Homepage/My High School Romance/
Chapter 16
Si Girlie pala ang access namin sa 2nd year level. Bakit kaya nawala sa isip ko ito. Ang nakababatang kapatid ni Teresa ay isang 2nd year Student.
"Si Girlie ang makakatulong sa inyo para makilala yang Tisoy na yan. Hindi ba ninyo natandaan na 2nd year yung kapatid ko. Malamang sa malamang kilala niya si Tisoy or may kakilala siyang nakakakilala kay Tisoy." Litanya ni Teresa.
"Alam mo Tere, napansin ko panay sabi ka ng makatutulong sa inyo. Bakit? Hindi mo ba kami tutulungan sa problema ni Chanda?" Pagtatanong ni Karen.
"Hindi naman sa ganun kaso alam ninyo naman na madalas akong busy sa academic and extra activities ko dito sa School. Tapos ako ang may pinakamalayo ang bahay sa ating apat. Kung hindi ako late pumasok, kailangan ko naman umuwi agad-agad." Pagpapaliwanag ni Teresa.
"Kami ba ang nagsabi sa iyo na sumali ka ng girl scout tapos may student council ka pa then kailangan mo pa mag-aral mabuti para mataas lagi ang grades mo." Sumbat ni Ishy.
"Huwag na tayo magtalo-talo. Ang importante ay may lead na tayo sa aking paghahanap sa tunay na katauhan ni Tisoy." Sabat ko.
Alam ko naman ang ibig sabihin ni Teresa sa mga sinasabi nito. Madalas maaasahan mo siya anything tungkol sa academic line. Magpapatutor kami or magpapaturo sa mga assignment and projects. Pero kapag mga kalokohan na, hindi namin siya mayaya. Katulad dati, nagyaya si Ishy na mag cutting clasess. Hindi naman sa bad girls kami. Nagkataon lang na nagpunta sa malapit na Mall sa aming School ang crush naming artista. Minsan lang mangyari yun. Kaya we take the opportunity na mag cut ng class para makita in person ang crush naming artista sa Mall. Tumakas kami noon palabas ng School thru College department gate. Kaya anything na hindi related sa academics, out si Teresa diyan.
"Tere, can you do me a favor?" Tanong ko.
"Anu yun Chanda?" Sagot niya.
"Alam ko naman na against ka sa kahit anung kalokohan ko about sa pag-ibig. I know tinitignan mo lang ang kapakanan ko. But i will ask you a big favor na samahan mo na ako now kila Girlie para matanong ko sa kanya as in now ang tungkol kay Tisoy". Pagpapaliwanag ko.
"Matutulungan naman kita itanong kay Girlie yung nalalaman niya pero kailangan ba ngayon na. Hindi ba puwede mamayang uwian na lang. Since makikita mo naman si Girlie pag-uwi?" Paliwanag ni Teresa sa akin.
"Tere, ngayong alam ko na may makakatulong sa akin tuklasin ang pagkatao ni Tisoy. Hindi na ako mapapalagay nito kakaisip sa kanya. Hindi lang ito basta-basta crush Tere. I think mahal ko na siya for real. Kaya naman please puntahan na natin si Girlie sa Classroom nila para magka-alamanan na kung kilala niya in a way si Tisoy ko." Pagmamakaawa ko.
Sa huli, pumayag naman si Teresa na samahan ako sa room nila Girlie. Kaming dalawa lang ang pupunta roon since ang paalam namin ay magbabanyo lang kami. Naiwan sila Karen at Ishy sa aming kwarto. Mas mainam na ito para hindi rin kami makatawag ng attention sa gagawin namin.
Paglabas namin ng aming kwarto.
"Salamat talaga Tere. Alam ko naman na hindi mo ako matatanggihan. Tunay kang kaibigan." Pagpuri ko kay Tere.
"Oo naman Chanda. Alam mo naman basta may maitutulong ako sa inyo lagi lang naman akong nandito. Kahit pa sa kabaliwan mo sa pag-ibig. Hindi ka na lang muna magfocus sa pag-aaral mo. Tapos mahal mo na agad itong lalaking ito kahit na kakakilala mo pa lang sa kanya. Ang masama pa, hindi mo nga pala siya nakilala. Nakasabay mo lang siya sa Jeepney. Kaloka ka talaga." Sermon ni Teresa.
"Oo na. Alam mo naman ako kapag nainlove talagang hahamakin ang lahat. Ewan ko ba kung anung meron itong si Tisoy. Unang kita ko pa lang sa kanya minahal ko na siya." Paliwanag ko.
Habang nag-uusap kami ni Teresa ay narating na namin ang 3rd floor. Kung saan makikita ang mga sections ng 1st years at 2nd years. Si Girlie ay nasa 1st Section ng 2nd year level. Talagang matatalino etong magkapatid na ito. My lobby ang bawat floors ng building. Kaya naghintay na lang ako sa lobby ng 3rd floor habang tinatawag ni Teresa si Girlie sa kanilang Classroom. Dumiretso na si Teresa sa mismong room ni Girlie at pinakiusap sa Teacher kung puwedeng hiramin si Girlie pansamantala. Pinayaga naman ito at tanaw ko na si Girlie kasama si Teresa papalapit sa kinatatayuan ko habang may binubulong si Teresa.
"Hello Ate Chanda. Kamusta po?" Bati ni Girlie sa akin.
"Hello Girlie. Okay naman ako." Sagot ko.
"Sabi ni Ate Tere may itatanong daw po kayo sa akin?" Balik nito sa akin.
"Sige na Chanda, itanong mo na yung tungkol kay Tisoy. Sinabihan ko na siya habang papunta kami dito na may itatanong ka sa kanyang estudyante." Sabat ni Teresa.
"Anung Tisoy Ate Chanda?" Nagtatakang tanong ni Girlie sa akin.
"Next time ko na ikuwento sa iyo ang buong kuwento pero may nakasabay kasi akong lalaki kaninang pagpasok ko ng School. Sa Jeepney mismo. Nalaman kasi ni Ishy na 2nd year High School Student ito. Kaya naman sabi ni ate Tere mo baka kilala mo. Baka lang naman." Pagpapaliwanag ko.
"Marami rin kasing estudyante ang 2nd year level ate Chanda. Siguro kung makikita ko sa mukha, makikilala ko or puwede ko itanong sa mga kaklase ko kung sino ito. Meron kasing 9 Sections ang buong 2nd year level. Panghapon pa lang yun Ate Chanda." Pagpapaliwanag ni Girlie.
May point nga naman siya. 9 Sections ang mga 2nd year at pang hapon pa lang yun. Marami-rami rin na estudyante yun. Ang for sure lang natin is panghapon si Tisoy. Mas maigi rin na makita ni Girlie si Tisoy para mas lalo niyang makikilala ito. Kung hindi naman niya kakilala personally si Tisoy, maaari niya itong ipagtanong sa iba niyang kaklase.
Kailangan kong gawin ang lahat ng options ko to know the real Tisoy. Hindi ko kayang matulog mamayang gabi, not knowing na im so close on knowing the true identity ng aking future asawa.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (51)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
gamda
13/05/2025
0ang ganda nang story kahit walang papa masaya parin
26/02/2025
0bat kulang 😭😭😭
09/02/2025
0Tingnan Lahat