Homepage/Chasing By The Alpha/
CHAPTER 1
.
.
.
Enjoy reading!!!
_____________________________________
Mariin kong naipikit ang mga mata ng may tumamang nakakasilaw na liwanang ng araw sa aking mukha.
"Hale, baby, wake up."
Pinilit kong minulat ang mga mata at sinanay sa liwanag. Nakita ko si Mom na nililihis ang malaking kurtina sa bintana ng aking kwarto.
"Mag-ayos kana. Kanina kapa hinihintay ng kuya mo sa baba. Sumunod kana lang" Mom said before she gave me a kiss on my cheek.
Namumungay ang mga matang tiningnan ko ang orasan sa aking kwarto na nakasabit malapit lamang sa pinto. May kalahating oras nalang ako para mag ayos.
Tinatamad na nagtungo ako sa palikuran. Binilisan ko na ang pagligo at pagbibihis. Paniguradong nakasimangot na naman ang kuya ko dahil sa tanghali na naman akong nagising.
Pagkababa ay agad sumalubong sakin ang napakaraming miyembro ng pack. Busy ang lahat para sa gaganaping selebrasyon ng aking kaarawan mamaya.
Agad akong dumiretso sa dining kung saan masayang nag uusap sila Kuya.
"Goodmorning everyone!" Masayang bati ko pagkapasok ko pa lamang.
"Goodmorning Princess." Makapanabayan na wika nila Ina at Ama. Lumapit ako sa kanila at humalik.
Matapos niyon ay dumiretso ako sa tabi ng kuya ko na nakasimangot sa akin. Hindi ko maiwasang matawa dahilan upang lalong sumama ang tingin niya sa akin.
"Goodmorning my handsome brother" Ngiting ngiti kong wika matapos ko syang halikan sa pisngi.
Nakita ko ang pilit niyang pagsimangot upang matabunan ang sinusupil niyang ngiti. Narinig kong nagtawanan sila Ama't Ina. Paano ba naman ay nagmumukha nang ngiwi ang ginagawa ni kuya Illiot.
"How's your sleep princess?" Tanong ni Ama nang magsimula na kaming kumain. Nilunok ko muna ang pagkain sa aking bibig bago sumagot.
"Napakaganda po Ama" malawak ang ngiting sagot ko.
"Halata nga, tinanghali na naman ang gising mo eh" nakasimangot na saad ni kuya dahilan para magtawanan na naman kami.
"Handa kana ba para mamaya, anak? Maraming dadalo kabilang na ang iba pang packs. Siguradong punong-puno ang bulwagan mamaya" nakangiting saad ni Ina.
Napangiwi ako. Hindi talaga ako mahilig sa maraming tao ngunit marunong naman akong makisama. I hate attentions.
"Kinakabahan po ako Ina. Posible po kayang makita ko doon ang mate ko?"
Natigilan ang tatlo. Nagtinginan pa sila na tila nag uusap. I tried to connect with them but they blocked me. May tinatago ba sila?
"Nag uusap po ba kayo?" Tanong ko ng hindi ko na makayanan ang ginagawa nila.
Pilit na ngumiti si Ama at umiling. Sumulyap ako kay kuya ngunit tumingin lamang sya sa kabilang deriksyon.
"Wala, anak. Kumain kana para makapaghanda kana" nakangiting sabi ni Ina.
Tinitigan ko pa silang tatlo bago tumango at pilit na inubos ang pagkain sa plato. Naging tahimik sila kaya di na ako naglakas loob pang magsalita. Baka may nasabi ako kaya ganoon.
Matapos kumain ay sabay-sabay kaming nagtungo sa sala. Nandoon na ang mag aayos sa akin para mamaya. Nakita ko din ang isang kahon na sa tingin ko'y ang gown na susuutin ko mamaya.
"Anak maiwan kana namin. Maya maya lamang ay dadating na ang mga pinsan mo. Hintayin mo na lamang sila dito."
Tumango ako kay Ina at masayang ngumiti sa mga mag-aayos sa akin. Apat silang babae at isang lalaki. Ililihis ko na sana ang paningin ng may mapansin sa lalaki. May itsura sya, matikas ang pangangatawan at masasabi kong habulin ng babae ngunit tila may mali sa kaniya.
Bakla ba yan?
"Naku binibini alam kong maganda ako pero wag mo akong titigan ng ganian. Babae ako, babae!" Eksaheradang saad nito na tila kinikilabutan.
Umani ito ng malakas na tawanan kabilang na doon ang aking Ina na hindi pa pala umaalis sa aking tabi. Bagamat alam kong biro ay nakaramdam parin ako ng hiya.
'Akala niya ba ay pinagpapantasyahan ko sya?'
"A-ah... p-pasensya na po" nahihiya kong hingi ng paumanhin.
"Nagbibiro lang ako binibini" natatawang saad nito sakin. Pilit na lamang ako ngumiti dito.
"Kayo nang bahala sa anak ko Criselda. May aasikasuhin lamang kami ng Alpha." Bilin ni Ina sa babaeng may maiksing buhok, mapupungay na mga mata at may hugis pusong labi. Mukha syang dalaga ngunit alam kong mahigit isandaan na ang kaniyang edad.
"Makakaasa ka Luna" Magalang nitong sagot kay Ina.
"Halika na binibining Hale. We're all excited to make you the most beautiful maiden tonight" inextend nito ang kamay sakin kaya agad ko iyong inabot.
Miski ako ay nae-excite na. Madaming packs ang dadalo kabilang na ang mga pinsan ko. Minsan ko lamang sila nakakasama dahil bukod sa hindi ako pinapayagang umalis ng pack ay mas hilig ko ang tumambay sa library at matulog.
"Ako nga pala si Criselda binibini. Mula ako sa Krieger Pack." Hindi ko maiwasang panlakihan ng mata sa kaniyang binanggit na pack. Seryoso ba sya?
"Talaga po?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Sa pagkakaalam ko ay halos mga babae ang sumasakop sa pack na iyon. Sa katunayan ay sila ang kinikilalang pinakamahuhusay na warrior mula pa noong unang panahon.
Marahan itong tumawa habang tumatango dahil sa naging reaksyon ko kaya napaayos ako ng pagkakatayo. Nakakahiya!
"Ako naman si Gracia. Mula sa Elixier Pack."
Masiglang saad naman ng babaeng may kulay lilang buhok na umaabot sa kaniyang bewang. May bilugan itong mga mata na tila nagniningning sa tuwing sya'y nagsasalita , may kakapalan na labi at matangos din ang kaniyang ilong.
"Sya naman si Gracy, kakambal ko" turo naman niya sa babaeng may kaparehong haba ng kaniyang buhok ngunit asul naman ang kulay nito. Kabaligtarang ng matang nagniningning ni ate Gracia, ang mata ni ate Gracy ay tila inaantok at boryong-boryo. Bahagya lamang itong ngumiti kaya tumango na lamang ako.
Elixier Pack is known for being skillful in making potions. Sa kanila kadalasan nagmumula ang mga potions na ginagamit ng mga manlalakbay bilang proteksyon sa ibang nilalang, partikular sa mga bampira.
Some Elixier members selling it for evil purposes.
May Black Market sila kung tawagin. Doon, makikita ang mga ilegal na gawain at nakabibili ng mga ilegal na gamit.
"I'm Zena, from Dawn Pack! I'm 116 years old and my father is the current delta. I have a broth- Aray! Ano ba Jackas! Masakit ah!"
"Magpapakilala ka lang hindi sinabing magstorytelling ka!"
Muling hinampas nung 'Jackas daw' si Ate Zena. Napangiwi ako ng tingnan ko ang kaniyang braso. Namumula na iyon. Siguro'y malakas nga ang pagkakahampas.
'Ano kaya pakiramdam mapalo sa pwet ni Jackas?'
Muli na naman akong napangiwi dahil sa naiisip. Kung anu-anong kalokohan na naman pumapasok sa utak ko. Pati bakla pinag iisipan ko ng kung ano.
"Pake mo ba? Lubayan mo akong Lalake ka!" Pambabawi ni Ate Zena.
Sabay-sabay kaming napahakhak dahil sa reaksyion ni Jackas. Nanlalaki ang kaniyang mata habang nakahawak ang kamay sa dibdib na tila nagulat at ang isa naman ay nakaturo kay ate Zena.
Napaka-epic ng kaniyang itsura. Daig pa nakakita ng multo.
"Y-you... h-how dare you call me lalaki?!" Pinanlakihan niya ng mata si ate Zena na hindi manlang natinag at nakangisi lamang sa kaniya.
Ayos na sana kaso naging conyo si Jackas. Nagmukha syang tanga sa totoo lang.
"Oh ano? Lalaki ka naman talaga ah. Pogi pogi mo bakla ka?"
"Corrrection you bitch. I'm Gorgoeus!"
"Anong gorgeous-gorgeous? Ulol may itlog ka kaya. Patingin nga"
"W-what the...." tila napipi si Jackas dahil sa narinig. Hindi siguro niya inaasahan ang sasabihin ni ate Zena.
Namumula ang kaniyang buong mukha dala siguro ng kahihiyan.
Halos matumba na ako sa kakatawa. Pare-pareho kaming apat na nakahawak sa aming tiyan. Miski si Gracy na tila inaantok kanina ay di na napigilan humalakhak. Sa katunayan ay sya ang may pinakamalakas na tawa.
"Okay girls that's enough. Kailangan nang ayusan ni Binibining Hale."
Sabay-sabay kaming napaayos ng pagkakatayo habang pinipigilan ang tawang gustong kumawala sa aming labi.
Naunang maglakad si ate Zena patungo sa pangalawang palapag habang may nakapaskil na ngiti sa kaniyang labi. Ngiting tagumpay ampota.
Padabog namang sumunod sa kaniya si Jackas na hindi maipinta ang mukha. Bumubulong bulong pa ito habang may matalim na nakatingin kay ate Zena.
'May lahi ata yung bubuyog ah'
"Pasensya na sa dalawa. Ganian talaga sila maglambingan" saad ni ate Criselda na bahagya pang natawa nang mabanggit ang salitang lambingan.
"He's Jackas Montemayor. He's a human, dear." Nakangiting saad sa akin ni ate Gracia.
Kung ganoon maaaring 23 pa lamang sya base sa kaniyang mukha. Napakabata at gwapo.
"He's living with me. He should be my adopted son but he don't want to. Nagmumukha daw kasing dinaya dahil mukhang magkaedad lamang ang aming mukha" tawa ni Ate Criselda.
"Lagi po ba talaga silang nag aaway?" Tanong ko habang naglalakad kami patungo sa pangalawang palapag.
Narinig ko ang pagtawa ni ate Gracia sa likod kaya agad siyang hinampas ni ate Gracy. May nakakatawa ba sa tanong ko?
"Silly. They're not fighting. That is how they bond when they're together."
Napatango na lamang ako sa narinig. Sana may ganoon din akong kaibigan, masaya kasama.
Kasundo ko naman mga pinsan ko kaso minsan mga siraulo sila kaya hindi kaya ng powers ko makipagsabayan. Si Kried lang ang masasabi kong mas kasundo ko kahit na suplado yun at hindi ngumingiti. Pareho kasi kami ng mga hilig lalo na sa pagbabasa ng mga libro at pagtulog. Isa pa ay napakasweet nun sakin at overprotective.
Pagpasok sa silid ay naabutan namin ang dalawa na magkatitigan. Si ate Zena na nakangisi habang si Jackas naman ay nagngingitngit sa galit.
"Kailan kayo matatapos? Para kayong mga isip bata" seryosong sabi ni ate Gracy dahilan upang sabay na mag iwas ng tingin ang dalawa.
Napapailing na lumapit sakin si ate Cresilda at hinila paupo sa harap ng aking salamin.
Sabay-sabay na lumapit sa amin ang apat habang nakangiti sa akin ng malapad. Si ate Cresilda ay nakahawak sa aking balikat.
"Okay guys, let's start!" Matinis na sigaw ni Jackas habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. Agad naman silang nagsimula at nakangiti akong inayusan.
____________________________________________I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (4)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
next pls
25/05/2024
0nice
06/10/2023
0nice
31/07/2022
0Tingnan Lahat