Chapter 17

"Nagtry lang ako na baka kung sabihin ko sa iyo ang itsura nito ay makilala mo siya. May kakaiba naman kasi sa mukha niya. Baka kung sabihin ko maalala mo siya o kaya naman kaklase mo lang pala siya. Malay natin diba." Pagpupursigi ko.
"Sige Ate Chanda. Sabihin ninyo po sakin kung anung itsura nitong Tisoy at baka nga makilala ko siya sa description pa lang." Tugon ni Girlie sa aking suggestion.
"Maputi siya Girlie, pango ang ilong, mas matangkad ako ng konti, singkit ang mga mata niya at ang pinaka importanteng straits niya ay marami siyang nunal sa mukha niya. As in Girlie tadtad ng nunal ang kanyang face. Ang kanyang cute face niya." Paglalarawan ko.
"Doon po sa mga sinabi ninyo Ate Chanda, medyo common po kasi ito. Parang marami naman ang ganung itsura akong nakikita. Pero doon sa maraming nunal sa face, kakaiba ito. Wala pa akong nakikitang maraming nunal sa face na Student dito sa 2nd year." Sagot ni Girlie.
"Maaaring nakita mo na ito Girlie kaso dahil sa hindi mo naman ito kakilala, kinalimutan mo na siyang tandaan. Nangyayari yan. Magugulat ka na lang kapag nakilala mo ang isang tao na ohhh nagkita na tayo dati kaso hindi kita pinansin." Singit ni Teresa.
"Ang masasabi lang namin Girlie, sure kami na 2nd year level ito at panghapon. Si Ishy pa ang umalam sa info na yan." Dagdag ko.
Nag-isip isip muna si Girlie sa mga sinabi namin sa kanya at muling sumagot.
"Wala talaga akong maisip na may ganung description Ate Chanda. Kakaiba yung maraming nunal sa mukha. Kaya masasabi kong wala akong kaklase na ganun. That`s for sure." Paliwanag niya.
"Well, kung hindi kilala ni Girlie si Tisoy malamang other Section ito. Kailangan ninyo lang magfocus sa natitirang 8 Sections." Dagdag ni Teresa.
"May point ka nga naman Tere. Now, ekis na Section mo Girlie. Pero hatid na rin kita sa Classroom ninyo. Sisilip ako. Silip lang baka naman masulyapan ko siya. Baka lang naman." Pagpupumilit ko.
"Kayo po Ate Chanda. Kung gusto ninyo rin po Ate bago magbell nang uwian, balik kayo dito sa 3rd floor. Then kapag nagbell na lalabas agad ako at tambay po tayo sa Lobby. Habang naglalabasan ang mga Students at bumababa pauwi, baka makita natin si Tisoy. Kapag nakita ninyo na po siya, ituro ninyo sa akin. Baka sakaling kilala ko o kaya naman itatanong ko sa kaibigan ko kung sino siya." Paliwanag ni Girlie sa kanyang plano.
"Oo. Good idea rin yan Chanda. Baka sakaling makita mo si Tisoy kapag uwian na ng mga Students. Try mo lang. Sabay ka na umuwi sa amin mamayang gabi." Dugtong ni Teresa.
"Magandang plano yan. Sige ganyan ang gawin natin mamayang uwian. Ihatid pa rin kita sa Classroom ninyo Girlie. Baka hinahanap ka na rin ng Teacher ninyo. Sama ka na samin Teresa. Tapos diretso balik na tayo sa Classroom natin." Pagyaya ko.
Katulad ng pinag-usapan, hinatid na namin si Girlie sa kanyang Classroom. Pag excuse me ni Tere sa Teacher, sumilip ako ng bahagya sa mga kaklase ni Girlie. Mukha namang wala si Tisoy doon. Gagawin na lang namin ni Tere ang plano mamayang uwian. Sana that time makita na talaga namin si Tisoy. Para naman malaman ko na ang Section niya at mas lalo na malaman ko na ang full name ni Tisoy.
Bumaba na kami sa aming floor at dumeretso sa aming room. Nagchichikahan sina Karen at Ishy. Sabay upo namin ni Teresa.
"Anu na nalaman ninyo? Kilala ba ni Girlie si Tisoy?" Pagtatanong ni Ishy.
"Nope, hindi niya kilala. Pero ang masasabi lang ni Girlie rin is hindi niya ito kaklase. Kaya ma rule out na natin ang Section nila Girlie." Sagot ko.
"Sumilip pa nga si Chanda sa Classroom nila Girlie noong binalik namin siya. Sabi ni Chanda wala nga si Tisoy na yan sa Classroom." Dagdag ni Teresa.
"What`s your next plan Chanda? Ekis na ang room nila Girlie so need mo magfocus sa mga sumunod na room." Payo ni Karen.
"May naisip na akong next plan. Mamayang uwian, bago magbell kailangan kong pumunta sa 3rd floor Lobby para hintayin ang paglabas ng mga students. Sisiguraduhin ni Girlie na makalabas siya agad then kikitain namin siya ni Teresa sa lobby. Tatambay kami doon habang naglalabasan lahat ng estudyante ng 2nd year. Sigurado namang lalabas na si Tisoy noon para umuwi. Ituturo ko si Tisoy kay Girlie at kung kilala niya ito, perfect! Kung hindi naman niya ito kilala, ipagtatanong niya sa kanyang mga kaklase then makikilala na natin si Tisoy. That`s the plan.
Sana nga magwork ang plano namin nila Girlie. Sana bago matapos ang araw na ito, malaman ko na ang totoong pangalan ng aking mahal na si Tisoy. Kung mabibigo kami sa plano namin for today, kailangan ko na naman mag-isip ng new plan for tomorrow. Sana eto na talaga ang pagkakataong mabigyan ng pangalan ang code name Tisoy.
Nagring na ang bell. Ibig sabihin tapos na ang class ni Mrs.Magbanua at magsisimula na kami for another class. Any minute papasok na ang next Teacher namin. Kaya tumigil muna kami sa aming chikahan at nilabas ang book for the next subject.
"Basta kayo ni Ishy, hintayin ninyo na lang kami ni Teresa at Girlie sa gate ng College department. Huwag na kayong sumunod sa amin ni Teresa. Baka makahalata sila sa 3rd floor kung buong tropa nandoon. Wait lang kayo sa amin sa College department gate. Malinaw?" Bilin ko kay Karen.
"Yes Madam." Sagot naman niya.
"Pabitbit mo kay Ishy yung bag ko. Mag may i go out ako bago magring ang last bell. Hihintayin ko na si Girlie sa pasilyo para sure akong hindi mauunang bumaba si Tisoy sa amin. Tapos ikaw na muna magbitbit ng bag ni Teresa, Karen." Dagdag ko sa kanya sabay lingon sa direksyon ni Teresa. "Ikaw naman Tere, sumunod kang mag may i go out sa akin. Mga after 2 minutes mula nang lumabas ako, sumunod ka agad sa akin." Bilin ko kay Tere.
"Hindi ba makahalata si Ma`m, Chanda? Mag-uuwian na noon tapos mag may i go out pa tayo sa kanya. Baka hindi siya pumayag." Pag-aalala ni Teresa.
"No worries Tere, sure ako papayag yun noh. Alam naman niya na mga babae tayo at may pangangailangan na magbanyo. Gets na ni Ma`m yun. Babae rin naman siya. Kaya huwag ka na mag-alala diyan at sumunod ka na lang sa akin." Palilinaw ko.
"Okay." Matipid na sagot ni Tere.

Komento sa Aklat (51)

  • avatar
    Chicco Montealto

    gamda

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Tricia

    ang ganda nang story kahit walang papa masaya parin

    26/02/2025

      0
  • avatar
    Jhay Elly

    bat kulang 😭😭😭

    09/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata