Homepage/Chasing By The Alpha/
CHAPTER 23
"I came here to talk to you about my boyfriend"
Hindi ko maiwasang mapakunutan ng noo dahil sa sinabi ng babae. Sinong boyfriend tinutukoy niya? Si Silas ba?
"Oh, I see. You don't know who am I referring to?" Hindi ako sumagot. "I'm talking about Artaxiad"
May kung anong impact ang sinabing iyon ng babae. Sigurado naman akong hindi ko mahal si Silas ngunit bilang mate niya, nasasaktan ako sa kaalamang may iba syang babae.
Pinili ko na lamang tumahimik at hindi na sumagot pa. Mate lang ako at sya ang girlfriend, wala akong karapatan magsalita. Isa pa, baka sampalin ako nito. Kita naman sa hilatsa ng itsura niya na kaya niya akong saktan sa oras na may masabi akong hindi niya gusto.
"How are you related to my boyfriend? By the looks of you, I bet you're one of the new maids here, right?"
Kung pwede lang manampal sasampalin ko talaga 'to. Gusto kong isigaw sa pagmumukha niyang 'ako yung mate ng tinatawag niyang boyfriend' ngunit pinigilan ko ang sarili. Baka ikagalit ni Silas kung papatulan ko ang girlfriend niya.
Masakit at nasasaktan din ang lobo ko ngunit wala akong magagawa. Silas and I are just mates. He doesn't love me, for sure, and so am I. Its just a mate instinct, I guess.
"Y-yes"
"I knew it! Artaxiad wouldn't date such low class like you. You look stink and..." she looked at me again from head to toe. "Rag"
The guards behind me silently growled because of what the girl had said. I want to complain but I chose stay quiet.
Tumingin ang babae sa mga bantay na kasama ko saka kumunot ang noo. Wag niya sabihing nakita na niya kanina pero naisip niya pa rin na katulong ako? Bobo na niya nun.
"A-ah pinababantayan p-po ako ng Alpha. M-may nagawa po k-kasi akong mali"
Muli akong tiningnan ng babae na may pagmamaliit na tingin. Dukutin ko mata nito eh.
The girl is about to talk again when someone spoke behind me. Agad napatayo ang babae at walang sabi-sabi na lumambitin sa leeg ni Silas na ngayon at nakakunot ang noo at nakataas ang dalawang kamay sa ere.
"Oh my gosh! I miss you so much babe!"
Sa pagkakataong ito'y hinalikan na ng babae si Silas. Mabilis pa sa tatlong segundo akong napatalikod. Umupo ako ng maayos at pilit pinapakalma ang sarili.
Hindi ko gusto itong sakit na nararamdaman ko sa dibdib ngunit hindi ko maiwasan. I literally don't know where should I place myself. I'm the mate but she's the girlfriend. Where should I fit in?
"Illumina"
Wala sa sariling napatayo ako at nakayukong humarap sa dalawa. Nag iinit ang mga mata ko at hindi ko man aminin alam kong malapit nang bumagsak ang mga luha ko.
"A-ah.. a-aakyat na po ako sa taas A-alpha..." mahina ang boses na sagot ko.
Hindi ko na hinintay pa ang tugon niya at agad na tumakbo patungo sa itaas. Sa unang hakbang ko pa lamang ay bumagsak na ang isang butil ng luha mula sa aking mata. Agad ko din naman iyong pinalis at pilit na ngumiti kahit na hindi nila nakikita.
Mabilis ang pagsunod sa akin ng mga lalaking nagbabantay. Narinig ko pa ang pagtatanong ng babae kung bakit ako patungo sa taas gayung tagasilbi lamang ako ngunit hindi ko na narinig pa ang sagot ni Silas. Marahil ay ayaw niyang aminin sa girlfriend na ako ang mata niya.
With that thought, hindi ko na namalayang tuloy tuloy na palang tumutulo ang mga luha ko. Kusa naring may tumatakas na hikbi sa aking bibig.
Gusto kong matawa sa sitwasyon ko. Bakit ba ako umiiyak? Bakit ba ako nasasaktan? Iilang araw ko pa lamang naman syang nakakasama ngunit bakit ganito na ang epekto ni Silas sa akin?
Dapat noon pa lang naisip ko nang hindi niya ako mahihintay. Sana noon pa lang naisip ko nang maaaring habang hinihintay ko sya meron naman syang minamahal. Sana hindi ako umasa na katulad nila ama, iisa lang talaga ang minahal nila at yun ay ang isa't isa. Hindi dapat ako nagpapadala sa nakita ko. I don't have the rights to feel jealous and hurt. Mate ka lang Hale, mate ka lang.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na dumapa sa kama at doon ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pilit akong nagsumiksik sa malalambot na unan na tila ba doon gagaan ang loob ko.
I cried more when I felt Haya's rage and pain. Alam kong nasasaktan din sya at nagagalit. Werewolves are known for being aggressive and territorial but look what I did. Hindi naipaglaban yung dapat na sa amin.
"I am dissapointed at you, Hale. You let that girl owned what is originally ours. You even let her kiss our mate!"
Hindi ko na magawang sagutin pa si Haya kahit sa isip ko manlang. Ayoko nang sabayan pa ang galit ni Haya sa akin dahil alam ko na rin naman kung saan papunta iyon. Ako lang mahihirapan. Haya could do anything.
Hindi ko na narinig pa ang boses ni Haya kaya tahimik na lamang akong umiyak. Pilit kong pinipigil ang hikbi sa takot na marinig ng mga nagbabantay at magsumbong kay Silas.
Lumipas ang ilan pang mga minuto hanggang sa hindi ko na namalayang hinahatak na ako ng antok. Ngunit bago pa man ako kainin ng dilim ay may naramdaman pa akong kung anong malamig ngunit malambot na bagay ang dumampi sa noo ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (4)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
next pls
25/05/2024
0nice
06/10/2023
0nice
31/07/2022
0Tingnan Lahat