Chapter 10:

Tatiana's POV.
   Lintik naman talaga ang kaba ko kaya dali-dali akong lumapit sa lalaking iyon na nagsabing may duguan kaming kaklase sa labas.
"N-nasaan s'ya?" kinakabahan at natatakot na tanong ko pa habang nakahawak sa magkabila n'yang braso.
"Doon po, sunod po kayo sa 'kin" sabi n'ya kaya naman ginawa ko ang sinabi n'ya. Alam kong naweirduhan ang mga kaklase ko sa reaction ko dahil hindi naman nila alam na medyo close na kami ni Ralph.
Wow, Tatiana. Nakikiclose kana.
Nang marating namin ang parking lot ay hindi ako nagkakamali! Si Ralph nga!
Totoong duguan ito na nakahandusay sa sahig. Agad ko itong nilapitan at tinignan kung anong tama n'ya.
"R-ralph" nanginginig ang boses na tawag ko rito, nakita kong may sugat s'ya sa may noo. Naramdaman kong may lumapit sa 'min.
"Hey Bro" tawag ni Drystan kay Ralph. Tinignan n'ya kung saan nagmumula ang dugo sakanya at nakita naming nanggagaling ito sa noo n'ya. Mukhang hinampas s'ya nang malakas do'n.
"Stay here, i'll get my car" sabi ni Drystan kaya tumango naman ako. Napatingin ako sa paligid at andaming nakikichismis pero wala man lang nag abalang tumulong!
"Nasan ang guard!?" inis na tanong ko sa mga tao ro'n pero walang sumagot. Gusto ko mang puntahan ang guard pero hindi ko pwedeng iwan si Drystan dito. Maya-maya ay dumating na si Drystan na nakasakay sa kotse n'ya. Bumaba siya at binuhat si Ralph para isakay sa kotse n'ya. Nang maisakay na n'ya si Ralph ay inalalayan n'ya akong sumakay.
Mabilis n'yang pinaandar ang kotse papunta sa Dr. High Hospital, ang hospital ng school namin. Hindi naman ito gaanong malayo kaya mabilis kaming nakarating. Nang makarating kami ro'n ay agad na bumaba si Drystan at pumasok sa loob ng hospital. Dumating ang mga nurse na may dalang stretcher at isinakay ro'n si Ralph. Nang maipasok siya sa hospital ay sumunod ako. Lintek parin ang kaba sa dibdib ko.
"What happened?" tanong ng isang doktor at tinignan si Ralph.
"H-hinampas po ata siya sa ulo" nanginginig sa kaba na sagot ko at umiling-iling naman ito.
Pinag-antay muna kami sa labas. Hindi ako mapakali at palakad-lakad ako.
"Hey, sit down" sabi ni Drystan pero hindi ko siya pinansin.
"Ano kayang nangyari?" bulong ko habang kagat-kagat ang tatlo kong daliri.
"Calm down, okay? He will be fine" pang-aalo sa 'kin ni Drystan kaya bumuntong-hininga ako bago umupo. Naramdaman ko naman na tumabi s'ya sa 'kin. Naramdaman ko pa ang bahagya n'yang pag-akbay atsaka tinapik-tapik ang balikat ko, hinayaan ko lang s'ya hindi na muling pinansin. Nasa gano'ng posisyon kami ng may patakbong lumapit sa 'min.
"W-what happened? Asan si Ralph?" hinihingal na tanong ni Cristine. Kasama n'ya sina Lica, Ria at John.
"Kamusta na si Ralph?" tanong ni John. Hindi ako makasagot sa kadahilanang nag-iisip ako kung ano ba talagang nangyari sakanya.
"We still don't know. He was hit in the forehead" si Drystan ang sumagot sa mga tanong nila sa 'kin. Lumapit naman si Ria sa 'kin at hinawakan ako sa kamay. Napatingin ako sakanya at tumango ito sa 'kin, binibigyan ako ng lakas ng loob. Napangiti naman ako sakanya atsaka sumulyap sa kaibigan kong si Lica, nagpilit ito ng ngiti sa 'kin.  Hindi ko na s'ya pinansin.
Maya-maya ay lumabas ang doktor kaya napatayo ako at sinalubong ito.
"Doc, ano pong nangyari? Ayos na po ba s'ya?" mangiyak-ngiyak na tanong ko. Nilapitan naman ako ni Drystan at pilit na pinakalma.
"Matindi ang tama ng kaibigan n'yong 'yon. Kailangan n'yang maoperahan sa lalong madaling panahon" natigilan ako sa sinabi ng doktor. "Contact his parents as soon as possible. Maaaring pagtapos ng operation n'ya ay magkaroon s'ya ng amnesia" nagbaba ako ng tingin, kusang tumulo ang luha ko sa hindi malamang dahilan. Kahit naman siraulo si Ralph ay halata namang mabait s'ya. Nakakainis! Bakit ba nangyayari 'to?
"Excuse me, I have more patients to attend" binigyan namin ito ng daan at doon ako pabagsak na umupo sa upuan.
"Do you know Ralph's parents?" tanong ni Drystan kaya umiling ako.
"Hindi ko kilala ang parents n'ya, pa'no na 'yan?" umiiyak na tanong ko, nawawalan ng pag-asa.
"Masyado ka kasing nagmamagaling, wala ka naman palang masyadong nalalaman. Huwag ka kasing masyadong pabida para hindi ka nahihirapan" sarkastikong sabi ni Lica na ikinagulat ko.
"What?" naiinis, nagugulat, nagagalit at bukod sa lahat ay naiinsulto kong tanong.
"Bakit? Hindi ba?" nakangiting sabi n'ya pero naroon parin ang pagiging sarkastika n'ya na ikinapikon ko.
"What's wrong with you?" natatawa kong tanong, pilit na itinatago ang pagkadismaya at pagkainsulto. Nagkatitigan kami, nilabanan ko ang titig n'ya.
"Atleast, may nagawa ang pagmamagaling ko, hindi katulad mo, wala na ngang nagawa marami pang dada" hindi ko na naitago ang pagkapikon ko sa kaibigan, kung kaibigan pa nga bang matatawag. Natahimik s'ya atsaka nag-iwas ng tingin.
"Enough" pagpapatigil ni Cristine kaya wala ng sumagot pa sa 'ming dalawa.
"I-i'm S-s-sorry" nanginginig ang tinig n'ya ng sabihin n'ya 'yon atsaka tumalikod at umalis. Sinundan ko ng tingin ang pag-alis n'ya.
"Did you two fought?" nag-aalalang tanong ni Ria.
"Ayos naman kami. Nagulat lang ako sa sinabi at inasal n'ya, hindi ko alam bakit s'ya nagkaganon" walang emosyong sabi ko. 
"Maybe this has something to do with me... baka dahil tinulungan mo 'ko kahit alam mong mahal parin n'ya si John" sabi n'ya atsaka nakokonsensyang tumungo.
"Yon naman kasi ang dapat" nakangiting sabi ko dahil yon naman talaga.
Sandali kaming nanahimik kaya nagkaroon ako ng oras upang mag-isip.
Sino kaya ang parents ni Ralph? Paano ko sila kokontakin kung hindi ko naman sila kilala. Napatingin ako sa room ni Ralph.
Ano ba kasing gulo ang pinasok mo?
"Drys" tawag ko kay Drystan na agad namang lumingon sa 'kin.
"Uwi muna 'ko" parang batang sabi ko at inalalayan naman ako nitong tumayo.
"I'll just send her home, can you guys wait here?" baling nito sa mga kasama namin na agad namang tumango.
"Ingat kayo" Ria
"Be safe" Cristine
"We'll wait you here" John
Napangiti naman ako dahil sa sagot nila. I didn't expect this. Muli kaming nagpaalam sakanila atsaka na lumabas. Agad kaming nagbyahe hanggang sa makauwi.
"Tara" aya ko kay Drys na agad namang sumunod. Pagpasok ko palang ng bahay ay nakatingin na silang lahat sa 'kin.
"May pupuntahan ako" agad na sabi ko atsaka bumaling kay Drystan na nakatayo parin sa labas ng gate.
"Hoy! Dyan kanalang ba? Pasok!" pumasok naman ito atsaka sumunod sakin.
"Good Evening po" bati nito atsaka pa nag-bow.
"Oh, good evening, upo ka" aya ni tatay at nag-bow pa muna itong muli atsaka umupo.
"Sandali lang ha" paalam ko rito atsaka naman s'ya nakangiting tumango.
Dumiretso ako sa kwarto ko at naalala ko ang nangyari kaninang umaga at doon ko napansin na... wala si Kuya Simeon sa sala! Bigla kong naalala yung nangyari kay Ralph kaya agad akong tumakbo pababa.
"Nasan si Simeon!?" pasigaw na tanong ko sakanila at nagulat pa sila sa 'kin.
"Ang sabi n'ya sa 'kin....susunduain ka n'ya" pahina nang pahina ang boses ni Nanay atsaka  natigilan.
"Si Kuya!" pasigaw na sabi ko atsaka nilapitan si Drystan at hinila ito.
"Punta tayo sa school" natatarantang sabi ko at agad na sumakay sa passenger seat. Mabilis namang sumakay si Drystan sa kotseat mabilis na nagmaneho papunta sa school.
Nang makarating kami sa school ay taranta parin akong nagtatakbo sa lahat ng maaaring puntahan sa school pero wala akong nakitang Kuya Simeon. Nagkita kami ni Drystan sa labas ng gate, napaupo ako sa sahig ng umiling ito, hindi nakita si Kuya.
Pabalik na kami sa kotse ng may tumawag kay Drystan.
"What?" walang emosyong tanong n'ya pagkasagot n'ya sa tumawag.
Wala man lang hello?
"What!? Where are you!?" biglang gulat at taranta n'yang tanong sa kausap.
"Wait me there!" nagmamadaling sabi n'ya kaya maski ako ay nataranta. Halos sabay kaming pumasok sa kotse at pagkabukas na pagkabukas palang ng makina ay mabilis n'yang pinaandar ang kotse.
Gusto ko sanang tanungin kung saan kami pupunta pero hindi ko na s'ya natanong dahil kunot na kunot ang noo n'ya, halos magsalubong ang dalawang kilay n'yang makakapal.
Nakarating kami sa isang malaking building. Mabilis s'yang bumaba, akala ko'y dederetso s'ya ro'n sa building pero talagang inalalayan pa ako nito at inantay. May inilabas na card si Drystan at tinapat sa parang tablet na nasa harapan ng building, nagcolor green ito at bumukad ang building. Nang makapasok kami sa building ay nagulat ako sa nakita.
Puros naka color black na suit ang mga naro'n. Ang iba ay hawak ang mga baril nila. Napatigil ako nang lingunin ako ng mga ito at nakakatakot ang seryoso nilang mga tingin.
Agad na lumapit si Drystan sa isang babae at agad na niyakap ito at nakipag-usap sakanya.
"Quién es usted?" (Who are you?) halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa gilid ko! Nang lingunin ko ito ay matangkad s'ya na maskolado! Nanlaki ang mata ko at hindi makagalaw sa takot ng makitang nakatutok ang baril n'ya sa 'kin! Hindi ako makahinga nang maayos!
"Estoy preguntando, quién eres?" (I'm asking, who are you?) nakakatakot ang tono n'ya, hindi ako lalo mapakali dahil hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi n'ya! Nakita kong ikinasa n'ya ang baril at nang muli n'yang itututok sa 'kin 'yon ay may humawak sa kamay ko!
