Chapter 13:

TATIANA'S POV
       "Do you like it here?" hindi ako makagalaw ng maramdaman ko ang mainit na hininga ni Drystan sa may tenga ko. Ramdam na ramdam ko ang sobrang lapit na presensya n'ya sa likuran ko...
Bigla ay napa-iwas ako atsaka inis na tumingin sakanya, pero gano'n nalang ang gulat ko nang makita kong sobrang layo pala ng pagitan namin sa isa't isa. Ang inosente n'yang mukha ay napalitan ng pagtataka.
"Why?" hindi ko nagawang sumagot. Kung nakakamatay ang kahihiyan ay malamang pinagbuburulan na 'ko.
"Hmm..." hindi ko nagawang sumagot agad. "It's beautiful," iyon ang naisagot ko, hindi ako sigurado kung akma ba 'yon sa tanong n'ya.
"It really is," sambit n'ya at tumingin mismo sa tubig. "But the memories I have here are not beautiful as this island," mapait n'yang dagdag. Tinignan ko s'ya, puno ng awa.
Umupo kami sa may tulay na tinitignan ko kanina habang nakatanaw sa tubig.
"I don't expect that someone will be here with me," panimula n'ya. Napatingin ako sa mukha n'ya, bagaman nakangiti ay napakalungkot ng mga mata n'ya. "Hindi ko alam bakit nagtiwala ka sa 'kin at sumama ka rito, pero salamat." Sinsero itong ngumiti at tumingin sa 'kin.
Paano kaya kapag nalaman n'yang chismis ang ipinunta ko rito? Charet.
"Hindi ko rin alam kung bakit kita sinamahan," tatawa-tawa ngunit pagpapakatotoo ko. "Basta no'ng nakita kitang umiyak, naawa ako. Siguro dahil hindi ako sanay na nakakakita ng lalaking umiiyak. No'ng nakita kita no'n, naramdaman ko yung sakit na nararamdaman mo," mahaba man ay nagpaliwanag ako. Tumawa naman ito. Hindi ko alam pero natulala ako sa tawang 'yon.
"Pwede namang hindi tumawa ng ganyan kagwapo diba?" nakataas ang isang kilay na tanong ko, kunwaring nagtataray. Natigilan ito.
"What?" mahina n'yang tanong atsaka naiilang na tumingin sa dagat.
"Joke 'yon, oy! Eto naman!" sabi ko atsaka humalakhak. Nakita ko naman itong ngumisi, gano'n s'ya katipid.
"I won't be surprised if you really mean it tho," ngingisi-ngising sabi n'ya kaya namilog ang bibig ko.
"Ang kapal mo," tatawa-tawang biro ko na tinawanan naman n'ya.
"So, ano nga uli yung sainyo ni Pamela?" tanong ko.
"Ask me anything about her, I'll answer,"  ani ya. Napaisip naman ako.
"Simulan mo sa umpisa."
"Saan don?"
"Sa umpisa nga."
"Kung kailan kami nagkakilala?"
"Oo."
Sandali s'yang tumigil, inisip kung saan ba dapat sisimulan.
"I met her on our school," panimula n'ya at nakinig naman ako.
"We were both young when we fell in love, I'm the president and she's my vice president. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Pamela is an understanding woman," nakangiti pa ito habang nagkukwento. Para bang naiimagine n'ya ang nangyari noon. Ang saya ng mga mata n'ya. Hindi naman ako nagsalita. Nakinig lang ako.
"When I first saw her, I already fell in love. I was happy when she became my vice president." tumawa pa ito, animong kinikilig. "People thinks that our relationship is sweet, I won't deny it, tho." ngumiwi ito, gano'n din ako.
"Everything is fine, not until I asked to meet my parents. They don't want her," malungkot n'yang sabi atsaka bumuntong-hininga.
"Bakit naman ayaw nila kay Pam?" curious kong tanong.
"Well... Pamela came from a poor family." Ngumiwi akong muli, nahuhulaan na ang dahilan.
"And so? E, ano naman kung galing s'ya sa mahirap na pamilya? Tsh," inis kong sabi at pilit naman itong ngumiti.
"I don't know why my Mom is like that." Napayuko ako. Nanay n'ya 'yon, e. Nahihirapan s'ya. "Actually, I'm not sure if Dad is fine with my relationship Pamela. He didn't show any support but he didn't say he doesn't like her also. He doesn't meddle with my relationship," mahabang sabi n'ya. Tsh. Mabuti pa yung Tatay n'ya, ewan nalang sa Nanay n'ya.
"Oh, e, sure ka bang 'yon lang reason ng Nanay mo? Yung dahil galing sa mahirap si Pam?" tanong ko sakanya. Naiisip kong posible kasing may ibang dahilan ang Nanay n'ya para ayawan nang gano'n si Pamela. Based on their story, Pamela is such a nice girl naman, there's no reason for his Mom to dislike her.
"I don't know. But, when I asked her before, that's what she told me. Pamela came from a poor family so she dislikes her." Hindi naman ako sumagot. "She keeps on saying there's someone who's more be worth it. Someone who can love me more and someone who's destined for me. She actually introduced her to me, but I forgot her name." Ngumiwi ito. Natawa naman ako. Nakalimutan ang pangalan, amp.
"Tsh. How would she know if someone is meant for you or not?" biglang banat ko, dahilan upang mapatingin s'ya sa 'kin. "No one can say if someone is meant for someone kaya. No one knows what the future is. Tss," sabi ko atsaka suminghal. Sandali akong natigilan nang makitang nakatitig ito sa 'kin. Pinaniningkitan ang mga mata. Agad ko naman s'yang tinaasan ng isang kilay kaya tatawa-tawa itong nag-iwas ng tingin.
"Well, you're right." Tumatawa parin ito. "My bestfriend fell i n love with Pamela too," panimula nanaman n'ya. "At first, he got mad but when Pam and I talked to him, naging ayos kami."
"Ayon naman pala, e. Naging ayos naman kayo," sagot ko habang tumatango-tango pa.
"But, he got mad again. He thought na pinapabayaan ko si Pamela but I told him that's not true, he didn't believe me."
"Bakit naman?"
"Because that's what Pamela told him. Pinapabayaan ko s'ya." Napaisip naman ako at naalala ang kwento ni Cristine. Kung hindi ako nagkakamali, nabanggit n'ya na palaging hinahatiran ng pagkain ni Pam si Drystan pero hindi s'ya pinapapasok, bilin ng Mommy n'ya.
"Hindi mo naman ba s'ya napabayaan?" tanong ko. Sandali itong natigilan.
"I swear, hindi ko sinasadya na mapabayaan s'ya," malungkot na sabi n'ya. Marahil, wala s'yang magawa.
"But I always assure that nakakabawi ako sakanya. Altho, I saw her many times with my friend. Sometimes, hindi s'ya sumasama sa 'kin because she's with him. She's enjoying his company. Well, I can't blame her. I'm such a loser, I can't find time when she wants to. 'Di ko masuway ang parents ko, e. I managed our company, then, yeah." He sighed.
"Aww, grabe naman. Pero kung ako siya, hindi ko s'ya masisisi kung magtatampo s'ya nang bonggang-bongga sa 'yo. Pero yung hindi na sumasama sa 'yo dahil sa may kasama s'yang iba? Naku." Umiling-iling ako. "Ano bang name nong bestfriend mo?"
"Miguel. Miguel Sarmiento," sagot n'ya. Napaisip ako ulit kung saan ko ba narinig yung miguel na 'yan. 
"Omg..." oa man ay naiusal ko. "Siya ba yung lalaki kanina? Yung matangkad na gwapo?" gulat na tanong ko. Tumango naman ito. "Omg talaga." Napahawak pa 'ko sa bibig ko.
"Why?" natatawang tanong nito sa 'kin.
"Wala naman, hehehe. Ang gwapo n'ya pala talaga," sabi ko pa habang tumatango-tango.
"Really? Is he your type?" Nginiwian ko s'ya sa tanong n'ya.
"Type agad?" pabiro kong sabi.
"You said he's handsome."
"Gwapo naman kasi talaga s'ya."
"Is he your type, then?"
"Nagwapuhan lang type agad? E, kung sabihin kong sobrang gwapo mo, type na type na ba kita non?" Humalakhak ako pagtapos. Napansin ko naman na hindi siya tumawa kaya sumimangot ako.
"Are you lowkey expressing your feelings for me?" aniya pagtapos ay siya ang humalakhak. Lalo akong napasimangot.
"Ang feeling mo," bulong ko kaya tumigil s'ya sa paghalakhak at ngumisi. "Tuloy mo na nga yung kwento mo." Lumabi pa 'ko pagtapos.
"Madalas kami noon ni Pam dito sa Island, this is her favorite place. One day, pumunta kami dito para pag-usapan ang relasyon namin. Then, she admitted something." Muli n'yang pinasingkit ang mga mata n'yang singkit naman.
"Ano 'yon?" curious kong tanong.
DRYSTAN'S POV.
"Ano 'yon?" she curiously asked. I sighed. Should I tell her?
"S-she admitted that she doesn't love me anymore," pahina nang pahina ang pagkakasabi ko non atsaka nag-iwas ng tingin. Natigilan s'ya atsaka nanlalaki ang mga mata at nakapabilog pa ang bibig nang humarap sa 'kin.
"N-nainlove s'ya kay Miguel 'no?" gulat man ay nahulaan n'ya kung kanino nahulog si Pamela.
"Yes," I answered at tumango-tango s'ya.
"Then?"
"Then, of course, I was hurt. I asked her why, I bet you already know the reason."
"Dahil hindi mo mabigay yung oras na gusto n'ya? Hindi agree Mommy mo sakanya? Si Miguel yung palaging nand'yan?" sunod-sunod na sabi n'ya.
"Yes. All of that are the reasons why," tatawa-tawang sabi ko pa.
"Nagkulang ka?" natigilan ako sa deretsang tanong n'yang 'yon.
"Oo. Sobra-sobra ang pagkukulang ko, na hindi ko man lang nagawang punan," I sadly said. If I could only turn back the time, I won't leave Pamela here.
"How did she die?" ayon ang tanong na hinihintay ko.
"We fought when we're here. Then, I left her here. I know it's my fault dahil iniwan ko s'ya rito, hindi ko dapat siya iniwan." My tears fell. I'm still soft when it comes on Pamela.
"Pa'no naman kaya s'ya namatay? Hindi mo ba inalam?" She asked.
"Hindi," sagot ko.
"Why? you should know 'no! Hindi man lang ba inimbestigahan kung sino pumatay?" Kumunot ang noo n'ya.
"Nagpabayad ang Mama n'ya para magcase closed ang pagkamatay ni Pamela," sabi ko at gaya ng inaasahan ay hindi s'ya nakapagsalita.
"Tulungan kita," biglang sabi n'ya. Ako naman ang natigilan.
"Are you sure?"
"Yes." She's serious. Tumango lang ako bilang pagpayag. "She died without knowing who the killer is. Her Mom accepted the money rather than knowing the real truth about her daughter's mysterious death? That's absurd. I pity Pamela. Even in her death, she'll think that no one loves her," mahabang sabi n'ya, unti-unting may pinaparealize sa 'kin.
"Then, will you help me?"
"I won't volunteer if I'll answer a no with that question, Mr. Frasco," she said while smirking. Namamangha akong napatitig sa babaeng katabi ko ngayon.
She didn't judge me like others do despite of knowing the truth behind my past. What a matured woman...
But on the other side, I didn't tell her the secret only I and Pam knew.
Pamela died carrying our child...
TO BE CONTINUED...
______________________________________
You being here is highly appreciated! Thank you for the support!
Votes and comments are highly appreciated!
Thank you!
-LadyEscritora   

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    FerougeFelix Dylan

    Next pls!!!

    29/01

      0
  • avatar
    Thamia Lucinario Iroy

    GANDAA😭

    22/06/2024

      0
  • avatar
    Ronelie Balmori

    nakakarelate🥹

    23/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata