Homepage/My Instant Boyfriend/
Chapter 37 Answered questions
Euri's Pov.
🎶Kailan kaya maibabalik ang nakaraan, ngayon di magkatugma pintig ng ating puso~pilitin man limutin ka umibig pang minsan~~ kahit sa pangarap man lang~~
Napabuntong-hininga ako pinakikinggan ang malungkot na awitin na halos bumasag sa pandinig ko dahil sa kagagawan ng mabait kong kapatid na trip na trip yata ang senti songs kanina pa kasi siya nagpapatugtug ng mga malulungkot na awitin hindi ko tuloy maiwasang maaalala na naman si Mokz.
🎶Ikaw ang tangi kong mahal~ang tangi kong dasal na sana ay matagpuan. Ikaw hanggang sa kailanman~ hindi mapapagod na magmahal kahit nasasaktan🎶
napanguso ako pakiramdam ko kasi parang nananadiya yung lyrics ng kanta kahit hindi naman talaga-pero gaya ng sinasabi ng kanta; hinding hindi ako mapapagod na magmahal kay Mokz kahit masakit na, kahit sobrang nasasaktan na talaga ako. Pumikit ako at niyakap si Rishin. Ang tagal na mula ng mawala sa akin, sa amin si Mokz pero hindi pa din ako sumusuko. Siguro ganoon talaga pag sobrang mahal mo ang isang tao, napaka-hirap isuko.
"Mine," Napadilat ako ng marinig ko ang boses niya pero wala akong nakita.
"Mine!" Boses niya ulit, inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ko pero wala talaga siya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko pilit na pinapakalma ang sarili.
Inhale.....Exhale..
'Wake up Euri!' Paalala ko sa sarili ko dahil minsan na nang nalinlang ako ng sarili ko dahil sa labis na pagka-miss sa kanya. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ilang sandaling natulala ng mabungaran ko ang mukha ng lalaking labis kong kinasasabikan.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Nakangiti niyang sabi
"M-Mokz? totoo na ba 'to o panaginip lang ulit?" hindi ko na napigilan pa ang maging emosyonal, nag-uunahang nagbagsakan ang mga luha ko sa magkabilang pisnge ko. He wiped my tears like what he always do every time I'm crying.
"Mine.. Kapit lang ah, I'll be back..promise!" Puno ng emosyon niyang ani habang isa-isang nagbabagsakan ang mga luha niya sa magkabilang pisnge niya. Tulad ko nasasaktan din siya.
"Saan ka ba kasi nagpunta? bakit ang tagal mong dumating? bakit ang tagal mong bumalik?"
"Basta kapit lang Mine" He cupped my face and kiss me on my forehead. kaya napapikit ako pero agad ding napadilat ng maramdaman ko ang pagtayo niya.
"San ka pupunta?" He just stare at me. Akmang tatayo na ako para sumunod sa kanya pero pinigilan niya ako.
"Mokz!"
"Babalik ako promise, may surprise pa ako sayo di ba?" Nakangiti niyang sabi bago tuluyang umalis. Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan nalang ang likod niya gustuhin ko man siyang tawagin upang pigilan hindi ko magawa na para bang may pwersang pumipigil sa akin na ibuka ang bibig ko.
"Eonie kakain na!" Tawag sa akin ni Eula na nagpabalik sa akin sa hwesyo, napadilat ako. Napanaginipan ko na naman si Mokz. Lately, napapadalas yun at masaya akong nakikita siya kahit na ba sa panaginip lang. Tumayo na ako at pumunta sa kusina.
"Sabi ni tita Shiela nasa airport na daw siya bakit ba biglaan ang pag-uwi niya dito?" nagtatakang tanong ni Eula. Hindi ko pa din kasi sa kanya sinasabi ang tungkol kay Sendoh.
"May lilinawin lang " tanging nasabi ko, napanguso naman siya.
"Hmmp..Hindi ko ma-gets anong lilinawin? may hindi ka ba nasasabi sa akin eonie?" kunot-noo niyang tanong
"Tapusin mo na muna ang pagkain mo may ipapakilala ako sayo."
"Sige"
Napailing ako ng makita ang panlalaki ng mga mata ng kapatid ko ng ituro ko sa kanya si Sendoh. May usapan kasi kaming magkikita dahil ngayon ko siya ipakikilala kay Tita Shiela.
"Oppa!" masayang tili niya tsaka patakbong nilapitan si Sendoh at niyakap. Nagugulat at nagtatakang napatingin sa akin si Sendoh, nagtatanong ang mga mata.
"Buhay ka oppa! bakit ngayon ka lang? saan ka galing? ano bang nangyari sayo? akala namin patay kana pero teka.... " Aniya then bumitaw sa pagkakayakap kay Sendoh para matitigan ito.
"Kung buhay ka sino yung nabalitang namatay? Sino yung nilibing namin? ahhh!! grabee namiss kita oppa!" Aniya tsaka muling niyakap si Sendoh. Napapangiti nalang ako sa reaction ni Sendoh mukhang gulat na gulat kasi siya tagal nga makapagreact eh. Natameme.
Sabagay sino ba naman kasi ang hindi mabibigla sa sobrang pagka agresibo at kadaldalan ng kapatid ko.
"Grabee oppa namiss kita ng subra alam mo ba yun?"
"Ahm.."
"Wait oppa paano kayo nagkita ni eonie? kyahhh! ang saya talaga andito kana ulit!"
"Eula!"
"eonie ang daya mo kaya pala uuwi dito si tita Shiela eh" nakangusong aniya.
"Eula.. yeah tama ka uuwi dito si Tita dahil sa kanya pero may kailangan kang malaman." Bumitaw siya sa pagkakayakap kay Sendoh at binalingan ako ng tingin.
"Ano yon?"
"I'm not your oppa!" Singit ni Sendoh, nilingon naman siya ni Eula at ilang sandaling tinitigan bago tumawa ng nakakaluko.
" Oppa talaga ang joke grabe'' aniya ng makabawi.
"I'm telling you the truth" seryoso namang sabi ni Sendoh
"Tigilan mo na nga oppa hindi bagay"
"I'm Sendoh." Halata na ang pagka-inis sa anyo niya.
"Asus! Ewan ko sayo oppa ang joke mo" Anya tsaka hinila si Sendoh "kala mo maguguyo mo ako ha! dahil ang tagal mong nawala bumawi ka sa akin.. ilibre mo kami" Sabi pa ng kapatid ko na hindi pinansin ang masamang tingin ni Sendoh, napangiti na naiiling nalang ako, kahit kailan talaga ang hyper ng kapatid ko. Napapakamot sa ulong nagpahila nalang si Sendoh sa kanya kaya sumunod nalang din ako sa kanila.
"Haist! how many times do I need to tell you I'm not your oppa!'' Medyo naiinis na sabi ni Sendoh kanina pa kasi niya pilit ipinai-intindi sa makulit at pazaway kong kapatid na hindi siya ang oppa niya. Anyway, andito kami sa isang fast food chain. Itago nalang naten sa pangalang KFC. Favorite kasi ni Eula ang chicken dito eh.
"Oh come on oppa! Stop playing joke na nga hmmmp!!" ani Eula na nagsisimula ng lantakan ang drumstick.
"I'm not playing tricks on you" seryoso at halata na ang pagka-irita kay Sendoh. Napabutong-hininga nalang ako habang pinagmamasdan at pinakikinggan ang sagutan nila. Mukhang mag-aaway pa ata sila.
"Hep! Stop it okay." Umawat na ako bago pa sila tuluyang magka-pikonan na dalawa. Nakasimangot at magkasalubong ang kilay na bumaling sa akin si Eula.
"Eonie..bakit ba kanina pa pinipilit ni oppa na hindi siya si oppa?"
"Dahil si Sendoh siya"
"Mwo? Waeyo?" Confuse niyang tanong. Muli akong napabuntong-hininga.
"Eula let's just wait for Tita Shiela okay? kasi kahit ako..nalilito na"
"You!" Baling niya kay Sendoh. "Pag nalaman kong ikaw talaga si oppa lagot ka sa akin!"
"Nan desu ka?" What? Toinks! ayan na nga ba nagsasalitang alien na naman siya.
"Anong suka suka ka diyan! hmmp..serious ako oppa" nakasimangot na ani Eula. Napipikon na.
" iie wakarimasen!" I don't understand you. Sumimangot si Eula.
"Eula, wag na nga kayong magtalo okay? antayin nalang natin si Tita malapit na daw siya."
"Sige..mag-oorder nalang ako ng float ng pampalamig, nakaka-init kasi ng ulo si oppa ngayon." Ani Eula tsaka kami iniwan napailing nalang ako. I know na tulad ko sobrang miss na miss na din niya ang pakners in crime niya. Nakakabuang naman kasi ang pagiging magka-mukha nitong isang 'to at ni Mokz Haist!
ilang minuto pa ang hinintay namin bago ko natanawan ang nagmamadali sa pagpasok na si Tita Shiela. Agad siyang lumapit sa amin ng makita kami.
"Shone?" aniya ng makita si Sendoh. Napatitig ako kay Tita. Shone? sino naman yun, si Sendoh ba? mas lalo ata akong naguluhan.
Ang pagiging magka-mukha lang nila ni Mokz ang pinoproblema ko tapos ngayon nadagdagan pa ng shone? My Ghad!
"O kaasan!" mama. Halos pabulong niyang sabi bago niya niyakap si Tita. Nagtataka at nagtatanong ang mga matang nagkatitigan kami ni Eula pareho kaming hindi maka-relate. Lalo na ng nag-usap na silang dalawa sa lenggwahe na hindi naman namin maintindihan. Ang sakit lang sa ulo.
"Bata palang si Shone ng mahiwalay siya sa amin." Panimulang kwento ni Tita Shiela . Tahimik lang naman kami ni Eula na nakikinig. Pauwi na kami ngayon. Si Sendoh naman mas nauna na naming hinatid sa hotel na tinutuluyan niya, silang dalawa lang kasi ang nagka-intindihan sa haba-haba ng pag-uusap nila kanina kaya hindi na kami nakisali pa ni Eula at hinintay nalang na matapos ang pag-uusap nila.
"Pano po siya napunta sa Japan?"
"Dahil kay Shander, their father, my ex husband. Dinala siya doon ni Shan at ibinigay sa kaibigan niyang si Akimiro. Baby palang si Shin at Shone gusto na nilang hingin ang isa sa kambal. Hindi kasi magka-anak yung kaibigan niyang iyon pero hindi ako pumayag. Napaka sakitin ng kambal noon pero mas higit na mahina ang pangangatawan ni Shone kaya sobra din ang pag-iingat ko sa kanya to the point that I'm being biased and unfair to Shin. Madalas ko siyang pagalitan at kahit alam kong minsan kasalanan ni Shone, siya pa din ang pinagsasabihan ko.
Noong 8 years old sila may nangyari na naging dahilan para ma-ospital si Shinjae pero sa halip na siya ang alalahanin ko mas inalala ko si Shone." yumuko si Tita habang pinupunasan ang mga pisngeng hilam sa luha.
Napapalunok naman ako habang pilit na pinipigilan ang mapa-hikbi sa sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga pinagdaanan noon ni Shinjae. I can never imagined how pain he felt that time. Sana noon palang nakilala ko na siya. I wanna hug him.
" lingid sa kaalaman ko, nakiusap pala si Shone sa daddy niya na ilayo siya sa akin dahil nasasaktan na siya sa trato ko sa kambal niya na sinang-ayunan naman ni Shan pero habang nasa byahe na si Shone kasama ang naatasan ni Shander na maghahatid na-aksidente sila kaya naman nawala ang alaala ni Shone. Gustong-gusto kung hanapin siya noon pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula, hindi ko alam na dinala siya sa Japan at nalaman ko lang din kanina sa kwento ni Shone na si Aki nga ang tumatayong ama niya." She sighed.. Trying to prevent her tears from falling, pero tumulo pa din.
"Then, I found out na may relasyon pala si Shan sa nurse ng anak naming si Shinjae, sa dami ng napag daanan ng pamilyang ito nawala na sa isip ko ang kagustuhang ako mismo ang maghanap kay Shone. I hired some private investigators to find him pero wala akong nakuhang magandang balita kahit isa mula sa kanila pero ni minsan hindi ko kinalimutan si Shone, palagi kong pinagdarasal na sana okay siya at very thankful ako na dininig ng Panginoon ang mga dasal ko. Lumaki siyang maayos kahit papaano nagpapasalamat na din ako na nahiwalay siya sa amin dahil kung hindi baka naging miserable din ang childhood niya.." Mahaba niyang paliwanag, tahimik pa din ako. Hindi ko kasi alam kung anong irere-act ko. Pero one thing is for sure nasasaktan ako, nasasaktan ako para kay Mokz dahil base sa kwento ni tita at maging sa nararamdaman ko ngayon hindi talaga pantay ang pagmamahal para sa kanila. Bakit kailangang si Shinjae ang makaranas ng ganun? bakit? Gusto kong kwestyunin si Tita pero alam kong wala akong karapatan dahil wala ako sa lugar at kalagayan niya ng magyari ang mga yun.
"Tita, naniniwala po ba kayo na babalik pa sa atin si Shinjae?" sa halip ay sabi ko nalang. 'Please! tell me na naniniwala pa kayo' Tinitigan niya ako tsaka siya dahan-dahang tumango.
"Bumalik si Shone kaya alam ko at nararamdaman ko babalik din si Shinjae sa atin." Napangiti ako.
"Ako din po naniniwala po akong babalik pa siya." Ngumiti lang din si Tita. Ibinaling ko ang tingin sa bintana 'Maghihintay ako Mokz..' Pumikit ako at inalala ang mga panahong magkasama pa kami.
'Mine I love you!'
'Nasabi ko na ba sayong mahal kita?'
'Mine excited na akong makita ka!'
'May surprise ako sayo..'
'Mine !'
'Mine!'
"Euri.. tatagan mo lang ang loob mo." Dumilat ako at nagpunas ng luha. Kita ko ang nag-aalalang mukha ni tita Shiela kaya pilit akong ngumiti kahit umiiyak na ako.
"Okay lang po ako Tita. I just missed him so much!"
"Eonie..."
"Okay lang ako Eula.."
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Thank you for reading mga bhebhekoiz!😉
Salamat sa support!
See you on my next update.😘I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (58)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
thankyou
23/11/2024
0it goods
18/10/2024
0260
12/10/2024
0Tingnan Lahat