Homepage/Unbreak My Heart/
Chapter 11:
Tatiana's POV.
"Ramos? Wait... do you know Simeon Ramos?" tanong nito kaya natigilan ako. Biglang pumasok sa utak ko si Kuya!
Pakshet! Si Kuya nga pala!
"Ahh, Drys, alis na 'ko ah? Hahanapin ko pa si Kuya e," paalam ko sakanya at agad na tumalikod pero agad akong napatigil ng hawakan n'ya ang kamay ko!
*TUGDUG* *TUGDUG*
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Damn it!
"W-wait... samahan na kita," sabi nito at agad na binitawan ang kamay ko.
"K-kahit wag na," sagot ko pero hindi parin ako makatingin sa kanya!
"Wait," singit ng kapatid n'yang si Helaire kaya naman napatingin ako sakanya.
"Bakit?" tanong ko pa.
"Y-your brother is with me," nautal pa s'ya at nagtaka naman ako.
"Tatiana!" napatingin ako sa direksyon kung saan may tumawag sa 'kin.
Si Kuya! magkasama nga sila? Bakit naman?
"Simeon!" masayang tawag ko rito atska patakbong pumunta sakanya at yumakap. Nakahinga ako nang maluwag sapagkat nakita ko s'ya rito.
"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong n'ya sa 'kin. Napahiwalay ako sa pagkakayakap sakanya dahil sa sinabi n'ya.
"I should be the one to ask you that. What are you doing here?" pambabalik ko sakanya ng tanong n'ya. He looked at Helaire bago tumingin muli sa 'kin.
"Inaantay kita sa harapan ng school n'yo ng mapansin kong may isang babae na pinalilibutan ng mga lalaki sa isang gilid. Syempre nong una ay hinayaan ko lang, hindi ko na pinansin, pero nong sumigaw na ang babae, lumapit na 'ko dahil baka mapahamak pa s'ya," explain n'ya at nagets ko na. At ang babaeng tinulungan n'ya ay ang babaeng kapatid ni Drystan.
"He helped me. He saved me from those bastards, Kuya," sabi ni Helaire kay Drystan at agad namang tumingin si Drystan kay Kuya at nagpasalamat. Nag-usap pa silang tatlo, ako naman ay nanahimik nalang nang may bigla akong naalala.
"Uwi na muna pala ako. Magpapalit pa 'ko ng damit e. May pupuntahan pa 'ko," sabi ko at napatingin naman silang tatlo sa 'kin.
"Oo nga pala," sagot ni Drystan dahil naalala n'ya rin siguro si Ralph.
"Sige na, una na kami, Drys, Laire," nagpapaalam na sabi ni Kuya.
"I'll come with you," sabi ni Drys na ipinagtaka ni kuya. "May pupuntahan pa kasi kami ni Tatiana," dugtong n'ya at napatingin naman si Kuya sa 'kin, parang nagtatanong ang tingin.
"I'll explain it to you later," sabi ko at tumango naman s'ya. Nagpaalam pa muna si Drystan sa kapatid na agad na tumingin kay Kuya at sa 'kin.
"C-can I come?" nahihiyang tanong nito sa 'kin. Nagulat naman ako sa inasal n'ya.
"O-oo naman," nakangiti kong sagot ngunit naro'n parin ang pagtataka.
Sandali pa silang nagpaalam sa mga tao ro'n atsaka kami lumabas. Pasakay na 'ko sa motor ni Kuya, ngunit may humawak sa pulsuhan ko. Si Helaire.
"Why?" nagtatakang tanong ko sakanya. Agad naman itong nahihiyang napayuko pagtapos ay sumulyap kay Kuya Simeon.
"P-pwede bang ako nalang umangkas sa K-kuya mo? A-ahm... gusto ko kasing ma-experience sumakay ng motor," halatang nahihiyang sabi nito kaya nagkatinginan kami ni Kuya. Wala naman din akong choice kung hindi pagbigyan s'ya. Bigla kong naisip...
Kung s'ya ang sasakay kay Kuya, edi kay Drystan ako masasabay!?
Omg!
Oops! Oops!
Huwag Oa Tatiana, duh! Sasabay kalang naman?
Binigay ko kay Helaire ang helmet atsaka naman n'ya ito isinuot, nagpatulong din s'ya kay Kuya Simeon.
"Oh? Hel? Hindi ka ba sa 'kin sasabay?" nagtatakang tanong ni Drystan sa kapatid. Oo nga naman, Helaire! Bakit hindi ka sa Kuya mo sumabay? Huwag kang mang-aagaw ng Kuya! Charet.
"A-ahh hehehe, hayaan mo na. Gusto n'ya rin daw kasi ma-experience makasakay sa motor. Puros kotse siguro kayo 'no? Big time ah?" biro ko kay Drystan pero ang paningin nito ay nakay Helaire parin, nagtatakang tingin ang ipinukol sa kapatid. Napatingin naman ako kay Helaire na nanlaki ang mata sa sinabi ko. Eh?
"What?" nagtatakang tanong ni Drystan sa kapatid "You want to experience riding in a motorcycle?Really, Helaire?" hindi makapaniwalang tanong nito, nakakapagtaka.
Hindi ba dapat masaya s'ya sa kapatid n'ya na bet maka-experience ng ibang bagay!? Tsh! Ayaw ko na palang maging Kuya si Drystan!
"You freaking own a damn motorcycle, Helaire. Hindi ka nagkokotse, dahil nagmomotor ka," dagdag na sabi pa ni Drystan kaya naman gulat akong napatingin kay Helaire na lalong nanlaki ang mata at para bang nahihiya.
"K-kuya!" iritableng tawag ni Helaire sa Kuya n'yang ngingisi-ngisi ngayon atsaka tumingin kay Kuya Simeon.
"Well, baka gusto mong umangkas," tatawa-tawang sabi ni Drystan, halatang nang-aasar.
Bumaling ito sa Kuya ko at tinapik ang balikat nito, "Takecare of my sister, Bro," sabi ni Drystan kaya naman agad tinampal ni Helaire ang kamay n'ya at tinignan ito na parang nagets naman ni Drystan dahil tumango-tango ito. Napatingin naman ako sa sahig.
Ilang piraso ng buhangin kaya ang narito? Napapansin ba na nag-eexist sila? Aba'y kung hindi, baka buhangin din ako!
"Hey," narinig ko ang nagsalita ngunit hindi ko pinansin.
Tama! Tama! Hindi dapat pansinin dahil for sure hindi nanaman ako ang kausap! Hindi nanaman ako napapansin! Hoy nag-eexist ako!
"Tatiana?" tama ba ang narinig ko!? Tatiana raw! Ako ata 'yon! Ako 'yon!
"Oo ako 'yon at nag-eexist ako!" maski ako ay nagulat nang dahil sa naisigaw ko!
What!??!! Tatiana!?
Taka silang lahat na tumingin sa 'kin. Tinaasan ko sila ng kilay atsaka dumiretso sa kotse at binuksan ito upang sumakay.
"Tsh! Ang O-oa nila! Napasigaw lang e," pahina nang pahina ang boses ko dahil narealize kong totoong nakakahiya nga.
Bakit hindi pa sumasakay si Drystan!?
Lintek naman din ang isang 'yon! Nakasakay na 'ko sa kotse wala paren!? Wala bang balak 'yon na samahan ako?
Bahagya pa akong nagulat nang may kumatok sa bintana ng kotse sa labas. Inis ko lang na tinignan iyon nguni pinabayaan.
Napatingin ako sa left side ko at nagulat ako dahil may lalaki!
"S-sino ka!?" natatakot kong tanong, bahagyang nakasigaw. Teka! Parang familiar yung face n'ya ah?
"I should be the one to ask you that. Who the hell are you?" singhal nito habang nakakunot ang noo! Luh!
"Wait... you look familiar." ang kaninang naka-kunot nitong noo ay lalong kumunot dahil parang inaalala n'ya kung sino ako.
Uy, familiar daw ako. Familiar ka rin po sa 'kin. Btw, ang gwapo mo.
Totoong gwapo s'ya. Mukha s'yang koryano. Napatingin ako sa kabuuan n'ya. Ka-height n'ya siguro si Drystan. Kung si Drystan ay kahawig si Mario Maurer, eto naman ay kahawig n'ya si Ji Chang Wook! Jusme! Maloloka na ata ako!
"So, what are you doing here?" halatang naiiritang tanong nitong muli. Inis ko s'yang tinignan.
"I'm the one who should ask you that. Who are you ba? And what are you doing here sa kotse ni Drystan?" ang masamang tingin nito ay lalong sumama. Lumakas ang katok sa labas kaya inis kong sinubukang buksan ang pinto ng kotse ngunit nabigo ako. Hindi ko mabuksan!
Hindi ako lumilingon sa lalaking kasama ko sa loob ng kotse, ramdam ko ang tingin n'ya kaya parang lalo akong napapahiya. Napabuntong-hininga ako at inis na tumingin sakanya.
"Baka gusto mo 'kong tulungan diba?" sarkastiko kong sabi sabay 2 ltingin nang masama.
"Humingi ka ba ng tulong?" singhal nito sa 'kin atsaka padabog na bumaba sa kotse at pinagbuksan ako.
Paglabas ko ay masama parin ang tingin ko sakanya. Tumingin ako sa kabilang banda at doon ko napansin si Drystan.
Siya siguro yung kumakatok...
Ay teka! Bakit s'ya kumakatok kung kotse naman n'ya 'yon? Unless...
Muli akong napatingin sa kotse.
Ayan kasi, Tatiana! Sakay ka nang sakay! Hindi tumitingin!
Mali ang nasakyan ko, omg!
Napapahiya akong tumingin sa lalaki na hindi sa 'kin nakatingin. Nakatingin s'ya kay Drystan at seryosong-seryoso ang tingin n'ya. Nalipat naman ang tingin ko kay Drystan na seryoso ring nakatingin doon sa lalaki.
Teka!
Naaalala ko na s'ya! Siya yung lalaking nakausap no'n ni Drystan sa school. Yung lalaking nagsabing...
"Talagang hindi ka pa nakokontento e 'no? Etong babae na 'to nanaman ba ang balak mong hukayan ng libingan?"
Naalala ko na. Sino naman kaya s'ya?
"What's up?" walang-emosyong bati ni Drystan, sarkastikong ngumiti ang isang lalaki ngunit hindi ito sumagot at nakangising sumulyap sa 'kin bago tumalikod.
"H-hoy! Sorry ah?" bahagyang sigaw ko sa lalaki ngunit tuloy-tuloy lang itong naglakad at pumasok sa kanyang kotse. Sungit!
"Tsh. Let's go," aya sa 'kin ni Drystan kaya naman sinundan ko s'ya.
"Drys, sino 'yon?" patukoy ko sa lalaki kanina.
"A old friend of mine," sagot n'ya, para bang ayaw pag-usapan.
"Anong pangalan?" minsan lang maka-marites, sulitin na!
"Miguel," sagot nito. Napatango naman ako at tumingin sa may bintana, pilit inaalala kung saan ko nga ba narinig ang pangalan na iyon.
Nang makarating kami sa bahay ay kasama pa namin si Helaire, si Kuya ang nagpatuloy sakanya. Nagbihis na 'ko atsaka nagpaalam kay Nanay at Tatay.
"Paps, Mamshie, may pupuntahan pa po sana kami," paalam ko.
"Saan punta n'yo?" tanong ni Tatay.
"Sa hospital po," sagot ko. Lumingon din si Nanay.
"Hospital? Ano namang gagawin n'yo ro'n? Sinong nahospital?" sunod-sunod na tanong ni Tatay.
"Kaklase po namin, kailangan kasi naming bumalik do'n, wala ang parents n'ya," paliwanag ko. Saglit pa silang nagtanong kung anong nangyari na ikinuwento ko naman. Pagtapos ay pumayag na sila.
"Oh sige, ingat kayo ha," ani Tatay na agad ko namang tinanguan. Tatalikod na sana ako pero meron akong naalala.
Magkapit-bahay...
Naalala ko noong nakausap ko si Ralph, noong panahong naihatid n'ya ako sa bahay kahit hindi ko sinasabi kung saan ako nakatira, pagtapos ay tinanong ko s'ya kung paano n'ya nalaman. Kilala n'ya si Nanay. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagtanong noon kahit medyo malabo ang kwento n'ya at andami pang maaaring itanong. Kay Nanay nalang.
"Ma," tawag ko rito atsaka bumaling sakanya.
"Oh? Napano ka?" sagot n'ya.
"Sama ka sa 'min," aya ko sakanya kaya naman kumunot ang noo n'ya. Maski ang mga kasama namin ay napuno ng pagtataka.
"Sige na, Ma. Kilala mo 'yong kaklase kong 'yon, kapitbahay mo raw dati," pamimilit ko sakanya. Noong una ay ayaw pa n'ya pero kalaunan ay napapayag ko rin s'ya.
Sa kotse kami ni Drystan sumakay, kasama rin si Tatay. Nacurious daw.s'ya kung sino iyon. Nang makarating kami sa hospital ay naabutan namin sina John, Ria, at Cristine. Agad na tumayo ang mga it9 nang makita kami.
"Pasensya na, ngayon lang kami. May nangyari kasi e," pagpapaumanhin ko.
"Ayos lang, Tatiana, nga pala, hinahanap yung parents ni Ralph," halatang balisa s'ya base sa tono ng pananalita. Maski kasi s'ya ay hindi kilala ang magulang ni Ralph.
"Cristine," tawag ko sa aming presidente. "Hindi ba't president ka? Baka pwede mong tignan sa form kung sino ang magulang ni Ralph, oh," pakiusap ko at agad naman itong tumango at nasapo ang noo, na para bang iniisip kung bakit hindi n'ya naisip 'yon habang naghihintay.
Nagpaalam ito sa 'min, pupunta s'ya sa school para magpaalam na icheck ang files.
"Samahan na kita," ayon ang aking Kuya Simeon, inaalok ang aming presidente para samahan s'ya. Bukod kasi sa maggagabi na, paniguradong kailangan din ni Cristine ng kasama.
Sandali pang natulala si Cristine kay Kuya bago ito tumango.
Hobby mo ba talaga ang matulala sa kausap, Cristine?
Hindi ko na isinantinig iyon. Baka hindi maging kaaya-aya ang aking tono. Umalis na si Kuya at Cristine, nang malingunan ko ang aking mga magulang.
And'yan pala kayo?
"Ano ba ang pangalan ng kaklase mong iyan?" tanong ni Nanay.
"Ralph Nacpil po," sagot ko at nagtaka ako sapagkat kitang-kita ko kung paano s'yang natigilan.
"Bakit po?" tanong ko, nagtataka. Hindi ako nito sinagot. Bigla kong naisip, magkakilala nga pala sila. Hindi na dapat ako magtaka kung bakit gano'n ang reaksyon n'ya. Maya-maya ay nagpaalam ang mga ito. Kung saan sila pupunta ay wala akong ideya, kaya pinabayaan ko nalang sila.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang lumipas. Nakasandal lang ang ulo ko sa pader habang nakapikit ang aking mga mata. Nasa labas kami ng room ni Ralph.
"Aren't you hungry?" ayon ang boses ni Drystan. Nagmulat muna ako ng mata bago tumingin sa kanyang direksyon.
"Ikaw? Gutom ka na ba?" balik ko sa tanong n'ya.
"Not really, but if you're hungry, I can buy foods for you," sabi nito kaya naman hindi ko naialis ang tingin ko sakanya. "F-for us..." biglang dugtong nito, parang may dinidipensahan sa nasabi kanina. Itinuro naman n'ya sina John at Ria.
"Hindi na, tanungin mo nalang sila," walang-gana kong sagot atsaka ibinalik ang aking tingin sa unahan at pumikit.
"Tatiana," ayon nanaman ang pagtawag sa pangalan ko.
Famous ata ako today.
Hindi iyon si Drystan, nakasisigurado ako. Huwag mo ng itanong kung bakit, sapagkat wala akong gusto sa kanya. Tsh. Marahan akong nagmulat, ayon sina Cristine at Kuya.
"Oh? May napala ba kayo?" tanong ko. Ngumiwi naman si Cristine, likas na natatarayan sa 'kin dahil sa paraan ng pagkakatanong ko.
"Ayon nga, wala, e." bumuntong-hininga ito pagtapos. Kumunot naman ang noo ko.
"Paanong wala?" kunot-noong tanong ko, nagtataka.
"Mag-isa raw s'yang nag-enroll, walang magulang na kasama. Sinabi n'ya raw ang kanyang edad, at ulila na raw s'ya kung kaya't mag-isa nalang s'ya sa buhay," paliwanag ni Cristine.
Mag-isa, walang kasama. Ulila na raw s'ya, at mag-isa nalang sa buhay. Napakaam-angas, Cristine. Pwedeng-pwede mong gawin ang essay ko sa galing mong magpahaba ng sasabihin.
"If he doesn't have any parents nor guardians, if he's alone, then we can tell the doctor about that?" ani Drystan. Hindi ko naiwasang mapangiwi.
Of course, we'll tell the doctor that. Alangan namang mameke ka ng magulang, Drystan?
Hindi ko maintindihan ang utak ko, sadyang napaka-pilosopo ngayong araw na ito.
Ang mga nakaupo kong kasama, maski ako ay napatayo nang lumapit ang doktor sa 'min.
"Doc," tawag ko rito.
"Doc, yung kaibigan po kasi namin, wala hong pipirmang magulang para sakanya," paliwanag ko. Ang mukha ng doktor ay nabahidan ng pagtataka.
"What do you mean?" naguguluhang sabi nito. Napabuntong-hininga nalang ako.
"Ulila ho kasi 'yang kaibigan namin,"muli ko pang sabi. Ang nagtatakang mukha ng doktor ay lalong nagtaka, ipinagtaka namin iyon.
"I told you earilier that you need to contact his parents, am I right?" tanong nito, para bang naninigurado s'ya. Tumango naman ako bilang sagot.
"I thought you did contact Mr. Nacpil's parents," anang doktor.
Ulila nga ho s'ya, Doc.
"And ulila? hmm, how come?" anito at humawak pa sa kanyang sentido, tila ba nag-iisip ng isang imposibleng bagay.
"But his mother came here, she signed the permission to operate Mr. Nacpil. I came here to tell you that." natigilan ako sa sinabi ng doktor.
Pumunta rito ang Nanay n'ya!? Bakit 'di ko man lang nakita? Ibig sabihin, nalaman na nila? Paano?
TO BE CONTINUED...
_________________________________________
You being here is highly appreciated! Thank you for the support!
Votes and comments are highly appreciated!
Thank you!
-LadyEscritoraI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (13)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Next pls!!!
29/01
0GANDAA😭
22/06/2024
0nakakarelate🥹
23/04/2024
0Tingnan Lahat