CHAPTER 62

Liam's POV
"My god, Dominique! What are you thinking? Bakit mo pinaalis si Summer sa townhouse? Paano kapag nalaman 'to ni Daddy?!"
Napailing ako at hindi ko pa rin siya pinapansin. She looks more worried than me. Right, Dad is the scariest person we ever met. He even assaulted us when we were kids. He sent off Dianne abroad at hindi man lang siya naka-graduate ng College. He ruined us. He ruined our future, our lives, lahat na. If he treated
me unfairly, paano pa kaya si Dianne?
And now, the issue of inheritance.
"I'm not in the mood to talk," I replied. I felt dizzy. No, I felt wasted. Papaakyat na ako sa taas pero hinablot niya ang kamay ko.
Napaupo ako sa hagdan nang mag-sink in na naman sa akin. I thought drinking can make me forget. It makes me worse.
"Liam, ano bang nangyari?"
Then again, my tears burst out like a river. Even talking about it can crash me into pieces. "I broke up with her."
"Dominique!" she yelled. I looked away. Dianne is madly aware about the consequences. My Dad would disown me at this rate. Without our marriage, Dad can't seal every deal that he made.
"I have no choice. I have to."
"Baka pwede naman pakiusapan. Ask Summer to reconsider o baka pwede pa naman kayong magkabalikan?" Tinulak ko siya papalayo.
"Umalis ka na. Dad can't know that you're here."
"Liam, Gusto mo rin bang matulad sa akin?!" She slapped me hard. Dahil sa ginawa niya ay nakita ko ang pasa niya sa braso na natatakpan lang dahil sa suot niyang long sleeve.
Tumayo ako at hinigit ko ang damit niya. "Dianne, ano 'yan?!"
Napapikit na lang ako. My blood boils every time I think about it. Dad sets her up to an abusive asshole. "Siya ulit?"
I clenched my teeth when she slowly nodded. "Tangina, Mapapatay ko siya." Agad kong kinuha ang susi ng kotse.
"Liam…." Hinawakan niya ang kamay ko at halos mapaluhod na siya sa sahig. "Okay k-kami."
"Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na hiwalayan mo na 'yan?! Ate naman! Gago nga siya. 'Di ba nahuli mo na rin 'yang nambabae? Pinahiram pa 'yong damit mo, sa kwarto niyo pa nag-landian!"
"Liam….alam ko."
"Then why..n"
"Gusto ko naman, e." She walked towards me and held my shoulders. "Gustong-gusto ko siyang iwan pero alam mo naman na 'di ba? We can't do what we wished for. The last time I tried, Dad forced you to stop College." She held my face.
Napakuyom ako ng palad. Sinipa ko ang maliit na lamesa na nasa gilid.
"Pucha!" I yelled. Kinuha ko ang vase at binasag ko sa harap niya gamit ang sarili kong kamay. My blood dripped on the floor like water coming from the faucet.
"Liam…." She held my hand. "Just hang on there for me. Just stick with our plans." Pinunasan niya ang luha niya at pinilit na ngumiti sa harap ko.
"Napapagod na ako." I shake my head continuously. She just enveloped me in a hug.
This is our freaking reality. We experience madness and absurdity every day. There's no such thing as normal, not even peace or happiness. Everything is full of delusions that we always wish to be real.
"Dom, Summer asked me to give this," she said. She got something from her pocket and gave me a small paper. Dali-dali ko 'yung binuksan.
Cua,
Brielle is still hospitalized in this hospital. (Saint B******) Don't tell Eli.
"Dianne," I called her. "Kailan niya 'to binigay?"
"After she packed up her things. Ayaw niya nga magpaalam sa'yo. She was madly crying."
Nilukot ko ang papel at tuluyang akong umakyat sa taas. Damn Eli, kailan ka ba titigil?
***
Calvin's POV
"Eli, buksan mo nga 'yong pinto!"
Tinakpan ko ang mukha ko ng unan dahil hindi pa rin tumitigil ang pauli-ulit na tunog ng doorbell sa labas. I utter a deep moan indicative of annoyance. Wala akong choice kundi tumayo ako at maglakad papunta sa may pintuan.
Napasinghap ako nang makita ko si Eli na payapang nagbabasa ng magazine habang umiinom ng kape sa sala. Binato ko siya ng unan. Hindi ko alam kung tamad ba siya o nananadya.
"Ano ba 'yan, Eli! Ang tagal mong magbukas!" I heard a familiar voice.
"Siraulo yon, e—" Humikab ako bago tumalikod. Nawala ang antok ko nang mag-sink in sa akin kung sino ang nasa labas. This is weird.
Napatingin ako ulit at napahawak ako bibig ko nang makita ko si Summer. "Hoy!"
She's wearing a brown coat and a scarf. May dala-dala siyang maleta. Napatingin ako ulit kay Eli. That ass, Did he tell Summer where are we staying?
"Hoy, Bakit ka nandito?!" sabi ko at hinila ko ang kamay niya papasok. Napangiwi ako nang makita ko siyang naka-sun glasses. Sumilip ako sa bintana at malapit naman na mag gabi. Parehas sila ni Eli, mga abnoy.
"Boring sa bahay, e," sabi niya saka hinubad ang suot niyang coat at scarf. "Just let me crash here for the night."
Napatingin ako kay Eli. Binaba niya ang binabasa niya saka lumapit sa amin. "Stay in Calvin's room for a while."
"Ha?!" sabay naming tanong ni Summer.
"Yeah. Kasi sa kwarto kita matutulog," sabi ni Eli at tinuro ako. Binatukan niya ako at umirap. "Do you think I'll let you two do something erotic inside of my place?" he whispered.
He looked at Summer then crossed his arms. "O sa kwarto ko na lang. Tutal ayaw naman ni Calvin."
Nanlaki ang mata ko. "Who said I don't?" Hinigit ko ang damit niya pero tinulak niya ako.
"Maghanda ka ng pagkain. I'm sure your witch is starving." Sinamaan niya kami ng tingin pareho. "Argh, what did I do wrong in my past life to be stuck with you two?"
Napalingon ako kay Summer at nakayuko lang siya. I shook my head while scanning her from head to toe. I know there's something wrong. "Psst, sigurado ka bang hindi ka tumakas?"
Hindi siya sumagot sa akin. Tinanggal ko ang salamin niya at doon ko nakita ang mga mata niyang namamaga. Yeah, whatever.
Napailing na lang ako. "Gusto mo noodles?" Hindi siya nagsalita pero tumango siya. Pareho sila ni Eli, ang hirap intindihin.
Napahawak ako sa batok ko bago pumunta sa kusina. "Eat with us, Eli. Huwag kang pa-VIP."
Nakaupo silang dalawa sa round table. Nilagay ko ang tray sa lamesa at binigyan ko sila ng tig-iisang noodles. They both look bored. Para silang lantang gulay.
Kinuha ko ang noodles ni Summer at nilagyan ko ng mainit na tubig. "Oh."
Kumuha naman siya ng tinidor. Nanlaki ang mata ko dahil kinain niya agad. "Tanga, hindi pa yan luto!" sambit ko at hinawakan ko ang kamay niya.
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy siya sa pagkain. Napasinghap na lang ako at nginuso si Eli. Alam kong alam niya kung anong nangyayari. He's that type of a guy who's aware of everything. Argh, kakagising ko lang at ito pa ang bumungad.
Napatingin kaming dalawa ni Eli kay Summer dahil bigla na lang siyang umiyak nang malakas. Umiiyak siya habang kinakain ang noodles na hilaw.
"Oh, ano?" tanong ko.
"Walang lasa 'yung noodles," she replied while sobbing. I clenched my teeth when I saw the seasoning on the table. Hindi man lang niya nilagay.
Kinuha ni Eli ang noodles niya at binigay niya 'yung sa kaniya. Tinignan ko lang si Eli pero hindi naman siya lumingon. He's not that type of person who's generous enough to give his food. Halos sakalin na niya ako n'ong ininom ko 'yung kape niya, e.
"Summer, what's wrong?" seryosong tanong ko. Sinipa ni Eli ang paa ko sa ilalim ng lamesa. Then few moments, Summer sobbed louder. I groaned. This is driving me crazy!
"Tanga mo talaga," sabi ni Eli at inirapan ako. I sighed and looked away. I walked towards Summer and caressed her back. Pagkalapit ko ay agad siyang yumakap at umiyak sa bandang baywang ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Eli. He gave me a glare then turned his attention to his food.
"Hey," I utter.
She tightened her grip on my shirt. "Liam told me a-about the t-trust f-unds," she said while sobbing non-stop. I bowed. I shouldn't have brought that up kung ganito kalala pala siya masasaktan.
"Witch, w-we're here. I'm h-here," I said and hugged her back. Hinayaan ko lang siyang umiyak at hindi na ako nagsalita pa. I want to give her the silence, the little peace she deserved.
We stayed like that for a while before she parted. Bumalik ulit ako sa inuupuan ko. I looked at her and sighed when I saw her face again. She looked like shit.
"Magpahinga ka na kaya," sambit ko. She nodded her head at me. Nagtaka ako dahil pagkatayo niya ay bakit niya akong hinila.
"Asaan kwarto mo?" tanong niya. Hinila ko ang maleta at sinamahan ko siya sa kwarto.
"Nasa kabila lang kami ni Eli. Tell me if you need anything," sabi ko at sinara ko na ang pinto. I want to give her the privacy of being alone. After all the facts na nalaman niya, nakakasabog ng utak intindihin 'yon lahat.
Bumalik ako sa lamesa at nandoon pa rin si Eli. Same thing as usual, lagi siyang naka-poker face o bored face. Parang signature look niya na 'yon. Palaging galit sa mundo.
Pumunta siya sa kitchen's closet at kumuha siya ng dalawang bote ng beer.
"Congrats," panimula ni Eli saka binigay niya sa akin ang bote. This jerk. Anong congrats?!
I grinned and accepted the bottle. "Tarantado ka talaga."
"Well, first mission success," he said and giggled.
"Tss…" I said and drank my beer. "Tignan mo naman si Summer. She looks like hell. Nakita mo na ba 'yong mga mata niya? Sensitive 'yon, e. Nasaktan din 'yon alangan."
"It's Liam's fault. We just want Summer to know about the trust funds. Wala na tayong kinalaman sa issue na karugtong non."
"But Eli, we shouldn't have do that nga!"
"Let's just say that we want the truth to be revealed much faster. Plus, karapatan niya ring malaman 'yon 'no. And we both know that she doesn't love Liam. Sino ba ang gusto?" Nagturuan kami. "'Di ba ikaw?"
"Aba, hindi ko alam," I replied. Tumungga ulit ako. Nakalahati ko na ang bote kaya nakakaramdam na ako ng kaunting pagkahilo. Ano ba kasing beer 'tong binigay ni Eli? Parang lambanog.
"Di ba, flight mo bukas?" sabi niya sa akin at tinapik ang likod ko. I nodded my head.
Supposed to be uuwi na ako ng Pilipinas dahil may kailang pa akong asikasuhing unfinished school works. Baka hindi pa ako maka-graduate kapag binagsak ako ng isang prof. Chillin like a villain lang 'to si Eli dahil director ang tatay niya ng school. Unfair, right? Magugulat pa ako Suma Cumlaude 'yan.
"Should I cancel the booking? Summer is not okay. She needs me."
Tumango siya.
Napailing siya na para bang may malalim na iniisip. "Calv, Can Summer remember something when she's drunk?" tanong niya. Napasinghap ako. Ang out of the blue ng question.