"Ella esta conmigo" (She's with me) seryosong sabi ni Drystan doon sa lalaki na agad na napayuko sa harapan namin. Mas nagulat pa ako ng lumuhod ito sa harapan ko! Ang kaliwang tuhod lang ang nakaluhod habang nakayuko s'ya, ang kanang kamay ay nasa may puso n'ya at ang baril n'ya ay nakalapag lang sa sahig.
"Lo siento" sabi nito sa 'kin, nakayuko parin. Tumingin ako kay Drystan dahil hindi ko naintindihan ang sinabi ng lalaki.
"She can't understand" wala paring emosyon na sabi ni Drystan sa lalaki.
"I'm sorry, Lady, please forgive me" halos mapanganga ako sa narinig! Muli akong tumingin kay Drystan, nagtatanong ang aking tingin.
"He won't get up hanggat hindi mo tinatanggap ang sorry n'ya" bulong nito sa 'kin kaya naman napatango-tango ako.
"I-it's okay... J-just don't do it again okay?" hindi pa ako sigurado sa sinabi ko, dahilan upang lalo akong kabahan. Ang dating kasi ng sinabi ko ay parang inuutusan ko s'ya!
Kataka-takang tumango lang ito ngunit gano'n parin ang posisyon.
"Say that he's forgiven" nakatingin ako sa lalaking nakaluhod ng maramdaman ko na sobrang dikit ng mukha ni Drystan sa mukha ko. Binulong n'ya 'yon, at dahil curious ako kung malapit ngang talaga s'ya ay humarap ako sa gawi n'ya pero hindi ko expect ang susunod na nangyari! Sobrang lapit n'ya nga! At dahil doon...
Nagkahalikan kami! Omg! Tatiana alis!
Nagdikit ang labi namin! Hindi ako makagalaw kaya parang nasa loob ng 10 segundo bago s'ya umatras dahil halatang nagulat din s'ya!
Aligaga akong humarap sa lalaking nakaluhod
"Y-y-you're F-forgiven... g-get up" napiyok pa 'ko sa pagsabi ko ng 'get up'. Letse!
May tindig itong tumayo at pinulot ang baril. Nag-bow pa ito bago umalis sa harapan ko. Napatingin ako sa paligid kung may nakakita ba sa 'min, pero parang hindi naman nila pansin at dahil do'n ay nakahinga ako nang maluwag. 
Si Drystan ay naka-upo na katabi iyong babae. Napatingin ako sakanya at nag-iwas ito ng tingin. Naglakad ako papalapit sakanila kaya napatingin sa 'kin iyong babae.
"Who are you?" takang tanong nito at bumaling kay Drystan.
"Ehem... she's my classmate. I'm with her when you called me kaya nasama ko siya rito" si Drystan ang sumagot at tumango-tango naman ang babae.
"I'm Helaire Frasco, Drystan's younger sister and you are?" nakangiting sabi nito atsaka gustong makipag-shake hands sa 'kin!
"A-hhh hahaha... Ako si Tatiana Ramos, classmate ni Kuya mo?" nakangiting sagot ko atsaka nakipag-shake hands sakanya.
"Ramos? Wait... do you know Simeon Ramos?" tanong nito kaya natigilan ako. Biglang pumasok sa utak ko si Kuya!
Pakshet! Si Kuya nga pala!
TO BE CONTINUED...
_________________________________________
   You being here is highly appreciated! Thank you for the support!
Votes and comments are highly appreciated!
Thank you!
-LadyEscritora

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    FerougeFelix Dylan

    Next pls!!!

    29/01

      0
  • avatar
    Thamia Lucinario Iroy

    GANDAA😭

    22/06/2024

      0
  • avatar
    Ronelie Balmori

    nakakarelate🥹

    23/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata