Homepage/Unbreak My Heart/
Chapter 14:
TATIANA'S POV.
"May suspect ka na ba kung sino pumatay kay Pamela?" biglang tanong ko, hindi siya sumagot. "Okay lang kahit 'di mo sagutin," dugtong ko pa no'ng mapansin kong wala siyang balak sagutin ang tanong ko.
Sandaling katahimikan ang namutawi sa 'min. Hindi ko alam bakit bigla nalang s'yang nanahimik nang gano'n. Napatingin ako sa oras, alas onse na ng gabi.
"Do you want to go home?" tanong n'ya kaya naman tumango ako.
"Let's go home, then," sabi n'ya atsaka tumayo. Bigla ay inalok n'ya sa 'kin ang kamay n'ya upang tulungan akong tumayo. Inabot ko naman ito.
"Thanks," sabi ko atsaka ngiti. Ngumiti rin s'ya. Papauwi na kami ng bigla s'yang magtanong.
"How much do you know Nacpil?" nagtaka naman ako sa tanong n'ya. Bakit n'ya tinatanong? Napaisip naman ako.
"Hmmm. Una ko s'yang nakausap no'ng naiwan ako sa room, tapos sabay kaming umuwi. Do'n yung una," sabi ko sakanya.
"Yeah, I remember that day. What happened that time?" tanong n'ya. Napaisip naman ako.
"Nag-aasaran kami non, tapos nong hinahabol ko s'ya, napansin kong..." biglang humina ang boses ko. Naalala ko no'ng nag-aattempt ako na sabihin kay Drystan ang totoo no'n, pinigilan ako ni Ralph at parang ayaw n'yang sabihin.
"You noticed that?" tanong s'ya sa pambibitin ko. Omg! Sasabihin ko ba?
"N-napansin kong... hmm n-nahihirapan s'ya huminga," utal utal na sabi ko. Mukhang napansin n'ya ang pagiging utal ko sa pananalita dahil nangunot ang noo n'ya sabay tingin sa 'kin.
"Really, Tatiana? I wasn't born yesterday," lalamya-lamyang sabi n'ya. Para bang alam n'ya ang pagsisinungaling ko. Hindi ako makasagot.
"It's okay if you don't wanna tell me what happened that night. But, I guess, someone is trying to harm him, right?" Pilit akong ngumiti. Tama naman s'ya ro'n, pero mas maganda kung si Ralph ang kakausapin ko tungkol do'n.
Nang maihatid n'ya ako sa 'min ay inaya ko pa s'yang pumasok muna at magpakita sa magulang ko pero tumanggi na s'ya, tutal naiuwi na rin daw ni Kuya si Helaire ay dederetso na rin s'ya pauwi.
"I'm home," sabi ko sa mga nadatnan ko sa sala.
"Hello, home." Ate Sanya.
"Kaninong anak ka? Wala akong anak na home ang pangalan." Nanay.
"Kilala n'yo? Home daw." Tatay.
"Walang may pake, kingina." Ate Jessa.
"Hindi namin tinatanong." Kuya Simeon.
Ayan ang kanya-kanya nilang comment. Palagi nila 'kong ginaganyan! Umirap ako bilang tugon.
"Musta date n'yo?" nanunuksong tanong ni Tatay na inirapan ko lang.
"Panay ang irap mo, ah. Hindi ba maganda mood mo? Break na kayo kaagad?" seryoso ang mukha ni Nanay pero halatang nambibwisit lang s'ya.
"Wala namang sila, anong ibibreak?" si Ate Jessa 'yan. No'ng nagpaulan ng kapasmaduhan ng bunganga, nando'n s'ya taas, nagdodonate pa nga s'ya dahil sobra- sobra na ang kanya.
"Grabe naman kayo, baka naman hindi pa s'ya sinasagot," humahalak
hak na sabi ni Kuya Simeon kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Napaka-epal. Isa pa 'to, e. Napatingin ako kay Ate Sanya na ngumiti naman sa 'kin.
"Do you like him?" nakangiting tanong n'ya. Napaka-amo ng mukha.
"Ha? Sino?" tanong ko sakanya kahit obvious naman na si Drystan ang tinutukoy n'ya.
"Hahaha, luh, may iba pa ata, oh," tatawa-tawang sabi ni Kuya Simeon.
"Oo nga, sampo ata lalaki n'yan, e." Si Ate Jessa 'yan syempre.
"Ansama n'yo sa 'kin, ah. Kung si Drystan ang tinutukoy mo, Ate Sanya, wala akong gusto sakanya," pandederetso ko.
"Ows? E, ano lang?" echos n'ya.
"Duh, classmates!" sabi ko atsaka bumelat.
"Kahit friends hindi?" pangungulit n'ya pa.
"Medyo," sagot ko naman. Friends na ba kami non?
"Ayos lang sa 'yo? Kahit ate n'ya si hannah?" tanong n'ya sa kin at natigilan ako. Do'n ko lang naalala na 'yon dapat ang itatanong ko! Langya. Napaisip naman ako.
Hindi ba dapat ako ang magtatanong non sakanya kung sakaling may chance na maging kami ni Drystan?
Sakali, ah. Sakali. Baka ano nanamang isipin ng iba, hehe.
"If there's a chance, Ate, hindi ba dapat ako ang magtanong sa 'yo n'yan? Ikaw yung inapi," nagtatakang tanong ko. Lalo akong nagtaka nang makita kong ngumiwi ito.
"Maka-api ka naman. Para namang aping-api ako no'ng makita mo 'ko, ah," naaasar na sabi n'ya kaya natawa kami.
"Kahit naman hindi ka anuhin, mukha ka namang aping-api," sabi ni Ate Jessa.
"True. Pinanganak kang mukhang gano'n," gatong naman ni Kuya Simeon at nag-apir pa sila ni Ate Jessa.
"Ma, Pa, sinasabi nila na panget kayong dalawa. Sainyo ako nagmula, e," sabi ni Ate Sanya kay Nanay at Tatay.
"Oo nga, 'no," nakasimangot na sabi ni Tatay.
"Kayo lang. Hindi naman ako Nanay n'yo, e," sabi ni Nanay kaya sinimangutan s'ya ng lahat.
"Sino ka?" sarkastikang tanong ni Ate Sanya sakanya. Ayaw na ayaw kasi nilang sinasabi ni Nanay 'yon. Dahil para sakanila, kay Nanay sila nagmula at ako ay sperm ni Tatay.
"Oh, edi sa 'kin na, kingina. Dadamay n'yo pa 'ko sa pagkapanganak n'yong panget," sabi n'ya kaya tumawa ang lahat. "Kung pangit kami, huwag na kayong magtaka sa itsura n'yo," dugtong n'ya pa sabay turo kay Ate Jessa at Kuya Simeon. Hindi naman maipinta ang mukha ng dalawa dahil sa pagkabara. Binelatan sila ni Ate Jessa.
"Haynako, hindi ko alam kung ampon lang ba talaga 'ko o ano, ako lang matino sainyo, e," iiling-iling na sabi ko. Lahat sila ay napaamang.
"Tama naman," sabi ni Kuya Simeon na ikinaamang ko rin. Aba'y hindi tumutol?
"Oo, tama nga," tatango-tangong sabi ni Ate Jessa rin. Nag-apir sila ni Kuya.
"Pero applicable lang 'yon kapag nandito ka sa bahay at wala kang kasama," sabi ni Kuya Simeon kaya humalakhak ang lahat. Napasimangot naman ako.
"Tama." Nanay.
"Tama behavior." Ate Sanya.
"Tamafication." Ate Jessa.
"Korik ka r'yan, Nak." Tatay.
Pinagtulungan nanaman ako, langya.
"Pero, mabalik sa usapan. Hindi ba't dapat ikaw tanungin ko non kung may something man?" tanong ko kay Ate Sanya. At nakasunod naman sila sa pagbabalik topic ko. Gano'n kami kabilis makapagpalit ng topic.
"Hmm. Relasyon n'yo naman ni Drystan 'yon, e. Kung ano man ang sa 'min ni Hannah, labas kayo ro'n. Kung ano mang meron sainyo ni Drystan, mas lalong labas kami ro'n. Hindi ko naman dapat hadlangan kung sa'n kayo masaya nang dahil lang sa may hindi kami pagkakaunawaan ng Ate n'yang deputa," mahabang sabi n'ya na sinang-ayunan ng lahat. Gano'n din ako.
Sana all matured. Kasi kung ako 'yon, baka gerahin ko sila, hehehe.
"Pero that doesn't mean na hahayaan kana namin do'n, it's just, siguraduhin n'ya lang na he won't hurt you, because if he will, then sorry but we have no choice but to hurt him, too," sabi ni Ate Sanya. Napangisi ako.
"Don't worry, I won't let him hurt me. If he'll hurt me, I'll hurt him more in my very own way," nakangisi kong sabi. Maya-maya ay nagtaka kung sa'n nanggaling 'yon.
"Nakakatakot ka naman, para kang demonyo." Ate Jessa.
"Mukha naman talagang demonyo 'yan." Kuya Simeon.
"Sa sobrang kapangitan mo, napagkakamalan kanang demonyo." Nanay.
"Grabe kayo." Nagkamali ako nang akala kong pagtatanggol ako ni Ate Sanya, "Alam naman na n'ya 'yon. Huwag na nating ipamukha. Mukha ngang tanggap na n'ya, e," dugtong n'ya.
"Tama na 'yan. Nasa pagkatao na n'ya 'yan," sabi naman ni Tatay.
Wengya kayong lahat!
"Hoy! Excuse me? Did you know that the devil once an angel?" sabi ko sakanila, pino-point out na mukha akong anghel.
"Oo, tapos hinulog ka ng langit, kaya no'ng bumagsak ka, ubod ka ng pangit," sabi ni Kuya Simeon atsaka sila tumawa.
Nagsimula nanaman sa pang-aapi sa 'kin ang mga walanghiya...
TO BE CONTINUED...
______________________________________
You being here is highly appreciated! Thank you for the support!
Votes and comments are highly appreciated!
Thank you!
-LadyEscritoraI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (13)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Next pls!!!
29/01
0GANDAA😭
22/06/2024
0nakakarelate🥹
23/04/2024
0Tingnan Lahat