"She just turned 21 . She's still young. Don't try to ruin her life for your own sake!" Buong diin na sigaw ni Ama. Rinig na rinig ang boses ni Ama sa buong sulok ng mansion. Nagsisimula na rin kumulog sa labas, tanda na galit na sya. Unti-unti na rin pumapatak ang ulan. Lakas-loob akong humakbang palapit sa pwesto nila Kuya. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Ina na patuloy pa ring bumubulong na huwang akong sumama. Nang makalapit ay agad akong pinaggitnaan ni Kuya at Kried. Nakita ko pa si Ina na pinapatahan ni Luna Neviah na nag aalalang nakatingin sa akin. Ngumiti na lamang ako ng pilit at tumingin sa unahan. Hindi ko makita ang taong kausap ni Ama dahil tila sinadya nilang harangan ito para hindi ko makita. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng inis sa isiping ayaw nilang makita ko ang estrangherong lalaki ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi pa rin sumasagot ang lalaki. Ramdam na ramdam ko ang mas matinding tensyon kaysa kanina. "I'll leave for now but..." mas naging malalim ang kaniyang boses. Mas nakakatakot. "Once I came back, I'll surely bring her with me" Kusang nanindig ang mga balahibo ko sa kaniyang sinabi. Imbes na matakot ay tila natuwa pa ang kalooban ko sa kaniyang tinuran. Hindi ko na napigilan ang sarili ko't muling humakbang paabante. Agad sumunod sa akin si Kuya at tumabi sa akin. Tila tumigil ang mundo ko nang masalubong ang kaniyang mga mata. Ang gintong mga mata. Nasisiguro kong sya iyong lalaki kanina sa dilim. Hindi ako pwedeng magkamali. Kung ganoon ay hindi ako namamalikmata kanina. May kung anong umusbong na kaligayahan sasa dibdib ko nang makita syang masuyong nakatitig sa akin. Malaya ko syang natitigan. Wala nang kahit anong dilim ang pipigil sa aking makita ang kaniyang perpektong mukha. Mula sa makakapal niyang kilay, matalas na mga mata, napakatangos na ilong at mapupula niyang manipis na labi. Naputol ang pagtititigan namin ng bigla akong hinila ni Kried at humakbang pauna si Kuya dahilan para muli syang matabunan at hindi ko na makita. "Leave now. You already saw her" malamig na sabi ni Kuya. Pilit akong kumakawala kay Kried para muling makabalik sa unahan. Sumasakit na ang braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya ngunit hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin. Kinagat ko ang kaliwang kamay ni Kried ng sobrang diin at agad tumakbo ng mabitawan niya. Hingal na hingal akong tumayo sa tabi ni Ama na hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Nakita ko syang nakikipagtitigan kay Kuya. Walang emosyon ang kaniyang mukha, gayundin ang kaniyang mga mata. Ilang segundo ang nagdaan nang muling magsalubong ang aming paningin. Humakbang sya papunta sa direksyon ko ngunit agad na hinarang ni Kuya ang kaniyang katawan kaya bahagya akong napaatras. Tiningnan niya ng masama si Kuya at muli akong tiningnan "I'll be back after a year. After that, I'll take you with me. I'll make you officially mine when that time comes. No man should touch or come near you. You are mine Illumina. Understood?" Hindi ko maintindihan kung bakit ako kusang napatango ngunit ayos lang dahil alam kong sa kaloob-looban ko ay hindi ako tumututol. Umatras sya at isa-isa niyang pinasadahan ng tingin ang mga tao bago tumalikod at magsimulang lumabas kasama ang mga lalaking buhat buhat sa kanilang mga balikat ang ibang mga kasamahan na napuruhan. Nang mawala sila sa dilim ay bigla na lamang lumambot ang mga tuhod ko sa hindi malamang dahilan. Muntik na nga ako masubsob sa lapag, mabuti na lamang at nasalo kaagad ako ni Kuya. "Hey..hey Princess, are you okay? Are you hurt? What's the matter?" nag aalalang tanong ni Kuya. Nakatingin ang lahat sa amin. Hindi ko magawang sumagot kay Kuya. Nanghihina ng sobra ang katawan ko sa di malamang dahilan. Ni hindi ko rin maigalaw ng maayos ang mga kamay at paa ko dahil sa panginginig. "Put her on the couch Illiot." Dad commanded. "Kristy, call the pack doctor. Now!" Inihiga ako ni Kuya sa mahabang sofa. Tanging ang mga mata ko lamang ang maayos kong naigagalaw sa mga oras na ito. Nag-aalalang nakatingin sa akin ang mga Luna, samantalang ang mga Alpha ay nasa bandang kusina at may kung anong seryosong pinag-uusapan. "Are you okay baby? Anong masakit? Sabihin mo kay Ina kung anong nararamdaman mo. Gusto mo ba ng tubig? " Umiiyak na saad ni Ina. Gustuhin ko man sumagot ay hindi ko magawa. Ang kaya ko lang gawin sa ngayon ay ang lumuha habang nakatitig sa kaniya. Pinaka-ayoko sa lahat ay makitang umiiyak si Ina. Nasasaktan din ako. Balak ko sanang igalaw ang mga kamay ko upang hawakan ang kamay ni Ina na nasa aking kamay ng biglang kumirot ang kaliwang dibdib ko. Bumalatay ang sakit sa aking mukha at napaungol. Ang kaunting kirot ay unti-unti nang sumasakit ng sobra. Hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko ngunit nagagawa ko na ang magamit ang bibig ko. Dali-daling lumapit sa akin ang mga kasama namin at nag aalala akong pinagmamasdan. Sigaw ako ng sigaw. Parang may kung anong mainit na bagay ang nasa dibdib ko. Napapaso ako ng sobra. Mayroon din na tila may tumutusok na mga maliliit na karayom at bumabaon sa puso ko. to be continued....
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
next pls
25/05/2024
0nice
06/10/2023
0nice
31/07/2022
0Tingnan Lahat