Homepage/My High School Romance/
Chapter 15
Since una kaming natapos ni Ishy, nagsimula na kaming magkuwentuhan. Anu pa ba ang pag-uusapan namin, edi tungkol kay Tisoy.
"Anung next plano mo Chanda? Plano mo for your Tisoy? Pagtatanong ni Ishy.
"Since alam na natin ang kanyang year and shift sa School. I think maganda kung puntahan natin ang 2nd year sections sa 3rd floor. Then maglakad tayo doon. Sumilip-silip tayo sa mga Classroom baka sakaling makita natin sa isa sa mga Classroom si Tisoy.
"Baliw, paano kung nagkataon na punta natin doon ay wala si Tisoy sa Classroom nila? Paano mo masisigurado na nasa Classroom si Tisoy once na nagpunta tayo doon?" Banat ni Ishy.
"May point ka diyan. Magiging matrabaho yung naisip kong paraan. Hindi rin naman natin totally masisilip ang mga Students per Classroom." Wika ko.
Biglang tumayo si Karen sa kinauupuan niya.
"Tapos na ako. Pinasa ninyo na ba yang papers n`yo kay President?" Pagtatanong nito.
"Hindi pa. Hinihintay namin kayo matapos ni Teresa para sabay-sabay na tayong magpasa ng papers natin." Sagot ko.
"Tere, tapos ka na ba sa paper mo?" Tanong ni Karen.
"Hindi pa. Paano ako matatapos ang ingay ni Chanda." sagot nito kay Karen.
"Hoy! Hindi naman ako maingay noh. Assignment lang naman yan. Kaya huwag mo na galingan Tere. Ikaw na talaga ang matalino." Sambit ko sa pinakamatalino sa grupo namin.
"Palit muna tayo ng upuan, Tere. Para makafocus ka diyan sa ginagawa mo at makapagchikahan kami ni Chanda.
Kinuha na ni Karen ang papers namin ni Ishy at tumayo ito para ibigay kay Ms.President. Nagpalitan rin ng kinauupuan si Ishy at Teresa para makapagfocus si Tere sa assignment na ginagawa nito.
"Ohh! Diyan ka muna sa upuan ko Tere, perfect dapat ang score mo sa assignment na yan." Iritang sabi ni Ishy.
"May perfect ba sa assignment na yan? Essay siya so paano may makakaperfect sa assignment." Wika ko.
"Binabasa talaga ni Mrs.Magbanua ang lahat ng pinapasa nating assignment kahit pa essay ito." Sagot ni Tere.
"Naku! Sa pangit ng sulat ni Chanda, paanong mababasa ni ma`m yang assignment niya. Mautak din itong si Chanda. Basta sulat nang sulat may mapasa lang kasi hindi naman maintindihan ni ma`m yung nakasulat. Automatic 80% siya." Pang-iinis ni Ishy.
"Anung magagawa ko kung ganun talaga ang sulat kamay ko. Tha`s because i`m unique. Alam naman ng lahat na im half. Kaya dumadaloy sa dugo ko ang sulat arabo mula kay Papa." Sagot ko.
"Naku bahala na kayo diyan. Basta don`t disturb me. Gagandahan ko itong assignment ko. Dapat perfect ako." Sambit ni Teresa.
Ganyan talaga ang kaibigan naming si Teresa. Mas focus siya sa pag-aaral habang kaming tatlo naman ay more on kakulitan. Lagi ring nasa top 10 ng klase si Teresa. Model Student rin siya. Basta academics, nag-wawagi siya. Kaya nga kapag may assignment kami sa klase. Siya ang kinokopyahan namin. May ibubuga rin naman kaming tatlo nila Karen at Ishy kaso hindi kami kasing talino ni Teresa. Si Karen naman ay nag-eexcell sa Math at P.E habang si Ishy ay sa Science nag-eexcell. Ako naman ay more on Social Studies Gal. Mahilig ako sa mga bagay about History and Geography at mga bansa sa mundo.
"Anung pinagchichikahan ninyo kanina bago ako matapos sa ginagawa ko?" Pagtatanong ni Karen sa amin.
"Kung anung magandang plano na gawin para makilala talaga ni Chanda yung Tisoy niya. Hanggang year and shift pa lang naman ang nalalaman natin sa ngayon." Sagot ni Ishy.
"Tama! Nag-iisip kami kung anung next move natin para malaman ko ang true identity ni Tisoy. Ang pangalan niya, saan siya nakatira at marami pang iba." Dagdag ko.
Magkakatabi na kami nila Karen at Ishy sa upuan habang si Teresa ay nakaupo sa likod ko na upuan ni Ishy. Busy pa rin ito sa aming assignment.
"May sinasabi nga itong si Chanda na silipin daw natin lahat ng Classroom sa 2nd year level para makita natin kung anung section si Tisoy." Wika ni Ishy.
"Bad idea yan Chanda. Mahahalata ka na may hinahanap at paano mo masisigurado na once nagpunta tayo doon ay sakto naman nasa Classroom si Tisoy. Off off off idea yan." Paliwanag ni Karen.
"Ayan rin ang sabi ko sa kanya. Delikado at walang assurance na may result sa task na yan." Dagdag ni Karen.
"So anung naiisip ninyong plano? Kailangan kong malaman ang Section at most important is his full name mga amigas." Pagtatanong ko.
Nag-iisip kaming tatlo sa puwedeng gawin para makilala namin si Tisoy nang biglang nagsalita si Teresa.
"Sandali nga, anung kailangan ninyong malaman sa mga 2nd year Students? Anung meron doon?" Pagtatanong ni Teresa na nakikinig rin pala sa usapan namin.
"Ay! Nakikinig ka pala diyan. Oo nga naman hindi mo malalaman ang pinag-uusapan namin since hindi pa namin nasasabi sa iyo." sagot ni Ishy.
"Tapos ka na ba Tere sa assignment mo?" Tanong ko.
"Oo. Katatapos ko pa lang. Eto ipapasa ko na kay President. Hintayin ninyo ako. Ikuwento ninyo nga yang issue ninyo sa mga 2nd year." Wika ni Teresa sa amin.
Nagtungo ito sa kinauupuan ni Ms.President. Pinasa niya ang kanyang assignment at bumalik sa upuan namin. Tumayo si Tere sa harapan ni Ishy at nakikipagpalit na sa orihinal nilang seating arrangement.
Pag-upo ni Teresa at Ishy sa kanya-kanya nilang upuan.
"Ngayon, tapos na ako sa ginagawa ko. Anu itong pinag-uusapan ninyo na panay 2nd year at Tisoy ang naririnig ko?" Pagtatanong ni Teresa.
Nagsimula na nga kaming ichika mula sa nangyaring love at first sight sa Jeepney hanggang sa nangyari sa Canteen. Kinuwento ko ni Karen at Ishy ang mga kaganapan nang araw na iyon.
"Wow! Ang daming info. Ang daming nangyari sa araw na iyon pa lang ahhh. Ikaw talaga Chanda ang bilis mong mainlove. Nakita mo lang sa Jeepney, tinawag mo nang mahal o asawa. Ang babata pa natin noh. Crush lang yang nararamdaman mo. Mamaya isang Jerome effect lang yan." Litanya ni Teresa sa mga sinabi namin sa kanya.
"Anu ka ba Tere, alam mo namang off limits na yang Jerome topic na yan. Matagal ko nang kinalimutan ang Jerome effect. Ang hiling ko lang sa inyong mga kaibigan ko na sana kalimutan na natin si Jerome at huwag ninyo na akong bibiruin anything about him. Yun lang naman ang pakiusap ko sa inyo. Naka move on na ako sa kanya at lahat ng pagkakamali ko about Jerome ay pinagsisisihan ko na." Paliwanag ko.
"Pasaway ka Tere, alam mo naman na hindi na natin yan pinag-uusapan. Matagal na. Kahit nga si Ishy hindi na binibiro si Chanda about sa Jerome effect." Tugon ni Karen kay Teresa.
Natahimik bigla kaming tatlo. Nabuksan na naman kasi ang Jerome effect. Isang issue na pilit kong kinakalimutan. Pero minsan nabring-up siya ng mga kaibigan ko. Lalo na kapag may nagugustuhan akong lalaki. Alam ko naman na kasalanan ko ang nanyari tungkol sa Jerome effect pero sinabi ko na sa kanila na huwag na itong bubuksan dahil gusto ko nang makamove on sa issue na iyon.
"I`m sorry Chanda. Hindi ko naman sinasadyang masabi ito. Sorry na friend. Ayoko lang naman na maulit ang nakaraan. I want to protect you." Paliwanag ni Teresa.
"Okay lang. Minsan talaga nababanggit yung kasalanan ko sa nakaraan. Okay na Tere. Kalimutan na lang natin na napag-usapan na naman ang Jerome effect. Let`s move on na." Balik ko sa kanya.
"Bawi ako sa iyo Chanda. Sorry talaga ulit promise hindi ko sinasadya. At dahil sa 2nd year ninyo hinahanap si Tisoy ba yun. May maitutulong ako sa inyo." Sambit ni Tere.
"No worries. Kalimutan na natin yun." Sagot ko.
"Ohh may maitutulong daw si Teresa sa quest natin kay Tisoy. Paano mo kami matutulungan Tere? Ehhh lagi ka nga lang nasa loob ng Classroom at puro aral ang ginagawa mo. Wala ka ngang social life dito sa School." Pamimintas ni Ishy.
"Grabe siya ohhh! Ang harsh mo talaga magsalita sa akin Ishy. Pero may kilala akong makakatulong sa inyo." Sagot ni Teresa.
"So hindi pala ikaw ang tutulong sa amin. Kilala mo lang yung makakatulong sa amin." Dugtong ni Ishy.
"May kilala ako sa 2nd year level. Palagay ko makakatulong siya sa paghahanap ninyo kay Tisoy." Wika ni Tere.
"Talaga Tere, may kilala ka pala sa 2nd year level. Sino? Tanong ko.
"Si Girlie!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (51)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
gamda
13/05/2025
0ang ganda nang story kahit walang papa masaya parin
26/02/2025
0bat kulang 😭😭😭
09/02/2025
0Tingnan Lahat