Chapter 13

"So final recap tayo sa nalaman mo Ishy. Na etong si Tisoy ay isang 2nd Year High School Student at pang hapong shift siya." Sambit ni Karen sa mga nalaman namin.
"Yes yes yes mga sisters. Ayan ang nalaman ko sa kaklase ni Tisoy since yun lang naman ang nakausap ko sa grupo nila. Ni hindi nga ata ako napansin ni Tisoy mo that moment. Akala mo naman guwapo siya ehhh mas guwapo pa kay Tisoy yung nakausap ko or yung iba niyang katropa. Parang sa grupo nila, si Tisoy ang least handsome. Hindi pa niya pinansin ang ganda ko. Pero dedma na kasi hindi ko type yang Tisoy mo. Anu ba naman ang nagustuhan mo doon Chanda? Walang dating at walang karisma." Banat ni Ishy.
Pero ako, dedma na sa side comment ni Ishy. Lutang na ang isipan ko. Nagmumuni-muni na ako sa aking next step. What`s my next plan about kay Tisoy? Maraming bagay pa akong dapat malaman sa kanya. Maraming information pa akong dapat alamin tungkol sa kanya. Tungkol sa future asawa ko. Chooss. Atleast may progress na ang aking quest.
"Hindi mo nalaman name niya Ishy?" Tanong ni Karen.
"Naku obvious naman kung tatanungin ko si Tisoy kung anung name niya. Keme-keme nga lang yung chika ko sa kanila. Mahahalata ako kung, hoy! Tisoy anung full name mo kasi pinatatanong ng kaibigan ko? Hoy! Tisoy saan ka nakatira at anung age mo at may jowa ka ba? Mabubuking naman tayo noon." Paliwanag ni Ishy.
"Tama lang yung ginawa ni Ishy. Job well done ka talaga Ishy. Good research. Mas mapapadali ang paghahanap ko ng information about kay Tisoy dahil alam na natin kung anung year siya at shift. I really love you Ishy. Salamat na marami sa help." Litanya ko.
"After ko malaman yung info na yun, lumingon ako sa upuan natin at nakita kong wala na kayo doon. Kaya sabi ko sa kaklase ni Tisoy, sige kakain na ako ng masarap na dinuguan. May plan kasi akong itanong for the last last time kung anung section nila. Mas mapapadali ang pag-alam natin ng kanyang full name kung alam natin ang kanyang section." Kuwento ni Ishy sa amin.
"Ohhh! Naisip mo pala yun. Bakit hindi mo tinanong yung mismong section nila para naman mas lalong mapadali ang ating quest kay Tisoy?" Pagtatanong ni Karen.
"Paano ba naman, iniwan ninyo ako sa Canteen. Katulad nga ng kwento ko sa inyo kanina. Pagsilip ko sa table natin sa Canteen, wala na kayo doon. Iniwan ninyo na ako. Kaya sabi ko sa sarili ko, bahala na kayo. Hindi ko na ipush pa more ang research ko sa Tisoy ni Chanda. Kumain na lang ako ng masarap na dinuguan.
"Okay lang yun Ishy. Mas gusto ko nga na hindi ka na nagtanong sa kaklase ni Tisoy about sa Section nila. Una, baka isipin niya na may gusto ka sa kanya. Pangalawa, matagal na nga yung pagkaka-abala mo sa kanya. Sa pagtatanong mo about sa year level nila at shift ng pagpasok. And lastly, we will take everything one step at a time. Kahit na gustong gusto ko na malaman ang lahat ng tungkol kay Tisoy, we need to be careful sa mga aalamin natin. Ayokong malaman niya na may gusto ako sa kanya tapos hindi naman niya ako gusto. Mas maganda kung kikilalanin ko siya from sa malayo. Kapag alam ko na may gusto rin siya sa akin, mas madaling umamin sa feelings ko sa kanya." Mahabang paliwanag ko.
"Paano kung malaman mo Chanda na walang gusto sa iyo si Tisoy mo? Paano kung wala siyang pag-ibig sa iyo? Anung mangyayari sa pangarap mong fairytale?" Pag-uusisa ni Ishy.
"Napaka nega mo Ishy. We need to think positive for Chanda. Dapat isipin natin na mahal din ni Tisoy si Chanda. Napakabait kaya ni Chanda at pretty pa. Hindi siya mahirap mahalin. Mahal ni Tisoy yan kung makikilala lang niya." Sagot ni Karen.
"Mga bakla, nagtatanong lang naman ako. Siyempre gusto ko magkatuluyan sila ni Chanda. But ang tinatanong ko lang is paano kung hindi happy ending ang matuklasan natin? Paano kung may girlfriend na pala siya? Paano kung hindi niya like si Chanda?" Patuloy na pagtatanong ni Ishy.
"Paiibigin ko siya Ishy. Ipapakita ko kay Tisoy na ako ang pinaka best sa lahat. Ako ang dapat niyang mahalin at ibigin. Ako ang dapat niyang maging girlfriend. Kung sakaling may jowa na siya, gagawin ko rin ang lahat para maagaw si Tisoy sa kanya. Ipapakita ko na mas deserving ako kesa sa babaeng yun. Ako ang final answer ni Tisoy. Sa akin ang ligaya. Hahaha." Pagmamalaki ko.
"Ayan ang gusto kong sagot mo Chanda. Palaban at huwag kang susuko. Handa mong ipaglaban si Tisoy. Handa mong ipakita na ikaw ang tamang sagot sa buhay niya. At dahil diyan, all out ang support ko sa iyo. Iisip pa ako ng ibang paraan para makilala natin si Tisoy at para mapalapit ka sa kanya. I will help you Chanda all the way." Pag pupush sa akin ni Ishy.
"Same here Chanda. Alam mo naman mahal kita bff. Andito lang din ako sa kahit anung desisyon mo about sa Tisoy issue mo.
This is a good start for my research about Tisoy. Thank you so much Ishy. Sa pa ninja moves mo ng pagkuha ng info sa aking minamahal. Maraming salamat din Karen sa support mo sa aking quest. Maraming salamat talaga sa dalawa kong kaibigan na todo-todo ang push sa pagmamahala namin ni Tisoy. Bigla ko lang naalala.
"Tapos umalis ka na Ishy ng ganun-ganun lang? After mo malaman yung mga bagay na yun? Pagtatanong ko.
"Yes! Nakita ko rin naman na tapos na umorder yung mga kasamahan ni Tisoy at kakain na rin naman sila so babu na ako sa kanila. Para naman hindi rin makahalata yung grupo ni Tisoy na mausisa ako. Casual lang tayo dapat." Sagot ni Ishy.
"Okay na yun Ishy at Karen. May panimula na tayo sa pagsulong ng aking paglalakbay kay Tisoy`s world. It`s a best start sa aking adventure na malaman ang kanyang pagkatao. Our next task is malaman ang buong pangalan ni Tisoy at to get there is need natin ang kanyang Section. Doon na tayo magfofocus. Anu nga kaya ang pangalan ng aking minamahal na si Tisoy." Wika ko.
Maraming bagay na ang tumatakbo sa utak ko. Habang sila Karen at Ishy ay nag-uusap pa rin. Tinatapos rin ni Ishy ang kwek-kwek nito at sago at gulaman.Makikilala rin kita Tisoy. Maghanda ka at ang bagyong Chanda ay maglaland fall na sa mundo mo.
Sabay ring ng bell. Tapos na ang recess namin at kailangan na namin bumalik sa aming klase.

Komento sa Aklat (51)

  • avatar
    Chicco Montealto

    gamda

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Tricia

    ang ganda nang story kahit walang papa masaya parin

    26/02/2025

      0
  • avatar
    Jhay Elly

    bat kulang 😭😭😭

    09/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata