CHAPTER 16

ENJOY READING GUYS!!!
.
.
.
______________________________
MUKHA akong baliw na sinabunutan ng sampung pusa pagkagising ko sa umaga. Inaasahan ko na rin ang malaking eyebags at napakagulo kong buhok kaya hindi na ako nagulat nang halos malaglag  ang panga ni 'Nay Fely nang puntahan niya ako sa silid.
"A-anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong nito.
"Wala po" nababangag kong sagot.
"Bakit... bakit ganiyan ang itsura mo?" Umiwas ako ng tingin.
Hindi ko magawang sumagot dahil hindi ko alam kung paano sasabihin ang mga walang kwentang naiisip ko kagabi. Nakakahiya kung aamin ako. Baka sabihin na assumera ako at naisip kong gagapangin ako ng Alpha. Wait, what?!
'Ohmygosh Hale!'
Pakiramdam ko'y namumula na naman ng sobra ang magkabilang pisngi ko. Hindi pa rin talaga natatapos ang isip ko sa mga kabulastugan ko kagabi. Ako na ang nahihiya sa sarili ko.
Napatingin ako kay 'Nay Fely nang marinig ko itong mahinang tumatawa habang nakatingin sa akin. Alam na ba niya? Nakakabasa rin ba sya ng isip?
"Iniisip mo bang magtatabi kayong matulog ng Alpha kagabi, hija?"
Kung may ipupula pa ang mukha ko siguradong magmumukha na akong kamatis sa sobrang pula. Ganoon ba ako kahalata? Nakakahiya!
"H-hi-hindi po"
"Wala kang tulog dahil doon?" Mabilis akong umiling na tila isang bata na ayaw umamin sa nagawang kasalanan.
"Dapat ay nagpapahinga ka dahil sa nangyari kahapon. Huwag mo munang isipin kung paano kayo magtatabi ng Alpha sa pagtulog. Dadating din naman kayo doon"
"Hala! 'Nay Fely h-hindi po" winasiwas ko sa pa sa hangin ang dalawang kamay ko para ipakitang hindi ganoon ang kinapuyatan ko kahit totoo naman talaga.
"Ganoon?" Mabilis akong tumango. "Kung ganoon eh bakit namumula ang mukha mo?"
Mabilis akong napahawak sa magkabila kong pisngi dahil sa sinabi ni 'Nay Fely. Pakiramdam ko tuloy ay nag iinit ang buo kong mukha.
"Mamayang gabi paniguradong magtatabi kayo ng Alpha. Mamaya mo nalang isipin ang ganoong bagay habang yakap ka niya" nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay 'Nay Fely. Seryoso ba sya?
Halos madapa na ako sa pagbangon dahil sa kakamadali upang makaiwas sa kakaibang tingin ni 'Nay Fely na siya namang hindi rin magkandaugaga na alalayan akong makatayo ng maayos. Bahagya pa rin itong tumatawa kaya't hindi rin matapos tapos ang pamumula ng aking mukha hanggang sa makapasok sa cr. Kahit na sa pagligo ko'y ganoon ang pangyayari. Parang gusto ko na lang din magpalamon sa tubig.
"Hija, nakahanda na ang susuutin mo sa kama. Lalabas na ako para maghanda ng iyong umagahan"
Hindi ko na nagawa pang sumagot nang marinig ko na ang pagsara ng pinto. Dali dali na lamang akong nagtapos maligo at magbihis para makasunod na agad sa ibaba.
Mag isa kong tinahak ang bawat pasilyo at hagdan. Ngayon ay mas naging malinaw ang bawat detalye ng mga paintings at kakaibang kagamitan sa palapag kung saan naroroon ang silid ng Alpha. Bahagya na rin binuksan ang mga kurtina dahil sa minsang pagpuna ko dito. Napakadilim naman kasi.
Bahagya akong natigilan nang makarating sa ikalawang palapag. May nag iisa ditong napakalaking pinto na bahagyang bumukas kaya naman hindi ko maiwasang alamin kung anong nasa niyon. Lumakad ako palapit at dahan dahang tinulak ng bahagya ang pinto, sapat upang makita ang kalahating parte.
Ito ang unang beses na masilip ko ang bahaging ito ng mansion. Kumpara sa taas, puro puti naman ang nandito na tila mahihiya ka talagang umapak o humawak manlang ng kahit anumang bagay. Wala itong pinagkaiba sa istilo at mga kagamitang nakadisplay sa sala maliban na nga lang talaga sa kulay.
Napapaisip tuloy ako kung may color coding bang sinusunod ang bahay na ito o kaya naman ay nakabase ba ang mga kulay ng palapag sa kung anong klase kang tao. Random thoughts lang naman. Malay ko lang may ganoon dito.
"Hija"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang nagsalita sa aking likod. Doon ay nakatayo si 'Nay Fely habang nakakunot ang noo na para bang hindi nagustuhan na makita akong nakatigil sa malaking pinto.
"'N-nay Fely"
Hindi ko malaman kung naiinis ba ang matanda o ano. Nakatingin lamang kasi ito sakin. Napaatras ako patungo sa tabi nang maglakad ito palampas sa akin. Sumilip muna ito sa loob bago ito sinara saka muling tumingin sa akin.
Medyo kumalma na rin ang dibdib ko dahil muling bumalik ang magaan na araw ni 'Nay Fely pero hindi ko pa rin maiwasan na mahiya at kabahan.
"Halika na?"
Tumango na lamang ako at sumunod sa kaniya nang magsimula na itong maglakad pababa ng hagdan. Habang pababa ay hindi ko maiwasang sulyapan muli ang ngayon ay nakasarado nang pinto. Marami pa namang araw para makapasok ako doon.
Pagkarating sa baba ay nadatnan namin ang napakaraming babae na nakatingin sa akin. May ilang mga nakangiti at madami naman ang seryoso ang mga mukha kaya hindi ko maiwasan na mailang. Binilisan ko na lamang ang paglalakad upang makaiwas sa mapapanuri nilang mga tingin ngunit agad din naman akong nagsisi sa pagmamadaling ginawa.
Mula sa sala ay tanaw ko na ang Alpha na nakatitig sa akin habang naghihintay sa kaniyang upuan. Wala sa oras na napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa dibdib dahil sa biglang pagkabog nito. Ito na naman yung pakiramdam na masarap ngunit nakakakaba.
"Hija"
Napatayo ang ng tuwid nang tawagin ni 'Nay Fely. Ngayon ako nakaramdam ng hiya kaya naman agad kong hinarang ang aking buhom upang ipangtabon sa aking mukha.
Dahan dahan akong naglakad palapit sa lamesa at sa kada hakbang na gagawin ko'y napakaraming mga mata ang nakasunod ang tingin. Naiilang ako ngunit pilit akong umaaktong normal upang hindi mapahiya. Mahirap na, ayoko mapagtawanan.
"Ilabas nyo na ang kakainin ng Alpha at Luna"
Napatingin ako kay 'Nay Fely dahil sa kaniyang sinabi. Nasalubong ko ang buhay na buhay na mga mata nito na sinuklian ko lang ng nagtatanong na tingin.
Nagsimula na akong pagsilbihan ng mga babae kahit na makailang ulit ko silang sabihan na kaya ko naman ngunit matitigas talaga. Hindi naman ako lumpo para di mapagsilbihan ang sarili. Sadandok lang naman hindi ko ikakamatay.
Nakanguso akong sumusubo ng pagkain habang pasulyap sulyap na tumitingin sa Alpha. Diretso lang ito na nakaupo at patuloy na kumakain. Napakaelegante ng kaniyang pagsubo. Ultimong pati paghawak ng kubyertos ay nakakahanga. Halatang nagmula sa mataas na angkan ng mga lobo. Hindi maipagkakailang isa nga syang karapatdapat na Alpha.
"Staring is rude"
Nanigas ako sa kinauupuan nang marinig itong magsalita. Kumunot ang noo ko't nilibot ang paningin ngunit mga nakayukong katulong lang ang nakita ko. Muli kong binalik ang tingin sa Alpha na syang halos ikalaki ng mata ko. Direkta itong nakatingin sa akin habang pinupunasan ang gilid ng kaniyang labi.
"I'm talking to you"

Komento sa Aklat (4)

  • avatar
    Chariza Caduhada

    next pls

    25/05/2024

      0
  • avatar
    Luz Batulan Tadle

    nice

    06/10/2023

      0
  • avatar
    CruzMa lyn

    nice

    31/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata