Chapter 34

"Papunta na si Sandro rito para sunduin ka. Siya ang maghahatid sa 'yo pauwi." Malamig ang boses ni Nabrel, hindi nag-aangat ng tingin sa akin. Bagsak lamang ang tingin niya sakaniyang plato habang nag-aalmusal kami kinaumagahan.
Ngumuso ako at tipid lamang na tumango. Suot ko na ang pulang sweaters ko na nilabhan ni Manang Minda. Kung baliw lang ako, nanakawin ko ang mga damit niya at dadalhin ko sa pag-uwi. There is something comforting about being able to get a whiff of his clothes. It's calming... comforting...
And aside from that, I rock his clothes more than I probably should.
Thank God the rain has stopped and the sun has already come out. The warm and vibrant light of the sun made its way inside the room through floor-to-ceiling windows.
Nagdala siya ng pagkain dito sa kwarto at sabay kaming kumain. Tahimik lamang kaming dalawa. Pasulyap-sulyap ako sakaniya habang matipid na hinihigop ang aking kape.
He was wearing a dark blue sleeveless shirt and white shorts. Muscles rippled under his shirt. My gaze dropped to his powerful chest. Hindi ko man gustuhin, nagtagal doon ang titig ko. The sight of his arm muscles made my cheeks turned red. Buong mukha ko pa yata ang namula! Kinabahan ako kaya't tinapon ko kaagad sa ibang direksiyon ang aking paningin.
Nang matapos ay siya na ang nagligpit. Lumabas siya upang ibaba ang tray. Habang ako naman ay naghanda na sa pag-uwi.
Sinusuklay ko ang aking buhok nang marinig kong bumukas ang pintuan. Naaninag ko ang nakangising si Sandro habang sumisilip mula roon.
"Good morning, Ma'am! Maayos na ba ang paa mo? Handa ka na bang umuwi?" masigla niyang bungad at dahan-dahang itinulak ang pintuan na tila ba nag-iingat.
"Woah! Lamig!" Umakto pa siya na tila nanginginig at niyakap ang sarili.
Nanatili akong nakaupo sa kama. Ngumiti ako sakaniya.
"Hindi naman malala ang pilay ko," tugon ko.
Nakatayo lamang siya sa pintuan habang yakap ang sarili. Natanaw ko ang pagsulpot ni Nabrel sa likuran niya. Tumabi si Sandro upang makapasok siya.
"Engineer, happy birthday!" maligayang bati ni Sandro na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko. Next week pa, ah?
"Sa susunod na linggo pa," aniya habang papasok siya sa banyo. Sumunod nang kusa ang mga mata ko sakaniya.
"Ganoon din iyon!" Lumingon sa akin si Sandro at malapad na ngumisi.
"Pwede bang kumain muna ako, Ma'am, bago tayo umalis?"
"Sure! I'll just wait here. Hindi naman ako nagmamadali." Ngumiti ako.
"Kumain ka na ba, Ma'am? Sabay na tayo." Malapad ang ngiti ni Sandro sa akin.
"Uhm, I already had my breakfast." Nilingon ko si Nabrel na kalalabas lang mula sa banyo at ngayo'y patungo sa maliit na mesa.
"Lumabas ka na, Sandro," aniya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at sandaling tinignan iyon bago ibulsa sakaniyang shorts. Pagkatapos ay lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay habang bahagyang nakanguso. Umirap lamang ako at ipinagpatuloy ang pagsusuklay.
"Lalabas na nga. 'To na." Hindi ko na nilingon pa ang paglabas ni Sandro.
"Here." Inilahad ko ang pinahiram niyang telepono sa akin. Naglakad siya palapit at tinanggap iyon.
"Did you call your husband? Binura mo ba lahat?" Seryoso siyang tumitig sa akin.
"Binura ko. Walang bakas. Don't worry," I said lazily.
I didn't even call Davien actually. Kahit text ay hindi ko ginawa. Nagbukas lang ako ng social media account.
Hindi siya sumagot at naglakad na lamang palayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makapasok siya sa kaniyang closet. Nang lumabas ay napansin kong nagpalit lang siya ng puting t-shirt.
Nabrel applied ice pack to my ankle while we were waiting for Sandro. Siya rin ang nagbuhat sa akin patungo sa bangka. Akala ko ay hindi siya sasama ngunit sumakay din siya nang nakaupo na ako. Pinili ko na lamang manahimik.
Nakatanaw lang ako sa paligid habang sakay ng bangka. Silang dalawa ni Sandro ay nakatayo at panaka-naka ang tawanan habang nag-uusap.
Binuhat niya rin ako nang makadaong kami. Inakyat niya ako patungo sa aking kwarto.
"Ibibilin ko kay Manang Fely na dalhan ka na lang ng pagkain para hindi ka na bumaba," aniya habang nakapamaywang sa harapan ko.
"Okay. Thank you..." I whispered and smiled a bit.
Ilang sandali siyang tumitig sa akin bago nag-iwas ng tingin. Ngumuso ako nang muli niya akong sulyapan.
"Uhm, are you leaving now?" marahan kong tinig. Biglang uminit ang pisngi ko. Kinagat ang aking labi at halos sampalin ang sarili.
Why the hell did I ask that?
He slightly nodded and ran his fingers through his thick hair.
"Dito ka na lang muna sa kwarto mo hanggang sa gumaling iyang paa mo."
"Fine. Umalis ka na kung aalis ka. Just please close the door," walang gana kong tinig.
Hindi na siya nagtagal pa at tinalikuran na ako. Napairap ako sa hangin nang tuluyang sumara ang pintuan paglabas niya.
Isang linggo rin ang itinagal bago tuluyang gumaling ang paa ko. Nakakapaglakad na ako nang maayos ngayon. Nasa kwarto lang ako sa loob ng isang linggo. Madalas bumisita si Sandro at ipinagdadala ako ng kakanin. Kahit papaano, naging magaan na ang loob ko sakaniya. Natutuwa ako sa tuwing binibisita niya ako dahil napupunan nito ang pagkainip ko.
Inaamin ko, umaasa akong pupuntahan ako ni Nabrel upang kumustahin. Kahit sandali lang, 'di ba? Pero hindi iyon nangyari. Ayaw ko namang magtanong kay Sandro. Baka pa makarating sakaniya na hinahanap ko siya. Madaldal pa naman ang Sandro na ito.
I don't even know if he's already in Manila. At kung kasama ang babaeng nagngangalang Devona. Kung talagang hindi siya kasal kay Lily tulad ng inakala ko noong una, Devona must be his girlfriend then.
Ngunit bakit "Papa" ang tawag sakaniya ng anak ni Lily kung ganoon? Who's the father then? Sakaniya ba lumaki ang bata?
Nagbuga ako ng hangin. I should stop thinking about all of this. Ayaw kong mabaliw. Kung anuman ang nangyayari sa buhay niya, wala na dapat akong pakialam doon. Hindi na dapat ako nag-aaksaya pa ng panahon para isipin ang lahat ng ito.
It's been a fucking decade. Ilang beses ko ba kailangang ipaalala sa sarili ko na ibang-iba na ang mga buhay naming dalawa ngayon? I'm married to Davien, and he's already a successful engineer.
Hindi mo pa ba nakikita kung gaano kalaki ang nagbago? Hindi pa ba malinaw sa 'yo?
Napahugot muli ako nang malalim na hininga habang naririnig ang bulong sa aking isip.
"Lalabas po kayo, Madam?" untag ng isang kasambahay nang makita akong pababa sa hagdan.
Ngumiti ako. "Magpapahangin lang. Pakisabi na lang kay Manang Fely kung hanapin ako."
Tinanaw ko ang malumanay na dagat habang nakahalukipkip. Sumasabay sa ihip ng hangin ang suot kong lilac floral cami dress. Iniwasan ko ang pagdampi ng tubig sa aking mga paa. A small smile appeared on my face as I tossed my head back and raised my eyes to the orange sky. My consciousness relaxed and I felt the happiness of my life bubble up from within. Salty wind whipping my long wavy hair calmly around my eyes.
The comforting wind carries the salty fragrance of the sea. Waves pounding the shore, clouds scudding across the blue sky... all of this seemed so perfect.
I suddenly realized... everything that we see could symbolize a certain thing. The sunrise... it symbolizes a new beginning. The moon, for me, it symbolizes hope because despite the darkness, despite all the struggles, there's a light which reminds us to keep going, to keep showing up. And that's what makes our world extraordinary.
Marahan akong pumikit at nilanghap ang sariwang hangin. Sa pagmulat ng aking mga mata, kasabay niyon ang pait sa aking puso. Dahan-dahan kong pinakawalan ang hangin at humakbang paatras. I was about to walk away when I felt a strong presence behind me. Mabilis akong napaharap at mabilis ding napaatras.
His forest eyes greeted me. Seryoso ang kaniyang mukha. Bahagyang umangat ang kilay niya nang makita ang pag-atras ko. Maging ang marahan na pagtangay ng hangin sakaniyang buhok ay hindi nakaligtas sa aking paningin. Nag-iwas ako ng tingin at palihim na kinompronta ang sarili dahil sa mabilis na tibok ng puso ko dala lamang ng kaniyang presensiya.
"I thought you're already in Manila," malamig kong sinabi. Pasimple ko siyang sinipat mula sa gilid ng mga mata ko. Mabilis lamang iyon ngunit nahuli kong nakatingin siya sa akin.
"Dalawang linggo pa ako rito. May kailangan pa akong asikasuhin." Napansin kong walang lakas ang boses niya, malamig at marahan.
Napaangat naman ang kilay ko sakaniyang turan at hindi napigilang sulyapan siya. Siya naman ang nag-iwas ng tingin at tinapon ang paningin sa karagatan.
"Dito ka magce-celebrate ng birthday mo?" Wow. I sounded like we were actually friends, huh? Naalala ko lang bigla na malapit na ang kaarawan niya.
Napansin ko na suot niya ang isang kulay puting button down polo shirt and a gray chino shorts with a pair of leather slides. It's kinda funny and weird because I'm also wearing a white polo dress and a leather slides. I should have worn my usual summer dress. Pero ano naman, 'di ba? Bakit? Siya lang ba ang may karapatang magsuot ng ganito? Baka sabihin pa nito na ginagaya ko ang outfit niya!
Kibit-balikat lamang ang tanging tugon niya nang hindi ako nililingon. Ngumuso ako at napakurap.
"Well..." I trailed off.
Why is he even here? Hindi ako handa sa usapan na ito! Bigla na lang siyang sumulpot mula sa kung saan.
"Enjoy," I nonchalantly said. Ano pa bang kailangan kong sabihin, 'di ba?
"Ikinalulungkot ko ang pagkawala ng ama mo. Pasensiya na... kahapon ko lang nalaman," he spoke in a low rough voice, not taking his eyes off the horizon. Something about his voice quickened my pulse.
I smiled a little, not knowing what to say. Pinili ko na lamang na huwag nang sumagot.
Okay. This is getting awkward. I think I should go. I really need to go.
"Uhm, mauuna na ako." Tinuro ko ang daan pabalik sa mansiyon. Bahagya pa akong napangiwi dahil parang kahit simpleng pagpapaalam lamang sakaniya ay labag sa loob ko.
Teka lang...
Why did he smell like he had alcohol on his breath? Uminom ba siya? Pero napakaaga pa! Pero ano naman sa akin? Bahala siya. Buhay niya iyan. Atay niya iyan.
Pero kailangan ko ba siyang imbitahing pumasok? Kailangan pa ba iyon? Nakapasok na rin naman siya sa amin noon! There's no need to do that. At ano namang gagawin niya? Magkakape? Umuwi na lang siya at doon magkape tutal mukhang may tama ang isang ito.
He raised his eyebrow at me. Bigla akong nailang sa pagtitig niya. Hinawi ko ang aking buhok kasabay ng pag-iwas ng tingin.
Damn...
"Kumusta ka na?" His voice was calm.
Mabilis na napabalik ang tingin ko sakaniya dahil inakala ko'y niloloko lang ako ng sarili kong pandinig. Ngunit naabutan kong nakatitig siya sa akin, seryoso ang mga mata.
Umawang ang mga labi ko at ilang segundong nakipagtitigan sa berdeng mga mata niya.
He pursed his lips and looked away. Tila ba hindi niya nagustuhan ang reaksiyon ko. Doon ako tila nagising.
"Uhm, I-I'm good," wala sa sarili kong tugon. Tila naibulong ko lamang iyon sa hangin.
Tipid na umangat ang sulok ng kaniyang labi. "Hindi kasi kita nakumusta noong nasa bahay ka..." Sandali siyang natigilan. "Ang ibig kong sabihin..." Bahagya siyang natawa. Hinaplos niya ang kaniyang buhok.
"Wala namang masama, 'di ba? Na kumustahin ka?" napapaos niyang sinabi. Pumungay ang kaniyang mga mata habang nakaabang sa akin.
Doon ko nakumpirma na nakainom siya. Paano siya nakapunta rito?
Bahagyang umawang ang aking bibig, kinakapa ang mga salita. Ramdam ko rin ang panunuyo ng lalamunan ko ngunit pinilit kong maghanap ng sagot.
"No... of course not..." Tipid akong natawa sa kabila ng aking kaba.
Ibinulsa niya ang isang kamay at nagbuga ng hangin. Mabilis na bumaba ang kaniyang tingin. Kaagad kong natanto kung ano ang dinudungaw niya. I unconsciously brushed my wedding ring with my fingers.
Kumunot ang noo niya at mabilis na iniwas ang tingin, tila naalarma sa kung saan.
Kinagat ko ang aking labi at ibinagsak ang mga mata sa buhangin. Nanuyo ang lalamunan ko sa simpleng pag-uusap na ito.
It feels... weird to talk to him. Iyong kaswal na pag-uusap. Hindi ko matanto kung may mali o ako lang ba talaga ang may problema sa aming dalawa. Mukhang hindi naman kasi siya apektado. Ako lang itong kung anu-ano ang iniisip. Ako lang itong praning. Ako lang itong... nakakaramdam ng kirot.
"What about... what about you, Nabrel? Kumusta ka?" bulong ko, nakatitig sakaniya.
He licked his lips and bit it. Iniwas ko ang tingin ko roon at pasimple akong nagbuga ng hangin.
"Ikaw? Tingin mo? Mabuti ba ako? Maayos kaya ang lagay ko ngayon?" May munti siyang ngiti ngunit ang mga mata ay tila unti-unting dumidilim.
Tumitig lamang ako sakaniya, hindi malaman ang isasagot. Pinoproseso pa ng utak ko ang kaniyang sinabi.
"Hmm?" Umangat ang isang kilay niya na tila ba nag-aabang sa isasagot ko.
"I think you're perfectly fine now... you have everything..." Hindi ko man gustuhin ngunit ang panginginig sa boses ko ay siyang nangibabaw. I smiled. "I-I'm so happy for you. And I heard from Sandro na ikaw ang nagpapaaral sakaniya after the death of his older brother na si Kaloy. I'm sure Kaloy is very happy. Noon pa man, alam ko na magagawa mo. I'm so... proud of you. I really am, Nabrel..." I mumbled, trying to control the quiver in my voice. It felt so overwhelming for me to say those words. Nang kaming dalawa lang... sakaniya lang, dito sa payapang lugar.
Lumunok ako at sinikap na ngumiti sa kabila ng pagsikip ng aking dibdib.
Tuluyang nabura ang napakatipid niyang ngiti. Natulala na lamang siya sa akin. Hindi ko matukoy kung may hindi ba siya nagustuhan sa sinabi ko. Kung anuman ang iniisip niya, hahayaan ko na lamang siyang isipin iyon. Kung may nabuo man siyang konklusyon sa mga salitang binitawan ko, hahayaan ko na lamang siya...
"Oo naman. Kinaya ko. Nagawa ko kahit wala sa tabi ko iyong talagang pinangarap ko. Ayun. Kasal na." Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman nang marinig ang panginginig ng kaniyang boses.
"May anak na nga, eh." Pagak siyang natawa kasabay ng marahas na paghaplos sakaniyang buhok.
Nag-iwas ako ng tingin. Suddenly, it was so hard to breathe.
"Kaya ano sa tingin mo, Talianna? Maayos ba ako?" Ang boses niya ay nahimigan ko ng pait at tila nanghahamon. Tanaw na tanaw ko ang talim sa mga mata niya.
Nablangko ang isip ko. Wala akong makapang mga salita. Nakatanaw lamang ako sa mga mata niyang punung-puno ng pait. His eyes were bloodshot. For a moment, I was admiring the light of anger in his eyes. Ngunit habang lumilipas ang bawat segundo, dumodoble ang kirot sa aking puso.
"What do you mean..." bulong ko sa nanghihinang himig kahit pa na alam ko ang ibig-sabihin ng lahat ng nasa likod ng mga salitang binitawan niya.
Muling bumaba ang tingin niya sa aking kamay. Nagsalubong ang kilay niya at punung-puno ng dilim ang ngisi.
"Sabihin mo sa asawa mo, ang pangit ng binili niyang singsing! Hindi bagay sa 'yo. 'Di ba maraming pera 'yon? Ang pangit ng singsing na 'yan! Ni hindi ko kayang tignan sa sobrang kapangitan!" he responded with a bitter laugh.
"You're drunk," mariin kong sambit.
"At ano ngayon kung lasing man ako o hindi?" Matalim ang kaniyang boses, maging ang kaniyang titig.
"You don't know what you're saying–"
"Alam ko! Tangina! Alam na alam ko!" malupit niyang putol sa akin.
I gasped. "What the hell is wrong with you?" asik ko sakaniya at ngayon ay naiirita na.
"Ikaw ang what the hell! Tss!" aniya pa na tila nag-uumapaw ang iritasyon. Umiling siya at mapait na nag-iwas ng tingin.
"I'm going. This is ridiculous," saad ko nang may diin. Handa na akong umalis nang marinig siyang matawa nang may pang-iinsulto.
"Sige! Umalis ka! At ano? Magsusumbong ka sa asawa mo? Anong sasabihin mo? Na hina-harass ka ng ex mo?! Sige! Magsumbong ka! Galingan mong magsumbong, Talianna! At pakisabi putangina niya kamo!"
"This is so stupid... you are so stupid," bulong ko at umiling. Marahas akong nagbuga ng hangin at seryoso siyang muling hinarap. "You have to leave now. You're drunk and I don't even know how you got here. You know what? Umuwi ka na. I'll call Sandro para siya na ang maghatid sa 'yo–"
"Hindi na. Kaya kong mag-isa," mariin at malamig niyang sinabi. Hindi na ako nakasagot pa dahil walang pag-aatubili siyang tumalikod at mabagal ang mga hakbang habang papalayo. He walked normally. Hindi pasuray-suray o anuman. I was kinda worried dahil sa kalagayan niya ngunit ayaw ko na ring ipilit pang tulungan siya because obviously, he didn't want to get involved himself with me. Alam ko naman iyon. And so did I. Ano pa bang mapapala ko? I should just stay within my limits.
Tinanaw ko na lamang ang papalayo niyang pigura. Gustuhin ko man siyang tawagin muli ay tila may pumipigil na sa akin. I felt a tight feeling in my throat. I sighed deeply.
Mag-aalas nuebe na nang magising ako noong sumunod na araw. Kinumusta ko si Vendrick at tiniyak na nag-breakfast siya. Nagbilin ako ng ilang mga bagay sa yaya niya bago ko tapusin ang tawag.
Paulit-ulit lang ang mga ginagawa ko sa lumipas na isang linggo. Nagbasa ng mga emails at ilang imbitasyon sa mga party.
Isinuot ko ang isang pulang one-piece at pinatungan ito ng isang simpleng chiffon na cover-up.
"Maliligo ka? Nililinis ang pool," si Manang Fely nang makita ako.
"Kanina pa po ba?"
"Halos kasisimula lang, eh. Pakidala mo nga pala itong kape. Hindi pa raw iyon nakapagkape kanina." Tipid siyang ngumiti at nagkibit-balikat pa.
Sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa akin ay may nabuo ng pangalan sa isip ko. Nilingon ko ang daan patungong pool. Ano na naman bang ginagawa niya rito?
"Kayo na po ang maghatid. Aakyat na lang po ulit ako." Handa na akong tumalikod nang marinig ang bwelta ni Manang Fely.
"Oh, eh, ba't mo iniiwasan?" May kakaiba pa sa tono niya.
Tamad akong napairap.
"I'm not avoiding anyone, Manang," malamig kong tugon.
"Oh, eh, ba't aakyat ulit?" Bumungisngis pa!
Nagbuga ako ng hangin bago walang imik na kinuha ang tasa kasama ang saucer nito.
"I'm married, Manang," I muttered quietly when I heard her laugh.
"Wala akong sinasabi, Talianna. Ikaw itong malisyosa riyan! Aba! Pinapahatid ko lang iyong kape ng tao!"
Napairap na lamang ako sa tono niyang animo'y may ipinaglalaban. Hindi na ako nagsalita pa at tumulak na patungo sa pool. My heart was suddenly pounding so hard against my chest. I tried to ignore it.
This... this is what I hate the most about him!
Natanaw ko kaagad siyang hawak ang isang leaf rake, inaabot ang mga nahulog na dahon sa pool. Dumoble ang kalabog ng puso ko nang sumulyap siya sa akin.
Nag-iwas na ako ng tingin nang mapansing tumagal ang titigan namin. Mabilis kong inilapag ang kape niya sa may mesa. Hindi na ako muli pang lumingon sa direksiyon niya at mabilis ko siyang tinalikuran.
Wala naman akong dapat sabihin. Hindi namin kailangang mag-usap. Walang dapat pag-usapan.
Hindi na ako bumaba pa pagkatapos niyon hanggang sumapit ang tanghali. I don't know if he's still there or if he has already left. Pero kanina ay tanaw ko siya muli rito sa aking kwarto, naggugupit naman siya ng halaman sa hardin. Ano bang trip niya sa buhay? Sawa na ba siyang magtayo ng mga gusali at gusto niya nang bumalik sa pagiging hardinero namin? Naglinis pa ng pool! Wala ba itong mga naka-imbak na trabaho at nagsasayang ng oras dito?
Huling silip ko sa hardin ay hindi ko na siya matanaw. Mukhang umuwi na. Mabuti naman dahil hindi ako bababa hangga't narito siya.
Nawalan na ako ng ganang mag-swimming kaya't bumaba na lamang ako upang mananghalian. I thanked all the gods and goddesses when Manang Fely mentioned that Nabrel has already left, though I didn't ask anything about him.
"Siya lagi naglilinis ng pool 'pag nagbabakasyon siya rito sa Belleza Eterna. Eh, hinahayaan ko na lang syempre kilala ko naman. Wala raw siyang magawa kaya iyon na lang ang pinagkakaabalahan niya. Palaging may dalang mga lamang-dagat sa tuwing bumibisita rito noong nasa ibang bansa ka pa. May dala nga siya kanina. Cake yata iyon. Nasa ref." Patuloy ang kwento ni Manang Fely sa kalagitnaan ng tanghalian namin habang ako'y tahimik lang at minsa'y tumatango.
Nag-angat lamang ako ng tingin kay Manang Fely nang marinig ang paghugot niya ng malalim na hininga. She was smiling but her eyes were saying otherwise.
"Sayang, ano?" Umiling siya nang makita ang pananahimik ko. "Oo, alam ko..." She sighed deeply once more.
"May pamilya ka na at masaya. Pero... sana siya rin, hija... sana masaya rin siya, ano?"
Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Manang Fely bago tahimik na pinagpatuloy ang pagkain. Kinurot ang aking puso kasabay ng pagbigat ng aking paghinga.

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    Elmira Tagalogon

    10ml Robux please

    24/03/2025

      0
  • avatar
    KA ZU MI Rojo

    maganda

    08/10/2024

      0
  • avatar
    Bien Castillo Rañosa

    happy birthday to my

    27/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata