek. "Bakit... parang nagmamadali ka naman yata?"
She smirked and looked at me from head to toe. "Gusto ko siya kaya wala na akong sasayanging oras, baka maunahan pa ako." She said and made a few steps to come near me before putting her both hands on my shoulders. She looked at me straight in the eye. My heart immediately pounded and I felt nervous. "Kaya... kung may nagugustuhan ka... dapat gano'n rin ang gawin mo, lalo na kung 'hotsome' 'yan, siguradong madami kang kaagaw, kaya kumilos ka agad." She added and smirked again playfully. Hotsome? Is it 'hot' + 'handsome'? She tapped my shoulder and smirked more. "Nice to see you, tawagin mo na lang akong Eunice."
I blinked twice to go back to my senses. "You... can call me Flare."
"See you again, Flare." She said before turning her back on me. Her words flashed on my mind. Para bang sinabi niya talaga 'yon para sa'kin.
'Gusto ko siya kaya wala na akong sasayanging oras'
Gusto ko ba talaga siya?
'Kaya...kung may nagugustuhan ka... dapat gano'n rin ang gawin mo, lalo na kung hotsome 'yan, siguradong madami kang kaagaw, kaya kumilos ka agad.'
Madami ba akong kaagaw kay Jarrex? Of course! He's damn hotsome! Kaya siguradong madami--- wait? What? Ano bang iniisip ko?! I don't damn like him! Never! Hindi na talaga 'to maganda, Flare. You're going crazy!
***
"I need a boyfriend." I said to Shaeley when I entered her room. It's already 8:00 in the evening and I can't damn sleep! Kaya ang ginawa ko ay pinuntahan si Shae dito para hanapan ako ng lalaki.
Her lips parted, hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Ano?" She laughed. "Kailan ka pa nagka-interesadong mag-boyfriend, huh?" She asked and smirked.
I glared at her. "I don't need to answer that!" I said and sighed. "I need a damn Boyfriend, right now!" I added.
She gasped and shook her head while laughing. "Grabe... pero bakit sa'kin ka naghahanap ng Jowa? Pwede naman sa Bar at maghanap ka ng strangers do'n." She suggested.
"Aish! 'Di ba maraming kang friends?" She's the girl version of Jhavin, she's adventurous at maraming kakilala kaya hindi na ako magtataka kung marami nga siyang kaibigan.
She pouted and sighed. "Okay..." She said and glanced at her phone. "Tatawagan ko si Jarrex."
My eyes widened. "What the f-ck?!" Oh, gosh! Siya nga 'yong iniiwasan ko, tapos siya ang tatawagan? Is she kidding me?
Shaeley looked shocked for some reason. "Did you really... cursed me?" Ngumiwi siya. "Ngayon alam ko na kung kanino ako nagmana." She added. What the hell? This is the first time I cursed vocally. Minsan ay sa isip lang kaya naiintindihan ko kung bakit ganyan nalang ang reaction niya.
"Shut the f-ck up." I said.
"Whoa, grabe." Singhap niya at bumaling ulit sa phone niya. "Tatawagan ko si Jarrex at sasabihing gusto mong makilag-date." She said. I almost shouted because of frustration.
"No, no. 'Wag si Jarrex, ayaw ko sa kanya." Yeah, right. Ayaw ko sa kanya...
She raised her brow and glanced at me. "Gano'n? I thought you like him. Kaya nga siya ang tatawagan ko."
"N-no, of course not." I stuttered. Of course, I don't damn like him. I really don't...
Nagsalubong ang kilay niya. "Ay hindi ba? P*tcha nag-kamali ako."
"Stop cursing."
She laughed. "'Kala mo naman hindi nagmura kanina." She said and cleared her throat. "Kung gusto mo talagang magka-jowa. Download mo yung 'FyourD'." She added and showed me her phone.
My brows met. "FyourD? What's that?"
"'Find your Destiny', hehe. Dating app, gano'n. Download mo na para malaman mo kung sinong ka-match mo." She explained. Napaisip naman ako. Is that really effective? Makakalimutan ko ba si Jarrex kung i-da-download ko ang app na 'yan? "Ako din ang nag-suggest kay 'Bitchy Haley' na i-download 'yon." She added and smirked.
"At sino naman si 'Bitchy Haley?'"
She crossed her arms. "'Yong maarteng may-ari ng VBar." She answered. I rolled my eyes. Ano bang sinasabi niya?
"Hindi ko siya kilala, hindi naman ako pumupunta sa mga Bar."
"Kaya nga wag mo siyang subukang kilalanin, maiirita ka lang." She said and released a heavy sigh. "Ano? I-da-download mo ba yan?"
"Yeah... I'll download it immediately." I said unconsciously. If that's the only way to forget that damn guy! Hindi ko gusto ang mga hindi pamilyar na mga nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Ayaw ko ng ganito kaya gagawin ko ang lahat, mawala lang lahat ng 'to.
***
I released a heavy sigh, I walked towards the coffee shop entrance. Damn that brat! Wala namang effect 'yong dating app na sinuggest niya kagabi! Well, fine. It was really good dahil makakahanap ka agad ng ka-match mo. Pero hindi ko gusto ang mga lalaki, they were too flirt and it's disgusting. I already uninstalled that damn app. Sinabi naman sakin ni Shae na normal lang daw 'yon, ang OA ko lang daw talaga, but I really don't like it. Normal lang naman talaga siya at kung tutuusin, FyourD was the most better dating app I used, but for some reason, hindi ko 'yon gusto.
