"B-bakit?" Hindi ko naitago ang pagkautal dahil sa kaba. Sa halip na sagutin, tinitigan lamang ako nito. Tingin na tila hinahalukay ang kailalim ng isip ko. Ingat nalang sa pagsisid sa utak ko may buwaya dyan. "A-ahhm..." hindi ko malaman ang gagawin. Masyado na akong nadadala sa kaniyang tingin. Tulad kanina hindi na naman ito sumagot. Tiningnan nito ang kamay kong nasugatan. May panibago na namang dugo ang lumalabas doon, mukhang malalim nga talaga ang naging sugat. Nagulat na lamang ako ng bigla itong pumikit at tila inaamoy ang hangin. May kung anong naglumikot sa tiyan ko na hindi maintindihan. Kakaiba talaga ang bawat dating sa akin ng mga kilos niya. Sa simpleng galaw lamang ay nakakahatak na ng kakaibang pakiramdam. Nagulantang ako nang bigla-bigla nitong sinubo ang daliri ko. Nanlalaki ang matang nakatingin ako sa kaniyang gintong mga mata na tila nag aalab. Hindi ko magawang gumalaw. Parang may kung ano sa akin na gustong manatili kami sa ganoong sitwasyon. Gustong gusto ko ang mainit na bumabalot sa aking daliri na naghahatid ng kakaibang init sa aking katawan. Dahan dahan nitong binaba ang aking daliri at marahan iyong pinunasan ng panyo, yung panyong hawak niya kanina na may burdang S.A.P.A. Nakatitig lamang ako sa kaniya habang ginagawa iyon. Hindi maalis alis sa aking isipan ang ginawa niyang pagsubo sa aking daliri. "Your blood tastes so good, baby" mahinang usal nito sapat na para marinig ko. Tumaas ang mga balahibo ko sa narinig. I don't know if it because of his very manly voice or the way he called me. Pota, baby daw. Namuo ang ngisi sa kaniyang labi nang hindi ko magawang sumagot. Dahil doon ay natauhan ako't inagaw pabalik ang aking kamay. Bahagya din akong nagbigay distansya sa aming dalawa. He was about to say something nang biglang bumukas nang napakalakas ng pintuan kaya hindi ko naiwasang mapalundag sa gulat. "ARTAXIAAAAAAD BAAAABYYYYYY!!" Napapikit ako dahil sa lakas ng sigaw na iyon. Tinabunan ko pa ang magkabila kong tenga dahil talaga namang sumakit ang eardrums ko samantalang si Silas naman ay matalim na tiningnan ang sumigaw. Napatingin ako sa entrada nang sunod sunod na pumasok ang apat na lalaki. Nangunguna ang lalaking sumigaw kanina na animoy batang naghahanap ngayon ng ama. Pabalik balik ito sa sala at kusina habang tinatawag ang ngalan ng lalaking kasama ko. Marahil ay tinago ni Silas ang presensya niya kaya hindi nagagawi ang tingin nito kung nasaan kami. Sumunod na pumasok ang lalaking may malaking ngisi sa labi at mayabang na naglalakad. Nakapamulsa ito at medyo umiindayog pa ang paraan ng pagkakalalad. May pagka-playboy ang dating ng isang ito. Huling pumasok ang dalawa na tila nag uusap. Parehong seryoso ang mukha ng mga ito ngunit masasabi kong mas magaan ang awra ng isa. Seryoso ito ngunit maaliwalas naman ang kaniyang mukha samantalang ang isa na may mahabang buhok ay walang emosyon tulad ng lalaking nasa harap ko. Aaminin kong ang gwapo nilang lahat ngunit hindi ko rin itatanggi na mas malakas pa rin ang hatak ng karisma ni Silas. Maybe because he's my so called mate? "I'll punch you really hard if you're not gonna stop shouting, Kael" seryosong saway ni Silas. Gulat itong napatingin kay Silas at maya maya pa'y biglang napaupo sa sahig. Kumunot ang noo ko nang hawakan ng kabila nitong kamay ang dibdib na tila nasasaktan at ang isa naman ay nakaturo sa gawi namin habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa. "Abnormal ata 'to" "B-baby... w-hat's this?.. answer me..." Hindi ko alam ang magiging reaksyon dahil sa ginagawa ng lalaki. Alam ko namang umaarte lang ito pero hindi ko maiwasang mapangiwi. Nagkukunwari pa itong nagpupunas ng luha. Tuluyan na akong napabuntong hininga ng gatungan pa ng lalaking mukhang playboy ang kalokohan nung Kael. Hinimas himas nito ang likod ng lalaki na tila pinapatahan. "Ssshhh... stop crying. He loves you" "R-really? He l-loves me?" "Yes, but...." Sinadyang bitinin ng lalaki ang sasabihin at bigla na lamang dinakma ang panlalaki nito kaya mabilis pa sa alas kwatrong napatalikod ako. "If you'll cut your penis!" Bumunghalit ng tawa ang dalawa samantalang nakangisi lamang yung lalaking mahaba ang buhok. Nakasimangot naman na tumayo yung Kael at pabagsak na umupo sa single sofa. Pinagkrus nito ang mga braso at bahagyang tumalikod sa gawi ng tatlo na tila nagtatampo. Honestly, he's cute. "What are you doing here?" Hindi pa rin umaalis sa tabi ko si Silas at sa katunayan ay mas lalo itong lumapit sa akin. Kaunti lamang ang aming distansya sa isa't isa kaya hindi ko na naman mapigilan ipunin ang hangin sa aking dibdib. "Namimiss ka na daw ni Kael" yung lalaking laging nakangisi. "Tsk" Napatingin ako sa dalawa na magkatabing nakaupo sa mahabang sofa. Pareho nila akong tinititigan kaya naman nakaramdam ako ng pagkailang. Bahagya akong nagtago sa likod ni Silas dahil sa hiya. "We're here to visit you" hindi ko alam kung kaninong tinig iyon ngunit base sa paraan ng kaniyang pananalita, masasabi kong ito iyong kasabay nang mahaba ang buhok. "...and to see your mate" Doon na tuluyang nagtaasan ang balahibo ko dahil sa napakalamig niyang boses. Kahit na mahina lamang iyon ay naghatid na ng kakaibang pakiramdam sa buo kong sistema. Sigurado ako, ito iyong mahaba ang buhok na walang emosyon ang mukha. Napatalon ako sa gulat nang maramdaman ang paghawak ni Silas sa bewang ko. Marahan niya akong hinila pababa nang hagdan. Wala akong ibang magawa kundi ang sumunod. Nakayuko lamang ako habang naglalakad kami. May tiwala naman ako kay Silas na hindi niya ako idadapa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa paraan ng kanilang pagtingin. Hindi ko man nakikita ngunit alam kong pinapanood nila ang mga galawa ko. Napahinto ako sa paglalakad nang umupo si Silas sa single sofa. Nag angat ako ng tingin sa kanila ngunit agad ko ding binaba nang masalubong ang kanilang mga mata na seryosong nakatingin sa akin. 'Saan ako uupo?' "A-ahhmm..." Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Nakaupo na si Silas ngunit heto ako't nakatayo sa kaniyang harap. Mababa ang tingin na nilibot ko ang paningin. Ang tanging pwede ko na lamang maupuan ay sa pagitan ng lalaking may mahabang buhok at isa pa. Ang lalaking nakangisi ay katabi ng isang lalaki. Maglalakad na sana ako patungo doon ngunit halos mapatili ako nang bigla akong inupo ni Silas sa pagitan ng kaniyang mga hita. Nanlalaki ang aking mga mata. Feeling ko hihimatayin na ako dahil sa sobrang kaba. Kaunti na lamang, paniguradong lalabas na ang puso ko. Ramdam na ramdam ko ang matitipuno niyang dibdib sa aking likod. Ang kamay niyang nasa magkabila kong bewang na naghahatid ng kakaibang pakiramdam. Naninigasang aking katawan at hindi malaman ang gagawin. Nasisiguro ko ring namumula na ako dahil sa ginagawang ito ni Silas. 'For pete's sake I'm not used to this!' Napapikit ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa likod ng tenga ko. Napahawak ako sa kaniyang magkabilang hita. Agad kumalat sa buo kong sistema ang init na hatid niyon. Masarap ngunit nakakapanindig balahibo. "You are not allowed to sit beside any other man. Understood?" Mababang ani niya. Hindi ko magawang sumagot. Masyado akong kinakain ng kakaibang pakiramdam. Ni hindi ko na nga magawang isipin pa ang mga tao sa harap namin. "I'm asking you baby..." Gusto kong pagalitan ang sarili ngunit hindi ko magawa. Ganito ba ang pakiramdam na makatabi ang mate? Nakakabaliw. Nakakawala ng katinuan. "O-oo... Silas." Thankyou!!!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
next pls
25/05/2024
0nice
06/10/2023
0nice
31/07/2022
0Tingnan Lahat