Homepage/Trying To Escape From The Mayor Son/
7
Pheobe POV
Hangggang sa mag hapon ay hindi parin mawala sa isip ko ang halik na kinuha sakin ni kudos imbis na itulak ko ito ay hindi ko ginawa dahil ang halik nito ay nakakalasing
Tulala lamang akong nag pupunas ng mga plato na hinuhugasan ni clara kanina ko pa din napapansin na tila naiinis ito.
Napatalon ako sa gulat pati si clara ay nagulat din dahil kay manang,
" Clara! pb! anong nangyayari sa inyong dalawa!?" Nag aalalang sambit ni manang
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala namin si manang.
" Po? Pasensya na manang may iniisip lang.." sambit ni clara na tila parang nakakita ng multo,
" Sorry po manang" hingi ko ng tawad at tinuon ko na lamang muli ng pansin ang pag pupunas ng plato
Kinalabit ko si clara na seryosong nag huhugas kaya naagaw ko ang atensyon nya
" Clara may load kaba pahiram ako mamaya ah " pakiusap ko
Dahil nga sa sinira ng walang hiyang si kudos ang phone ko ay hindi tuloy ako nakatawag sila mama
" Sige pb pero nasaan ba ang phone mo?.." nag tataka n'yang tumingin sakin
" Ah basta mamaya kwe kwento ko sa'yo.." nakangiti kong saad tumungo lamang sya,
" Itigil n'yo muna yang dalawa dahil may iuutos ako" napatingin ako kay manang dahil sa sinambit nito
Pumunta to sa ref at nilagyan ang baso ng juice inayos ko muna yung mga plato na pinunasan ko at nilapitan si manang
" Ano po ba yun manang" saad ko tinignan ko lang si manang
Nilagay nya angtatlong baso ng juice sa may tray,
" Pakidala to sa may poll area nanduon ang mga kaibigan ni senyorito nakiusap ito sakin na mag dala ng meryenda dun.." nagulat ako sa sinambit ni manang
Pero mas nagulat ako sa reaksyon ni clara dahil sumigaw ito
" Po!? Sa mga kaibigan ni senyorito!?" pati si manang ay nagulat din hindi ko talaga maiintindihan si clara dahil kanina pa ako na wi-weirdahan sa kanya.
Nang ma realize nya ang ginawa n'ya ay nang peace ito
" May problema ba clara?" Tanong ni manang umiling lang si clara at humingi ng tawad
Kahit ayoko ay wala akong magawa dahil isa ito sa mga trabaho ko ayoko makita ang anak ng mayor dahil hindi lang sa phone ko na nasira nya kundi dahil sa halik.
Napabuga ako sa hangin ng maalala ko hindi ko pala nakuha phone ko sa silid nito,
Maya maya pa ay inabot na samin ni manang ang tray parehas kami ng hawak ni clara
Wala akong nagawa kundi sumunod si clara ang naunang mag lakad nakasunod lang ako sa kanya.
Nang malapit na kami sa poll ay parang gusto umatras ng paa ko sa sobrang kaba,
Nadatnan namin sila na busy sa kanilang mga phone naagaw agad namin ang atensyon ng kaibigan ni kudos,
Dahan dahan kong nilagay ang tray ng pagkain sa katabi nilang lamesa ganun din ang ginawa ni clara
Pag kalagay namin ng tray ay yumuko na kami bilang pag galang tumalikod na kami at aalis na sana ng marinig ko ang boses ni kudos
" Stay here," rinig kong sambit ni kudos tinignan ko si clara kung sino ba ang sinabihan ni kudos
" Gaga ikaw daw dun ka muna" bulong nito habang nakangisi
" Samahan moko diba sabi ni manang dito lang daw tayo.."bulong ko din pero umiling lang sya
Huminga ako ng malalim at nakangiting humarap sa kanila nakita ko ang muka ni kudos na wala man lang ka reak reaksyon,
Nasa gilid lang nila ako habang naka tayo,
Hahakbang na Sana si clara paalis ng mag salita ang kaibigan ni kudos na naka black
" Ikaw din stay here," rinig kong saad nito na kinatigil ni clara sa pag hakbang
Wala itong nagawa kundi tumungo at tumabi sakin
Nakatingin lang ako kay kudos na Ang atensyon lang ay nasa pag kalikot ng phone n'ya
Bigla ko tuloy naalala phone ko buti na lamang at mabait si clara kaya mapapahiram ako nito mamaya,
" Ano pangalan niyong dalawa?" Napatingin ako sa lalakeng naka red ito yung nakahule samen
Sabihin na nating s'ya ang nag ligtas sakin kanina sa maparusang halik ni kudos pero nahihiya ako sa kanya baka kasi isipin nito na maano akong babae,
Mag sasalita na sana ako at ganun din si clara ng mag sabay na mag salita ang anak ng mayor pati ang lalaking nakablck
" She's pheobe!" Malamig na saad ni kudos pero ang mga tingin nito ay nasa kanyang phone
" She's clara" seryoso namang saad ng lalaking naka black
Nag katinginan kami ni clara dahil sa sabay na sinambit ang pangalan namin at sila Ang sumagot sa tanong nang kaibigan nila
" Wewz! Kayo ba tinatanong ko wtf! At ano hoy demiter bakit alam mo pangalan ng bab---" binatukan na nung demi kaya di niya natapos Ang sasabihin,
"Fck! Bobo kaba?" Sambit ng lalakeng naka red habang hinihimas ang ulo nitong napuruhan
Tumingin to sakin ngumisi
" So pangalan pala ng kahalikan ni kudos ay phoebe" kumabog ang dibdib ko sa sinabe nito napapikit ako sa sobrang hiya
Tinignan ako ni clara at sinenyasan kung ano yung sinasabi ng nakapulang damit na lalaki pero nag kabit balikat lang ako
" Fck shut up caleb" tila na iinis na saway ni kudos sa kaibigan nya
" May boyfriend kana miss phoebe" tanong nito sakin hindi ko alam bat nadamay sa usapan na to ang may boyfriend ako pero hindi naman siguro masama kung sasabihin ko
" Opo" saad ko tila nagulat pa ito pero tumawa din na kinakunot ko ng noo
" So wala na palang pag asa ang anak ng mayor kawawa ka pala dude eh may nauna na" hindi ko maiintindihan ang sinasabi nito
Napatingin ako kay kudos ng tumayo ito at umiigting panga akong tinignan nito umiwas lang ako ng tingin hindi ko alam bakit para ganun siya kung tignan ako para akong may ginawang masama,
Nagulat ako ng umalis ito Ang awra nito ay sobrang dilim hindi ko alam kung bakit napadako ang tingin ko kay caleb tumatawa ito na parang sira tinignan ako nito na parang may ginawa akong hindi maganda
" Have a nice day ms clara and pheobe" natatawang saad nito tinunguan ko lang sya at si clara ay ngumiti sa kanya
" Don't smile at him!" Nag taka akong napatingin sa lalaking naka black hindi ko alam kung ako ang sinabihan nito dahil hindi namn ako ngumiti
Tinignan ko si clara na tila naiinis ang muka nawala sa paningin ko ang kaibigan ni kudos
Nakahinga naman ako ng maluwag
Sabay kami pumunta ni clara sa kusina dahil bilin ni manang ay uuwi daw ngayon ang mayor kaya bumalik kami sa kanya kanyang trabaho
Tulad ng nakasanayan ay nakatayo lang ako habang nakikinig sa kanila
" Sa susunod na buwan na ang umpisa ng pasukan kudos kaya mag ayos kana.." rinig kong sambit ni mayor
Lumapit ako sa kanila para lagyan ang mga baso nila gaya ng ginagawa ko napatigil ako sa paglalagay ng tubig sa baso ni mayor ng kausapin ako nito
" Pheobe right?" Sambit ni mayor
" Opo" magalang kong saad nakatayo lang ako sa harap niya
" How old are you" nakangiting saad nito
" 19 po mayor" saad ko hindi ako makagalaw dahil sa kinakausap ako ni mayor
" Nag aaral ka pa ba iha?" Nanlumay ako sa tanong ni mayor
Naalala ko ay ngayong taon pala ako hindi makakapag aral dahil tutulungan ko ang pamilya ko
Umiling lang ako kay mayor
" Ngayong taon po ay tumigil ako dahil sa gusto ko makatulong kila mama" nakangiti kong saad
Tumawa ito na parang ang saya saya
" Ganun ba hayaan mo akong pag aralin ka?" Muntik na akong mapatalon dahil sa sinambit ni mayor
"P-po?" Gulat kong saad
" Oo pag aaralin kita nguni't may desisyon" hindi ko mapigilan mapangiti.
" Talaga po pero ano pong desisyon" nakangiti kong saad napatingin ako kay clara at manang na tuwang tuwa din
" Nais ko lamang na tulungan at bantayan mo ang anak kong si kudos" muntik na akong napaubo dahil sa sinambit nitong desisyon
Babantayan ko tong si kudos bakit di na naman ito bata,
" Ano iha papayag ka ba?" Nakangiti saad ni mayor hindi ko matatanggihan to dahil sa gusto kong makapag tapos
Tinignan ko si kudos na ngayon ay seryosong kumakain ayos lang naman babantayan lang naman eh
" Opo mayor payag ako samalat po" nakangiti kong saad
Pero mas lalo pa akong natuwa sa sinambit nito
" Pati na din si clara alam kong kayo lamang ang bata na nag tra trabaho sakin don't worry tulong na din yan at walang kaltas sa sahod" nakangiting sambit ni mayor
Tinignan ko si clara lumapit sya kay mayor
" Salamat po tatanawin ko tong utang na loob" nakikita ko ang saya sa mata ni clara gaya ko ay sobrang saya din nito
Tumungo lang samin ang mayor sakto nun ay natapos s'yang Kumain at nag paalam samin nagyakapan kami ni clara sa sobrang saya
Pero napatigil ako dahil narinig kong umubo si kudos at sinenyasan ang baso niya
Muntik kona makalimutan oo nga pala lumapit ako sa kanya at nilagyan ng juice ang kanyang baso
Pero nanlamig ako sa bumulong nito
" Be ready pheobe" malamig pero napaka sexy n'yang saad
Nakakunot akong tumingin sa kanya pero nakita ko lang itong ngumisi sa sobrang kaba ko dahil sa sinabi niya ay binilisan ko ang pag lagay ng juice at bumalik sa pwesto ko
Akala ba niya nakalimutan niya yung ginawa nya sa phone ko pati sa h-halik niya sakin
Napapikit ako ng maalala muli ito
Hindi ko alam kahahantungan ng buhay ko pag s'ya na binantayan ko pero masaya pa rin ako dahil makakapag aral nako,I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (185)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
The blurb catches my attention. I'm sure you gonna love this too 💚
29/06/2022
0very unexpected books
11d
0it's a very nice story, I love it 😍
28d
0Tingnan Lahat