Homepage/My High School Romance/
Chapter 19
Nabuo na rin ang tropa namin. Actually, sangay-sangay ang grupo namin. Nabuo kaming anim sa iba`t ibang dahilan. Ako, si Ishy ang una kong naging kaclose. Si Karen naman ang unang naging kaclose ni Mimi at kapatid naman ni Teresa si Girlie. Kaya nakapasok siya sa tropa namin. Idagdag ko pa na unang naging close si Teresa sa grupo nila Mimi at Karen. Halo-halo, labo-labo, Ayan ang history ng aming samahan. As of now, mas madalas kong nakakasama sila Karen at Ishy. Si Teresa kasi, more on focus sa academic skills niya. Sinasamahan pa niya si Girlie sa pasikot-sikot ng School namin. Ngayong 2nd year lang lumipat si Girlie sa School namin. Galing kasi siya sa Public School malapit sa bahay nila. Si Mimi naman ay nasa ibang Section. Madalas pa siyang absent sa klase. Nakakasama namin siya kapag galaan sa weekends or kapag uwian, kung pumasok siya that day. Siguro nga ang iba sa amin ay may kanya-kanya nang lakad since graduating Students kami.
"Madalas kasi akong tamaan ng disminoriya this past months. Laging masakit ang puson ko. No choice tuloy ako kung hindi umabsent. Pero kahit absent ako, nakakapasa pa rin ako sa mga quizes at periodic test. Iba ata ako." Salaysay ni Mimi.
"Sabi sa klase mo, madalas ka daw nakikita kasama ni George. Yung 4th year dati. Yung jowa mo." Banggit ni Ishy.
"Naku ang dami talagang chismosa sa room namin. Busy kaya si George kaya madalang na lang kami nakakapagkita. May sakit lang talaga ako, disminoriya." Paliwanag ni Mimi.
"Baka naman panay ang absent mo kasi panay ang kita ninyo ni George sa labas. Baka pati si George panay ang absent sa College." Dagdag ko.
"Hay." Iritang sabi ni Mimi. Sabay lapit ng kanyang pisngi sa pisngi ko. Bebeso na ito.
"Uwi na kami ni Karen. See you na lang bukas." Paalam ni Mimi sa grupo.
"Oo nga. Dalawang sakay pa kami ng Jeepney bago makauwi sa bahay. Dapat matapos ko lahat ng assigments natin for today dahil may panonoorin pa akong teleserye.
Nagsimula nang magbesohan ang lahat. Nagpaala kami sa isa`t isa. Si Mimi at Karen ang magkasama pag-uwi. Habang si Teresa at Girlie naman ang magkasama. Malamang magkapatid sila. Ako at si Ishy naman ang magkasama. Madadaanan nila Teresa ang Subdivison kung saan ako nakatira. Kahit nga bahay nila Ishy madadaanan niya. Kaso dahil sa malayo ang bahay nila sa amin, pinipili nilang sumakay sa Jeepney na diretso sa ruta ng bahay nila. Bawal naman kaming sumakay sa kanilang Jeepney. Dahil nga straight ito sa ruta ng bahay nila. Bawal ang malapit na bababa. Ayun, sa pag-uwi kanya-kanya kami ng partners. Pero sabay-sabay naman kaming lumalabas ng School. Habang naglalakad palabas ay nagchichikahan kami hanggang sa umabot sa gate at habang naghihintay ng masasakyang Jeepney.
Lumabas na kami ng gate ng College department. Kailangang tumawid nila Karen at Mimi sa kabilang kalsada. Doon kasi dadaan ang Jeepney na sasakyan nila papuntang bayan then sasakay ulit sila papunta sa kani-kanilang bahay.
"Mauna na kami Ladies. Tatawid pa kami sa kabila para makasakay." Paalam ni Mimi.
"Chanda, tawagan mo ako sa bahay after ninyo magdinner. Hindi na tayo nakapag-usap sa ganap." Bilin ni Karen sa akin.
"Sige sige. Ingat kayo ni Mimi sa pag-uwi." Sagot ko.
Tumawid na nga si Karen at Mimi sa kabilang kalsada. Kumaway pa ang dalawa hanggang makasakay na sila sa dumaang Jeepney. Habang kaming apat na natira ay naghihintay pa rin ng masasakyang Jeepney. Puro puno kasi ang mga dumadaang Jeepney. Kung hindi naman puno, mapupuno agad kapag huminto sa harap ng School namin. Rush hour kasi ng mga eskuwelahan. Lahat ba naman ng kalapit na School sa area namin ay same ang oras ng uwian. Mapa Public or Private School pa yan. Rush hour talaga. Sakto may Jeepney na huminto sa tapat namin. Walang sakay ni isa at ang biyahe nito ay papunta kila Teresa at Girlie.
"Tere, biyahe sa inyo yang Jeepney na yan. Sumakay na kayo. Tignan mo walang sakay pa. Takbo na. Mamaya puno agad yan." Utos ko.
Agad-agad ngang tumakbo sa Jeepney si Teresa habang hawak-hawak ang kamay ni Girlie. Ang galing! Nakasakay sila bago pa mapuno ang Jeepney. Kumayaw sa bintana ang dalawa sa amin. Habang papaandar ang Jeepney.
Natirang naghihintay sa masasakyang Jeepney ay ako at si Ishy. Bigla ko itong pinalo sa braso gamit ang kamay ko.
"Aray ko! Para saan naman yang pananakit mo? Anu na naman ang nagawa ko?" Gulat na pagtatanong nito.
"Hindi 2nd year si Tisoy. Mali ang info na binigay mo sa akin. Tuwang-tuwa pa naman ako sa iyo kasi malaking lead ang nabigay mo sa akin. Tapos waley din pala." Iritang sagot ko.
"Paano mo naman nasabing hindi 2nd year si Tisoy? Ayun nga ang sinabi nung kaklase niya. 2nd year Students sila at panghapon. Mas marunong ka sa kaklase ni Tisoy. Wala ka naman kanina sa Canteen." Paliwanag ni Ishy.
"Wala si Tisoy sa mga dumaang estudyante pauwi kanina. Lahat ng pauwing 2nd year Students tinignan ko ang mukha. Wala akong Tisoy na nakita." Sumbat ko.
"Hala ka. Malay mo ba kung dumaan si Tisoy doon hindi mo lang siya nakita. Sa dami ba naman ng estudyante mula sa 2nd year na sabay-sabay nag-uuwian, paano ka nakakasiguro na nakita mo lahat ng mukha nila. Aber!" Katwiran ni Ishy.
"Sure akong hindi siya dumaan sa harapan namin kanina. Sa cuteness ni Tisoy ko, kung dumaan ito sa harapan ko, malamang makikita ko ito." Balik ko.
Nahinto si Ishy sa pagsasalita. Nag-isip isip ito. Nang biglang.
"Di ba Chanda may tatlong hagdaan sa bawat floor. Hindi lang naman ang hagdanan sa Lobby ang puwedeng daanan ng estudyante pababa ng building." Wika nito.
"Alangan naman dumaan siya sa hagdanan malapit sa 1st year level. Nasa dulo yun kaya kung doon siya dadaan, makikita ko pa rin siya." Sumbat ko.
"Ehhh kung doon sa kabilang dulo siya dumaan. Yung hagdanan sa dulo ng palisyo nila." Tugon ni Ishy.
"Yung hagdanan sa dulo nila. Hindi yun dadaan sa Lobby since nasa dulo ito ng Building. At kung doon siya dumaan pababa ng Building, hindi ko talaga siya makikita." Wika ko.
My gosh. Nakalimutan kong may hagdanan nga pala sa dulo. Puwede siyang bumaba doon. Pero kung uuwi kasi sila, mas praktikal na dumaan sa hagdanan sa Lobby. Kung dadaan sila sa dulong hagdanan, mas mapapalayo sila sa gate. Pero kung gusto talaga nilang mapalayo, doon sila dadaan. May banyo rin sa ground floor na bababaan nila sa dulong hagdanan. Bago pa matapos ang pagninilay-nilay ko sa mga nangyari kaninang uwian, bigla akong tinapik ni Ishy.
"Chanda, Chanda!" Sigaw nito sa akin.
"Anu ba yun? Kakagulat ka." Iritang sagot ko.
"Si Tisoy mo nasa dulo ng kalsada. Mukhang maghihintay rin siya nang Jeepney na masasakyan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (51)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
gamda
13/05/2025
0ang ganda nang story kahit walang papa masaya parin
26/02/2025
0bat kulang 😭😭😭
09/02/2025
0Tingnan Lahat