Chapter 11

Nag ring na ang School bell. Ibig lang sabihin nito ay recess na namin. Natapos rin namin ang apat na subjects para umabot sa recess time. Matagumpay ko ring nairaos ang aking reporting about sa Jordan. Nagpaalam na ang aming Teacher at bago ito tuluyang umalis ng Classroom ay nagbilin ito na may quiz kami bukas. Para sa mga topic na kanyang itinuro from today at nung nakaraang araw. Paglabas ni Maam ng Classroom ay nagsitayuan na rin ang mga kaklase namin. Ang iba ay nagmamadaling lumabas ng Classroom para magtungo sa Cnateen upang kumain roon. Habang may naiwan pa ring mangilan-ilan sa Classroom dahil may baon sila at doon kakain. Habang kaming magkakaibigan ay nakaupo pa rin sa aming upuan maliban kay Teresa. Bigla itong tumayo.
"Maiwan ko muna kayo mga friendships. Kailangan kong pumunta kay girlie. Sabay kasi kaming kakain sa Canteen. Alam ninyo naman na kakalipat pa lang ni Girlie sa School natin. Kaya todo alalay ako sa kanya." Litanya ni Teresa. Si Girlie ang nakababatang kapatid ni Teresa. Nasa 2nd Year level na ito sa aming School. This School year lang ito nagtransfer sa aming School from public. Mabait si Girlie at matuturing din namin na kaibigan since laging kasama ni Teresa ito. "Sige na, umalis ka na Tere. Sandali lang naman etong recess natin. Pupuntahan mo pa si Ga." Payo ko kay Tere. Ang "Ga" is short for Girlie.
Pagkaalis ni Teresa ay humarap ako sa kinauupuan ni Ishy. Sa likorang bahagi ng aking silya. "Hoy! Magsalita ka na. Anu na yung mga kailangan mong ireport sa akin? Ano na ang nangyari sa Canteen kanina? Anu na ang mga bagay na nalaman mo about kay Tisoy?" Pag-uusisa ko kay Ishy. Habang si Karen ay nakatitig sa aming dalawa. Umiling-iling si Ishy sabay banggit "Ano yan? Sasabihin ko ang mga nalaman ko about kay Tisoy tapos wala man lang ikaw pamerienda? Buti pa si Karen, pinakain mo kanina. Habang ako, wala kang suhol sa mga impormasyonggggg nalaman ko about sa Tisoy mo." Pang-iinis na sabi ni Ishy. "Ano kaya kung upakan kita Ishy? Ano kaya kung kurutin kita at sampal-sampalin? Ano kaya kung ipagkalat ko sa buong Classroom na ang crush mo dito ay si Ray?" Pananakot ko sa kanya.
"Grabe ka talaga sa akin Chanda. May pagbabanta na sa buhay ko para lamang sa nalaman ko about kay Tisoy. Hindi ka man lang malambing for some kwek-kwek po." Pagpapaliwanag ni Ishy. "Pagbigyan mo na Chanda. Kwek-kwek lang naman pala ang request ni bakla. Gora na sa Canteen. Pakainin mo na ito ng maraming balls. Alam mo naman favorite niya ang balls." Sabat ni Karen. Hindi ko alam kung anung gagawin ko. Matatawa ba ako sa biro ni Karen about sa balls kay Ishy or maiinis ako na mababawasan nanaman ang baon ko for today. Bawas sa iniipon ko for my plan na bumili ng cellphone.
"Kakairita talaga kayo. Panay bawas kayo sa baon ko. Sige na nga. Tara na sa Canteen at ililibre na kita ng kwek-kwek Ishy." Yaya ko. "Chaka sago at gulaman na rin Chanda." Hirit ni Ishy. "Aba, aba, aba, abuso na ang tawag diyan. Ililibre na nga kita ng kwek-kwek, magpapadagdag ka pa." Sita ko. "Minsan ka lang naman manglibre Chanda kaya susulitin ko na. Magpapalibre na ako ng todo-todo." Sagot ni Ishy. "Ako na bibili ng sago mo Ishy. Tara na sa Canteen. Mamaya-maya tapos na ang recess, wala pa rin tayo sa Canteen dahil sa haba ng diskusyon ninyo." Sabat ni Karen.
May point nga naman si Karen. Sa haba ng usapan namin ni Ishy sa palibre niya, matatapos lang ang recess nang hindi pa kami nakakapunta sa Canteen. Mas lalo na, hindi pa nakwekwento ni Ishy ang mga nalaman niya sa kanyang research about Tisoy. Kaya naman inayos na namin ang aming mga bag at nagtungo sa Canteen. Doon ay bumili ako ng kwek-kwek for Ishy habang si Karen naman ay bumili ng sago at gulaman. Habang ang pinakamaganda naming friendship ay naka upo at tuwang-tuwa sa makukuha niyang price for having an information about Tisoy. Sitting pretty na ito sa upuan malapit sa pinto ng Canteen. Pagkatapos namin mabili ang mga pagkain ay dumiretso na kami sa aming puwesto at binigay ang mga pagkain kay Ishy. Sa totoo lang naman, mas malaki pa nga ang baon ni Ishy kesa sa aming dalawa ni Karen. Hilig lang talaga nito magpalibre. Malaki na nga ang ipon niya kesa sa akin. Tapos magpapalibre pa. Sabi niya sa amin, may pinag-iipunan raw siya kaya todo save siya ng baon niya. Hindi nga lang namin alam kung anung pinag-iipunan niya.
"Ayan na ang lahat ng request mong food Ishy. Kaya simulan mi na ring magkwento sa nangyari kanina. Kung anu ba talaga ang kaganapan nang lumapit ka sa grupo nila Tisoy. Simulan mo nang magkwento dahil kapag ako nairita sa padelay-delay mo ay ipapasok ko yang kwek-kwek sa ilong mo." Pananakot at pagbabanta ko pero joke lang naman yun siyempre. "Sandali lang naman Chanda. Susubo lang ako ng isang kwek-kwek at lalagok ng sago at gulaman. Don't worry, kayang kaya kong magkwento while eating." Paliwanag ni Ishy. Nakaharap kami kay Ishy at naghihintay sa kanyang kwento.
"Alam ninyo naman na i'm so helpful sa mga friendships ko. Kaya naman nang ituro ni Chanda na yun ang Tisoy na crush niya, na nakasabay niya sa Jeep, i got an idea. Kaya habang nagkwekwentuhan pa lang kayo ni Karen, tumatakbo na ang isip ko. Nag-iisip na ako, ano kaya ang puwede kong gawin para malaman ko kung anung year and section and very specially is anu ang full true name ni Tisoy. O kaya naman alin sa mga iyon makuha ko. Kaya naman lumakad ako patungo sa pwesto nila Tisoy sa rice section ng Canteen. Nakikitabi ako kunyari sa mga tropa ni Tisoy dahil titignan ko nga yung mga ulam na binebenta nila. Ang naisip ko kasing paraan para makausap ko ang grupo nila Tisoy is kunyari customer din ako sa rice section. Bibili ako kunyari ng ulam at kanin. Habang nasa tabi ko na ang grupo nila Tisoy ay tumitingin rin ako ng mga ulam na nasa shelves. Habang pasikretong tinitignan ang mga kagrupo ni Tisoy. Umorder na sila sa Cashier ng ulam at kanin, siyempre umeeksena ako doon. Papakabog ba tayo." Paglilitanya ni Ishy.
"Naku! Ishy! Focus na muna sa kuwento mo. Mamaya na yang pabida effects mo. Bilisan mo na. Ilang minutes lang itong break natin noh." Sagot ko sa paligoy-ligoy ni Ishy.
"Ok. Fine. Ayun na nga nakatingin na ako sa mga ulam. Habang sila naman ay naka order na sa kahera. Nakapili na sila ng kanilang bibilhin. Then kinausap ko na yung isang kasamahan ni Tisoy mo. Siyempre hindi ako naka focus kay Tisoy mo para hindi nila matunugan na siya talaga ang target ng aking research.
"Iho, anu yung napili mong ulam pala? Sabay lingon at bungad ni Ishy sa isa sa mga kaibigan ni Tisoy.
"Dinuguan ho. Mukha kasing masarap talaga." Sagot naman ng isa sa kasamahan ni Tisoy.
"Subukan ko nga yang dinuguan nila. Ayan na rin ang bibilhin ko." Tugon ni Ishy sa kasamahan ni Tisoy.

Komento sa Aklat (51)

  • avatar
    Chicco Montealto

    gamda

    13/05/2025

      0
  • avatar
    Tricia

    ang ganda nang story kahit walang papa masaya parin

    26/02/2025

      0
  • avatar
    Jhay Elly

    bat kulang 😭😭😭

    09/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata