CHAPTER 4

_________________________________________________________
"How's my princess?" Bulong sakin ni Kuya nang makaupo sa aking tabi. Agad kong sinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat.
"Are you tired? You want me to accompany you to your room, hmm?"
"Nah, I want to wait him Kuya"
"Maybe he's busy. You know, he will be the next Alpha of their clan"
Napasimangot ako sa tinuran ni Kuya. Naiintindihan ko naman pero hindi ko maiwasang makaramdam ng konting tampo. Nangako sya sakin kaya umaasa akong dadating sya.
Hindi na lamang ako sumagot at mas sumiksik kay Kuya na nagsisimula nang makipag-usap sa ibang kasama namin sa lamesa.
Patuloy ang sayawan. Bumalik na rin ang ilang Alpha at Luna na ngayon ay nagkukwentuhan na. Nakaupo lamang ako sa isang tabi at sumasagot sa tuwing sinasali ako sa kanilang usapan.
Punong puno ng tawanan sa pwesto namin dahil kay Tito Luhan, ang beta ng Elixier Pack. Pinagtitripan niya kasi ang kaniyang mate na kanina pa nagpipigil ng inis dito. Paano ba naman, harap-harapan itong nakikipagharutan sa ibang babaeng-lobo. Kahit ako makakasapak kung ganyan ang gagawin ng mate ko.
Mate ko.
Matunong akong napabuntong hininga.
Kailan ko kaya makikilala ang mate ko? Paano ko ba sya makikilala? Wala akong alam sa ganitong usapin dahil pinagbabawal sakin na magbasa about sa pagkakaroon ng mate. Sa tuwing uungkatin ko ang tungkol doon ay lagi na lamang nilang inililihis ang usapan. Minsan iniisip ko kung ayaw ba nila akong magkaroon ng kabiyak.
Yumuko na lamang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. I'm pinching my fingers one by one. Naramdaman ko pa ang paglingon sa akin ni Kuya ngunit hindi ko na lamang pinansin. I'm bored as fvck.
"Kried!"
Kusa akong napaangat ng tingin ng marinig ang masiglang pagtawag ni Ina sa lalaking hinihintay ko.
Agad akong lumingon sa aking likod at doon nakita ko syang bahagyang nakangiti sa akin. Medyo magulo ang kaniyang suot at mamasa-masa din ang kaniyang buhok. Halatang bagong ligo.
Automatiko akong napatayo at patalon na yumakap sa kaniya. I heard him chuckled and the laughter of others but I don't care.
"Kanina ka pa hinihintay niyan. She's pouting like a duck the whole time" natatawang saad ni Kuya kaya marahas akong napalayo kay Kried at masamang tiningnan ang magaling kong kapatid.
"Ang sama mo Kuya!"
"See? She's pouting like a duck again"
Malakas na nagtawanan ang mga tao kaya naman lalo akong napanguso. Epal talaga ni Kuya parang di kapatid tsk!
"Umupo ka muna Kried. Kararating mo lang ba?"
Mabuti na lamang at umalis si Kuya para kumuha ng inumin kaya sa tabi ko na umupo si Kried.
"Yes tita. I'm sorry I came late"
"No, its okay hijo. Where's your parents anyway?"
"They're here Tita. They'll be here anytime now" Mahinang tugon  ni Kried.
Tumango na lamang si Ina at muling bumalik sa pakikipag usap kay Ama.
"I thought you'll not come" sabi ko sa kaniya sa nagtatampong tono habang pinaglalaruan ang mga daliri. Narinig ko ang baritono niyang pagtawa.
"Pwede ba naman yun?" Nakangiti niyang sagot sa akin at bigla na lamang may nilagay sa aking kamay. Isa iyong parihabang kahon na napapalamutian ng kulay ginto at itim.
"What's this?" Tanong ko habang sinisipat ang kahon.
"My birthday present for you?" Patanong niyang sagot sa akin.
"I know idiot. What I mean is what is inside dzuh. Is this a necklace?" pagtataray ko sa kaniya.
Imbes na sumagot ay kinuha niya ito sa kamay ko at binuksan.
Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin dito. It was a golden bracelet with a cute carving and a phoenix pendant on it. Its literally cute!
"Omygosh Kried! Its so cute! I can't believe this. Look at this carving. Is this the tail of the phoenix? Its like hugging itself. Oh! Look! Its eyes is gold. Where did you buy this? Its so cute. No, its technically beautiful!"
Hindi ko namalayang napalakas na pala ang pagsasalita ko dahil sa pagkamangha. Ang lahat ng taong malapit sa lamesa namin ay nakatingin sa akin at natatawa akong pinapanood.
Nahihiya akong napangiti sa kanila at marahang ibinalik ang bracelet sa kahon na nasa lamesa.
Natatawa naman itong kinuha ni Kried at inilapit sa wrist ko. Nakayuko kong inilibot ang paningin sa mga tao. Nahihiya parin dahil sa nangyari kanina.
"Come on Hale"
Nakanguso kong itinaas ang aking braso para mailagay niya ang bracelet. Damang dama ko ang lamig nito. Napaayos ako nang pagkakaupo ng may maramdamang  kakaiba. Tila may kung anong init ang bumalot sa katawan ko. Damang dama ko ito sa bawat himaymay ng aking laman.
Nagtataka akong napatingin kay Kried na ngayon ay seryoso na muling nakatingin sa akin. Bumalik na rin ang mga tao sa kaniya-kaniya nilang ginagawa.
"I personally asked someone to make that bracelet for you"  mas lalo akong naguluhan. For what? Just for a gift?
"Why? What's special about this aside for being your gift for me?" Nakakunot-noong tanong ko. "And who is that someone? Is he/she some kind of witch?" Pahabol kong bulong sa kaniya.
Mahigpit kasing ipinagbabawal sa bawat Pack ang makipag-ugnayan sa ibang nilalang lalong lalo na sa mga bampira at mangkukulam. Though may ilang mapagkakatiwalaan naman ngunit kailangan parin mag-ingat. Mahirap magtiwala lalo na kung buhay at kaligtasan ng mga tao ang  pinag uusapan.
"I asked her to make something that can protect  you. Something that no one would notice easily."
"Ah..okay? Do I really need this? I mean for protection? Everyone are willing to protect me." Ani ko sa nag-aargumentong tono.
"Hindi sa lahat ng oras mapoprotektahan ka ng mga nasasakupan nyo Hale. You should know how to be independent. Hindi natin hawak ang daloy ng panahon. We should be more careful this time lalo na't nairaos na ang kaarawan mo" mariin niyang saad sa akin. Mukhang napikon na sya sa kakatanong ko.
Napanguso ako dahil doon. Nagtatanong lang naman nagagalit na. Tsaka anong kaugnayan ng kaarawan ko?
"Malapit ko nang palitan si Dad sa kaniyang pwesto. Hindi na ako madalas na makakadalaw sayo. I'll be more busy in a few weeks from now and I want you to always take care of yourself."
Napangiwi ako. Akala ko tapos na may kadugtong pa pala. Mukhang nagalit ko nga, nagtatagalog na eh. Englisherong palaka kaya si Kried psh.
Gusto ko sana syang biruin na masyado nang gabi para magmisa ngunit hindi ko nalang ginawa. Baka buhusan pa ako nito ng holy water kaya nevermind.
Malalim syang napabuntong-hininga nang makita akong tila hindi sineseryoso ang kaniyang mga sinasabi. Well, actually I'm not really taking it seriously.
"Paano ako nito matutulungan? Like what way? Or ways? What kind of protection is this bracelet?" Tanong ko nang maalala na hindi niya pa pala nasasabi kung paano ito gamitin. "Is this like a barrier or something? A weapon? Or I need to cast something to make it work?" Pahabol kong tanong.
"Its a weapon"
My mouth formed an 'o' shaped because of shock after I heard what he said. I leaned closer to him.
"You are not joking Kried, right? I didn't misheard it right? Right?" I whispered to him with obvious excitement.
"It has a button on its head. You just have to push it downward"
"Where? What part of head?"
"That red thing near your finger lady."
Dali-dali ko iyong hinanap at nakita nga ang isang pulang bilog na tila dagdag palamuti lamang sa ulo ng phoenix. Its like a gem. Hindi mahahalata kung hindi tititigan ng maigi.
"Can I?"
"What?"
"Can I push it?
"No!"
"But I want to try it" nakanguso kong saad.
Gusto ko lang naman subukan tsaka gusto ko din makita. Malay ko bang binibiro lang pala ako nitong tukmol na'to.
"You can't. You just need to push that button when its needed the most and not for some useless matter"  seryosong saad ng pinsan kong parang pinaglihi sa sama ng loob.
"Fine!" Sumusukong ani ko. " Akin naman ito bakit ayaw niya ipagamit? Napakadamot psh!" Bulong ko.
Napalunok ako ng samaan niya ako ng tingin. Nakalimutan kong lobo nga pala ang isang ito malamang sa malamang narinig niya ang mga binulong  ko. Pilit na lamang akong ngumiti sa kaniya. Malalim syang bumuntong hininga at marahang napahilot sa kaniyang sintido.
'Feel ko mas lalo syang nastress dahil sa'kin. Nagmumuka na syang hanggard, ampangit ah'
"How's your training? Sobrang hirap ba?" Pag-iiba ko ng usapan habang ngumunguya ng ubas. Inalok ko pa sya pero inirapan niya lang ako.
'Ede don't. Sya na nga inaalok sya pa itong attitude'
"Its fine. Everything is fine."
"Sure ka? As in sure na sure ka?" Naninigurado kong tanong.
"Yeah, why?" Nakakunot-noo niyang tanong. Nagtataka siguro sa paraan ng pagtatanong ko.
Tinitigan ko muna ang kabuuan niya mula ulo mukhang paa--este mula ulo hanggang paa. My bad.
"You look so tired, stress and..." tinaasan niya ako ng kilay. Naghihintay sa susunod kong sasabihin. Pero sasabihin ko ba? Baka magalit pero masama magsinungaling.
"What?" Naiinip niyang tanong bago sumimsim ng alak. Saan galing yun? Wala namang alak dito kanina ah. Astig!
"...ugly" nakangiti kong dugtong.
Dahan-dahan syang humarap at nanlilisik na tumingin sa akin. Sabi ko na nga ba't magagalit yung kumag eh.
to be continued...

Komento sa Aklat (4)

  • avatar
    Chariza Caduhada

    next pls

    25/05/2024

      0
  • avatar
    Luz Batulan Tadle

    nice

    06/10/2023

      0
  • avatar
    CruzMa lyn

    nice

    31/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata