Unti-unti na lang akong nadilat nang makarinig ako ng mga pag-uusap ng mga nakasakay rito sa bus. Nang tignan ko ang kamay ko, bigla na lang nabuhay ang diwa ko dahil hindi ko hawak si baby Cean. Teka?! Nasaan na-- "Sshhh... Ang cute-cute naman n'yan..." Nakita ko na lang yung katabi kong babae na bitbit si baby Cean habang nakangiti itong nakatingin sa kaniya. Pati yung lalaking tila kasama niya, nakatuon sa bata. "Baby Cean." Kaagad kong kinuha ang bata mula sa kaniya at maingat na binuhat. "P-Pasensya na. Nakatulog ka kasi kaya ako na muna ang nagbuhat sa bata," sabi nung babae. Yung nagngangalang Kendra. "Oo nga pala, kapatid ko, si Kendrick. Fraternal twin ko," pagpapakilala ni Kendra sa kapatid niyang lalaki. Marahang ngumiti ang lalaki at initaas ang kamay bilang pagkaway nang marahan. "N-Nasa Baguio na ba tayo?" tanong ko. "Malapit na. Mukhang mahimbing ang pagkakatulog mo. Kanina, umiiyak kasi si baby Ocean kaya ako muna ang nagbuhat," sabi ni Kendra. "S-Salamat," tanging sambit ko. Kahit mukhang mabait 'tong babae, hindi dapat ako magtiwala kung kani-kanino. Mahirap na. Magtatanghali na nang makababa kami ng bus. Buhat-buhat ko si baby Cean, hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin. Saan kami pupunta nito? "Ahmm... It's nice meeting you again, miss Ericka. And sa 'yo, baby Ocean," huling sabi ni Kendra sa 'kin at sa bata bago sila naunang umalis. Nagsimula na akong maglakad-lakad. At sa bawat paghakbang ko, 'yon din ang paninindigan kong mabubuhay ko si baby Cean. Bagama't hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para matupad ko ang ipinangako ko kay ma'am Clarideth na mahahanap ko ang dalawa pa niyang anak, hindi pa rin ako titigil. Kung kinakailangan kong mamatay, gagawin ko. Mabuhay lang ang tatlo niyang anak. After 6 Years... "I need my baby! Nasaan na kaya si Ocean? The waves are coming!" "Nandito ako, mama! Hahahaha! Hindi mo po ako mahanap!" "Ocean, anak. Pagod na si mama. Gusto mo na bang kumain? Mainit-init pa ang niluto kong sinigang. 'Di ba, favorite mo 'yon?" "Wow! Opo! Opo! Yey! Sinigang!" Nagsimula na akong mag-prepare ng pagkain para sa 'kin at sa anak ko. Katatapos lang kumain nina tatay Raphael, Kendra at Kendrick kanina. Nasa kani-kaniyang trabaho na sila habang ako, day-off. "Here, anak. Pray first bago kumain tayo kumain, okay?" "Opo. Let's close our eyes, mama." We formed our hands and close our eyes. Sinimulan na naming magdasal sa pangunguna ni Ocean. "Lord, thank you po always for this wonderful blessing. I am so happy to have my mama in my life. She's my first and last woman. Promise to protect her always to guide me. And to prepare this very special food..." hindi ko na napakinggan pa ang mga idinarasal ng anak ko nang marahan kong idinilat ang isa kong mata. Hindi ko pansin sa sarili ko na nakangiti na pala ako sa kaniya. "Amen," huling sabi niya bago kami nag-sign of the cross at dumilat. "Kain na, baby." Sinasabayan ko si Ocean sa pagkain niya habang nakatingin ako sa kaniya. Kahit kailan, hindi ako napagod sa kaniya sa pag-aalaga. Napakamasunurin at napakabait na anak sa 'kin. Kahit hindi ako ang tunay niyang ina. At hindi niya pa alam ang tungkol doon. Wala pa akong balak na sabihin sa kaniya ngayon dahil masyado pa siyang bata. Alam kong hindi niya pa maiintindihan ang lahat. Sa lumipas na anim na taon, inaamin kong hindi naging madali ang pamumuhay ko rito sa Baguio. Nasagot ang dalangin ko dahil sina Kendra at Kendrick ang nag-offer sa 'kin na tumira dito sa kanila kasama ng kanilang tatay. Si tatay Raphael. Itinuring nila ako bilang isang pamilya. Naalala ko rin na kahit may tao nang tumulong sa 'min ni Ocean noon, hindi pa rin mawawala ang ups and downs ng pinagdaanan namin. Sa mga unang araw, linggo at buwan kong pananatili rito, hindi ako naging kampante dahil sa nangyaring trahedya noon. Ngunit gumaan nang tuluyan ang pakiramdam ko nang mawala 'yon. Tapos na. Tapos na ang kaguluhan. "At kumusta ang napaka-cute naming pamangkin?" Halos panggigilin ni Kendra si Ocean ng halik sa pisngi nang dumating ito mula trabaho. Ipinalabas ko sa bata na kapatid ko sina Kendra at Kendrick. At sinabi ko na lolo niya si tatay Raphael. Nasanay naman siya pero ang tanong na minsan na niyang natanong sa 'kin ay kung may tatay siya. Hindi ko naman masagot-sagot 'yon dahil maging ako, hindi ko alam. "Tita, aalis na naman po kayo ni tito Kendrick?" tanong ng bata. Ngumiti si Kendra sa 'kin at sa bata. Mukhang napansin ni Ocean ang palaging pag-alis nina Kendra at Kendrick after ng trabaho nila. Tanghali sila nagle-leave tapos muling aalis para sa night shift ng iba nilang trabaho rito sa Baguio as a waitress and waiter. "Opo, pamangkin e. Gano'n talaga. Need ng money para may pang-gastos. And besides, para may pasalubong kami lagi sa 'yo," tugon ni Kendra. "Ahmm... Kendra, baka gusto ninyong kumain bago kayo umalis?" pag-anyaya ko sa mga ito. "Okay lang, ate Ericka. Nagmamadali na rin kasi kami ni Kendrick e. Magbibihis lang ako tapos alis na. Naghihintay na siya sa labas." "Ahh... Sige. Mag-iingat na lang kayo, ah? Tawag-tawag na lang kayo." "Opo." Narinig ko na lang ang pagbaba ni tatay Raphael mula sa taas. Nakabihis at mukhang bagong ligo. "Mga anak, kanino ba itong kwintas na ito? Nakita ko roon sa itaas at nasa sahig e." "Ay, 'tay, kay Cean po," sabi ko at saka ibinigay sa 'kin ni tatay ang kwintas pagkaroon ko sa kinaroroonan niya. "Cean naman, anak, bakit tinatanggal mo itong necklace mo? Maganda naman sa 'yo, ah?" "Mama, mukha po akong mayaman e. At tsaka po, mukhang hindi bagay sa 'kin," sagot nito. Anak, kung alam mo lang, mayaman ang pamilya mo. "Cean, bagay na bagay sa 'yo ang necklace mo. Oh? Tignan mo, magkakulay pa ang diamond at mata mo. Parehas blue." "Mama naman e, inuuto mo po ako." Natigilan ako sa sinasabi niya. Ano raw? Inuuto ko siya? "Hahahaha! Manang-mana ka talaga sa 'kin, Cean," singit ni tatay nang marinig din ang sinabi ng bata. "Cean, hindi ka inuuto ni mama. Are you saying that mama is telling lie?" tanong ko pero umiling siya. "No. Sorry po, mama." "Wear this, anak. I'm sure, bagay na bagay 'to sa 'yo. And always keep in mind na h'wag mo itong tatanggalin, ha? This is the only thing to remember that your mommy--or mama is always with you, hmm?" Your real mother is always with you, Ocean. Tinignan muna niya ang kwintas na ngayon ay suot niya at muli akong tinuunan ng pansin. "What about naman po kay papa? Wala po bang bagay na ma-remember ko po siya kahit hindi ko pa po siya nakikita?" And as always, palagi na lang akong natitigilan sa tuwing ino-open niya ang tungkol sa 'di ko kilalang papa niya. "Ahmm... Anak, maybe--" "Maybe you will eat your first muna? Your mama looks tired e. Be a good boy, okay?" singit ni Kendra na kabababa lang at nakabihis. Ngumiti na lang ako sa kaniya dahil sa bigla niyang pagdating. Sumunod naman si Ocean sa sinabi niya. HINDI ko alam kung paano ko masasabi kay Ocean ang lahat ng katotohanan kapag lumaki na siya. Na patay na ang mommy niya. Tapos ang daddy niya, hindi ko pa rin kilala. At sa mga nagdaang taon, hindi ko na naisipan pang makilala siya dahil tandang-tanda ko ang sinabi noon ni manang Brenda sa 'kin. Malakas at maimpluwensya ang tatay ni Ocean. And he can even shoot me sa mga tauhan niya. And about his two siblings? Hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung paano ko masasabing triplets sila na anak ni Mr. Clairedevon. "Sleep tight, Ocean Clairedevon," mahinang sabi ko sa anak kong mahimbing na natutulog. Tuwing tanghali, pinapaghinga ko ang batang 'to dahil sa pagod kalalaro. Iniwan ko muna ang bata sa kwarto at lumabas ng bahay. Doon ako tumambay sa tabi ni tatay Raphael na abala sa pagsisibak ng kahoy. "Nag-iisip ka pa rin ba, hija? Tungkol sa buhay ng anak mo?" tanong ni tatay sa 'kin. Ngumiti lang ako nang bahagya. Naikwento ko noon pa kina tatay, Kendra at Kendrick ang nangyari sa 'min noon ni Ocean. Lahat ng trahedya bago kami makarating dito. "Hinahanda ko lang po kung ano ang magiging kahihinatnan sakaling masabi ko po sa kaniya ang lahat. Nag-aalangan pa po kasi ako e," tugon ko. "Bakit ka naman nag-aalangan? Para saan?" tanong muli ni tatay. Para saan nga ba? "Baka po magalit sa 'kin si Ocean. O--O 'di kaya po... Baka sumama na siya sa tatay niyang bigla tapos iwan ako," tugon ko. Huminto sa pagsisibak si tatay at lumapit sa kinaroroonan ko. Naupo siya sa may tabi ko isang dangkal ang pagitan. "At kung 'yon ang maging desisyon ng anak mo sakaling sabihin mo sa kaniya ang totoo. Anong gagawin mo?" tanong ulit niya. "H-Hindi... Hindi ko po alam." Nagbuga siya ng isang malalim na paghinga at saka ako nginitian. "Alam mo, hija, walang lihim ang hindi nabubunyag. Kahit naman sabihin mo o hindi kay Cean ang tungkol sa kaniya, malalaman at malalaman pa rin niya ang lahat. Alam ko, masakit para sa 'yo dahil napamahal ka na sa bata. Naging ina kahit hindi sa dugo. Pero kung ano man ang maging desisyon niya sa buhay sa oras na sabihin mo na sa kaniya, marahil ay tanggapin mo na lang dahil 'yon ang katotohanan sa halos tago niyang pagkatao. Dahil pagbali-baliktarin mo man ang mundo, ama niya pa rin ang lalaking hindi niya kailanman nagisnan." "P-Pero, 'tay, nag-aalala lang naman po ako nang sobra e. Paano kung may masama silang gawin kay Ocean? Hindi po ako matitigilan ng konsensya ko lalo na sa tunay niyang ina," tugon ko. Tinapik ni tatay ang balikat ko. "H'wag mo munang stress-in ang sarili mo, hija. Hintayin mo akong matapos at pupunta tayo sa taniman. Lumanghap ka ng sariwang hangin at pakalmahin mo ang sarili mo. Sigurado akong makatutulong 'yon para makapag-isip ka nang mas maayos." "Sige po, 'tay. Salamat po nang napakarami." Bumalik si tatay sa pagsisibak nang huminga ako nang malalim. Napakaiyakin ko masyado. Siguro, gano'n talaga kapag ina. Kahit naman hindi sa 'kin mismo lumabas si Ocean, pinaramdam naman niya sa 'kin ang pagiging isang ina. Ina na nag-aalala sa kaniyang anak.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (211)
Ralyn Abero
Saan nahh. yung Book2
26/05
0
Anthenasheen Fernando
Ang ganda nang story, hihintayin kopo yung book two!! 🌷🌷
Saan nahh. yung Book2
26/05
0Ang ganda nang story, hihintayin kopo yung book two!! 🌷🌷
26/04
0Sayang, ang ganda na sana, kya lng bitin😭😭
05/11
0Tingnan Lahat