Homepage/Unbreak My Heart/
Jealousy
TATIANA'S POV.
Sa kwarto ako ni Ate Sanya natulog dahil sinabi ko na rin sakanila ang nangyari kagabi. Natakot sila para sa kapakanan ko.
Thursday na ng umaga kaya bumangon na 'ko, inagahan ko dahil dadaan pa 'ko sa hospital. Lahat ay gising na rin naman.
"Hatid na kita," presinta ni Kuya Simeon. Agad ko naman itong inilingan.
"Oops, huwag na, Simeon. I can handle," sabi ko atsaka sinenyasan pa s'ya ng stop na kamay.
"Papahatid ka sa Tatay mo, Tatiana," sabat ni Nanay. Napasimangot naman ako.
Gusto kong magcommute, e.
"Dadaan pa 'ko sa Hospital, Nay," sagot ko.
"Alam ko. Kaya nga ihahatid ka ng Tatay mo, sasama ako," aniya. Agad naman akong nagtaka.
"Bakit naman po kayo sasama?" nagtatakang tanong ko.
"Dahil kilala ko yung kaibigan mong 'yon," sabi n'ya atsaka sumandok ng fried rice. Natigilan naman ako at napaisip.
Oo nga pala, magkapit-bahay sila dati.
"Ahh, okay, Nay," sabi ko atsaka na rin kumain. Matapos naming kumain ay sumama ngang talaga si Nanay.
Pagkarating ko sa room ni Ralph ay inaantay nalang daw s'yang magising. May chance daw na magkaamnesia s'ya dahil sa lakas ng pagkakapalo, malalaman namin 'yon sa oras na magising s'ya. Habang nakaupo ako sa tabi n'ya ay hinawakan ko ang kamay n'ya.
"Ralph," pagtawag ko rito. "Gising kana, kwento mo naman sa 'kin kung anong nangyari," malungkot na sabi ko. Totoong nalulungkot ako dahil kahit papano'y naging mabait naman sa 'kin ang nilalang na 'to.
"Nay, Tay, pasok na po ako," paalam ko sakanila. Nagpresinta sina Nanay na magbantay kay Ralph. Ang bait talaga ng mga magulang ko.
Pagpasok ko ay nadatnan ko si Drystan at Helaire na magkausap sa labas ng room namin.
"Hey there, Ate Tati!" masiglang bati ni Helaire nang makita n'ya 'ko. Ngumiti naman ako sakanya.
"Hello, Hel. Anong ginagawa mo rito?" huli na nang mapagtanto kong napakatanga pala ng tanong ko.
She's obviously talking to her brother. Stupid.
"A-ahh hehe," hindi n'ya malaman ang sasabihin kaya tumingin s'ya sa kanyang Kuya.
"She's waiting for you," sabi ni Drystan. Nagtaka naman ako.
"Ha? Tama ba yung narinig ko? Waiting for me?" nagtatakang tanong ko sabay turo pa sa sarili. "Bakit naman?" Baling ko kay Helaire.
"She wants to see your brother." Muli akong napaharap kay Drystan sa sinabi. Namilog ang bibig ko. Omg!
"Kuya!" halatang naiinis at nahihiyang suway ni Helaire sa Kuya n'ya.
"Why?" natatawa ako dahil sa pang-aasar ni Drystan. Pinagmumukha n'ya pang seryoso ang sarili! Wengya!
"Don't mind her, Ate. He's just using me because he can't express his feelings for you," sabi ni Helaire sabay belat sa Kuya na inambaan naman s'ya.
"Laire!" nagbabantang tawag ni Drystan sa kapatid na tatawa-tawang lumayo at nang-aasar na kumaway. Natawa naman ako. Natutuwa rin dahil close silang magkapatid.
"Close n'yo ng kapatid mo 'no?" nakangiting sabi ko kay Drystan atsaka ngumiti.
"Will you please stop smiling?" seryosong sabi n'ya. Natigilan ako.
"Ha?" ang tanging naisagot ko sa labis na pagkalito, pero sa halip na sagutin ay dere-deretso lang itong pumasok sa room.
Abnormal. Saltik.
Pagpasok ko sa loob ay tingin ni Angelica ang nasalubong ko. She smiled at me.
"Sorry," bungad n'ya sa 'kin pagkaupo ko. I smiled at her naman.
"Forget it," sagot ko atsaka sinserong ngumiti.
"Nahihiya ako sa 'yo honestly." Tumawa s'ya.
"Aysus, ano ka ba? Ako lang 'to, 'wag kang mahiya. Antagal na nating magkaibigan, Lica, you know me," sinserong sabi ko. Nag-iwas naman ito ng tingin.
Dumating na ang teacher at nagsimulang magklase pero ramdam ko ang pagka-ilang sa 'kin ni Lica. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko.
"What comes into your mind when you hear the word Entrepreneurs?" tanong ng teacher namin. Hindi na nga ako nag-abalang magtaas ng kamay, ako parin ang tinawag. Letche.
"Entrepreneurs are people that notice opportunities and take the initiative to mobilize resources to make new goods and services," tamad kong sagot. Hindi na ako nag-abalang tumayo pa.
"What a good answer. What else?" tanong ng teacher. Nagtaas naman ng kamay si Drystan.
"Yes, Frasco?"
"Risk taking individuals who take actions to pursue opportunities and situations others may fail to recognize or may view as problems or threats," sagot nito sa teacher pero sa 'kin s'ya nakatingin. Agad ko naman s'yang sinamaan ng tingin kaya nag-smirk s'ya.
Inamo, abnormal!
"Well said," sabi ng teacher at tumingin din sa 'kin.
Inangyan, trip n'yo 'ko?
Hindi ko nalang sila pinansin hanggang sa nagtuloy-tuloy ang discussion. Hanggang sa narinig ko ang magic word na dismissed.
"Sabay na tayo," tinig ni Drystan ang agad kong narinig.
"Hindi na. Punta pa 'ko sa hospital to visit Ralph," nakangiting sabi ko.
"Yeah, then, I'm going with you," sabi n'ya atsaka pa ako tinulungang mag-ayos ng gamit.
"Oy, ikaw ah. Thank you kasi napapadali ang pagcocommute ko, hahaha," biro ko sakanya na tinawanan naman n'ya. "Pero, seryoso, thank you talaga kasi palagi mo 'kong sinasamahan, nagkaro'n pa 'ko ng friend," tatawa-tawang sabi ko. Ngumiti naman ito.
"I'm the one who should be thankful because you listened to me and you didn't judge me," sabi nito.
"Wala naman kasi akong rights to judge you just because may nalaman ako from others. I believe that you shouldn't judge someone without knowing their point of view. Also, just because you know someone's point of view, you have the rights to judge them na. Nobody's perfect, even me, pero ijajudge talaga kita kapag nalaman kong ikaw ang pumatay sa isang tao." Natigilan ako sa huling sinabi at yumuko. "Sorry."
"For what?" biglang tanong nito kaya nag-angat ako ng tingin sakanya. "You're right naman, I got your point. Of course, you don't believe that I killed her, and kung ang lumabas ay pinatay ko s'ya or ako ang reason ng death n'ya, ijajudge mo 'ko. Kasi, you trusted me and I made you believe that I didn't do it,and I'm not the reason why she was killed," mahahang sabi n'ya at tumango-tango naman ako.
"Talagang hindi ka parin nadadala, e, 'no?" ayon nanaman ang sarkastikong tinig. Napatigil kami sa paglalakad papunta sa parking lot nang may tinig kaming narinig.
"What do you want, Miguel? You keep on messing around," sarkastikong sabi ni Drystan at nakakalokong ngisi naman ang pinakawalan ni Miguel.
"Hey there, Tatiana," nakangising bati nito sa 'kin kaya naman naiilang akong tumango.
"H-hello, Miguel," naiilang na bati ko atsaka naiilang na kumaway. Hinawakan naman ni Drystan ang kamay ko na ikinagulat ko.
"Seloso," tatawa-tawang bulong ni Miguel na narinig naman namin.
"Shut up," walang emosyon ngunit naiinis na sabi ni Drystan.
"Alright," pagsuko ni Miguel atsaka sumulyap sa 'kin.
Ang gwapo talaga, yawa.
"Takecare, Tatiana," sinserong sabi nito atsaka ako tinapik sa balikat na ikinagulat ko.
"Hey!" suway ni Drystan at tinapik pa ang kamay ni Miguel na nasa balikat ko. Ngumisi naman si Miguel atsaka umalis.
"Don't mind him," batid kong naiinis s'ya dahil kay Miguel, pero teka?
"Anong sinabi n'yang seloso? Nagseselos ka?" huli na ng mapagtanto kong ampangit ng tanong ko. Buti nalang talaga ay maganda ako.
"You really need to ask that, Tatiana?" ha? ano raw?
"Hayaan mo na," nakangiwing sabi ko atsaka nagtuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa kotse n'ya.
"Yes, I'm jealous, Tatiana." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig. Biglang kumabog nang malakas ang puso ko.
Ha? Ano raw? Nagseselos? Bakit? Pa'no? Saan? Sino? Sa pa'nong paraan? Yawa!
TO BE CONTINUED...
______________________________________
You being here is highly appreciated! Thank you for the support!
Votes and comments are highly appreciated!
Thank you!
-LadyEscritora I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (13)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Next pls!!!
29/01
0GANDAA😭
22/06/2024
0nakakarelate🥹
23/04/2024
0Tingnan Lahat