Chapter 9:

Tatiana's POV.
  Dumating na ang teacher at nagsimula na ang klase. Nagfocus muna 'ko ro'n dahil ayokong bumagsak. Bawat turo ng guro ay pinakinggan ko at inintindi. Nagnonotes din ako.
Habang nagnonotes ay 'di ko maiwasang mapatingin kay Drystan na seryoso ring nakikinig. Hindi ko alam pero bigla akong napangisi nong mapatingin ako sakanya. Nang lumampas ang tingin ko sakanya ay kay Ralph tumama ang paningin ko. Tinaasan ko s'ya ng kilay, nagtatanong kung bakit s'ya nakatingin pero tanging pag-irap ang ibinigay n'yang sagot.
Wow ha.
Hindi ko na s'ya muling pinansin pa at nagfocus ako sa klase. Nang mag 30-minutes break ay hindi na 'ko bumaba. Si Lica ay gano'n din.
"Bakit ayaw mong bumili? Hindi ka ba nagugutom?" tanong ko sakanya atsaka s'ya sinulyapan. Nagpilit naman ito ng ngiti sa 'kin.
"Hindi ako nagugutom." tila ba ito ang pagtatapos n'ya ng usapan. Napabuntong-hininga nalang ako at hindi na s'ya muling kinausap. Si Drystan ay bumaba para bumili, kaya naman kapag tumitingin ako sa kabilang side ay si Ralph ang nakikita ko.
"Ang sungit mo naman saken" nakasimangot na sabi nito, ako ang kausap. Hindi ako natutuwa sa karupukan ko, iyon lang ang sinabi n'ya ay natawa na 'ko, idagdag mo pa ang cute n'yang pagsimangot. Tss.
"Paanong masungit?"
"Ayan. Ganyan. Ang sungit mo"
"Anong ganyan?"
"Ewan ko sa 'yo, Tatiana"
"Ewan ko rin sa 'yo"
"Oh tamo ganyan ka!"
"Ano nanaman ba!? Anong ganyan ba!?"
"Ayan! Ganyan ugali mo!"
"Puro ka ganyan! bwisit ka!"
"Ganyan ugali mo!" aniya atsaka pinitik ang noo ko kaya napahawak ako kaagad don!
"Aray! Inaano ka ba!?" naiinis at maiyak-iyak na sabi ko. Bwisit to! Namitik pa!
(Kaunting kaalaman lang: Si Joel Ramos ay step-father ni Tatiana pero si Bethany Ramos ay tunay na nanay ni Tatiana. Anak ni Joel si Sanya, Jessa at Simeon sa una n'yang asawa na namatay noong ipinanganak si Simeon. Bethany is his wife's friend. Bago manganak ang asawa ni Joel ay inihabilin na n'ya ang pamilya kay Bethany, sinabi n'yang ayos lang na magsilbi itong Ina sa mga anak at asawa sa kanyang asawa. Bethany had no choice but to fulfill one of her friend's request. Iyong una lang. She became the mother of her daughters and son. Iyon lang ang gusto ni Bethany noong panahong 'yon dahil may iba pa s'yang minamahal, ang tatay ni Tatiana. But, noong buntis si Bethany kay Tatiana, umalis ang tatay ni Tatiana and worst, sinama pa n'ya ang una nilang anak. Inako ni Joel ang dala ni Bethany at naging mag-asawa sila. Hindi kalaunan, naging tunay ang nararamdaman nila para sa isa't isa. They think that they both deserve to be loved and happy. They found that happiness when they became one family.)
"Tss. Nagbago kana ah? Pumangit kana, pumangit pa ugali mo" sabi ni Ralph pero hindi naman ako nainsulto dahil hindi naman gano'n ang pagkakasabi n'ya. Hindi ako sumagot at napatitig lang sakanya.
Nagbago?
Kung naisip o nasabi n'yang nagbago ako, ibig sabihin ay kilala n'ya ako dati?
"Oh? Bakit ka ganyan makatingin?" nagtatakang tanong n'ya dahilan upang matauhan ako.
"Wala naman" sagot ko atsaka inalis ang paningin sakanya. Nakakapagtaka ang lalaking 'to.
"Oh" napa-angat ako ng tingin sa harapan ko dahil sa boses na narinig ko. May sandwich at juice na hawak si Drystan.
"Take this and eat." sabi n'ya at isinenyas ang hawak. Kinuha ko naman iyon at ngumiti.
"Salamat" sabi ko at nagkibit-balikat naman ito. Kapansin-pansin ang pagtingin sa 'min ng iba naming kaklase. Kinain ko na ang binigay n'ya.
Natpos ang 30 minutes break at iyon nanaman ang klase. 2 subject bago ang break. Nang matapos ang dalawang subject ay lunch break na. Agad na tumayo si Lica, nakakapagtaka na hindi ako inantay. Hinayaan ko nalang s'ya dahil kung gusto naman n'ya 'kong kasabay ay magsasabay kami.
Ramdam ko ang panlalamig sa 'kin ng kaibigan ko pero hinayaan ko lang dahil alam kong magkukusa rin s'yang kausapin ako. Hindi na rin ako bumaba dahil pakiramdam ko nawalan ako ng gana kumain. Si Drystan at Ralph ay bumaba rin. Isinalpak ko nalang ang earphone at nagmusic. Pumikit ako at isinandal ang ulo ko sa pader. Maya-maya ay naramdaman kong may tao sa harapan ko kaya nagmulat ako.
"I was about to approach you, naramdaman mo kaagad ang presensya ko" nakangiting sabi ng tao sa harapan ko ngayon.
Our President Cristine.
Tinanggal ko naman ang earphone ko atsaka walang emosyon na tumingin sakanya.
"What do you want?" bagot na tanong ko. Nakangiti parin ito sa 'kin.
"Kahit kailan, ang sungit mo talaga. Buti pa kay Ria mabait kana?" napangiwi naman ako sa sinabi nito pero hindi ko siya sinagot.
"Anyways, sasabihin ko na ang gusto kong sabihin. You're the only person na pagsasabihan ko nito" sabi n'ya, para bang dapat ko pang ipagpasalamat na ako ang unang makakaalam at ako lang ang pagsasabihan n'ya.
"What is it?" tanong ko naman na para bang interesadong-interesado ako sa sasabihin n'ya.
"I'm planning to leave" sabi nito atsaka umupo sa pwesto ni Drystan. Napatingin naman ako sakanya.
"Leave? Lilipat ka ng school?" nagtatakang tanong ko at tumango naman ito. "Bakit?" tanong ko pa.
"Let's just say, it's my fate" nakangising sabi nito kaya naman ngumiwi ako, pilit na hindi pinapakita ang pagkainis.
"Actually hindi naman kasi yon yung point ko talaga hehehe" sabi nito habang humawak pa sa kamay ko.
Feeling close naman nito, letse.
"Eh diba ako president?" panimula n'ya kaya naman tumango ako. "Kung aalis ako, mapapalitan ang president" sabi n'ya kaya napa- ahh reaction ako atsaka pa tumango-tango.
Malamang mapapalitan. Alangan namang ikaw parin president namin kahit nasa ibang school kana.
Wala akong sinabi. Ipinakita ko lang sakanya na balak kong makinig.
"Alam mo na ba kung sinong papalit sa 'kin?" sabi nito kaya napaisip naman ako. Napatingin pa 'ko sa mga kaklase ko. 
Maricar... yung top 1 namin. Pwede namang siya.
Si Annelyn... yung top 2 namin. Masipag naman s'ya at pwedeng maging presidente.
Top 3 namin ay si Lica pero alam kong wala siyang interes sa pagiging presidente sa loob ng klase.
Si Dianne naman ay ang top 4 namin, maeffort s'ya pero ayaw na n'yang mga ganyang tungkulin.
Sila lang ang naisip kong pumalit dahil ako ang top 5. Mas lalong hindi ako pwede dahil baka lalo lang umingay sa classroom. Baka pati pagbabawal sa mga kaklase ko na 'wag magingay ay katamaran ko pa. Bukod don, baka ako pa ang maging simula ng away dahil likas ang pagiging masungit ko at pagiging attitude sa mga kaklase ko, konting ano lang ay napipikon at nabibwisit ako.
"Ikaw sana ang ipapalit ko, kaso baka maka-away mo lahat ng kaklase natin e sa sungit mo ba naman na 'yan? Nakakapagtaka nga na nakakadikit sa 'yo yung Drystan na 'yon e. Kung dati lang ay nakatingin palang 'yan, dinadali mo na" nagbibiro at nanunukso ang tono n'ya kaya naman napa-yuck reaction ako. "Well, I can't blame you! He's hot and handsome as fuck!" tatawa-tawang sabi n'ya kaya natawa ako.
"Hmm, baka si Maricar, Annelyn or Dianne" sagot ko sakanya atsaka nag-isip pa kung sinong pwede. Tumawa naman s'ya sa sinabi ko kaya napasimangot ako.
"Wala man lang tumama" nakangiwi ngunit mapang-asar na aniya.
"Sino ba?"
"Someone you don't expect na magiging President"
"Hmmm...." napa-isip naman ako.
"Si Mr. Frasco" napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi n'ya. Huh?
"S-si Drystan?" nagtatakang tanong ko pa. Huh? Bakit s'ya!?
At bakit naman hindi s'ya? Tatiana?
Napailing-iling naman ako. Bukod sa transferee s'ya ay hindi ko s'ya kakikitaan ng potential para maging isang presidente sa loob ng klase.
Apaka-judgerist uy
"Mr. Frasco really suits this position" aniya at napa-owss reaction naman ako kaya tumatawa pa s'yang tumango-tango.
"He was a president before dito..." napatingin ako sakanya, seryoso na ang mukha n'ya.
He was a president here before? How the hell...?
"What? He was once a president here? How? He's a transferee, Cristine. Do you think I'll believe your absurd story?" tatawa-tawang sabi ko pa at pilit hindi pinapakita ang pagkainis. I mean, there's a part of me na hindi naniniwala but I'll admit that there's a part of me na naniniwala sa sinabi n'ya. It's like... naniniwala ako pero hindi ko kayang paniwalaan o sadyang ayaw ko itong paniwalaan.
"Yep. That's true, Tatiana. Hmm, naging president s'ya rito before pero lumipat din ng school. Wala kapa non" sabi n'ya pero nanatili akong tahimik at sinenyasan s'yang magpatuloy sa pagkukwento.
Mainit-init na tea 'to, beh.
"That was 2 years ago. Naging president s'ya sa klase namin. He was a good president, then our vice president is Pamela..." ayon nanaman ang pangalang Pamela. Simula noong nabanggit sa 'kin ang pangalan na 'yon ay parang napaka-misteryosa n'ya. The fact that she's already dead gives me chills.
"They're a good leader. Nagkakasundo sila palagi at sobra naman talaga ang pagiging malapit nila kaya hindi na kami nagulat no'ng malaman naming sila na. They're so sweet, as in lahat ay kinaiinggitan ang relasyon nila. Ayun nga lang, ayaw ng magulang ni Drystan kay Pamela! Tsh! Drystan is a standard naman talaga! Pero nagbago ang lahat dahil..." bigla s'yang nailang sa sasabihin. "namatay nga si Pamela" sabi n'ya at napabuntong-hininga.
"Bakit naman daw namatay yung Pamela?" tanong ko kaya naman nagpatuloy s'ya sa pagkukwento.
Kanina ay pag-alis n'ya ang topic, tapos naging sino ang susunod na magiging presidente sa klase, ngayon naman ay napunta kay Pamela.
Hindi naman halatang may pagkamarites ako diba?
"Based on what I've heard, Drystan and Pamela were fighting before Pamela died. Some said Drystan  killed her but I don't believe that! There's no enough proof naman diba? Wala silang evidence. Someone is innocent until proven  guilty!" sabi n'ya at umagree naman ako. There's no proof that Drystan did it. Pero bakit sila nag-away?
"Pero may suspect ako kung sino ang dahilan ng pagkamatay n'ya" biglang bulong n'ya kaya bahagya akong nagulat.
"Sino?" bulong ko rin kaya nilapit n'ya ang bibig n'ya sa tenga ko.
"Dalawa sila. Yung mommy n'ya dahil hindi nga s'ya boto kay Pamela atsaka si... Miguel" napatingin ako sakanya nong sabihin n'ya 'yon.
Miguel? Who the hell Miguel is?
"Sino naman 'yong Miguel?" nagtatakang tanong ko. Dumarami ang mga taong involve, nakakaloka!
"Kaibigan ni Drystan. Solid ang friendship nila noon, parehas silang nagustuhan si Pamela. Well, Pamela is kind, beautiful, intelligent, and strong woman! Hindi naman nasira 'yong friendship nila no'ng naging si Pamela at Drystan, Miguel accepted it! Pero malay natin diba? Miguel has hidden agendas. Nagkasira sila no'ng mamatay si Pamela" sabi n'ya. Grabe, haba ng hair ni Pamela.
"Nagkikita naman ba si Pamela at Miguel?" tanong ko kaya pumitik s'ya sa ere.
"Tumpak! Dahil nga mayaman ang Papa Drystan mo, busy ito sa pagmamanage ng business nila! Madalas pumunta si Pamela sa building nila non na may dalang pagkain para kay Drystan! Pero etong Nanay ni Drystan na akala mo sinong mataas, naghabilin sa guard na huwag papasukin si Pamela, pero mabait naman yung guard, kinukuha n'ya yung pagkain na dala ni Pam para ibigay mismo kay Drystan" hindi ko maiwasang mangiti dahil sa ginawa ng guard. Minsan ding naging guard si Tatay kaya naman naalala ko s'ya. Napakabait naman ng guard na 'yon.
"Pero isang araw, hindi na pumasok si Drystan" kwento nitong muli kaya nakinig ako. "Nagtaka kami no'ng una dahil madalas walang kibo si Pam kaya hindi na rin namin s'ya tinanong. Doon namin nalaman na parang nagkakalabuan na pala sila ni Drystan, and worst, habang nagkakalabuan sila ay si Miguel ang madalas kasama ni Pam" napa-ohh reaction naman ako habang tumango-tango pa. Napahaba ata ang kwentuhan namin dahil biglang nag-ring ang bell. Ang bilis naman.
Nabitin ka sa chismis, ghorl?
Nakita kong pumasok na si Drystan pero si Ralph ay wala parin. Hanggang sa matapos ang last 2 subjects ay hindi ko s'ya namataan. Hindi ko alam pero parang ang weird sa 'kin ng ganon.
"Hey, Tiana" napatingin ako kay Drystan ng tawagin ako nito.
"Oh?" sagot ko atsaka muling tumingin sa mga gamit ako at inayos ang mga ito.
"Did you already forget? I'll bring you to Lagardia Island, right?" nakangiting sabi nito kaya napapitik ako sa ere.
"Ay oo nga pala... okay. Wait mo 'ko" sabi ko atsaka tuluyang sinara ang bag ko.
"Tara---" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, may lalaking sumigaw mula sa pinto ng room namin. Ibang section.
"Guys! Yung classmate n'yo! Duguan do'n!!" sigaw n'ya at tumuro pa sa isang direksyon. Sa 'di malamang dahilan ay biglang pumintig nang malakas ang puso ko at talaga namang napakasakit niyon. Mas lalong dumagdag ang kirot ng maisip kong posibleng si Ralph ang tinutukoy nito...
What's wrong with me?
Bigla kong naalala yung sniper noong gabing 'yon kaya napahawak ako sa puso ko.
"H-hey? What happened? Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Drystan pero hindi ko s'ya nagawang sagutin.
Anong gulo ba ang pinasok mo, Ralph Nacpil?
TO BE CONTINUED...
_________________________________________
You being here is highly appreciated! Thank you for the support!
Votes and comments are highly appreciated!
Thank you!
-LadyEscritora

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    FerougeFelix Dylan

    Next pls!!!

    29/01

      0
  • avatar
    Thamia Lucinario Iroy

    GANDAA😭

    22/06/2024

      0
  • avatar
    Ronelie Balmori

    nakakarelate🥹

    23/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata