"Summer, thanks goodness you're okay." Agad akong niyakap ni Maycee. Nilibot ko ang paningin ko at napagtantuhan kong nasa clinic kami. Umupo ako sa pagkakahiga at sumandal sa headboard ng kama. "What happened? Argh, my head hurts," I groaned. Napahawak ako sa ulo at binigyan naman niya ako ng tubig. Nakita ko ang damit ko na nasa ibabaw ng lamesa at iba na ang damit na suot-suot ko ngayon. I'm wearing someone's club shirt. Masyadong maluwag pero comfortable. "I actually don't know. Tinawag lang ako ng isa sa kaibigan ni Liam. Sabi nila mamatay ka na raw," Napakunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay. Bakas pa sa mga mata niya na umiyak siya kanina. "And who told you that?" "Was it Ashton? He told me he's Ashton." Napangisi ako at bahagyang natawa. That guy, gumawa pa ng kwento. "Sayo ba 'to?" tanong ko at tinuro ang suot kong t-shirt. "Spare shirt ata ni Liam 'yan tuwing may practice sila. Saan ka ba kasi nanggaling at napunit ang damit mo?" Bigla akong natahimik at umalis sa kama. Sinuot ko ang sapatos ko at tinali ang buhok ko. Nilagay ko ang gamit ko sa bag at sinuot 'yon sa likod ko. "Summer, okay ka na ba?" Lumabas ako ng clinic at sumunod naman agad sa akin si Maycee. Naglakad kami sa hallway at halos sa aming dalawa nakatingin ang mga taong nakakasalubong namin. "Nakatingin ba sila sa'yo?" tanong ko kay Maycee. Umiling siya at tinaasan ako ng kilay. "Of course, not. Sayo sila nakatingin, Summer. May apilyedo ni Liam sa likod ng t-shirt mo. At saka trending kaya kayo ni Liam sa school's page." Napahinto ako at kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Nakita ko ang kumakalat na stolen shot at halos malaglag ko na ang phone ko. Picture 'yon na buhat-buhat ako ni Liam habang suot-suot ko ang varsity jacket niya. "Summer, umamin ka nga. Kayo na talaga ni Cua?" It's all Calvin's fault! Wala na talaga siyang ibang gawin kundi ipahamak ako. Hindi naman kami magkikita kung hindi niya 'yon ginawa. "Asan si Vergara?" irita kong tanong. "Nasa court. Final practice raw," sagot ni Maycee at tinuro ang gymnasium. Nagmartsa akong pumunta doon habang nakakuyom ang palad ko. Agad kong binuksan ang pinto at lahat ng tao sa court ay napatingin sa akin. Nakita ko si Liam na may hawak-hawak na bola at mukhang in-game sila. "Summer, are you now okay?" tanong ni Liam at inilaglag niya ang bola sa sahig. "Yeah, I'm fine pero nasaan si Vergara?" iritang tanong ko. Napataas ang kilay nila at sabay-sabay na tinuro ang pintuan ng men's room. Nakita kong lumabas doon si Calvin at nagpupunas pa ng towel sa ulo. Agad siyang napayuko nang makita ako at napunta rin ang tingin niya sa t-shirt ko. "Hey," he uttered. "Hey? After all this time, hey lang ang sasabihin mo?" Dinampot ko ang suot niyang jersey at itinulak siya sa sahig. Umupo ako sa bandang tiyan niya at itinaas ko ang kamay ko. "Everyone's watching. If you want to continue the thing that happened earlier, I'll go to your apartment after this," he murmured. I clenched my jaw and grinned. "Gago ka ba?" Kinuyom ko ang palad ko at pinagpapalo siya. Tumayo ako at kinuha ulit ang jersey niya. "That stupidity you're talking about? You'll pay for that." Nag-ipon ako ng lakas at kinuyom ang palad ko. I rolled my eyes and punched Calv on his face. That's the hardest punch I've ever committed in my nineteen years of existence. "You're stupid and the most annoying jerk I've ever met!" Napahiga siya sa sahig at napahawak sa sarili niyang panga. Binato ko pa ang bag ko sa dibdib niya at agad na lumabas sa court. Argh, kumukulo ang dugo ko kay Calvin. Sinalubong ako ni Maycee sa pintuan at mukhang gulat din siya sa ginawa ko. Sumandal ako sa pader at napahinga ng malalim. "Summer, you're awesome." Nag-thumbs up si Maycee sa akin at napatango. Sinipa ko pa ulit ang pintuan ng court bago kami naglakad papalayo pero inawat na ako ni Maycee at hinila papalabas. "He deserved that!" I took a deep breath and smiled. I finally felt the feeling of contentment. Nakaganti ako kay Vergara! *** Calvin's POV Argh, that witch. Kababaeng tao, napakalakas sumuntok. Napahiga lang ako sa sahig ng court at pinikit ang mga mata ko. I massaged my jaw and covered my eyes. I know their eyes were all glued at me so I decided to stay like this for a while. It's so embarrassing for Pete's sake. "That's awful, Calv." Dinilat ko ang mata ko at nakita ko si Matt. Kinuha ko ang kamay niya at doon niya ako inalalayan tumayo. "I thought she's so feminine. Mas malakas pa ata siya sumuntok 'yon sa'yo," biro niya kaya agad ko siyang binatukan. "She has the gut. I like her." Napatingin ako sa isa naming teammate at hinagis ko sa kaniya ang bola na dala-dala ni Matt. "Like, my ass." "But he's wearing our captain's shirt. Is she Liam's girlfriend?" tanong nung isa naming teammate. "Jerk, She's no one's girlfriend," seryosong sambit ko. Lending his shirt to Summer doesn't change anything. Summer once wears my boxers so what's the big deal? Agad akong tumayo at lumapit kay Liam. "Your shirt doesn't suit her." I smirked and chuckled. "And so are you." Lumabas ako ng court at kinuha ko ang .bag ni Summer sa sahig. "Calv, if you leave us here again, baka hindi ka na pasamahin ni coach sa tournament bukas." sigaw ni Matt. Napahinto ako at lumingon pabalik. "You're not gonna need me anyway." "Oh, Calv! C'mmon-" rinig kong sabi ng mga teammates ko. "Let him be. He's good at leaving people behind that soon became his hobby." I heard Liam exclaim. I stopped walking. I crossed my eyebrow as my lips started to curve a smile. "I do? At least I'd never abandoned someone for fame." I looked back. "Right, Cua?" --- Kinuha ko ang lahat ng gamit ko sa locker. Lumabas ako ng gymnasium at agad na sumakay ng cab para umuwi sa bahay. I'm tired and I'm sick of my surroundings. Dumagdag pa ang suntok ni Summer at nagkapasa na naman ako. Bumaba ako ng taxi at nag-doorbell sa bahay. Si Mommy ang nagbukas ng gate at pasa ko agad ang una niyang napansin. "Calvin," seryosong tawag niya at hinawakan ang pasa ko. "It hurts, Mom. Stop." I turned my head and went inside. Umupo ako sa sofa at doon inilapag ang mga gamit ko. Sumandal ako at napahawak sa pasa ko. After all that I did to Summer, I think I deserved this. She must be startled. Every time I closed my eyes, I remember how scared she was. She was hurt. "Who did that?" Inabot sa akin ni Mommy ang ice pack at umupo sa katapat kong sofa. "Summer. We fought, Mom. I kissed her." Summer's POV "Summer!" Napalingon ako kay Maycee na kasalukuyang inaayos ang gamit niya. Magkasama lang kami buong lunch. Wala na akong klase at wala din ako sa mood umuwi. Everything was bored at my apartment. Wala akong makakausap 'don at baka maalala ko lang ang kagaguhan ni Calvin. May ibinigay siya sa aking paper bag na may lamang libro. "It's a gift?" tanong ko. Tinignan ko ang libro at The Lucky One 'yon by Nicholas Sparks. Argh, I hate reading books without pictures. "Of course not, Summer. 'Di mo naman birthday. I have a favor to ask." "Hah? Anong gagawin ko rito?" "Bring it back to Faron. May klase kasi ako at baka 'di ko na siya maabutan. Uuwi ka na rin naman 'di ba?" "Maycee, Sino si Faron? May bago ka na ulit na fling?" Tinaasan niya ako ng kilay at sinamaan ng tingin. "Argh. He's the student council secretary guy, Park Yeo Reum. Yung ka-date ko sa ball." Tumango na lang ako at binalik ang libro sa loob. Oh, that guy loves to read? I don't even know na Faron pala ang name niya. "Fine, Summer. Mauuna na ako. Ibigay mo kay Faron. May training ata 'yon sa swimming. Please?" Tumango na lang ako at pinagmasdan siyang maglakad papunta sa main building kung saan ang klase niya. Whoever that Faron is, siguraduhin niyang hindi niya tini-take for granted si Maycee. Masyado kasing mabait yan si Mayvis Celine. Kahit anong bagay na hihilingin sa kaniya, hindi siya nagkakaroon ng second thoughts. Pumunta na ako sa pool area para iabot 'to kay Faron. Once a blue moon lang ako pumunta dito. Hindi naman kasi pwedeng maki-swimming at masyadong malalim ang swimming pool. Besides, wala rin naman akong pupuntahan. I don't want to join any clubs. Masyadong hectic sa schedule. Pumasok ako sa loob pero wala namang tao. Oh, maybe that Faron guy didn't attend the practice. Sasabihan ko na lang si Maycee. "Cua?" Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Eli na naka-swimming trunks. Sinamaan na naman niya ako ng tingin at tinarayan na naman ako. Nabasa niya kasi ang apilyedo ni Liam sa likod ng t-shirt ko. Argh, I forgot na member siya ng swimming team. "What are you doing here Liam's girlfriend?" "I'm not his girlfriend," seryosong sambit ko. Napangisi lang siya at inilagay ang hawak niyang tuwalya sa bench. "Whatever, Ano bang ginagawa mo rito? Ihagis kaya kita sa pool." He gave me a devil smile. Ewan ko talaga kung bakit ang init ng dugo nito sa akin. Parang ewan, hindi ko naman siya inaano. "Ang pangit ng ugali mo!" "You're not answering my question. Wrong building ka, nasa court si Dominique." "I'm not here for Liam, I'm here for Faron. Do you know that guy? I need to give this to him. Okay ka na?" Itinaas ko ang paper bag at tinaasan siya ng kilay. "Find him yourself." Tumalikod siya sa akin at pumuwesto sa gilid ng pool. Nakita ko siyang tumalon at nilangoy niya hanggang sa kabilang dulo. Argh, non-sense. Dapat pala hindi ko na lang siya kinausap. May nakita akong pumasok sa pool area na nakat-shirt pa at pants. Magpapalit pa lang ata siya. Siya na ba 'yung Faron? "Kuya!" tawag ko. Napalingon siya sa akin at napataas ng kilay. "Summer, right? Liam's girlfriend?" Agad nagsalubong ang kilay ko. I'm not Liam's girlfriend for Pete's sake! Wearing Cua's shirt was a wrong move. "No, we're not together. Anyways, Ikaw ba 'yung Faron? Friend ako ni Maycee. You know, Mayvis Celine?" "That's her full name?" Napahawak ako sa bibig ko at napatango. Gosh, Maycee doesn't want anyone to know his full name except me and Calv. "Why? Did something wrong happened to her?" tanong niya at napailing naman ako. "No, wala. She just went to her classes. Gusto niya lang ibalik 'tong book mo kaya pumunta ako dito. You sure you're Faron?" tanong ko bago ibigay sa kaniya ang paper bag. "Yeah. I'm Faron Astrid Dahmer," sabi niya at nakipag-kamay sa akin. Maycee's taste wasn't bad at all. Mukha namang mabait at matalino 'to si Faron. "Perfect, I'm Park Yeo Reum. Just call me, Summer. Nice to meet you. I'm Maycee's best friend." Ibinigay ko na sa kaniya ang paper bag at nagpaalam na rin ako agad. Gosh, that annoying Eli-guy got no help. "Hey, Liam's girlfriend!" Napahinto ako sa paglalakad dahil bigla akong tinawag ni Elias. Gosh, ilang beses ko bang sasabihin na hindi naman ako ang girlfriend 'non? Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy na naglakad. Baka ihulog niya pa ako sa pool kapag hindi ako umalis. "Fine, Park Yeo Reum." Napalingon ako sa kaniya. "Bring me a towel." Tinignan ko lang siya at napangisi. Woah, the urge! Hindi na ako umimik at kinuha ko ang towel sa bench. Binato ko 'yon sa kaniya at tumalikod na lang ako ulit. "Hey, stupid! Don't go there wearing your flat shoes!" Napatingin ako sa inaapakan ko at wala na ako sa safe line. Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla na lang ako nadulas. "Argh, don't move!" Napalingon ako sa kaniya. Nasa kabilang side lang siya at nasa edge ako ng starting point. "Eli, I'm scared!" "Dumb, don't move-Ah, fck." Bigla na lang akong nahulog at naramdam kong bumagsak ang katawan ko sa tubig. Malayo pa si Eli sa akin at halos naghahabol na ako ng hininga. I was so out of myself lately. I don't know how to swim but I'm trying my best. Masyadong malalim ang pool at hindi talaga ako marunong mag-swimming. "Shit, tell me you're not dying!" May naghila sa akin pataas at nakita ko si Eli. I saw his eyes and he's worried. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap. Itutulak ko sana siya pero nakapikit lang ang mga mata niya at sobrang higpit ng pagkakapit niya sa akin. He's murmuring someone's name. A very unfamiliar name na mukhang sobrang importante sa kaniya. "Please, Summer! Promise me that this will be your last or I'll tell Liam that you kissed me today," he said. He was serious. Damn, serious. "F-fine!" Tinulak ko siya pero agad din naman niya akong nasalo. "Gusto mo na ba talagang mamatay?" He shouted. Umahon siya sa pool at hatak-hatak niya lang ako. Gosh, I thought I'm going to die today. I rather die with Calv than to die with this snob, cold guy. Sinundan ko lang ng tingin si Eli at nakaupo lang siya sa sahig. Nakahawak ang kamay niya sa noo niya at naghahabol din ng hininga. "Hey, stupid girl. Forget what happened today and I'll do the same," he stated. Binato niya ako ng tuyong damit at saka ng tuwalya. "Don't let Liam see you or he'll kill us both," he said then left.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Ganda
15/04
0maganda Ang kwento nya
07/03
0Good
30/10
0Tingnan Lahat