Inubos ko ang beer ko nang tuloy-tuloy saka ko inagaw ang kaniya.
"That's mine."
"No," tipid kong sagot.
"Ha?"
"She can't remember. Lagi siyang gumagawa ng katarantaduhan tapos hindi niya naaalala." Eli just looked at me.
Nang nag-break sila ni Eros, umamin siya sa akin. That's the reason why I start avoiding her and even rejected to be her date on the grandball. It hits hard that I can't even face her like I always did. Sinabi niyang mahal niya ako pero hindi naman niya pinanindigan.
After finishing Eli's beer, nagsisimula ng umikot ang paligid ko.
"Calvin…"
"Oh?"
"Ikaw ba?" tanong niya ulit. Hindi ko siya sinagot imbes nahiga ako sa balikat niya.
"Hey, are you now drunk?!"
"I'm not," I replied.
"Calvin…"
"Ano?!" sambit ko. "Parang tanga tawag ng tawag!"
"Ang hina mo. Mas malakas pa ata si Summer uminom sa'yo, e!" Hinawakan ni Eli ang braso ko at tinayo ako mula sa upuan.
"Wait!" Hinablot ko ang kwelyo niya. "Did you drink with her?!" I blatted. "Siraulo ka, ah!"
He wiggled his eyebrow. "Lasing ka na."
Umiling ako at kinurot ko ang pisngi niya "Stop touching me!" he yelled. Tumingin ako sa kaniya dahil hindi ko na siya maintindihan.
"Let's go." I was walking with Eliazar while everything's moving. Naramdaman ko na lang na hiniga niya ako sa kama.
"Thanks, bro!" sabi ko at tinapik ko ang balikat niya.
"Calvin…"
"Ano?" I groaned. "Puro ka Calvin!"
"If you found out that I like Summer, will you resent me?"
"Ha?"
"Eli…" I utter.
"If it's about the last time, I'm sorry. Nasabihan kitang selfish."
"Uh."
"I don't hate you. I enjoy every things we've done. We shared weird stories even though we're always fighting and arguing." Umupo ako at tinapik ko ang balikat niya. "Eliazar!"
"Ano?!"
"Let's be like this forever," I blatted. "Let's be brothers, okay? Count on me when things got tough!"
Napahiga ako sa kama dahil bigla niya akong tinulak. "Ayaw ko."
"Preston…"
"Will you still say that if you found out that I like Summer? I also like her, you jerk!" That was the last thing I heard before my lids felt so heavy.

Komento sa Aklat (220)

  • avatar
    VJ Costillas

    Ganda

    15/04

      0
  • avatar
    ViancaMay Peñamante

    maganda Ang kwento nya

    07/03

      0
  • avatar
    MiguelAndresss

    Good

    30/10/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata