logo text

North Star, Home is You

Tatiana's POV
Hindi na kami nag-imikan simula kaninang sinabi niya na sa ‘kin daw ito. Gusto ko pa sana siyang tanungin, pero parang ubos na ang energy ko. Grabe ka naman, Tatiana, gano’ng confrontation pa lang e ubos na energy mo?
Hindi ko kinikibo si Ralph nung pinaghanda ko siya ng pagkain; gano’n din naman siya. As usual, si Drystan, walang kibo at parang walang pakialam sa paligid bukod sa akin. Wow? Feeling!
Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Ralph na ibalik ko raw sa bag niya ang keychain — hawak ko ito ngayon at pinagmamasdan. Wala akong maalala na binigay ko sa kanya ‘to, and besides, ngayon pa lang naman kami nagkakilala. How could it be possible?
"Tell me if you're tired and you want to go home," bulong ni Drystan at saka ako tinapik sa may likod. Hindi ko alam, pero bigla akong napangiti nang bahagya.
"Okay lang naman ako rito. Ikaw ba? Baka gusto mo nang umuwi? Magsabi ka lang," tugon ko, dahil baka naiinip na siya rito. Saan-saan ko kasi siya hinihila at sumasama naman siya!
"I'm fine. As long as you're here, I'll stay here." Wow!
"Pa-sweet ka masyado, hindi bagay sa ‘yo," sabi ko lang, na tinawanan naman niya! Aba! Habang nag-aasaran kaming dalawa ni Drystan, bigla namang umubo si Ralph, na ikinatigil namin.
"Oh?" pasinghal kong tanong sa kanya, at saka siya tinaasan ng kilay. Ngunit agad namang kumunot ang noo ko at napalitan ng pag-aalala ang expression ko dahil bigla siyang napahawak sa ulo niya. Doon ko napansin na dumudugo pala ito!
"Drystan! Tumawag ka ng Doktor!" aligagang utos ko kay Drystan, at agad naman nitong sinunod.
"Ralph," pagtawag ko rito habang papalapit sa kanya. Paanong dumudugo ang ulo niya? Habang papalapit ako, napansin ko ang bubog na tumusok malapit sa sentido niya!
"Ralph! Huwag mong hahawakan ulo mo!" babala ko rito, ngunit huli na ang lahat dahil natanggal niya na ito, dahilan upang tumulo ang dugo sa mukha niya. Kataka-takang wala man lang expression ngayon at para bang hindi siya nasasaktan. Nakita ko pang dinurog niya ang bubog sa kamay niya. Paano nangyari ‘yon?
Nawala na ang pag-iisip ko nang pumasok si Drystan kasama ang Doktor at Nurse sa room ni Ralph. Agad naman nilang nilapitan si Ralph upang tignan ang nangyari, at napatigil sila sa nakita.
"Call security," bulong ng Doktor sa Nurse na kasama niya. Tumango naman ang babaeng nurse at saka tumingin sa paligid bago tuluyang umalis. Tumingin din ang Doktor sa gawing iyon, kaya naman na-curious na ako kung ano ba ‘yon. Natigilan ako sa nakita ko...
May butas sa glass window! At gusto kong umiyak sa takot dahil mukhang isa itong tama ng baril na tumagos!
Bigla naalala ko ang unang beses na nagkasama kami ni Ralph sa daan, noong may nakita akong Laser Sight. Agad akong napatingin kay Ralph, nakakaramdam ng pagkabahala at kaba. Ibig sabihin, meron talagang nagtatangka ng buhay niya!
"Leave us for a moment," sabi ng Doktor sa ‘kin, pero tila hindi ko siya maintindihan dahil hindi ko siya masunod!
"Ralph! Ano ba ‘to?!" ramdam man ang galit sa boses ko, ay dahil sa sunod-sunod niyang pagkapahamak na hindi ko alam pero hindi ko nagugustuhan.
"Miss Nacpil, calm down," sabi ng Doktor, pero hindi ko magawang huminahon nang gano’n gano’n lang! At ano? Miss Nacpil?!
"Steven," kapansin-pansin ang authority sa boses ni Ralph, kaya lalo akong naguluhan. Bakit parang kilalang-kilala niya ang Doktor na ‘to? Magkakilala ba sila?
"She's not a Nacpil anymore. She doesn't even know me," mapaklang sabi nito. "Tatiana, go outside first, please. Mag-uusap lang kami, and kindly bring that scmbg beside you, thanks," mapakla at seryosong sabi nito.
Ako naman ang nabastusan sa kanya para kay Drystan. Hindi ko na sinagot si Ralph dahil mukhang wala naman akong mapapala sa kanya, kaya hinawakan ko ang kamay ni Drystan at saka siya hinila palabas ng room ni Ralph.
"Pagpasensyahan mo na ‘yon si Ralph, sorry kung lagi ka niyang na-di-disrespect," sinserong pagpapaumanhin ko kay Drystan na hindi naman kumibo at nakatitig lang sa ‘kin.
"Ayos lang ako?" nagkakatakang tanong ko. Agad itong umiwas ng tingin at saka tumingin sa kamay naming... omg! Magkahawak! Dali-dali ko itong inalis dahil awkward! Bakit ba hindi ko napansin na magkahawak pa rin ang kamay namin? Bakit parang sanay na sanay ka, Tatiana?
Ako naman ang napaiwas ng tingin dahil sa nangyari.
"Nasasanay ka na sa paghawak sa kamay ko ah? Baka hindi mo na mabitawan ‘yan," nagbibirong sabi nito at hindi ko alam bakit biglang nag-init ang pisngi ko.
"Bibitawan ko kamay mo ‘pag nasa bangin na tayo," sarkastikang sagot ko, dahilan upang mapangisi siya. Ano namang pumapasok sa utak nitong lalaking ‘to?
"Sinasabi mo bang hahawakan mo ulit ang kamay ko? Tsk tsk." Grabeng kapal ng mukha ‘yan! Stay positive ba ang motto nito sa buhay at positive side lang na-ca-catch niya? Ang sabi ko bibitawan, nagawa niya pang positive ‘yon? Okay lang ‘yan, Tatiana, ‘wag lang sa pregnancy test mag-positive!
"Ewan ko sa ‘yo," pikon kong sagot, kaya tinawanan niya ako lalo. In fairness, ah? Ang gwapo—oops! Wala ‘yon! Sasagot pa sana siya pero biglang nag-ring ang cellphone niya.
"One moment, I need to take this call," paalam niya at tumango naman ako. Lumayo siya nang kaunti upang sagutin ang tawag.
Habang malayo siya, doon ko napansin ang keychain ni Ralph na hawak ko pa rin pala hanggang ngayon.
Gawa sa matibay na metal na may kinang na silver o gold finish. Ang disenyo ay hugis bituin (North Star) sa harapan. Tinignan ko ang likurang bahagi nito at nakita kong may nakasulat:
North Star, Home is You.
Paanong sa akin ‘to? Ano ang ibig sabihin nito? Hindi ko man alam ang meaning nito, pero isa lang ang sigurado ako...
Sobrang halaga sa ‘kin ni Ralph noon, at hindi ko ito matandaan.
Maya-maya ay nag-ring ang phone ko, may nag-text. Bigla naman akong nanigas sa message na lumitaw:
He will not escape death as you do, Miss Nacpil.

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    FerougeFelix Dylan

    Next pls!!!

    29/01

      0
  • avatar
    Thamia Lucinario Iroy

    GANDAA😭

    22/06/2024

      0
  • avatar
    Ronelie Balmori

    nakakarelate🥹

    23/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo