Homepage/Unbreak My Heart/
Chapter 8:
Tatiana's POV.
"Hahahaha oh e anong masasabi mo?" biglang tanong ni Tatay kay Drystan kaya napatingin kaming lahat sakanya. Tulala s'ya at parang malalim ang iniisip.
"Drys?" tawag ko sakanya pero hindi man lang s'ya natinag.
Kahit kailan, ang weird weird ng lalaking 'to! Letse!
"Drystan, hoy" tawag ko pa sakanya pero parang hindi n'ya 'ko naririnig. Nagulat nalang ako nang biglang may tumulong luha galing sa mga mata n'ya.
Magtaka ka, beh, kung galing sa ilong yung luha n'ya.
"Ayos ka lang?" tanong ko sakanya na nagpabalik sakanya sa huwisyo. Tumingin pa muna s'ya sa 'ming lahat.
"A-ahh yeah" sagot n'ya kahit halata namang hindi naman talaga s'ya okay. Tinungga n'ya ang alak na nasa basong hawak n'ya.
"E bakit umiiyak ka?" walang reaksyon ang mukha ko sapagkat pilit kong itinatago ang pag-aalala ko sakanya. Totoong nag-aalala ako sakanya. Bigla-bigla nalang kasi s'yang umiiyak diba? May iniisip s'yang problema. Napahawak naman s'ya sa mata n'ya at nang mapansin n'yang basa nga ito ay humawak s'ya sa pisngi n'ya. Tsh! Napatingin ako sa hawak kong panyo.
"Here" sabi ko atsaka ko s'ya inabutan ng panyo. Kinuha naman b'ya ito at ginamit pampunas ng luha n'ya.
"I'm sorry" sabi n'ya at nagpilit ng ngiti.
"Gusto mo na bang umuwi?" this time, hindi ko na naitago ang pag-aalala sa tinig ko.
"Y-yeah" sagot naman n'ya. Nagpaalam pa muna s'ya sandali sa pamilya ko bago ko siya ihatid sa gate namin.
"Sure ka bang okay ka lang?" muling nag-aalalang tanong ko at ngumiti naman s'ya.
"Oo naman, may naalala lang ako" sagot naman n'ya sa 'kin.
"Hindi ko na itatanong kung ano, I'm sure it's about Pamela" sabi ko pero hindi na s'ya sumagot. Marahil ay tama nga ako.
Nacucurious tuloy lalo ako kung sino si Pamela. Tsh. Mukha na 'kong chismosang kapit-bahay neto e!
Ay bakit, Inday Tatiana!? Hindi ba!?
Tsss!
"May sasabihin ka sa 'kin about sakanya diba? Bukas mo sabihin, after class. Ingat sa pag-uwi" sabi ko atsaka tinapik ang balikat n'ya. Ngumiti naman ito sa 'kin atsaka tinapik din ang braso ko.
"Thanks. I enjoyed a lot" nakangiting sabi nito at hindi na 'ko sumagot pa at gumanti nalang ako ng ngiti. Pagtapos ay sumakay na s'ya sa kotse n'ya at bumusina pa ng tatlong beses bago umalis.
Sinundan ko pa ng tingin ang kotse n'yang papalayo atsaka bumalik sa loob.
"Oh? Naka-uwi na boypren mo?" nang-aasar na tanong ni Tatay kaya napairap ako.
"Oh e yung boyfriend mo? Ano na?" tanong ni Mama kay Ate Jessa na salubong ang kilay na nakatingin sa phone.
"Hindi raw makakapunta" sabi n'ya habang salubong ang kilay.
"Iws. Sabi sa 'yo ekis sa 'kin 'yan si Nero e" tatawa-tawang sabi ko.
"Aguy, mga broken hearted nga naman" pang-aasar ni Kuya Simeon at tumunog ang cellphone n'ya.
"Anak ng..." bulong n'ya na rinig naman namin.
"Oh anyare?" tanong ni Ate Sanya at inagaw ang cellphone n'ya.
"I'm sorry kung umasa ka, Simeon. Trust me, totoong may gusto talaga ako sa 'yo noon pero ngayon, nagbago na. May gusto na kasi akong iba. Mayaman s'ya at walang-wala ka sakanya. Ayaw ka rin ng Mommy ko for me. Siya, gusto ng Mommy ko. Wala pa kami pero alam kong malapit na. You deserve better. I'm sorry, Simeon. Hindi kita pinaasa, umasa kang kusa sa mga motibong binibigay ko" basa ni Ate Sanya na tatawa-tawang nangunot ang kilay.
"Oh? Ambilis ng karma 'no?" nang-aasar na tinig ni Ate Jessa.
"Hindi raw pinaasa pero nagbigay ng motibo. Kusa ka pa raw umasa. Sino ba 'yan at anlaking tanga naman n'ya?" sabi ko kaya tumawa sila.
"Oh oh oh, chill ka lang" tatawa-tawang sabi ni Tatay na ini-stop sign pa ang kamay.
"Ano bang pangalan n'yan? Kung makalait at makasabi na 'yon mayaman para namang hirap na hirap tayo ah? At walang-wala ka sakanya? Tsh. Tanga lang s'ya kamo! Ayaw ng Mommy n'ya sa 'yo!? So what? Hindi natin sila kailangan! Kung yung mommy n'ya ay ayaw sa 'yo, buong angkan naten ayaw sakanya! Letse sya!" hinihingal-hingal pang sigaw ko at napansin ko ang tingin nila sa 'kin.
"Oh? Bakit ganyan kayo makatingin?" nagtataka at nagtataray na tanong ko atsaka umirap.
"Galit na galit ka naman" - Ate Sanya
"Hahahaha G na G ka ghorl?" - Ate Jessa
"Kala mo sya yung binusted e Hahaha" - Kuya Simeon
"Hayaan nyo na, baka gusto nya ng moment" -Tatay
"Gawa ka ng sarili mong moment. Huwag kang agaw eksena" -Nanay
Bwiset! Ako nanaman nakita nila! Hmp!
Sumimangot ako dahil ako nanaman ang nakita nila. Concern lang naman ako!
"Hahaha pero oo nga naman, Simeon, sino ba 'yan? Lakas ng apog ah?" tatawa-tawang sabi ni Ate Jessa pero nakataas ang isang kilay n'ya. Tsh.
"Wala 'yan. 'Wag n'yo na pansinin" sagot n'ya pero halatang broken hearted s'ya.
"Name lang e, andamot amp" sagot ni Ate Sanya.
"Tss. Cristha" sagot n'ya pero hindi ko na s'ya pinansin pa dahil biglang sumakit ang ulo ko.
"Oks kalang?" tanong ni Tatay dahil napansin ata n'yang medyo nahilo ako.
"Oo naman" agad na sagot ko atsaka tumayo. "Tulog na me" sabi ko kahit 6pm palang naman. Hindi na sila sumagot at hinayaan lang nila ako.
Pagpunta ko sa kwarto ay pabagsak akong humilata sa kama. Pakiramdam ko ay pagod ako na para bang isang daang sako ng bigas ang binuhat ko. Pagpikit ko ay agad din akong nakatulog.
KINABUKASAN...
Wednesday/Miyerkules.
~KOKKOROKOK~ ~KOKKOROKOK~
Nagising ang diwa ko dahil may narinig akong tilaok ng manok. Habang nakapikit ay kinapkap ko kung nasaan ang cellphone ko. Nang makapkap ko 'yon ay tinignan ko kung anong oras na.
4am amp.
Muli kong pinatay ang cellphone ko dahil ang aga pa naman.
Natutulog ba 'tong mga manok na 'to? Aga nagising ah? Natulog ba kayo ha!?
Natawa ako sa sarili kong naisip atsaka muling natulog.
~BRIZK~ ~BRIZK~
Muli akong nagising dahil sa tumunog ang cellphone ko at nagvibrate. Bakit ba ambabaw ng tulog ko? Kaasar. Hinayaan ko lang 'yon dahil antok na antok ako pero muli itong tumunog. Haaay!
Inis kong kinuha ang cellphone ko atsaka tinignan kung sino ang nagtext.
From: TNT
Buset!
Inis kong pinatay muli ang cellphone ko.
Buti pa sana kung ligaw na load ang text na 'yon! Baka natuwa pa 'ko!
Pinilit ko pang makatulog pero hindi na 'ko makatulog talaga. Napatingin ako sa paligid ng kwarto ko at ang dilim. Dali-dali akong tumayo at patakbong pumunta sa switch ng ilaw para buksan ang ilaw. Nang mabuksan ko ito ay nawala ang mabilis na tibok ng puso ko.
Ayoko sa madilim. Matatakutin kasi ako, lalo na sa dilim. Nang minsang maiwan akong mag-isa sa bahay at matutulog na kaya pinatay ko ang mga ilaw ay hindi ako natulog. Lalo na't sa sobrang tahimik. May naririnig akong parang kumakatok katok at naiiyak na 'ko sa sobrang takot. Ayoko sa dilim at mag-isa lang ako.
Muli akong bumalik sa kama ko at humiga pero nakaisip nanaman ako ng nakakatakot kaya muli akong napa-upo. Ilang minuto na rin ang lumipas, hindi na 'ko makatulog. Tumayo na ako upang ligpitin ang aking pinaghigaan. Habang nagliligpit ako ay narinig ko ang bintana ng kwarto ko na para bang may kuko na tinatambol-tambol doon. Agad akong napatingin do'n at nawala ang tunog. Hindi ko inalis ang tingin ko ro'n hanggang sa muli akong mapanatag na magligpit. Pero muling tumunog 'yon kaya naman pinatay ko ang electric fan at tumakbo palabas.
Kwarto ni Ate Sanya ang una kong narating pero nakalock ito. Sunod ay kina Nanay at Tatay pero nakalock din! Naiiyak na 'ko atsaka pumunta sa kwarto ni Ate Jessa pero tuluyan akong naiyak dahil nakalock ito. May narinig akong bumukas na bintana kaya naman halos madapa ako sa pagtakbo papunta sa kwarto ni Kuya Simeon!
Laking pasasalamat ko dahil bukas ang kwarto n'ya kaya nakapasok ako! Pagpasok ko ay agad akong tumakbo sa kama at dumamba sa kuya kong natutulog.
"A-aray!" daing n'ya pero hinigpitan ko lang ang yakap ko habang umiiyak.
"O-oh boi? Napano ka?" nag-aalalang tanong n'ya atsaka umupo at inalalayan akong umupo sa tabi n'ya.
"Huy! Anyare sa 'yo?" muli n'ya pang tanong atsaka pa 'ko hinawakan sa mukha.
"Wala lang. Natatakot lang ako"
"Bakit ka nga natatakot? Ano ba nangyari?"
"May narinig akong bintana na bumukas e" mahinahong sabi ko atsaka n'ya 'ko pinitik sa noo! "Aray!" masamang tingin ang ipinukol ko sakanya atsaka hinimas ang noo ko.
"Akala ko naman napano kana" sabi n'ya atsaka muling humiga. "Diyan ka nalang din matulog. Huwag kang malikot ha! Buti nalang pala hindi ako naglalock ng pinto" sabi nito atsaka tumalikod na sa 'kin. Nagmake face lang ako habang nakatalikod s'ya atsaka inirapan s'ya kahit hindi n'ya nakikita.
Hihiga na sana ako pero parehas kaming nagulat ni Kuya Simeon dahil biglang may tumunog na nabasag na picture frame! Napabalikwas ng bangon si Kuya at ako naman ay umusog papalapit sakanya.
"Ano 'yon?" natatakot kong tanong sakanya kaya hinawakan n'ya ang kamay ko.
"Tara tignan natin" sabi n'ya at tumayo kaya napatayo rin ako.
"S-sure ka? Huwag na kaya? Tignan nalang natin mamaya" natatakot na sabi ko habang pinipigilan s'yang lumabas.
"Kailangan nating tignan. Maiwan kana muna kaya rito?" agad akong umiling sa sinabi n'ya. Bumuntong-hininga s'ya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Huwag kang bibitaw saken" sabi n'ya at tumango naman ako at hinawakan ang braso n'ya sa kabilang kamay ko.
Nang makalabas kami ay ang tahimik. Maski footsteps ay maririnig mo.
"Sa kwarto mo siguro yung nabasag" bulong n'ya pero hindi ako sumagot. Hindi ko s'ya magawang pilosopohin at sabihing 'Malamang sa kwarto ko 'yon. Kasi kung kay Ate Jessa, Nanay at Tatay, o kay Ate Sanya 'yon ay sisigaw sila'.
Dahan-dahan kaming lumapit sa kwarto ko atsaka nag-attempt si Kuya na buksan 'yon. Tumingin-tingin ako sa paligid, sa likuran namin.
"Baket?" bulong ko sakanya dahil hindi n'ya binubuksan ang pinto.
"Nilock mo kwarto mo?" kunot-noong tanong n'ya kaya nangilabot ang buong katawan ko!
"K-kuya" naiiyak at natatakot na sabi ko sakanya! Hindi ko diretsong sinabi sakanya na hindi ko iyon inilock pero mukhang nakuha naman n'ya ang isinagot ko.
Bumalik kami sa kwarto at may kinuha s'yang isang bagay attinry sa doorknob ko at bumukas 'yon. Ang susi ng pintuan ng kwarto ko ay nasa loob kaya naman ibang bagay ang ginamit n'ya pambukas. Hindi ko maiwasang 'di mamangha. Andami talagang alam ng kuya ko tsh!
Nang makapasok kami ay mas lalo akong natakot dahil sa pagkakaalala ko ay nakabukas ang ilaw ko rito bago ako lumabas. Dahil nga nagmamadali ako ay hindi ko na napatay pero ngayon ay patay na ang ilaw.
Binuksan ni Kuya ang ilaw dahil sa may pinto lang naman ang switch. Nang magliwanag ang paligid ay doon ko napansin na may isang picture frame ng pamilya namin ang nahulog. Lumapit si Kuya ro'n at tinignan 'yon. Binitawan n'ya ang kamay ko.
Sabi kahit anong mangyari ay 'wag bibitaw pero s'ya ang bumitaw sa 'kin! Abnormal!
Hindi ko na iyon muling pinansin at tumingin ako sa bintana. Lalapit sana ako ro'n pero pinigilan ako ni Kuya. Binigay n'ya sa 'kin iyong picture frame atsaka s'ya lumapit sa may bintana. Nakakapagtaka lang na walang kahit anong fingerprints o di nadumihan ang bintana ko. Hindi rin halatang binuksan 'yon at may nanloob.
Pagtapos kong suriin din ang bintana ay napatingin ako sa picture frame namin. Basag ang glass na sakto sa mukha nila kaya hindi masyadong maaninang ito, ang sa 'kin lang ang maayos at kitang-kita. Ang parte ko ay walang basag. Unti-unti akong kinabahan.
Lumapit sa 'kin si Kuya at niyakap ako.
"Kahit anong mangyari, huwag kang manakit ng kapwa mo" hindi ko alam pero naiyak ako sa sinabi n'ya. Hindi ko maintindihan.
Inayos namin ang kwarto ko atsaka kumuha na ng mga dapat gamitin at dalhin papunta sa school. Lumabas na kami ro'n at nagstay muna 'ko sa kwarto ni Kuya.
Do'n na rin ako naligo sa cr n'ya at nagbihis. Ginawa ko ang morning routine ko. Napatingin ako sa oras, 5am na.
"Hatid kita papunta sa school n'yo mamaya" sabi n'ya at hindi naman ako tumanggi. Ilang minuto pa ang lumipas, 5:30am nang napagpasyahan na naming bumaba at maghanda.
Syempre nakaupo lang ako habang si Kuya nagluluto ng mga almusal almusal. Nagpapaka master chef s'ya sa kusina. 6:13am na ng matapos s'ya at kumain na kami.
"Aga n'yo ah" sabi ni Ate Jessa na kakababa lang.
"May klase pa 'to e" sagot ni Kuya atsaka tinuro pa 'ko.
"Ahh okay" sagot nito at pumasok sa cr. Sunod-sunod silang nagsibaba at nagising. Sabay-sabay kaming nag-almusal. Hindi na namin sinabi ni Kuya yung kaninang madaling araw.
Tumingin ako sa orasan at 6:46am na. Nagpaalam na ako at si Kuya. Sinabi n'yang ihahatid n'ya 'ko. Nakamotor n'ya 'kong hinatid sa school. Nang makarating doon ay hindi kami nagkibuan, basta lang ako bumaba at pumasok kaya naman hindi ko alam kung susunduin din ba n'ya ako o ano.
Nang makapasok sa school ay inantay ko muna si Lica. Pagdating n'ya ay saglit na chit-chat ang aming ginawa saka pumasok sa room. Napatingin ako kay Drystan na agad namang ngumiti sa 'kin kaya gumanti ako ng ngiti. Doon ko napansin na andaming nakatingin sa 'min na kaklase namin at may nasa labas na nakatingin din dahil nasa may pintuan palang ako.
"Hindi n'ya siguro alam"
"Hindi naman siguro sinabi ni Drystan"
"Haha! What do you expect from him? He's a loser! Ni hindi n'ya nga naipaglaban si Pamela!"
"Oo nga 'no? Hanggang ngayon misteryoso parin pagkamatay ni Pam"
"E ano pa nga ba? Baka kasi s'ya ang pumatay"
"Sabagay. Hindi ba't ang nakarating sa 'tin no'n ay nag-away sila ni Pam bago mamatay si Pam"
"Poor Pamela"
"But I'll admit that Drystan is hot and handsome kaya naman kahit nahihirapan itong si Pam ay gora parin"
"True. Hindi ko rin siya masisisi kung bakit nahihirapan s'yang bitawan 'tong isang 'to"
Naiinsulto ako sa mga naririnig oo kahit hindi ako ang pinag-uusapan. Hinarap ko sila at nagulat sila ro'n.
"Grabe kayo makajudge 'no? Parang kilalang kilala n'yo yung tao" sabi ko kaya naman napaamang ang hinarap ko.
"Ano bang alam mo?" nang-iinsultong tanong ng isa sa kanila kaya naman sarkastiko akong tumawa.
"Ikaw? Ano bang alam mo?" pagbabalik ko sakanya ng tanong n'ya kaya naman parang napahiya ito.
"Huwag mo 'kong tanungin kung anong alam ko kung ikaw mismo ay wala kang nalalaman. Masyado kang chismosa, 'yan lang ba libangan mo?" sabi ko sakanya at bakas ang inis at pagkapahiya sa mukha n'ya atsaka s'ya umalis. Napatingin naman ako sa mga kasama n'ya na tinignan lang s'ya.
"Oh e bakit kayo nandito pa? Anong gusto n'yo? Chismis?" sarkastikong sabi ko. "Huwag kayong mag-alala, kapag may nalaman ako at maglulupong-lupong tayo at magss-story telling ng buhay ng iba tutal doon naman kayo magaling" nang-iinsulto kong sabi kaya inis din silang umalis do'n.
"Grabe ka talaga, beh" umiiling at tumatawang sabi ni Lica at pumasok kami.
"You scared them" tumatawang sabi ni Drystan sa 'kin atsaka ko naman s'ya nginiwian.
"Kung makapagsalita kasi akala mo andadaming alam" sabi ko pero di sya nagsalita. Nang tignan ko siya ay nakangiti s'yang tumitig sa 'kin.
"N-napano ka?" syet! bat ako nauutal!
"Nothing. It's just, you don't judge easily even tho you heard a lot of bad words about me" sabi n'ya kaya napabuntong-hininga ako.
"Hindi naman kasi tama na husgahan kita base lang sa naririnig ko. Hindi porke sinabi nilang mamamatay tao ka, dapat na 'kong matakot sa 'yo. Hindi ko binabase sa ibang tao ang impression ko sa isang tao. Dahil gusto ko, ako mismo ang kikilala" nakangiting sabi ko at huli na ng marealize ko ang huli kong sinabi! Nakangiti s'ya nang sobra sa 'kin! Litaw na litaw ang mapuputi n'yang ngipin.
"H-hoy! H-huwag ka ngang mag-imagine! Ano ano iniisip mo ah!" suway ko sakanya atsaka dinuro pa s'ya.
"You're so defensive. I didn't say anything yet" nang-aasar pa na sabi n'ya kaya sumimangot ako.
"Ewan ko sa 'yo!" nakasimangot kong sabi sakanya atsaka s'ya natawa dahilan para mapatingin ang mga classmates namin.
"So, are you free later? May pagkukwentuhan tayo diba?"
"Oo naman, saan ba punta naten?"
"I'll bring you to Lagardia Island"
"Lagardia Island?" tanong ko pa at tumango naman s'ya.
Lagardia Island? Ano namang meron doon?
TO BE CONTINUED...
_________________________________________
You being here is highly appreciated! Thank you for the support!
Votes and comments are highly appreciated!
Thank you!
-LadyEscritoraI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (13)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Next pls!!!
29/01
0GANDAA😭
22/06/2024
0nakakarelate🥹
23/04/2024
0Tingnan Lahat