Chapter 14

Nag ring na ang bell. Nagpapahiwatig na tapos na ang recess at kailangan na bumalik ng mga students sa kani-kanilang Classroom.
"Hala! Bell na agad. Ang bilis naman ng recess natin. Tapos na ito agad." Bungad ni Ishy.
"Mamaya na lang natin pag-usapan ang mga next steps natin. Pag uwian na lang. Since sabay-sabay naman tayo uuwi." Sabi ko sa mga kaibigan ko.
"True. May 15 minutes tayo para makapagkuwentuhan muna bago sumakay pauwi sa mga bahay natin." Suggestion ni Karen.
"Hindi ninyo ba napansin si Tere? Sabi niya pupunta siya dito sa Canteen kasama si Girlie, yung sister niya. Haba na ng chikahan natin pero hindi ata sila nakasunod." Pagtatanong ko.
"Baka sa Elementary Canteen sila kumain. Puwede rin naman sa College Department Canteen. Alam mo naman na tatlo ang Canteen sa buong Campus na ito." Litanya ni Ishy.
Well, magtatanong pa ba ako. Madalas nga naman kumain yung dalawa na yun sa Elementary Canteen. Sabi kasi nila kanina ay susunod siya sa Canteen. Pero hanggang magring na ang bell wala pa sila ni Girlie dito. May 3 subjects pa kaming dadaanan bago mag uwian. Si Ishy ang madalas kong nakakasabay sa Jeepney pauwi. Same kasi kami ng way home. Si karen naman ay sa kabilang dawi ang bahay. Ang kasabay naman niya pauwi ay yung dati naming kaklase na si Mimi. Maylene ang totoong name nito but Mimi for short. Nasa sumunod na section sa amin si Mimi. Sila ni Karen ang totoong closed. Naging kaklase ko si Karen noong 3rd year ako pero si Mimi kaklase na niya ito simula pa 1st year. Kaya noong 3rd year ako, hindi ko kaklase si Teresa at Ishy. Kaya naman ang naging kaibigan ko nang mga panahong iyon ay sila Karen at Mimi. Pero mas closed talaga ako kay Karen. Si Mimi naman ay madalas mag-aabsent since 3rd year palang kami. May jowa kasi si gurl.
Habang naglalakad kaming tatlo pabalik sa aming Classroom,
"What's your plan my dear Chanda? Paano natin makikilala ang Prince Charming mo? Sino ka ba sa Disney Princesses?" Mga tanong ni Ishy sa akin.
"Little Mermaid talaga paborito kong Disney Princess. So ako yun. Ako si Princess Ariel." Sagot ko.
"We are looking kay Prince Eric mo. Siya yung kalove team ni Little Mermaid. Bigatin ka gurl. Dapat sayo ikaw si Princess Gigi." Balik ni Ishy sa akin.
"Wala namang Princess Gigi doon." Sabat ni Karen.
"Princess Gigi means Prinsesa ng mga galunggong si Chanda." Pang-aasar ni Ishy.
"Aba! Bastusan na talaga ito." Iritang sabi ko.
"Joke lang naman friendship. Ikaw talaga pikon agad. Well, ako naman si Cinderella. Ang fashonista ng mga Disney Princesses. Ang pinaka Reyna sa lahat ng Prinsesa at pinaka maganda." Pagmamalaki ni Ishy.
"Ayun, napunta na naman sa iyo ang usapan. Galing mo talaga iside way ang usapan papunta sa iyo. Pabida ka talaga." Tugon ni Karen sa mga sinabi ni Ishy.
Sabay-sabay kaming nagtawanan habang nasa pasilyo na kami papunta sa Classroom namin.
Nakarating na kami sa aming Classroom. Wala pa naman ang next Teacher namin. Pumunta na kami sa aming mga upuan at naghanda para sa susunod na subject. Nagtatawanan pa rin kami habang nag-aasaran. Dumating na rin si Teresa sa Classroom.
"Saan ka galing Tere?" Tanong ni Karen.
"Nagyaya si Girlie sa Elementary Canteen. Doon niya gusto kumain kaya hindi na ako nakasunod sa inyo." Paliwanag ni Teresa.
"Bet na bet ninyo talagang magkapatid na kumain sa Elementary Canteen. Mas masarap ba ang food doon kesa sa Canteen natin dito?" Pag-uusisa ko.
"Ehhh doon nagyaya si Girlie. Alam mo naman inaalalayan ko pa yun kasi kakalipat lang niya sa School natin." Paliwanag ni Tere.
"Baka naman may crush siyang Student doon? Kaya doon niya gusto kumain lagi kayo. Nakapunta na ako doon dati, wala naman akong nakikitang cute or guwapo. Puro bata lang ang nakikita ko. Yuck!" Sabat ni Ishy
"Hoy! Ishy hindi lahat ng ginagawa ng tao ay dahil sa lalaki or crush. Puro ka talaga kalandian ahhh. Puro lalaki nasa isip mo." Bara ko kay Ishy.
"Aba nagsalita ang walang crush ngayon. Sino kaya sa atin ang may crush na 2nd year level at ginagawa ang lahat ng paraan para malaman kung sino itong crush niya." Buwelta ni Ishy sa akin.
Biglang may dumating na isang Teacher. Pero hindi namin siya Teacher for Filipino.
"Good afternoon class" Salita ni Teacher.
"Good afternoon po Ma`m." Tugon ng buong klase.
"Wala si Mrs.Magbanua for today. May emergency siyang kailangang lakarin. Kaya naman wala kayong Teacher sa subject ninyo ngayon. Pero nag-iwan si Mrs.Magbanua ng isang gawain para may gagawin kayo habang wala siya. Kailangan ninyo itong ipasa pagkatapos ng klase ninyo sa inyong President. Makinig kayong maigi. Magsulat kayo sa isang whole sheet of paper nang tungkol sa inyo after 10 years. Ibig sabihin, sa pananaw ninyo after 10 years ano na kaya ang estado ng buhay ninyo? Makalipas ang sampung taon ano na kaya ang narating ninyo sa buhay?" Paliwanag ng Teacher na pumasok sa aming klase.
Napansin namin napapadalas ang absent ni Mrs.Magbanua sa klase namin. Ang balita sa Teacher`s Office, may sakit daw ang asawa nito. Kaya minsan nawawala na lang si ma`m sa isa or dalawang klase nito. Papasok sa ibang klase tapos absent naman sa iba. So wala kaming teacher for this subject. Bibilisan ko ang paggawa sa pinagagawa nila then puwede na kami magchikahan ng mga kaibigan ko. We will plan our next move about my Tisoy. I need all my friend`s help para sa aking ultimate goal.
"Sino ang President ninyo?" Tanong ni Teacher.
"Ako po Ma`m!" Sagot ni Leila. Ang aming Class President.
"Iiwanan ko sa iyo ang task na magbantay sa mga kaklase mo habang ginagawa ninyo ang assignment na binigay ni Mrs.Magbanua. Ikaw na rin ang magcollect sa mga papers after the class. You can ask your vice and the secretary of the class for help. Basta need ninyo matapos yang assignment then stay quite dito sa room. Bawal lumabas ng Classroom Ms.President. Kung mag babanyo lang puwede pero paisa-isa. I have to go. May sarili din akong class. Pasisilip ko kayo sa Teacher next door. To make sure na naka behave kayo. Secretary, ilista mo ang mga nagpapasaway sa klase at ibigay ang list kay Mrs.Magbanua. Alright, start na kayo." Mga bilin ni Teacher.
Lahat ng kaklase namin ay nagsimula nang gumawa ng assignment na pinagagawa ni Mrs.Magbanua. Lahat ay nakafocus sa pagtapos ng pinagagawa sa amin. Dahil kapag natapos mo ang assignment, puwede na kami magsimulang magchikahan.
"Ayan! Tapos na ako." Sambit ko.
"Ako rin! Tapos na ako." Dugtong ni Ishy.
"Malapit na rin ako matapos." Dagdag ni Karen
"Same here." Singit ni Teresa.

Komento sa Aklat (51)

  • avatar
    Chicco Montealto

    gamda

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Tricia

    ang ganda nang story kahit walang papa masaya parin

    26/02/2025

      0
  • avatar
    Jhay Elly

    bat kulang 😭😭😭

    09/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata