Chapter 18

Katulad nang napag-usapan, ako ang unang nagpaalam na mag babanyo sa aming Guro. Siguro mga 7 minutes before uwian nang magpaalam ako. Enough time para makaposisyon ako sa Lobby ng 3rd floor at abangan si Girlie at abangan ang paglabas ni Tisoy. Ilang minuto ang nakalipas, sumunod naman si Tere na mag may i go out kay Ma`m. Aligaga siyang sumunod sa kinatatayuan ko sa 3rd floor.
"Anu na Chanda? Kamusta ang situasyon mo dito?" Pagtatanong niya.
"Okay naman ako Tere. Malapit na maglabasan ang mga 2nd year. Buti na lang at First Section si Girlie at nasa bungad lang ang kanilang Classroom. Dito ka lang sa tabi ko Tere. Makikita mo rin si Tisoy. Para naman makilala mo rin ang aking Tisoy." Lahad ko.
Habang nakatayo kami ni Teresa sa Lobby ng 3rd floor, biglang tumunog ang bell. Hudyat na tapos na ang huling klase ng araw na iyo. Magsisimula nang maglabasan ang mga estudyante pauwi sa kani-kanilang bahay. This is it pancit. Kailangan kong linawan ang mga mata ko para makita si Tisoy. Una kong nakita ang paglabas ni Girlie sa kanilang silid aralan. Kumakaway ito sa amin at sinenyasan ko itong magmadaling pumunta sa kinatatayuan namin.
"Buti nauna kang lumabas, Girlie. Tamang tama ang timing mo." Wika ko.
"Dumaan na ba yung Tisoy mo Ate Chanda?" Tanong ni Ga, nickname ni Girlie.
"Wala pa naman. Kaya nga maganda ang timing mo sa paglabas. Nauna ka bago magbabaan ang mga estudyante. Focus na ako. Imposibleng hindi siya dumaan dito sa kinatatayuan natin." Sagot ko.
"Sige na Chanda, Hanapin mo na si Tisoy. Tignan mo ang lahat ng mukha ng estudyante mula 2nd year na bumababa." Utos ni Teresa.
Masinsin ang pagsulyap ko sa lahat ng mukhang bumababa sa hagdanan na nagmumula sa 2nd year level. Bawat dumadaan ay pinisipat ko ang mukha. Habang sila Girlie at Teresa naman ay palinga-linga rin sa mga dumadaan. Unti-unti dumagsa ang mga nag-uuwiang estudyante. Isa-isa silang dumaan sa harapan namin hanggang kokonti na lang ang dumadaan. Unti-unti naubos ang mga estudyante sa kanilang Silid-aralan. Hanggang dumating sa point na wala nang estudyante na naiwan sa 2nd year level area. Bakit hindi ko nakita si Tisoy. Kahit yung mga kaibigan niya, yung mga kasama niya sa Canteen hindi ko rin sila natanaw. Anung ibig sabihin nito? Maaari kayang hindi siya 2nd year. Baka naman nagkamali si Ishy sa info na nalaman niya? Baka naman 3rd year pala itong si Tisoy.
Dumaan sa harapan namin ni Kuya Janitor dala-dala ang kanyang mop at walis. Confirmed na wala nang naiwang estudyante sa 2nd year level area. Magsisimula nang maglinis si Kuya Janitor. What happen?
"Ate Chanda, nag-uwian na lahat ng estudyante ng 2nd year. Wala na akong nakikitang naiwan sa Classroom. Sure po ba kayo na talagang mga 2nd year si Tisoy po?" Pagtatanong ni Girlie.
"Oo nga Chanda, baka naman hindi pala ito 2nd year. Malay mo 3rd year siya o mas malala 1st year siya." Dugtong ni Tere.
"Sabi ni Ishy noong kinausap niya ang isa sa mga kaklase ni Tisoy, 2nd year daw sila at panghapon talaga. Sure si Ishy sa nakalap niyang info." Sagot ko.
"Baka niloko siya noong nakausap niya. Baka hindi sinabi ang totong year nila kay Ishy. Ewan!" Litanya ni Tere.
"Ate Chanda, kailangan na namin umuwi ni Ate tere. Baka late kaming makauwi sa bahay. Gabihin kami lalo. Alam mo naman Ate malayo pa inuuwian namin." Pagyayaya ni Girlie.
Well, bigo na naman ang quest ko sa identity ni Tisoy. Bakit kaya hindi na lang ibigay sakin ni God ang lahat ng info na needed ko. Paisa-isa pa ang info na nakukuha ko. Kulang-kulang pa ito. Pinahihirapan pa talaga ako. Siguro nga ganito talaga kapag true love. Kailangan kong patunayan ang pagmamahal ko kay Tisoy thru hardships. You will see Lord, ipapakita ko sa inyo po ang pagmamahal ko kay Tisoy. Kahit anung obsticle kakayanin ko. Darating ang pagkakataong magtatagpo ulit kami ni Tisoy at we will lived happily ever after. I wish!
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa College department gate. Doon kasi naghihintay sila Karen at Ishy with our bags. Doon ang meeting place namin. Habang naglalakad kami,
"Ate Chanda, don`t worry iisip tayo ng ibang paraan para makilala mo ang Tisoy." Payo ni Girlie.
"Ang problema ni Chanda, naka focus na siya na 2nd year talaga si Tisoy. Mamaya pala niyan ibang year level ito. Mali pala ang info na nakuha ni Ishy sa Canteen." Sagot ni Tere.
"May chance nga na ganun rin Ate Chanda. Baka hindi siya 2nd year katulad ko." Dagdag ni Girlie.
"Kaso sigurado raw si Ishy na 2nd year sila. Nakausap nga niya yung kaklase ni Tisoy. Nakita pa namin nila Karen na magkakasama sila ni Tisoy sa Canteen. Bakit naman sila magsisinungaling about sa year nila." Paliwanag ko.
"Baka ayaw nilang sabihin kay Kuya Ishy yung year nila. Kaya iniba nila. Baka akala nila may gusto ni Kuya Ishy sa kanila. Kaya nilito siya." Wika ni Girlie
"May point ka diyan, Ga." Pagsang-ayon ni Tere.
May posibilidad nga ang sinabi ni Girlie. Maaaring nakulitan o kaya naman nairita ang kaklase ni Tisoy sa pagmumukha ni Ishy. Kaya noong tinanong niya ang year nito ibang year ang sinabi. Puwede yun. Akala siguro ng kaklase ni Tisoy may gusto si Ishy sa kanya. Naku naman palpak talaga itong si Ishy. Nakakairita. Baka nagpahalata siya beki tapos na turn off yung kaklase ni Tisoy. Akala may gusto si Ishy sa kanya. Yun lang ang only explanation kaya hindi namin nakita si Tisoy sa uwian ng mga 2nd year. Hindi siya 2nd year. Case closed.
Nagpatuloy kaming maglakad na tatlo hanggang marating namin ang pasilyo palabas ng College department gate. Nakaupo sa silya sila Karen, Ishy at Mimi. Kasama nila si Mimi.
"Hi Chanda, Tere and Girlie. Kamusta na mga friends. Tagal din tayo hindi nagkita." Pagsalubong ni Mimi sa aming tatlo.
"Ikaw ang matagal naming hindi nakita. Saan-saan ka na naman nagsusuot. Anu-anong kalokohan ang naririnig namin tungkol sa iyo sa Section ninyo." Bungad ko.
"Naku, chismis lang yun. Papaniwala ka sa mga inggetera sa ganda ko." Sagot niya.
"So chismis lang yung panay absent mo sa klase, panay late mo pumasok at madalas kang nakikita na nagcucutting classes." Sermon ni Tere.
"Hala siya ohhh. Baliw, walang katotohanan yan. Itanong mo pa kay Karen." Sambit ni Mimi.
"Naku Mimi, huwag mo na akong idamay diyan. Wala akong alam." Sabat ni Karen.

Komento sa Aklat (51)

  • avatar
    Chicco Montealto

    gamda

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Tricia

    ang ganda nang story kahit walang papa masaya parin

    26/02/2025

      0
  • avatar
    Jhay Elly

    bat kulang 😭😭😭

    09/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata