IBINALING ni Harold ang tingin sa espada. Sunod ay sa nilalang na tila kinokontrol ang kanyang katawan gamit ang sariling dugo. "Kahit prinsipe ka pa ng Delum, hindi na kita bubuhayin pa." Tumawa ito at mas lalo pang pinilipit sa sakit ang inaalipin. Dahan-dahan itong lumalapit sa binata. Nais mang pulutin ng prinsipe ang espada, hindi niya magawa mula sa nararamdamang hirap. Hindi na maipinta ang hitsura nito. Mayamaya ay may matulis na bagay ang lumabas sa kaliwang kamay ng nilalang na iyon. Nagliwanag pa ang dulo nito at sandaling nagimbal si Harold. ----- MAY ITIM na usok ang tumambad sa harap ng trono kung saan nakaupo ang hari at reyna. Naging isa iyong nilalang- ang itim na mangkukulam na nakahawak sa nagdurugong braso. Napatayo ang haring demonyo sa pagkabigla kung bakit ito nangyari. "Huwag mong sabihing tama ang iniisip ko?" nanlalaki ang mga mata ng hari. Marahang yumuko at lumuhod ang itim na mangkukulam. Pinipilit niyang gamutin ang sariling sugat ngunit hindi iyon gumagaling ng basta-basta. "Tama po ang nasa isip ninyo. Nasugatan ako ng espada ni Zion na hawak ngayon ng itinakda." Diretsong tumutok ang espada ng haring demonyo sa leeg ng itim na mangkukulam. "Hindi ko ito inaasahan. Isa ka sa pinakamalakas na nilalang ng Delum at pinagkakatiwalaan ko. Ngunit natatawa akong nasugatan ka ng isang binatang wala namang alam sa pakikipaglaban?" may ngiti sa labi ngunit nanlilisik ang mga mata. "Tinulungan siya ng aking kambal na mula sa Zifornum." Tugon ng itim na mangkukulam na hindi na makatingin ng diretso sa hari. "Kahit na!" malakas na sigaw nito at maririnig iyon sa buong kaharian. Napatingin ang hari sa sugat nito. "Bakit hindi mo magamot ang sarili mong sugat?" tanong pa nito "Sapagkat sagrado ang sandatang tumama sa akin ngunit mamaya ay mawawala at gagaling na rin ito." Unti-unti ng tumatayo ang itim na mangkukulam. "Pagbibiyan kita ngayon ngunit may kahihiyan ka ng tinamo na apektado rin ang buong Delum." Umupo muli sa trono. "Hayaan muna natin ang itinakda. May mga sorpresa akong inihanda sa kanyang kinalalagyang daigdig. Sa ngayon, nais kong makita ang kalagayan ng aking tagapagmana." Wika nito. Itinaas ng itim na mangkukulam ang lumang baston. Nagliwanag at napapanood na nila ang nangyayari sa kinalalagyan ng prinsipeng anak ng haring demonyo. Nagulat sila nang papalapit na ang isang nilalang na may hawak ngayong matulis na bagay. Kita nila sa mga mata ni Harold ang hirap. "Ano ang nangyayari sa anak ko?" galit na tanong ng hari. "Marahil ay naisahan siya ng nilalang mula sa ikalawang kuweba. Tutulungan na ba natin siya?" patanong ng itim na mangkukulam. "Huwag. Iyan ang ayaw ng aking anak. Alam kong makakaya niya." Humalakhak ang haring demonyo. ----- MAYAMAYA ay tumatawa ng mahina si Harold. Iyong tawang makatotohanan at may ibang ibig sabihin. Napatigil ang nilalang sa paghakbang habang nagtataka. Sa pagdilat ng prinsipe habang nakangiti ay unti-unti gumagalaw ang kanyang espada. Nagkulay itim naman ang mga mata nitong puno ng galit at kasamaan. "Dugo ba?" sa pagbigkas ay nawawala ang mga sugat sa buong katawan nito. Ginagalaw ng nilalang ang mga daliri ngunit hindi niya na magawang kontrolin ang katawan ng inaalipin. "Hindi ito maaari. Hindi." Malakas na inihagis ng nilalang ang mahaba't matulis na bagay papunta sa prinsipe. Tinitigan lang iyon ni Harold at natunaw na maliliit pa sa alikabok. Isang napakalakas na puwersa ang lumalabas sa kanyang katawan at lumilindol ng may kalakasan. "Oo. Prinsipe ako ng Delum at anak ng pinakamakapangyarihang nilalang sa buong kalawakan." Sa pagtayo ay siya namang kusang paglapit ng kanyang espada sa kanang kamay. "H-hindi..." nanginginig ang boses ng nilalang at hindi na makagalaw sa kinatatayuan. Isang hakbang lang ginawa ng prinsipe at sa paglabas ng kaunting hangin mula sa kanyang bibig ay unti-unti namang nasusunog ang katawan ng kaharap. Isang kisap-mata, naging alikabok iyon. "Walang kuwenta." Tumalikod siya at lumabas na galit pa rin ang buong pagkatao. Nawasak na rin ng tuluyan ang ikalawang kuweba. Sunod niyang papasukin ang ikatlo at huling kuweba. ----- INALALAYAN ng matandang mangkukulam ang apong si Vince. Hinintay niyang mawala ang mga luha nito sa mata. Ngayon, ramdam na ng binata kung sino siya at saan talaga nagmula. Kumpleto na ang nagdadalawang-isip niyang utak at puso. "Kung ako nga'y tunay na itinakda at magtatanggol sa ating mga daigdig, papaano ko iyon magagawa?" bumabalik sa kanyang isipan ang itsura at sakim na demonyo pati na ang Delum. "Dadaan ka sa napakaraming pagsubok. Huhubugin ka sa bawat mundo. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa. Kasama mo ang iyong mga pinsan." Ngiting tugon ng matanda. "Mga pinsan po? Sinu-sino po sila?" mas lalong nabuhayan ng loob ang binata ngunit hindi mawaglit ang mga taong nagpalaki sa kanya. "Nais mo ba silang makita?" patanong ng matanda. "Gusto ko man po sana kaso narito po ang mga magulang ko, ang mga taong nagpalaki sa akin." Naiyuko ng binata ang ulo at naibaba ang tingin. Iniangat ng matanda ang kanyang ulo at nginitian pa ng matamis. "May dalawang taon ka pang gugugulin sa daigdig na ito. Mga araw at buwan upang makasama pa sila. Lubusin mo iyon at kapag dumating ang tamang panahon, muli kita kukunin at dadalhin sa tunay mong pamilya at daigdig. Kailangan ka pa naming turuan ng maayos upang maging handa sa digmaan." Niyakap ni Vince ang matandang mangkukulam. "Maraming salamat po." Muling tumulo ang luha nito. "O, siya. Kailangan ko munang magpaalam. Magkikita pa tayong muli. Ito lang ang tatandaan mo." Pinunasan ni Vince ang basang mga mata at mukha. "Ano po iyon?" seryosong tanong ng binata. "Huwag mong hahayaan ang sarili mong saktan ng iba lalo't alam mong masama ang gumagawa. Tulad ng nakalaban mo kanina, natutuwa ako ng labis at nasisiguro kong hindi ka na niya muling kakalabanin at lilipas muna ang mga taon. Gamitin mo ang gabay na kapangyarihang iniatas at ibinigay sa iyo ng dalawang daigdig at ng mga tagapagbantay." Hinimas ang ulo ng binata. "Ano po 'yung mga tagapagbantay?" ngayon lang iyon narinig ni Vince. "Malalaman mo rin sa mangyayaring paglalakbay at labanan. Sila ang mga nilalang na dahilan kung bakit patuloy tayong nabubuhay." Itinaas ng matanda ang baston. "Magpapaalam na ako. Umaasa akong matutupad mo ang mga sinabi ko aking apo, prinsipe Zion." Sa isang nakasisilaw na liwanag, naglaho ang matandang mangkukulam. Bumalik na sa normal ang buong paligid. Nagliwang ang espada at muling pumasok sa katawan nito. Sa hindi kalayuan ay natanaw ng binata ang mga kaibigang walang malay. Nabigla siya at mabilis na lumapit sa mga iyon. "Huwag kang mag-alala, mananatiling parang dilim ang lahat ng kanilang nakita kanina..." malamig na tinig na alam niyang sa matanda nagmula ang nagsalita sa kanyang isipan. Masyadong matalinghaga ngunit malalaman niya rin iyon. Paglapit ay agad niyang ginising ang apat. Nagmulat naman ng mga mata ang mga iyon. "Vince?" nagtatakang tanong ni Eleine. "Ano'ng nangyari?" tanong naman ni Toby. "Nas'an na tayo?" si Van. "Uy! Vince." Tawag naman ni Aj dahil nag-iisip ang binata ng malalim. "Nasa baybayin tayo. Namamasyal tayo kanina kaso mukhang inantok kayong apat kaya naisipan ninyong matulog." Nakangiting tugon ng binata. "Talaga? Ba't 'di ko maalala?" pagtataka muli ni Eleine. "Basta. 'Andami ninyong tanong. Umuwi na tayo at malapit ng gumabi." Tumayo si Vince at tumalikod. Nagtataka pa man ng labis, tumayo na lamang ang apat at napasunod sa kaibigan. May iniisip sila o alaala na pilit nilang inaalam ngunit parang nabura. Ilang minuto, matagumpay silang nakauwi sa kani-kanilang tirahan. IPAGPAPATULOY...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice quality and nice story
27/10/2024
0sobrang ganda
14/10/2024
0hello po
14/09/2024
0Tingnan Lahat