I immediately saw Vaness waving at me. I smiled and walked towards her, she also smiled and kissed my both cheeks. We both sat on our seat after greeting each other. She was wearing a white short sleeve tight dress. While I was wearing a white blouse and a black high-waisted jeans.
"Gosh, Flare! Hindi ko inaasahang tatawag ka!" She said. Vaness was my college classmate, mahaba pa ang buhok niya noon pero ngayon ay hanggang leeg nalang, it's a bit curly at bagay na bagay 'yon sa kanya.
I smirked. "Well... I need your help."
She's smart and beautiful, that's why she's very famous in our campus. Sikat din siya noon sa campus namin dahil madami siyang nirereto sa mga batchmates namin, madami sa batchmates namin ang dumaan lang sa 'reto-reto' pero nagkatuluyan din sa huli, and that's because of Vaness! She's so good when it comes to that 'reto-thing'. So I think she can help me. Madami siyang nirereto sa'kin no'ng College pero tinatanggihan ko 'yon. Pero ngayon, hindi na. Kailangan ko 'to.
"Yeah, of course, may i-re-reto ako sayo. You can call this a blind date, Flare." She chuckled. "Hintayin lang natin siya."
I nodded. "Anong pangalan niya?"
She smirked. "Secret! Pero batchmate rin natin siya noon kaya siguradong kilala mo siya."
I crossed my arms and leaned on my chair. "Kumusta na pala kayo ni Kent?" I asked. Kent is her husband. Last month lang ginanap ang wedding nila.
"We're fine! Actually nagpa-plano na kaming mag-ka-baby."
"Oh, that's good" I said. "Kailan nga kayo nagkakilala?" I asked again. I was just curious. Parehas ko silang kilala noon at hindi ako makapaniwala noong sinabi sa'kin ni Vaness na may relasyon sila ni Kent.
She pouted her lips. "Hmm... naiwan ko lang 'yong phone ko sa food park. Nakita niya 'yon at 'sinuli sa'kin bago pa man ako makasakay sa taxi." Kwento niya at nag-angat ng tingin, thinking that day and thinking that time. "That was unexpected." She added and chuckled before crossing her arms. "After that scene, nagkita ulit kami sa amusement park, we talked for a while. And then that's it... sunod-sunod na ang pagkikita namin."
"Nagplano kayong magkita?" I asked.
She shook her head. "No, hindi namin napag-planuhan 'yon. Hindi rin namin inaasahan na magkikita ulit kami." She answered and smiled. I blinked few time when I remember something. Posible ba talagang magkita kayo ng sunod-sunod nang hindi inaasahan at hindi niyo pinag-planuhan? Is it really possible na magkita kayo sa hindi inaasahang pagkakataon at... oras?
"When... did you realize that you like him?" I asked nervously.
"No'ng iniwasan ko siya at pinipilit ko sa sarili ko na hindi ko siya gusto," She answered and laughed. "Dini-deny ko pala 'yon kasi guilty ako." Napainom nalang ako ng kape dahil sa sinabi niya.
"And guess what, Flare. Lahat ng mga kakilala ko ay may connection din sa kanya..." She said. She's right, kabigan ko din kasi si Kent no'ng high school, pero hindi ko na siya nakita no'ng College. Nagkita lang ulit kami no'ng pinakilala siya sakin ni Vaness bilang boyfriend niya. "Hindi din ako makapaniwala na siya pala ang lalaking papakasalan ko." Nangalumbaba siya at nagpatuloy. "Naalala ko pa no'n na kahit saan ako magpunta ay nando'n rin siya. Doon ko napagtanto na hindi ko na 'to kayang iwasan... dahil ang sarili ko na mismo ang naghahanap ng daan papunta sa kanya." She said while looking at me straight in the eye. Tumunog ang bell hudyat na may bagong pumasok, sabay kaming napatingin doon. My lips parted when I saw Jarrex entered the coffee shop, wearing a white v-neck shirt and a dark pants.
He looked around the place and our eyes immediately met. My heart started beating so fast especially when he walked towards our table. I confirmed something while he was walking, walking towards me. Isang bagay na palagi kong tinatanggi...
At the mall, the place where I first met him, I saw him kneeling in front of the woman he loved, he was kneeling in front of the woman who betrayed, cheated and hurt him. On the same day, I found out that he's a close friend of Zoey and Ivan who are also my friends. At Jhavin's house, I thought they were friends because Jarrex was also there, but when Jarrex came to our house, I found out that he was Jhavin's brother. And here... he's also here. He's f-cking here.
All what happened made me realize na lahat ng mga kakilala ko ay may connection rin sa kanya, na kahit saan man ako magpunta ay nandoon rin siya. All what happened made me realize that I shouldn't avoid him, dahil ang sarili ko na mismo ang nagsasabing may nararamdaman ako para sa kanya at... gusto ko siya.
To be continued...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (18)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like the story❤️
06/09/2024
1❤️❤️
11/07/2024
0good
11/06/2024
1Tingnan Lahat