Homepage/Begged for Love/
Chapter 11
Graciel
Kinaumagahan ay agad inayos lahat ni Tristan ang mga bills bago kami umuwi. Halos ingat siya sa lahat at talagang inaalalayan niya ako ng may mahigpit na pag-iingat. Kumbaga para akong basong binili sa mahal na presyo at iniingatang hindi mabasag.
"Kaya ko na Tristan." Agap ko ng pati sa seat belt ko ay siya pa ang maglalagay.
Hinayaan na niya ako hanggang sa nagbyahe na kami. Buong byahe na walang nagsasalita sa amin. Walang umiimik at tanging ang ugong ng sasakyan ang naririnig.
Napatingin ako sakanya habang sa harap ang mga mata niya. Sana lang at hindi pakitang loob lang ginagawa niyang pag-aalaga sa akin. Sana hanggang sa bahay ay magawa niya parin akong pakitaan ng ganong halaga kahit hindi na niya ito sinasabi. Sapat na ang maramdaman ko iyon kesa marinig pa.
Napabalik tanaw ako sa bintana at pinagmasdan ang mga dinadaanan namin. Kung titingnan mo ay parang ang tahimik ng paligid pero kung aalamin ng lubos ay makikita mo ang problema sa bawat kasuloksulukan nito. Sinandal ko ang ulo ko. Puno ng problema at pagsubok ang mundo at ang tanging sandata mo doon ay maging matatag lang.
Alam kong sa huli ay malalagpasan ko rin ito. Kung sa ngayon ay malayo ang loob ni Tristan sa akin at galit ang namumuo sa puso niya ay wala muna akong magagawa doon. Ako ang may kasalanan. Kaya ako rin ang maghihintay hanggang sa matanggap ko ang kapatawaran galing sakanya. Hindi ko rin pwedeng ipagpilitan ang sarili ko. Siguro ay gagawin ko nalang ang nararapat at magiging mabuting asawa nalang sakanya.
Nakarating kami sa bahay at siya ang unang lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako. Sa una ay namangha at nagulat ako. First time pero inisip ko nalang na baka dahil sa kagagaling ko ng hospital.
Sumalubong din sa amin sina Nina at Andeng habang si Mang Ambo ay siya na ang kumuha sa gamit ko sa likod ng sasakyan.
"Mabuti naman po at ayos na kayo Madam." Hayag ni Andeng na nakangiti sa amin.
Sinuklian ko naman siya ng ngiti at ganun din kay Nina.
"Madam, Sir, may bisita po kayo sa loob. Inaantay po nila kayo kanina pa po." Aniya ni Nina.
Kumunot ang noo ko. Bisita? Kami? Katatawag lang ni nanay kanina na bibisitahin niya ako sa susunod na linggo kapag day off na niya. Kung ganun sino ang bisita namin? Kasama ako o si Tristan lang? Pagtataka ang gumulo sa isip ko kung sino sila.
"Okay, thanks." Sagot ni Tristan at nagulat ako ng bigla niya akong hapitin sa bewang. Napatingin akong gulat sakanya pero siya ay parang normal lang sakanya at hindi abala ang ginagawa niya sa sistema ko.
Napansin ko rin ang tingin at mapaglarong ngiti ni Andeng at Nina ng makita ang kamay ni Tristan sa bewang ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya pero pilit ko nalang tinatanggal para hindi masyadong halata na lusaw na ako sa hiya sa ginagawa niya.
Pumasok kaming ganoon parin ang kapit niya sa bewang ko hanggang sa makita namin ang dalawang bisitang nag-aantay sa amin sa loob.
"Latina?" Bulong ko ng makita siyang tumayo ng makita kami.
Kumaway itong malaking nakangiti sa akin. Kasama niya naman si Edward. Marahil ay si Edward ang nagsama sakanya dito.
Lumapit sila sa amin. Ang titig ni Edward sa akin na para bang ineexamine ako. Inaalam gamit ang mata niya kung okay ba ako.
"Nabalitaan kasi namin na may sakit ka kaya kinulit ko si Sir na isama ako dito sa bahay niyo." At napatingin siya kay Tristan.
"Okay na ako. Magpapahinga lang tapos pwede na akong pumasok." Aniya ko.
"Mukhang hindi ka masyadong naaalagaan dito ah?" Diretsong tanong nito na kinatingin agad namin ni Latina kay Edward. Kumunot ang noo ko sa paraan at dating ng tanong at tono niya.
"N-naaalagaan ako dito. Sadyang matigas lang ang ulo ko at hindi ako nakikinig sa ... kanya." Tukoy ko kay Tristan.
Kung tutuusin ay hindi talaga ako aabot sa hospital kung kumain ako at nakinig sakanila.
"Are you okay now?" Tanong niya sa akin.
"She's okay now. No need to ask her Martin." Pakikisali ni Tristan. Naramdaman ko ang higpit ng hawak ni Tristan sa akin sa bewang ko.
Tumawa bigla si Edward. I notice that Tristan gritted his teeth. Galit ba siya? Napahiya? O naoffend sa pagtawa ng kaibigan?
"Kinakamusta ko lang siya Mr. Del Villa. We're just concerned and as her teacher, I should ask her condition too." He explained.
Parang bilang naging pormal ata ang tawagan nila sa isa't isa. Hindi na first name?
Napalunok ako. Tiningnan ko si Latina na parang ramdam niya rin ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalakeng kasama namin. Tumikhim ito para sakanya mapunta ang atensyon ng dalawa.
"Pwede ko bang mahiram muna ang ... asawa niyo Sir Del Villa?" Paalam niya at agad kong nilingon si Tristan.
He looked at me too and then, nodded. Sumunod naman niyang tiningnan si Edward.
"Follow me." Utos nito sa kaibigan pero bago ito umalis ay hinalikan muna ako sa noo na kinatigil at tulala ko.
Ilang beses pa akong napakurapkurap sa ginawa niya. Did he really kissed me infront of our friend? Hindi na niya ako kinahihiya?
Nang mahimasmasan ako ay tiningnan ko si Latina na mukhang tuwang tuwa sa nakikita sa akin pero kabaliktaran naman kay Edward. Nakangisi ito.
"Sana at hindi niya lang ngayon ginagawa iyan Graciel." Sambit niya na kinatigil. Hindi ako nagsalita bagkos mas pinili ko nalang ang tumahimik.
Noong una ay pinanood lang niya itong naglalakad. Mukhang walang balak pero sa di kalaunan ay tumingin siya sa akin at kay Latina at nagpaalam narin.
Naunang pumasok sa study room si Tristan na kinasunod naman ni Edward.
"Kung wala ka sigurong asawa mapagkakamalan kong may gusto sayo si Sir Edward." biglang sambit ni Latina na kinalingon ko sakanya.
"Kung ako sayo ay huwag mo nalang lagyan ng ibang ibig sabihin ang napapansin mo. Safe ka pa roon." Simpleng advice ko dito na kinatawa niya at palo sa braso ko.
"Napansin lang naman noh. Isa pa, nakakatakot iyong asawa mo Graciel. Hindi ba tinuruang ngumiti iyon?" Puna nito habang ang mata ay nasa pintuan parin na pinasukan ng dalawa.
Naiiling na natatawa ako sa mga komento niya.
"Sinabi sayo ni Edward?" Tanong ko dito na kinalingon agad sa akin.
"Upo muna tayo pwede?" yaya niya.
Natawa ako sa sinabi niya kaya agad din kaming umupo.
"Ganito kasi yan. Noong nagtext ka sa akin na may sakit ka ay balak ko na sana ng hapon na puntahan ka kaso hindi ko alam kung saan ka nakatira. Isa pa. Wala rin akong ibang mapagtanungan. Then, kahapon, nakita ko ang asawa mo na pumunta sa school. Narinig kong kinausap ang isa sa mga prof natin at narinig ko ang pangalan mo. After non ay sinundan ko siya hanggang sa magkita sila ni Sir Edward. At doon ako nagka-idea. Magkaibigan pala sila." Kwento niya.
"Pumunta siya ng school?" pag-uulit ko. Akala ko sa office niya siya galing. Pumunta siya ng school para iexcuse ako? Noong una ay ang secretary niya ang pumunta. Sumunod naman ay siya na?
"Oo. Noong una ay hindi ako naniwala sa pagbanggit niya ng pangalan mo. Graciel Del Villa daw. My wife ang sunod na sinabi kaya sabi ko na hindi ikaw yun kasi sabi mo sa akin na wala kang asawa." saad niya.
Hindi ko alam kung matutuwa o magugulat ako sa narinig pero parang kiniliti ang tiyan ko sa narinig. I bit my lips. Pakiramdam ko ay naooverwhelm ang puso ko sa narinig. Did he said 'my wife' to my teacher?
"Pero nung nakita ko silang nag-usap ni Sir Edward ay doon na ako naniwalang ikaw talaga yun." Dagdag pa niya. "Bakit hindi mo sinabing may asawa ka na?"
Agad akong napatingin kay Latina sa tanong niya. Gusto kong magpaliwanag pero walang lumabas sa bunganga ko. Nahihiyang ngumiti nalang ako dito.
"Eh paano na iyong kwinento mo sa akin noon?"
Agad akong napatingin sakanya.
"Kwinento?" Takang tanong ko.
"Oo. Diba sabi mo noon na may crush ka since elementary na hanggang ngayon ay inaantay mo pa. Paano na siya girl?"
Oo nga pala. Nakwento ko pala iyon sakanya.
"Inaantay ko parin naman siya ah." Confident kong sagot.
Kumunot ang noo niya.
"May asawa ka na, baliw!" Singhal nito.
Tumawa ako ng mahina at tiningnan siya. Maya maya ay napaisip ito.
"Wait. Huwag mong sabihin na ... " napatakip ito sa bunganga.
"Shhh .. wag kang maingay. Secret lang natin iyon." Aniya kong nakangiti.
"Hindi niya alam na siya ang childhood crush mo?" Takang tanong niya. Umiling ako.
"Hindi niya alam." Tanging sagot ko at tumango tango nalang siya.
"Bat ayaw mong sabihin? Paniguradong matutuwa siya pag nalaman niya." Suhestiyon niya pero hindi ako sang-ayon doon. Baka magkaroon lang ng idea si Tristan na ang malalim na paghanga ko sakanya ang nag-udyok sa akin kaya may nangyari sa amin noon.
"Mas maganda na iyong wala siyang alam muna." Sambit ko.
Taman naman siguro ang desisyon ko no. Sana nga.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (54)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
21/04/2025
0karugtong po plzzzzzz
17/11/2024
0buto mo
01/10/2024
0Tingnan Lahat