Homepage/Kaya mo ba akong Mahalin?/
Chapter 26
Kinabukasan ay nagising si Justine sa tila mabigat na bagay na nakadagan sa kanya. Pagdilat niya ng mga mata ay nabungaran niya ang maganda at maamong mukha ni Alexa na nakadantay sa kanya. Dahan-dahan niyang inalis ang braso nito at unti-unting bumaba sa kama. Saglit niyang pinagmasdan ang asawang payapang natutulog bago kinumutan at lumabas na ng silid.
Alas ocho na ng umaga ng mapabalikwas ng bangon si Alexa. Maingay na sa labas ng bahay kaya mabilis siyang kumilos upang ayusin ang sarili. Walang tao sa sala ng lumabas siya kaya dumiretso na siya sa kusina. Napahinto siya sa gagawing pagpasok ng marinig na ang pangalan niya ng mga nag-uusap doon.
"Ibang-iba talaga siya kay Cecille, tignan mo tanghali na tulog pa. Samantalang si Cecille maaga pa gising na at marami nang naitulong. Marami na ring nailuto yun."
"What do you expect sa isang senyoritang katulad niya? Sanay na may mga katulong eh. Isang kumpas lang ng kamay may katulong kaagad na darating. Kaya nga hindi magawang mahalin ni kuya eh. At walang ibang kayang ipagmalaki kundi ang ganda. Maliban doon wala na."
Para siyang itinulos sa kinatatayuan. Nanlamig ang buo niyang katawan ng marinig ang sinabi ni Jhonna at ng kasama nito. Saglit lamang siyang nag-isip bago itinuloy ang pagpasok sa kusina. Nagtagpo ang tingin nila ni Jhonna, isang ngiti ang binigay niya rito na parang walang siyang narinig. Dire-diretso siyang pumunta sa banyo. Imbes naman na mapahiya si Jhonna ay inirapan pa siya nito.
Sinabihan ito ng kasama na tumigil na.
"Pakialam ko. Sumama-sama pa kasi yan dito wala namang naitulong panggulo lang." malakas na sabi nito na umabot sa pandinig niya. Abot-langit ang ginawa niyang pagpipigil.
Gabi na at nakakain na lahat-lahat si Alexa pero hindi pa rin niya nakikita si Justine. Ang sabi ay nasa plaza ito at may ginagawa. Gusto na nga niyang maiyak dahil nagmumukha na siyang tanga na mag-isa sa isang sulok. Lahat ng tao roon ay nagsasaya at may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Hindi niya alam kung saan siya pupwesto or pupunta para libangin ang sarili. Talagang naaout of place na siya.
Nagkasya na lamang siya sa pag-aayos sa kusina ng mga pagkain. At dahil lumilipad ang kanyang isip ay hindi niya sinasadya na matabig ang isang plato at nabasag.
"Ano yan? Anong nangyari? Ano ito?" biglang pasok ni Jhonna at sunod-sunod na nagtanong na ikinataranta naman niya, kasama pa naman nito ang kaibigan nito na kausap nito kaninang umaga. Lalo tuloy namula ang mukha niya sa pagkapahiya.
"Hindi ko sinasadya. Pasensya na. Dumalas kasi sa kamay ko." hinging paumanhin niya.
Pumiksi ito at kumuha ng walis at dustpan at nagdadabog na winalis ang mga nabasag na plato.
"A-ako na. Ako na ang maglilinis." sinubukan niyang agawin dito ang walis.
"Huwag na! Ako na at baka kung anong kapalpakan na naman ang gawin mo. Baka madagdagan pa yang mabasag mo. Lalo pang dumami. Bakit kasi nandito ka pa dapat andun ka na lang sa kwarto para walang gulo. Tignan mo tuloy ang nangyari! Ipinipilit mo kasi ang sarili kahit alam mong hindi ka naman gusto."
Lalong nag-init anf mukha sa pagkapahiya. Hindi na siya nakapagpigil at sinagot na niya ito. "Y-you don't have the right to treat me that way, hipag lang kita."
"Really? Alam mo kung ako lang ang pinapili hindi ikaw ang pipiliin ko na mapangasawa ni kuya kundi si Ate Cecille. At saka pinikot mo lang naman si kuya ah kaya ka nandito ngayon. Ipinilit mo lang ang sarili mo sa kanya. Di ba?"
"Jhonna!"
Kapwa sila nagulat sa biglang pagpasok ni Justine. Hinablot nito ang braso ng kapatid.
"Sino nagsabi sa iyo na tratuhin mo ng ganyang ang ate Alexa mo. At kailan ka pa natutong magsalita ng ganyan. Sino?"
"B-bakit ka ba nagagalit? Dati naman okay sa iyo ah. Hindi mo nga pinakekealam kahit anong sabihin namin sa kanya. Bakit ngayon masyado ka na atang concern ha kuya."
"Noon iyon. Huwag ka nang magsasalita ng hindi maganda sa kanya lalo na sa harap ng ibang tao hindi ko itotolerate yan. Matanda pa rin siya sa iyo at ate mo na yan. Sa susunod na ganyanin mo sya hindi kita itotolorate. Now apologize to her. Now!" mariing utos ni Justine sa kapatid.
"Ayoko!" bumiling ang mukha ni Jhonna sa sampal na binigay ng kuya niya.
"Justine!" gulat na pinigilan ni Alexa ang asawa at mabilis na iniharang ang katawan kay Jhonna. "T-tama na, hindi na kailangang mag-apologize ni Jhonna."
"Pwede ba huwag kang humarang diyan. Kasalanan mo lahat ng ito. Nang dahil sa iyo nasampal ako ng kuya ko. Bakit kasi sumama-sama ka pa dito!"
"I-I'm sorry." siya pa ang humingi ng paumanhin dito. "Pero wala naman akong ginagawang masama sa iyo. Saka pasensya na kung sumama ako at nakagulo sa inyo. Yaan mo ito na ang una at huli kong punta dito." yuko ang ulong sabi niya.
"A-anong wala kang ginawang masama. Meron! Nang dahil sa iyo naging miserable ang buhay ng kapatid ko. Kung hindi dahil dyan sa kalandian mo at kung hindi mo pinikot ang kuya ko eh di sana masaya siyang namumuhay ngayon kay ate Cecille. Eh di sana...."
"Tama na!" sigaw ni Justine. "Hindi ka ba talaga titigil Jhonna! Sinabihan na kita ah!"
Magkasunod na pumasok ang mga magulang nina Justine at Jhonna na gulat na gulat sa nadatnang eksena sa kusina.
"Bakit kuya, magkakaila ka pa eh talaga namang totoo ang sinasabi ko ah. Di ba si ate Cecille naman talaga ang totoong mahal mo at pinikot ka lang ng babaeng yan."
Hindi nakakibo si Justine. Nagmamadali namang lumabas ng kusina si Alexa. Hindi na niya makayanan ang mga sinasabi ni Jhonna. Sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman niya.
"Jhonna! Tumigil ka na! Hindi ka na nahiya sa mga bisita. Sobra na ang pamamahiya mo sa ate Alexa mo. Paghindi ka pa tumigil ako na ang sasampal sa iyo. Hindi ka na gumalang sa nakakatanda sa iyo." banta ni Mang Danny kay Jhonna. "Pumasok ka sa silid mo. Ngayon na!"
"P-pero, itay."
"Wala nang pero-pero. Pasok!"
Nagdadabog na sumunod si Jhonna sa ama. Alam niyang mabait ito pero delikado pagnagalit.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (55)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
18/10
0❤❤❤
28/10/2024
0Ang ganda mula umpisa hanggang ending.Ang linis pa ng plot ng story.
09/08/2024
0Tingnan Lahat