Homepage/Unexpected Love Triangle (Unexpected Trilogy 1)/
CHAPTER 56
CHELSY P.O.V. Kararating lang namin sa pilipinas, umaga na ngayon. Sumakay kami sa eroplano'ng pagmamay-ari ng Family namin para mapadali makarating. Ngayon nagpapahinga muna ako sa mansion at nandito ako sa kwarto ko. Nakakapagod, hindi na nga ako nakapagpaalam kay Mom dahil si Dad na ang nagsabi. Hinawakan ko ang phone ko kasi tumunog, may nag-text. Pag-open ko bumungad sa 'kin ang text ni Albert. Ang text nya welcome back. Ang bilis nya naman makaalam na nandito na na ako. Napagisip-isip ko 'yong sinabi sa 'kin ni Dad. Ang alam ko lang naman na magpapasaya kay Mom ay kung papayag ako sa arrange marriage. Ewan ko, pero bahala na ang tadhana. Nag ayos na ako ng sarili ko dahil pupunta ako sa puntod ni nanay at tatay, nami-miss ko na kaya sila. Hihingi ako ng tawad dahil ngayon ko na lang ulit sila mabibisita, naging busy kasi ako. Babawi ako sa kanila. Pagkalabas ko ng mansion, sumakay na ako ng kotse ko. Ilang oras pangpagmamaneho, narating ko na ang sementeryo kung nasaan sila. Hindi ko mapigilang maluha kapag pumupunta ako rito. Para sa 'kin kasi ayoko silang mapunta rito, gusto ko laging buhay sila kasama ko. Ang Diyos na ang nagdesisyon kaya wala naman akong magawa. Aaminin ko nawala ang pananampalataya ko no'n sa Diyos no'ng mawala sila. Ang hirap kasing tanggapin, mga alaala na lang ang natira at hinding-hindi iyon mawawala. Yumuko ako at inilagay ko ang bulaklak na dinala ko para sa kanila, magkatabi sila ng puntod. Umupo ako sa ibaba at nagsimula na akong magsalita. "Nay, tay, kumusta po kayo riyan? Ayos lang po ba kayo? Lagi nyong tatandaan mahal na mahal ko kayo. Pasensya na po kung dati medyo matigas ang ulo ko, na hindi ko man lang naiparamdam ng sobra ang pagmamahal ko sainyo. Pasensya na rin po kung ngayon na naman lang ako nakabisita, madami po kasi akong problema. Alam ko kung nandito kayo, papayuhan nyo ako. Galit po sa 'kin si Mom dahil sa pagsisinungaling ko, siguro tama lang na pumayag na ako sa fixed marriage para naman magkaayos na kami," Bigla na lang nilipad ng hangin ang isang pirasong bulaklak kaya napatingin ako kung saan hinahingin. Nakita ko na pinulot ng isang lalaki at tumingin sa 'kin. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo ako para magpagpag. "A, pasensya na ito," nakangiting sabi no'ng lalaki at iniabot sa 'kin ang isang bulaklak na hinangin. Nakaitim syang damit at maong na jacket. Matangkad din sya at may dimple. Mistiso at mukhang mabait. "Salamat," sambit ko. Umalis na 'yong lalaki at bumalik ulit ako sa puntod ni nanay at tatay. Bumuntong hininga ako, hindi dapat mabasan 'tong bulaklak na dinala ko sa kanila. "Nay, tay, aalis na po ako. Makikipag-kwentuhan po ulit ako sa inyo next time. Magpakabait po kayo rito, ah," Dahan-dahan na akong naglakad papaalis. Pagkarating ko sa kotse ko, pumasok na ako sa loob. Nagmaneho na ulit ako, pabalik ng mansion. Pagkarating ko sa mansion, pumunta ako sa balcony para sana magpahangin, pero nakita ko si Mom. Napalingon sa 'kin si Mom kaya hindi ko na naitapak ang paa ko paalis. Lumapit ako sa kanya. "Mom, I'm really sorry. Hindi ko ginusto na magalit ka sa 'kin. Mom, gusto ko na pong punayag sa fixed marriage," saad ko. Nagulat si Mom sa sinabi ko. "Chelsy, tama ba ang narinig ko?" Ngumiti ako. "Opo," "By the way, hindi pa naman agad-agad ikakasal ka. Hindi kami papayag do'n, gusto namin kilalanin mo munang mabuti ang fiance mo. Magkaroon kayong dalawa ng good connection. Pwedeng next year pa ang kasal," saad ni Mom. "Salamat po, for me good idea na rin po iyan," "Pumunta ka pala sa house ni Albert, nando'n si Mrs.Diaz, kunin mo sa kanya 'yong gamit na naiwan ko sa kanya," utos ni Mom. "Ano pong gamit?" "Alam 'yon ni Mrs.Diaz, sabihin mo lang sa kanya. Ang sakit kasi ng lalamunan ko magsalita, naparami ako ng inom ng malalamig," saad ni Mom. "Uminom po kayo ng gamot," suhestyon ko. "Sige, pumunta ka na ro'n para makuha mo agad. Tawagan mo ako kapag nakapunta ka na ro'n," Pumayag naman ako. Pumunta muna ako sa kwarto ko dahil kinuha ko ang shoulder bag ko. Ngayon papunta na ako sa house ni Albert. Minaneho ko na ang sasakyan ko. Na-realize ko na lagi akong pagod araw-araw kasi naman lagi akong abala. Hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag na ako sa fixed marriage. Ilang minuto pa ay narating ko na ang house ni Albert. Nakabukas naman ang gate kaya pumasok na ako. Kuntok ako sa main door kasi sarado. Himdj ko inaasahan na isang babae ang bubukas ng pinto. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. "Si Albert?" tanong ko. "Bakit?" mataray nyang tanong. "A, nandito ba si Mrs.Diaz?" Bigla na lang may umakbay do'n sa babae si Khuys. Nakita nya ako kaya nagulat sya. "Chelsy, nandito ka pala. Pasok ka, babe dapat pinapasok mo agad sya," saad ni Khuys. "Hindi ko naman kasi alam na kakilala nyo sya. Ayokong magpapasok ng hindi kilala sa bahay ni Albert," saad no'ng babae. Hinila ako si Khuys papunta sa loob kasi naiinitan na ako ng sikat ng araw. "By the way, Chelsy meet Kathrina. She's my girlfriend," pakilala ni Khuys do'n sa babae. "A, hi," bati ko at iniabot ko ang kamay ko. Hindi ako kinamayan ni Kathrina, medyo mataray sya. Nag-walk 'yon papuntang kitchen. "Pasensya na, bad mood kasi hindi ko pinagbigyan sa gusto. Ano pa lang ginagawa mo rito sa bahay ni Albert, bumisita lang kami rito kasi kaarawan ni Albert ngayon. Mamayang gabi ang party-party," masayang sabi ni Khuys. Nagulat ako sa sinabi nya, birthday ni Albert ngayon. Parang kapareho 'to ng araw na natanggap ko 'yong panyo. "Birthday ni Albert ngayon?" tanong ko. "Oo, hindi ba nya nasabi sayo?" "Hindi, pumunta ako rito para kay Mrs.Diaz, nandito ba sya?" "Wala, mamaya sya pupunta rito. Mamaya magsisidatingan ang bisita ni Albert. May mga nakuha na kaming magtatrabaho ng lahat, nag aayos na sila ro'n sa likod at sa may garden. Mapupuno kasi ng mga bisita ang bahay nya lalo kung mabalitaan ng mga estudyante nya na kaarawan nya," "Gano'n ba, babalik na lang ako sa susunod na araw. Salamat," tugon ko. "Hindi, dito ka lang. Ayaw mo bang makisalo rito? Masaya pa naman, nandito si Mama siguradong hindi nya papayagang umalis ka kapag pinaalam ko sa kanya. Nagluluto sya ngayon, kain ng kain nga si Kathrina kaya nakita mong pumunta sa kitchen," natatawang sabi ni Khuys. "Si Kurt at si Akira, invited ba?" "Oo, syempre," "Aalis na talaga ako, hindi ako invited nakakahiya," "Sige, tatawagan ko si Albert para sabihin sayo na invited ka talaga." Kinuha ni Khuys ang selpon nya sa bulsa nya. Nang magda-dial na sya, pinigilan ko sya. "Wag na, please. Sige, papayag na ako," saad ko. Madami namang bisita, hindi na lang ako magpapakita kay Albert.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (108)
yuyyen
good story author keep it up!
21/05/2022
0
Velasco Mahaw Velasco
Gosto ko Ng Pera opng epabele Ng gamet ko opng may
good story author keep it up!
21/05/2022
0Gosto ko Ng Pera opng epabele Ng gamet ko opng may
09/11/2024
0thx for this
26/10/2024
0Tingnan Lahat